Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - "Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. * - Tərcumənin mündəricatı


Mənaların tərcüməsi Surə: əl-Qariə   Ayə:

Al-Qāri‘ah

Surənin məqsədlərindən:
قرع القلوب لاستحضار هول القيامة وأحوال الناس في موازينها.
Ang pagdagok sa mga puso ay para sa pagpapagunita sa hilakbot ng [Araw ng] Pagbangon at mga lagay ng mga tao sa mga timbangan [ng gawa] doon.

ٱلۡقَارِعَةُ
Ang oras na kakalampag sa mga puso ng mga tao dahil sa kasukdulan ng hilakbot dito.
Ərəbcə təfsirlər:
مَا ٱلۡقَارِعَةُ
Ano ang oras na ito na kakalampag sa mga puso ng tao dahil sa kasukdulan ng hilakbot dito?
Ərəbcə təfsirlər:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡقَارِعَةُ
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang oras na ito na kakalampag sa mga puso ng mga tao dahil sa kasukdulan ng hilakbot dito? Tunay na ito ay ang Araw ng Pagbangon.
Ərəbcə təfsirlər:
يَوۡمَ يَكُونُ ٱلنَّاسُ كَٱلۡفَرَاشِ ٱلۡمَبۡثُوثِ
Sa Araw na kakalampagin ang mga puso ng mga tao, sila ay magiging para bang mga gamugamong kumakalat na naglilipana dito at doon,
Ərəbcə təfsirlər:
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ ٱلۡمَنفُوشِ
at ang mga bundok ay magiging para bang mga lanang hinimaymay sa kagaanan ng pag-usad ng mga ito at paggalaw ng mga ito.
Ərəbcə təfsirlər:
فَأَمَّا مَن ثَقُلَتۡ مَوَٰزِينُهُۥ
Kaya tungkol naman sa sinumang tumimbang ang mga gawa niyang maayos higit sa mga gawa niyang masagwa,
Ərəbcə təfsirlər:
فَهُوَ فِي عِيشَةٖ رَّاضِيَةٖ
siya ay nasa isang pamumuhay na kinalulugdan, na matatamo niya ito sa Paraiso.
Ərəbcə təfsirlər:
وَأَمَّا مَنۡ خَفَّتۡ مَوَٰزِينُهُۥ
Tungkol naman sa sinumang tumimbang ang mga gawa niyang masagwa higit sa mga gawa niyang maayos,
Ərəbcə təfsirlər:
فَأُمُّهُۥ هَاوِيَةٞ
ang tirahan niya at pagtitigilan niya sa Araw ng Pagbangon ay Impiyerno.
Ərəbcə təfsirlər:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا هِيَهۡ
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano iyon?
Ərəbcə təfsirlər:
نَارٌ حَامِيَةُۢ
Iyon ay isang Apoy na matindi ang init.
Ərəbcə təfsirlər:
Bu səhifədə olan ayələrdən faydalar:
• خطر التفاخر والتباهي بالأموال والأولاد.
Ang panganib ng pagyayabangan at paghahambugan sa mga yaman at mga anak.

• القبر مكان زيارة سرعان ما ينتقل منه الناس إلى الدار الآخرة.
Ang libingan ay lugar ng isang pagdalaw na pagkabilis-bilis na lumilipat mula roon ang mga tao patungo sa tahanang pangkabilang-buhay.

• يوم القيامة يُسْأل الناس عن النعيم الذي أنعم به الله عليهم في الدنيا.
Sa Araw ng Pagbangon, tatanungin ang mga tao tungkol sa kaginhawahan na ibiniyaya ni Allāh sa kanila sa Mundo.

• الإنسان مجبول على حب المال.
Ang tao ay likas sa pag-ibig sa yaman.

 
Mənaların tərcüməsi Surə: əl-Qariə
Surələrin mündəricatı Səhifənin rəqəmi
 
Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - "Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. - Tərcumənin mündəricatı

"Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. "Quran araşdırmaları" mərkəzi tərəfindən yayımlanıb.

Bağlamaq