Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - "Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. * - Tərcumənin mündəricatı


Mənaların tərcüməsi Ayə: (26) Surə: əl-Əhqaf
وَلَقَدۡ مَكَّنَّٰهُمۡ فِيمَآ إِن مَّكَّنَّٰكُمۡ فِيهِ وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ سَمۡعٗا وَأَبۡصَٰرٗا وَأَفۡـِٔدَةٗ فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُمۡ سَمۡعُهُمۡ وَلَآ أَبۡصَٰرُهُمۡ وَلَآ أَفۡـِٔدَتُهُم مِّن شَيۡءٍ إِذۡ كَانُواْ يَجۡحَدُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Talaga ngang nagbigay Kami sa mga kalipi ni Hūd ng mga kadahilanan ng kakayahan na hindi Kami nagbigay sa inyo niyon. Gumawa Kami para sa kanila ng mga pandinig na ipinandidinig nila, mga paningin na ipinantitingin nila, at mga puso na ipinang-uunawa nila ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang mga pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga isip nila ng anuman sapagkat ang mga ito ay hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh noong dumating ito sa kanila yayamang sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh. Bumaba sa kanila ang dati nilang kinukutya na pagdurusang ipinangamba sa kanila ng propeta nilang si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Ərəbcə təfsirlər:
Bu səhifədə olan ayələrdən faydalar:
• لا علم للرسل بالغيب إلا ما أطلعهم ربهم عليه منه.
Walang kaalaman para sa mga sugo hinggil sa Lingid (Ghayb) maliban sa ipinabatid sa kanila ng Panginoon nila mula sa Kanya.

• اغترار قوم هود حين ظنوا العذاب النازل بهم مطرًا، فلم يتوبوا قبل مباغتته لهم.
Ang pagkalinlang ng mga kalipi ni Hūd nang nagpalagay sila na ang pagdurusang bababa sa kanila ay ulan kaya hindi sila nakapagbalik-loob bago ng pagbigla nito sa kanila.

• قوة قوم عاد فوق قوة قريش، ومع ذلك أهلكهم الله.
Ang lakas ng mga kalipi ni `Ād ay higit sa lakas ng Quraysh at sa kabila niyon ay ipinahamak sila ni Allāh.

• العاقل من يتعظ بغيره، والجاهل من يتعظ بنفسه.
Ang nakapag-uunawa ay ang napangangaralan ng iba sa kanya at ang mangmang ay ang napangangaralan ng sarili niya.

 
Mənaların tərcüməsi Ayə: (26) Surə: əl-Əhqaf
Surələrin mündəricatı Səhifənin rəqəmi
 
Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - "Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. - Tərcumənin mündəricatı

"Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. "Quran araşdırmaları" mərkəzi tərəfindən yayımlanıb.

Bağlamaq