Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana * - Sadržaj prijevodā


Prijevod značenja Ajet: (62) Sura: Sura Jusuf
وَقَالَ لِفِتۡيَٰنِهِ ٱجۡعَلُواْ بِضَٰعَتَهُمۡ فِي رِحَالِهِمۡ لَعَلَّهُمۡ يَعۡرِفُونَهَآ إِذَا ٱنقَلَبُوٓاْ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمۡ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Nagsabi si Jose sa mga manggagawa niya: "Isauli ninyo ang paninda [na ipinambayad] ng mga ito sa kanila upang malaman nila sa sandali ng pagkabalik nila na tayo ay hindi bumili ng mga ito mula sa kanila." Ito ay pipilit sa kanila sa pagbalik muli, na kasama nila ang kapatid nila, upang makapagpatunay sila kay Jose ng katapatan nila at tumanggap siya mula sa kanila ng paninda nila.
Tefsiri na arapskom jeziku:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• من أعداء المؤمن: نفسه التي بين جنبيه؛ لذا وجب عليه مراقبتها وتقويم اعوجاجها.
Kabilang sa mga kaaway ng mananampalataya ay ang sarili niyang nasa pagitan ng mga tagiliran niya. Dahil dito, isinatungkulin sa kanya ang pagsusubaybay rito at ang pagtutuwid sa kabaluktutan nito.

• اشتراط العلم والأمانة فيمن يتولى منصبًا يصلح به أمر العامة.
Ang pagsasakundisyon ng kaalaman at tiwala sa sinumang bumabalikat ng isang katungkulang nagsasaayos sa pamamagitan nito ng kapakanan ng publiko.

• بيان أن ما في الآخرة من فضل الله، إنما هو خير وأبقى وأفضل لأهل الإيمان.
Ang paglilinaw na ang nasa Kabilang-buhay na kabutihang-loob ni Allāh ay tanging pinakamabuti, pinakanagtatagal, at pinakamainam para sa mga may pananampalataya.

• جواز طلب الرجل المنصب ومدحه لنفسه إن دعت الحاجة، وكان مريدًا للخير والصلاح.
Ang pagpayag sa paghiling ng tao ng katungkulan at sa pagbubunyi nito sa sarili nito kung hiniling ng pangangailangan at siya naman ay nagnanais ng kabutihan at kaayusan.

 
Prijevod značenja Ajet: (62) Sura: Sura Jusuf
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana - Sadržaj prijevodā

Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana, izdanje: Centar "Tefsir"

Zatvaranje