Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana * - Sadržaj prijevodā


Prijevod značenja Ajet: (27) Sura: Sura Ibrahim
يُثَبِّتُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱلۡقَوۡلِ ٱلثَّابِتِ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۖ وَيُضِلُّ ٱللَّهُ ٱلظَّٰلِمِينَۚ وَيَفۡعَلُ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُ
Nagpapatatag si Allāh sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng matatag na adhikain ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh ayon sa pananampalatayang lubos sa buhay na pangmundo hanggang sa mamatay sila habang sila ay nasa pananampalataya at sa Barzakh sa mga libingan nila sa sandali ng pagtatanong [ng anghel]. Magpapatatag Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon. Magliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal sa Kanya at kawalang-pananampalataya sa Kanya palayo sa pagkatama at katinuan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya na pagliligaw sa sinumang ninais Niya ang pagliligaw roon ayon sa katarungan Niya at kapatnubayan sa sinumang niloob Niya ang pagpapatnubay roon ayon sa kabutihang-loob Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
Tefsiri na arapskom jeziku:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• تشبيه كلمة الكفر بشجرة الحَنْظل الزاحفة، فهي لا ترتفع، ولا تنتج طيبًا، ولا تدوم.
Ang pagwawangis sa adhikain ng kawalang-pananampalataya sa gumagapang na halamang ḥanđal (ligaw na pakwan) sapagkat ito ay hindi umaangat, hindi namumunga ng kaaya-aya, at hindi tumatagal.

• الرابط بين الأمر بالصلاة والزكاة مع ذكر الآخرة هو الإشعار بأنهما مما تكون به النجاة يومئذ.
Ang tagapag-ugnay sa pag-uutos ng pagdarasal at [pagbibigay ng] zakāh sa pagbanggit sa Kabilang-buhay ay ang pagpaparamdam na ang dalawang ito ay kabilang sa dahilan ng kaligtasan sa araw na iyon.

• تعداد بعض النعم العظيمة إشارة لعظم كفر بعض بني آدم وجحدهم نعمه سبحانه وتعالى .
Ang pagbilang sa mga biyayang dakila ay isang pahiwatig sa bigat ng kawalang-pananampalataya ng ilan sa mga anak ni Adan at pagkakaila nila sa mga biyaya Niya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya.

 
Prijevod značenja Ajet: (27) Sura: Sura Ibrahim
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana - Sadržaj prijevodā

Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana, izdanje: Centar "Tefsir"

Zatvaranje