Check out the new design

Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog jezik) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana * - Sadržaj prijevodā

Prijevod značenja Sura: Es-Saffat   Ajet:
مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ
Ano ang mayroon sa inyo, O mga tagapagtambal? Humahatol kayo ng mapaniil na hatol na ito yayamang gumagawa kayo para kay Allāh ng mga anak na babae samantalang gumagawa kayo para sa inyo ng mga anak na lalaki?
Tefsiri na arapskom jeziku:
أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Kaya hindi ba kayo magsasaalaala sa kabulaanan ng taglay ninyo na paniniwalang tiwaling ito sapagkat tunay na kung kayo sana ay magsasaalaala, hindi sana kayo nagsabi ng sinabing ito?
Tefsiri na arapskom jeziku:
أَمۡ لَكُمۡ سُلۡطَٰنٞ مُّبِينٞ
O mayroon ba kayong isang katwirang lantad at isang patotoong maliwanag mula sa isang kasulatan hinggil doon o [mula sa] isang sugo?
Tefsiri na arapskom jeziku:
فَأۡتُواْ بِكِتَٰبِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Kaya maglahad kayo ng kasulatan ninyong nagdadala para sa inyo ng katwiran laban dito kung kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَجَعَلُواْ بَيۡنَهُۥ وَبَيۡنَ ٱلۡجِنَّةِ نَسَبٗاۚ وَلَقَدۡ عَلِمَتِ ٱلۡجِنَّةُ إِنَّهُمۡ لَمُحۡضَرُونَ
Nag-angkin ang mga tagapagtambal sa pagitan ni Allāh at ng mga anghel na nakatago sa kanila ng isang pagkakamag-anak nang naghaka-haka sila na ang mga anghel ay mga anak na babae ni Allāh. Talaga ngang nalaman ng mga anghel na si Allāh ay magpapadalo sa mga tagapagtambal para sa pagtutuos.
Tefsiri na arapskom jeziku:
سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ
Nagpakawalang-kapintasan si Allāh at nagpakabanal Siya higit sa anumang inilalarawan sa Kanya ng mga tagapagtambal mula sa anumang hindi naaangkop sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na pagkakaroon ng anak, katambal, at iba pa roon,
Tefsiri na arapskom jeziku:
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh sapagkat tunay na sila ay hindi naglalarawan kay Allāh malibang naaangkop sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na mga katangian ng kapitaganan at pagkaganap.
Tefsiri na arapskom jeziku:
فَإِنَّكُمۡ وَمَا تَعۡبُدُونَ
Kaya tunay na kayo, O mga tagapagtambal, at ang anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh,
Tefsiri na arapskom jeziku:
مَآ أَنتُمۡ عَلَيۡهِ بِفَٰتِنِينَ
Hindi kayo mga makapagpapaligaw ng isa man palayo sa relihiyon ng katotohanan,
Tefsiri na arapskom jeziku:
إِلَّا مَنۡ هُوَ صَالِ ٱلۡجَحِيمِ
maliban sa sinumang itinadhana ni Allāh dito na ito ay kabilang sa mga maninirahan sa Apoy. Tunay na si Allāh ay nagpapatupad dito ng itinadhana Niya kaya tatanggi itong sumampalataya at papasok ito sa Apoy. Tungkol naman sa inyo at mga sinasamba ninyo, walang kakayahan para sa inyo laban doon.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَمَا مِنَّآ إِلَّا لَهُۥ مَقَامٞ مَّعۡلُومٞ
Magsasabi ang mga anghel, na naglilinaw ng pagkaalipin nila kay Allāh at kawalang-ugnayan nila sa hinaka-haka ng mga tagapagtambal: "Walang kabilang sa amin na isa man malibang mayroon siyang isang katayuang nalalaman sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلصَّآفُّونَ
165-166. Tunay na kami, kaming mga anghel, ay talagang mga nakatayo sa mga hanay sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Tunay na kami ay talagang mga nagpapawalang-ugnayan kay Allāh sa anumang hindi naaangkop sa Kanya na mga katangian at mga paglalarawan."
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلۡمُسَبِّحُونَ
165-166. Tunay na kami, kaming mga anghel, ay talagang mga nakatayo sa mga hanay sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Tunay na kami ay talagang mga nagpapawalang-ugnayan kay Allāh sa anumang hindi naaangkop sa Kanya na mga katangian at mga paglalarawan."
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَإِن كَانُواْ لَيَقُولُونَ
167-170. Tunay na ang mga tagapagtambal kabilang sa mga mamamayan ng Makkah ay nagsasabi dati bago ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Kung sakaling nagkaroon tayo ng isang kasulatan kabilang sa mga kasulatan ng mga sinauna gaya ng Torah, halimbawa, talaga sanang nagtangi tayo para kay Allāh ng pagsamba." Sila ay mga sinungaling hinggil doon sapagkat naghatid sa kanila si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng Qur'ān ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila ang naghihintay sa kanila na pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon.
Tefsiri na arapskom jeziku:
لَوۡ أَنَّ عِندَنَا ذِكۡرٗا مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ

لَكُنَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ

فَكَفَرُواْ بِهِۦۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ

وَلَقَدۡ سَبَقَتۡ كَلِمَتُنَا لِعِبَادِنَا ٱلۡمُرۡسَلِينَ
171-173. Talaga ngang nauna ang salita ni Allāh para sa mga sugo Niya na sila ay mga iaadya laban sa mga kaaway nila sa pamamagitan ng minagandang-loob Niya sa kanila na katwiran at lakas, at na ang pananaig ay ukol sa mga kawal Niya na nakikipaglaban sa landas Niya upang ang salita ni Niya ay maging ang pinakamataas.
Tefsiri na arapskom jeziku:
إِنَّهُمۡ لَهُمُ ٱلۡمَنصُورُونَ

وَإِنَّ جُندَنَا لَهُمُ ٱلۡغَٰلِبُونَ
171-173. Talaga ngang nauna ang salita ni Allāh para sa mga sugo Niya na sila ay mga iaadya laban sa mga kaaway nila sa pamamagitan ng minagandang-loob Niya sa kanila na katwiran at lakas, at na ang pananaig ay ukol sa mga kawal Niya na nakikipaglaban sa landas Niya upang ang salita ni Niya ay maging ang pinakamataas.
Tefsiri na arapskom jeziku:
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٖ
Kaya umayaw ka, O Sugo, palayo sa mga tagapagtambal na nagmamatigas na ito hanggang sa isang yugtong nalalaman ni Allāh hanggang sa dumating ang oras ng pagdurusa nila.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَأَبۡصِرۡهُمۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ
Tumingin ka sa kanila kapag bumababa sa kanila ang pagdurusa sapagkat makikita nila kapag hindi magpapakinabang sa kanila ang isang pagkakita.
Tefsiri na arapskom jeziku:
أَفَبِعَذَابِنَا يَسۡتَعۡجِلُونَ
Kaya ba nagmamadali ang mga tagapagtambal na ito sa pagdurusang dulot ni Allāh?
Tefsiri na arapskom jeziku:
فَإِذَا نَزَلَ بِسَاحَتِهِمۡ فَسَآءَ صَبَاحُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Ngunit kapag bumaba ang pagdurusang dulot ni Allāh sa kanila, kay saklap na umaga ang umaga nila!
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٖ
Umayaw ka, O Sugo, palayo sa kanila hanggang humusga si Allāh ng pagdurusa nila.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَأَبۡصِرۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ
Tumingin ka sapagkat titingin ang mga ito sa dadapo sa kanila na pagdurusang dulot ni Allāh at parusa Niya.
Tefsiri na arapskom jeziku:
سُبۡحَٰنَ رَبِّكَ رَبِّ ٱلۡعِزَّةِ عَمَّا يَصِفُونَ
Nagpakawalang-kapintasan ang Panginoon mo, O Muḥammad, ang Panginoon ng Lakas, at nagpakabanal Siya higit sa anumang ipinanlalarawan sa Kanya ng mga tagapagtambal na mga katangian ng kakulangan.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَسَلَٰمٌ عَلَى ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Isang pagbati ni Allāh at isang pagbubunyi Niya ay ukol sa mga sugo Niyang mararangal.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ang pagbubunyi sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sapagkat Siya ay ang karapat-dapat para rito. Siya ay ang Panginoon ng mga nilalang sa kalahatan: walang panginoon ukol sa kanila bukod pa sa Kanya.
Tefsiri na arapskom jeziku:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• سُنَّة الله نصر المرسلين وورثتهم بالحجة والغلبة، وفي الآيات بشارة عظيمة؛ لمن اتصف بأنه من جند الله، أنه غالب منصور.
Kalakaran (sunnah) ni Allāh ang pag-aadya sa mga isinugo at mga tagapagmana nila sa pamamagitan ng katwiran at pananaig. Sa mga talata ng Qur'ān ay may isang dakilang balitang nakagagalak para sa sinumang nailarawang siya ay kabilang sa mga kawal ni Allāh, na siya ay mananaig na iaadya.

• في الآيات دليل على بيان عجز المشركين وعجز آلهتهم عن إضلال أحد، وبشارة لعباد الله المخلصين بأن الله بقدرته ينجيهم من إضلال الضالين المضلين.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay sa paglilinaw sa kawalang-kakayahan ng mga tagapagtambal at kawalang-kakayahan ng mga diyos nila sa pagliligaw sa isa man at may balitang nakagagalak para sa mga itinanging lingkod ni Allāh, na si Allāh, sa pamamagitan ng kakayahan Niya, ay magliligtas sa kanila mula sa pagliligaw ng mga naliligaw na tagapagligaw.

Prijevod značenja Sura: Es-Saffat
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog jezik) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana - Sadržaj prijevodā

Izdavač: centar za kur'anske studije "Tefsir".

Zatvaranje