Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana * - Sadržaj prijevodā


Prijevod značenja Ajet: (16) Sura: Sura el-Maida
يَهۡدِي بِهِ ٱللَّهُ مَنِ ٱتَّبَعَ رِضۡوَٰنَهُۥ سُبُلَ ٱلسَّلَٰمِ وَيُخۡرِجُهُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ بِإِذۡنِهِۦ وَيَهۡدِيهِمۡ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Nagpapatnubay si Allāh sa pamamagitan ng Aklat na ito sa sinumang sumunod sa anumang nagpapalugod sa Kanya gaya ng pananampalataya at gawang maayos tungo sa mga daan ng kaligtasan mula sa parusa Niya, ang mga daang nagpaparating sa Paraiso. Nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at pagsuway tungo sa liwanag ng pananampalataya at pagtalima ayon sa pahintulot Niya. Nagtutuon Siya sa kanila tungo sa daang tuwid na matatag, ang daan ng Islām.
Tefsiri na arapskom jeziku:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• تَرْك العمل بمواثيق الله وعهوده قد يوجب وقوع العداوة وإشاعة البغضاء والتنافر والتقاتل بين المخالفين لأمر الله تعالى.
Ang pag-iwan sa pagsasagawa sa mga kasunduan kay Allāh at mga tipan sa Kanya ay maaaring mag-obliga ng pagkakaganap ng pagkamuhi at ng pagpapalaganap ng pagkasuklam, pagkakalayuan ng loob, at pag-aawayan sa pagitan ng mga sumasalungat sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الرد على النصارى القائلين بأن الله تعالى تجسد في المسيح عليه السلام، وبيان كفرهم وضلال قولهم.
Ang pagtugon sa mga Kristiyanong nagsasabing si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagkatawang-tao kay Kristo – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ang paglilinaw sa kawalang-pananampalataya nila at kaligawan ng sinasabi nila.

• من أدلة بطلان ألوهية المسيح أن الله تعالى إن أراد أن يهلك المسيح وأمه عليهما السلام وجميع أهل الأرض فلن يستطيع أحد رده، وهذا يثبت تفرده سبحانه بالأمر وأنه لا إله غيره.
Kabilang sa mga patunay sa kabulaanan ng pagkadiyos ni Kristo ay na si Allāh – pagkataas-taas Siya – kung nagnais Siya na magpahamak kay Kristo, sa ina niya – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – at sa lahat ng mga naninirahan sa lupa, ay hindi makakakaya ng isa man na mapigilan. Ito ay nagpapatibay sa pamumukod-tangi Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pag-uutos at na walang Diyos na iba pa sa Kanya.

• من أدلة بطلان ألوهية المسيح أن الله تعالى يُذَكِّر بكونه تعالى ﴿ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ﴾ (المائدة: 17)، فهو يخلق من الأبوين، ويخلق من أم بلا أب كعيسى عليه السلام، ويخلق من الجماد كحية موسى عليه السلام، ويخلق من رجل بلا أنثى كحواء من آدم عليهما السلام.
Kabilang sa mga patunay sa kabulaanan ng pagkadiyos ni Kristo ay na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagpapaalaala na Siya – pagkataas-taas Siya – ay "Lumilikha ng anumang niloloob Niya." (Qur'ān 5:17) sapagkat Siya ay lumilikha mula sa mga magulang, lumilikha mula sa isang ina nang walang ama gaya ni Hesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – lumilikha mula sa isang walang-buhay na bagay gaya ng ahas ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at lumilikha mula sa isang lalaki nang walang babae gaya ni Eva mula kay Adan – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan.

 
Prijevod značenja Ajet: (16) Sura: Sura el-Maida
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana - Sadržaj prijevodā

Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana, izdanje: Centar "Tefsir"

Zatvaranje