Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana * - Sadržaj prijevodā


Prijevod značenja Ajet: (94) Sura: Sura el-Maida
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَيَبۡلُوَنَّكُمُ ٱللَّهُ بِشَيۡءٖ مِّنَ ٱلصَّيۡدِ تَنَالُهُۥٓ أَيۡدِيكُمۡ وَرِمَاحُكُمۡ لِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ مَن يَخَافُهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَلَهُۥ عَذَابٌ أَلِيمٞ
O mga sumampalataya, talagang susubok nga sa inyo si Allāh ng isang bagay na mag-aakay Siya nito sa inyo gaya ng pinangangasong hayop na ligaw habang kayo ay mga nasa iḥrām, na nakakukuha kayo sa mga maliit ng mga ito sa pamamagitan ng mga kamay ninyo at ng mga malaki sa pamamagitan ng mga sibat ninyo. [Ito ay] upang maghayag si Allāh ayon sa kaalaman ng paghahayag. Magtutuos Siya dahil doon sa mga tao kung sino ang nangangamba sa Kanya nang lingid dahil sa kalubusan ng pananampalataya nito sa kaalaman ni Allāh, kaya naman magpipigil ito sa panghuhuli sa pinangangasong hayop dala ng pangamba sa Tagapaglikha nito na hindi nakakukubli sa Kanya ang gawa nito. Kaya ang sinumang lumampas sa hangganan at nangaso habang siya ay nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah, ukol sa kanya ay isang parusang nakasasakit sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagkagawa niya sa sinaway ni Allāh.
Tefsiri na arapskom jeziku:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• عدم مؤاخذة الشخص بما لم يُحَرَّم أو لم يبلغه تحريمه.
Ang kawalan ng paninisi sa tao dahil sa anumang hindi ipinagbawal o hindi umabot sa kanya ang pagbabawal niyon.

• تحريم الصيد على المحرم بالحج أو العمرة، وبيان كفارة قتله.
Ang pagbabawal sa pangangaso ng ligaw na hayop sa taong nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah at ang paglilinaw sa panakip-sala sa pagpatay nito.

• من حكمة الله عز وجل في التحريم: ابتلاء عباده، وتمحيصهم، وفي الكفارة: الردع والزجر.
Bahagi ng kasanhian ni Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan Siya – sa pagbabawal ay ang pagsubok sa mga lingkod Niya at ang pagsusulit sa kanila. Sa panakip-sala naman ay may pagpapaudlot at pagpigil.

 
Prijevod značenja Ajet: (94) Sura: Sura el-Maida
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana - Sadržaj prijevodā

Filipinski prijevod (Tagalog) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana, izdanje: Centar "Tefsir"

Zatvaranje