Check out the new design

Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog jezik) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana * - Sadržaj prijevodā


Prijevod značenja Sura: El-Kamer   Ajet:
وَمَآ أَمۡرُنَآ إِلَّا وَٰحِدَةٞ كَلَمۡحِۭ بِٱلۡبَصَرِ
Wala iba ang utos Namin kapag nagnais Kami ng isang bagay kundi na magsabi Kami ng salitang nag-iisa: "Mangyari," saka mangyayari ang ninanais Namin nang mabilis tulad ng kisap ng paningin.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَآ أَشۡيَاعَكُمۡ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpasawi Kami ng mga tulad ninyo sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga kalipunang lumipas, kaya may tagapagsaalang-alang kaya na magsasaalang-alang niyon at mapipigilan sa kawalang-pananampalataya niya?
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَكُلُّ شَيۡءٖ فَعَلُوهُ فِي ٱلزُّبُرِ
Bawat bagay na ginawa ng mga tao, ito ay nakasulat sa mga talaan ng mga [anghel na] tagapag-ingat; walang nakalulusot sa kanila mula roon na anuman.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَكُلُّ صَغِيرٖ وَكَبِيرٖ مُّسۡتَطَرٌ
Bawat maliit sa mga ginagawa at mga sinasabi at bawat malaki sa mga ito ay nakasulat sa mga pahina ng mga gawa at sa Tablerong Pinag-iingatan, at gagantihan sila dahil doon.
Tefsiri na arapskom jeziku:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَنَهَرٖ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay nasa mga hardin magtatamasa at nasa mga ilog na dumadaloy,
Tefsiri na arapskom jeziku:
فِي مَقۡعَدِ صِدۡقٍ عِندَ مَلِيكٖ مُّقۡتَدِرِۭ
sa pinag-uupuan ng katotohanan na walang kabalbalan doon at walang kasalanan, sa piling ng Haring nagmamay-ari ng bawat bagay, na Kumakaya: hindi Siya nawawalang-kakayahan sa anuman. Kaya huwag kang magtanong tungkol sa anumang natatamo nila mula sa Kanya na ginhawang mananatili.
Tefsiri na arapskom jeziku:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• كتابة الأعمال صغيرها وكبيرها في صحائف الأعمال.
Ang pagtatala ng mga gawa, ang maliit ng mga ito at ang malaki ng mga ito, sa mga pahina ng mga gawa.

• ابتداء الرحمن بذكر نعمه بالقرآن دلالة على شرف القرآن وعظم منته على الخلق به.
Ang pagsisimula ng Napakamaawain sa pagbanggit sa mga biyaya Niya sa pamamagitan ng Qur'ān ay isang katunayan sa dangal ng Qur'ān at kadakilaan ng kagandahang-loob Niya sa nilikha dahil dito.

• مكانة العدل في الإسلام.
Ang kalagayan ng katarungan sa Islām.

• نعم الله تقتضي منا العرفان بها وشكرها، لا التكذيب بها وكفرها.
Ang mga biyaya ni Allāh ay humihiling sa atin ng pagkilala sa mga ito at pagpapasalamat sa mga ito, hindi ng pagpapasinungaling sa mga ito at pagkakaila sa mga ito.

 
Prijevod značenja Sura: El-Kamer
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog jezik) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana - Sadržaj prijevodā

Izdavač: centar za kur'anske studije "Tefsir".

Zatvaranje