Check out the new design

Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad * - Sadržaj prijevodā

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Prijevod značenja Sura: El-Isra   Ajet:

Al-Isrā’

سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِيٓ أَسۡرَىٰ بِعَبۡدِهِۦ لَيۡلٗا مِّنَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ إِلَى ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡأَقۡصَا ٱلَّذِي بَٰرَكۡنَا حَوۡلَهُۥ لِنُرِيَهُۥ مِنۡ ءَايَٰتِنَآۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ
Kaluwalhatian sa Kanya na nagpalakbay sa Lingkod Niya isang gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Jerusalem] patungo sa Masjid na Pinakamalayo, na pinagpala Namin ang palibot nito upang magpakita Kami sa kanya ng ilan sa mga tanda Namin. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلۡنَٰهُ هُدٗى لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ أَلَّا تَتَّخِذُواْ مِن دُونِي وَكِيلٗا
Nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at gumawa Kami niyon bilang patnubay para sa mga anak ni Israel, [na nag-uutos:] “Huwag kayong gumawa sa iba pa sa Akin bilang pinananaligan.”
Tefsiri na arapskom jeziku:
ذُرِّيَّةَ مَنۡ حَمَلۡنَا مَعَ نُوحٍۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَبۡدٗا شَكُورٗا
Mga supling ng mga dinala Namin kasama kay Noe, tunay na siya noon ay isang lingkod na mapagpasalamat.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَقَضَيۡنَآ إِلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ فِي ٱلۡكِتَٰبِ لَتُفۡسِدُنَّ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَرَّتَيۡنِ وَلَتَعۡلُنَّ عُلُوّٗا كَبِيرٗا
Nagsiwalat Kami sa mga anak ni Israel sa Kasulatan: “Talagang manggugulo nga kayo sa lupain nang dalawang ulit[1] at talagang magmamataas nga kayo nang pagmamataas na malaki.”
[1] dahil sa paggawa ng mga pagsuway at kawalang-pakundangan
Tefsiri na arapskom jeziku:
فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ أُولَىٰهُمَا بَعَثۡنَا عَلَيۡكُمۡ عِبَادٗا لَّنَآ أُوْلِي بَأۡسٖ شَدِيدٖ فَجَاسُواْ خِلَٰلَ ٱلدِّيَارِۚ وَكَانَ وَعۡدٗا مَّفۡعُولٗا
Kaya kapag dumating ang pangako ng una sa dalawa ay magpapadala Kami sa inyo ng mga lingkod para sa Amin na mga may matinding kapangyarihan at maghalughog sila sa kaloob-looban ng mga tahanan. Ito ay naging isang pangakong gagawin.
Tefsiri na arapskom jeziku:
ثُمَّ رَدَدۡنَا لَكُمُ ٱلۡكَرَّةَ عَلَيۡهِمۡ وَأَمۡدَدۡنَٰكُم بِأَمۡوَٰلٖ وَبَنِينَ وَجَعَلۡنَٰكُمۡ أَكۡثَرَ نَفِيرًا
Pagkatapos magsasauli Kami para sa inyo ng pamamayani laban sa kanila, mag-aayuda Kami sa inyo ng mga yaman at mga anak, at gagawa Kami sa inyo na higit na marami sa tauhan.
Tefsiri na arapskom jeziku:
إِنۡ أَحۡسَنتُمۡ أَحۡسَنتُمۡ لِأَنفُسِكُمۡۖ وَإِنۡ أَسَأۡتُمۡ فَلَهَاۚ فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ ٱلۡأٓخِرَةِ لِيَسُـُٔواْ وُجُوهَكُمۡ وَلِيَدۡخُلُواْ ٱلۡمَسۡجِدَ كَمَا دَخَلُوهُ أَوَّلَ مَرَّةٖ وَلِيُتَبِّرُواْ مَا عَلَوۡاْ تَتۡبِيرًا
[O mga anak ni Israel,] kung gumawa kayo ng maganda ay gumawa kayo ng maganda para sa mga sarili ninyo at kung gumawa kayo ng masagwa ay para sa mga ito. Kaya kapag dumating ang pangako ng huling [panggugulo ay pangingibabawin ang mga kaaway ninyo] upang humamak sila sa mga mukha ninyo, upang pumasok sila sa Masjid [sa Jerusalem] kung paanong pumasok sila sa unang pagkakataon, at upang dumurog sila sa anumang nangibabaw sila nang [lubos na] pagdurog.
Tefsiri na arapskom jeziku:
 
Prijevod značenja Sura: El-Isra
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad - Sadržaj prijevodā

Prevod: Prevodilački centar Ruvvad u saradnji sa Udruženjem za poziv u Rabwi i Udruženjem za pružanje islamskog sadržaja na jezicima.

Zatvaranje