Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - Übersetzungen

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Nûh   Vers:

Nūh

إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦٓ أَنۡ أَنذِرۡ قَوۡمَكَ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Tunay na Kami ay nagsugo kay Noe sa mga kababayan niya, na [nagsasabi]: “Magbabala ka sa mga kababayan mo bago pa may pumunta sa kanila na isang pagdurusang masakit.”
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
قَالَ يَٰقَوۡمِ إِنِّي لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Nagsabi siya: “O mga kababayan ko, tunay na ako para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw:
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُ وَأَطِيعُونِ
na sumamba kayo kay Allāh, mangilag kayong magkasala sa Kanya, at tumalima kayo sa akin;
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُؤَخِّرۡكُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمًّىۚ إِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ إِذَا جَآءَ لَا يُؤَخَّرُۚ لَوۡ كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at mag-aantala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na ang taning ni Allāh, kapag dumating, ay hindi inaantala, kung sakaling kayo ay nakaaalam.”
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
قَالَ رَبِّ إِنِّي دَعَوۡتُ قَوۡمِي لَيۡلٗا وَنَهَارٗا
Nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay nag-anyaya sa mga kababayan ko sa gabi at maghapon,
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
فَلَمۡ يَزِدۡهُمۡ دُعَآءِيٓ إِلَّا فِرَارٗا
ngunit walang naidagdag sa kanila ang pag-aanyaya ko kundi pagtakas [sa ipinaaanyaya].
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَإِنِّي كُلَّمَا دَعَوۡتُهُمۡ لِتَغۡفِرَ لَهُمۡ جَعَلُوٓاْ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَٱسۡتَغۡشَوۡاْ ثِيَابَهُمۡ وَأَصَرُّواْ وَٱسۡتَكۡبَرُواْ ٱسۡتِكۡبَارٗا
Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila upang magpatawad Ka sa kanila ay naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila, nagtatalukbong sila ng mga damit nila, nagpupumilit sila, at nagmamalaki sila nang isang pagmamalaki.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
ثُمَّ إِنِّي دَعَوۡتُهُمۡ جِهَارٗا
Pagkatapos tunay na ako ay nag-anyaya sa kanila nang lantaran.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
ثُمَّ إِنِّيٓ أَعۡلَنتُ لَهُمۡ وَأَسۡرَرۡتُ لَهُمۡ إِسۡرَارٗا
Pagkatapos tunay na ako ay nagpahayag sa kanila at nagtapat sa kanila nang isang pagtatapat.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
فَقُلۡتُ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ إِنَّهُۥ كَانَ غَفَّارٗا
Kaya nagsabi ako [sa kanila]: ‘Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo – tunay na Siya ay laging Palapatawad –
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارٗا
magpapadala Siya ng [ulan ng] langit sa inyo na nananagana,
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَيُمۡدِدۡكُم بِأَمۡوَٰلٖ وَبَنِينَ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ جَنَّٰتٖ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ أَنۡهَٰرٗا
mag-aayuda Siya sa inyo ng mga yaman at mga anak, gagawa Siya para sa inyo ng mga hardin, at gagawa Siya para sa inyo ng mga ilog.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
مَّا لَكُمۡ لَا تَرۡجُونَ لِلَّهِ وَقَارٗا
Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo umaasam kay Allāh sa kabunyian
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَقَدۡ خَلَقَكُمۡ أَطۡوَارًا
samantalang lumikha nga Siya sa inyo sa mga yugto?
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
أَلَمۡ تَرَوۡاْ كَيۡفَ خَلَقَ ٱللَّهُ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ طِبَاقٗا
Hindi ba ninyo napag-alaman kung papaanong lumikha si Allāh ng pitong langit na nagkakatakluban?
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَجَعَلَ ٱلۡقَمَرَ فِيهِنَّ نُورٗا وَجَعَلَ ٱلشَّمۡسَ سِرَاجٗا
Naglagay Siya ng buwan sa mga ito bilang liwanag at naglagay Siya ng araw bilang sulo.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَٱللَّهُ أَنۢبَتَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ نَبَاتٗا
Si Allāh ay nagpatubo sa inyo mula sa lupa sa isang pagpapatubo.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
ثُمَّ يُعِيدُكُمۡ فِيهَا وَيُخۡرِجُكُمۡ إِخۡرَاجٗا
Pagkatapos magpapanumbalik Siya sa inyo rito at magpapalabas Siya sa inyo sa isang [panibagong] pagpapalabas.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ بِسَاطٗا
Si Allāh ay gumawa para sa inyo ng lupa na isang nakalatag
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
لِّتَسۡلُكُواْ مِنۡهَا سُبُلٗا فِجَاجٗا
upang tumahak kayo mula rito sa mga landas na maluwang.’”
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
قَالَ نُوحٞ رَّبِّ إِنَّهُمۡ عَصَوۡنِي وَٱتَّبَعُواْ مَن لَّمۡ يَزِدۡهُ مَالُهُۥ وَوَلَدُهُۥٓ إِلَّا خَسَارٗا
Nagsabi si Noe: “Panginoon ko, tunay na sila ay sumuway sa akin at sumunod sa [taong] walang naidagdag sa kanya ang yaman niya at ang anak niya kundi isang pagkalugi.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَمَكَرُواْ مَكۡرٗا كُبَّارٗا
Nagpakana sila [na mga pinuno] ng isang pakanang pagkalaki-laki.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَقَالُواْ لَا تَذَرُنَّ ءَالِهَتَكُمۡ وَلَا تَذَرُنَّ وَدّٗا وَلَا سُوَاعٗا وَلَا يَغُوثَ وَيَعُوقَ وَنَسۡرٗا
Nagsabi sila: ‘Huwag nga kayong mag-iwan sa mga diyos ninyo at huwag nga kayong mag-iwan kay Wadd, ni kay Suwā`, ni kay Yaghūth, ni kay Ya`ūq, ni kay Nasr.’[679]
[679] Ang mga ito ay mga pangalan ng mga diyus-diyusan nila.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَقَدۡ أَضَلُّواْ كَثِيرٗاۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا ضَلَٰلٗا
Nagligaw nga sila [na mga pinuno] ng marami at huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkaligaw.”
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
مِّمَّا خَطِيٓـَٰٔتِهِمۡ أُغۡرِقُواْ فَأُدۡخِلُواْ نَارٗا فَلَمۡ يَجِدُواْ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَنصَارٗا
Dahil sa mga kamalian nila, pinalunod sila saka pinapasok sila sa isang Apoy, saka hindi sila nakatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng mga tagaadya.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَقَالَ نُوحٞ رَّبِّ لَا تَذَرۡ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ دَيَّارًا
Nagsabi si Noe: “Panginoon ko, huwag Kang mag-iwan sa lupa mula sa mga tagatangging sumampalataya ng isang palagala.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
إِنَّكَ إِن تَذَرۡهُمۡ يُضِلُّواْ عِبَادَكَ وَلَا يَلِدُوٓاْ إِلَّا فَاجِرٗا كَفَّارٗا
Tunay na kung mag-iiwan Ka sa kanila, magliligaw sila sa mga lingkod Mo at hindi sila magkakaanak kundi ng masamang-loob na palatangging sumampalataya.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
رَّبِّ ٱغۡفِرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيَّ وَلِمَن دَخَلَ بَيۡتِيَ مُؤۡمِنٗا وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا تَبَارَۢا
Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, sa sinumang pumasok sa bahay ko bilang mananampalataya, sa mga lalaking mananampalataya, at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkapahamak.”
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
 
Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Nûh
Suren/ Kapiteln Liste Nummer der Seite
 
Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - Übersetzungen

www.islamhouse.com ترجمة معاني القرآن الكريم إلى اللغة الفلبينية (تجالوج)، ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

Schließen