ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: نوح
آية:
 

نوح

إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦٓ أَنۡ أَنذِرۡ قَوۡمَكَ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Tunay na Kami ay nagsugo kay Noe sa mga kababayan niya na [nagsasabi]: "Magbabala ka sa mga kababayan mo bago pa man may pumunta sa kanila na isang pagdurusang masakit."
التفاسير العربية:
قَالَ يَٰقَوۡمِ إِنِّي لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Nagsabi siya: "O mga kababayan ko, tunay na ako para sa inyo ay isang tagapagbabalang malinaw:
التفاسير العربية:
أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُ وَأَطِيعُونِ
na sumamba kayo kay Allāh, mangilag kayong magkasala sa Kanya, at tumalima kayo sa akin;
التفاسير العربية:
يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُؤَخِّرۡكُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمًّىۚ إِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ إِذَا جَآءَ لَا يُؤَخَّرُۚ لَوۡ كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at mag-aantala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na ang taning ni Allāh, kapag dumating, ay hindi aantalain, kung nalalaman sana ninyo."
التفاسير العربية:
قَالَ رَبِّ إِنِّي دَعَوۡتُ قَوۡمِي لَيۡلٗا وَنَهَارٗا
Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay nag-anyaya sa mga kababayan ko sa gabi at maghapon,
التفاسير العربية:
فَلَمۡ يَزِدۡهُمۡ دُعَآءِيٓ إِلَّا فِرَارٗا
ngunit walang naidagdag sa kanila ang pag-aanyaya ko kundi pagtakas.
التفاسير العربية:
وَإِنِّي كُلَّمَا دَعَوۡتُهُمۡ لِتَغۡفِرَ لَهُمۡ جَعَلُوٓاْ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَٱسۡتَغۡشَوۡاْ ثِيَابَهُمۡ وَأَصَرُّواْ وَٱسۡتَكۡبَرُواْ ٱسۡتِكۡبَارٗا
At tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila upang magpatawad Ka sa kanila ay naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila, nagtatalukbong sila ng mga damit nila, nagpupumilit sila, at nagmamalaki sila ng isang pagmamalaki.
التفاسير العربية:
ثُمَّ إِنِّي دَعَوۡتُهُمۡ جِهَارٗا
Pagkatapos tunay na ako ay nag-anyaya sa kanila nang lantaran.
التفاسير العربية:
ثُمَّ إِنِّيٓ أَعۡلَنتُ لَهُمۡ وَأَسۡرَرۡتُ لَهُمۡ إِسۡرَارٗا
Pagkatapos tunay na ako ay nagpahayag sa kanila at nagtapat sa kanila sa pagtatapat.
التفاسير العربية:
فَقُلۡتُ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ إِنَّهُۥ كَانَ غَفَّارٗا
Nagsabi ako: 'Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo -tunay na Siya ay laging Palapatawad -
التفاسير العربية:

يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارٗا
magpapadala Siya ng [ulan ng] langit sa inyo na nananagana,
التفاسير العربية:
وَيُمۡدِدۡكُم بِأَمۡوَٰلٖ وَبَنِينَ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ جَنَّـٰتٖ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ أَنۡهَٰرٗا
mag-aayuda Siya sa inyo ng mga yaman at mga anak, gagawa Siya para sa inyo ng mga hardin, at gagawa Siya para sa inyo ng mga ilog.
التفاسير العربية:
مَّا لَكُمۡ لَا تَرۡجُونَ لِلَّهِ وَقَارٗا
Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo natatakot kay Allāh sa kabunyian
التفاسير العربية:
وَقَدۡ خَلَقَكُمۡ أَطۡوَارًا
samantalang lumikha nga Siya sa inyo sa mga yugto?
التفاسير العربية:
أَلَمۡ تَرَوۡاْ كَيۡفَ خَلَقَ ٱللَّهُ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ طِبَاقٗا
Hindi ba ninyo napag-alaman kung papaanong lumikha si Allāh ng pitong langit na magkakapatong?
التفاسير العربية:
وَجَعَلَ ٱلۡقَمَرَ فِيهِنَّ نُورٗا وَجَعَلَ ٱلشَّمۡسَ سِرَاجٗا
Naglagay Siya ng buwan sa mga ito bilang liwanag at naglagay Siya ng araw bilang sulo?
التفاسير العربية:
وَٱللَّهُ أَنۢبَتَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ نَبَاتٗا
At si Allāh ay nagpatubo sa inyo mula sa lupa sa isang pagpapatubo.
التفاسير العربية:
ثُمَّ يُعِيدُكُمۡ فِيهَا وَيُخۡرِجُكُمۡ إِخۡرَاجٗا
Pagkatapos ay magpapabalik Siya sa inyo rito at magpapalabas Siya sa inyo sa isang pagpapalabas.
التفاسير العربية:
وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ بِسَاطٗا
At si Allāh ay gumawa para sa inyo ng lupa na isang nakalatag
التفاسير العربية:
لِّتَسۡلُكُواْ مِنۡهَا سُبُلٗا فِجَاجٗا
upang tumahak kayo mula rito sa mga landas na maluwang.'"
التفاسير العربية:
قَالَ نُوحٞ رَّبِّ إِنَّهُمۡ عَصَوۡنِي وَٱتَّبَعُواْ مَن لَّمۡ يَزِدۡهُ مَالُهُۥ وَوَلَدُهُۥٓ إِلَّا خَسَارٗا
Nagsabi si Noe: "Panginoon ko, tunay na sila ay sumuway sa akin at sumunod sa sinumang walang naidagdag sa kanya ang yaman niya at ang anak niya kundi isang pagkalugi.
التفاسير العربية:
وَمَكَرُواْ مَكۡرٗا كُبَّارٗا
At nanlansi sila ng isang panlalansing pagkalaki-laki.
التفاسير العربية:
وَقَالُواْ لَا تَذَرُنَّ ءَالِهَتَكُمۡ وَلَا تَذَرُنَّ وَدّٗا وَلَا سُوَاعٗا وَلَا يَغُوثَ وَيَعُوقَ وَنَسۡرٗا
At nagsabi sila: 'Huwag nga kayong mag-iwan sa mga diyos ninyo at huwag nga kayong mag-iwan kay Wadd, ni kay Suwā`, ni kay Yaghūth, ni kay Ya`ūq, ni kay Nasr.'
التفاسير العربية:
وَقَدۡ أَضَلُّواْ كَثِيرٗاۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّـٰلِمِينَ إِلَّا ضَلَٰلٗا
Nagpaligaw nga sila ng marami. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi pagkaligaw."
التفاسير العربية:
مِّمَّا خَطِيٓـَٰٔتِهِمۡ أُغۡرِقُواْ فَأُدۡخِلُواْ نَارٗا فَلَمۡ يَجِدُواْ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَنصَارٗا
Dahil sa mga kasalanan nila, pinalunod sila at saka pinapasok sila sa isang Apoy at hindi sila nakatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng mga tagaadya.
التفاسير العربية:
وَقَالَ نُوحٞ رَّبِّ لَا تَذَرۡ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ دَيَّارًا
Nagsabi si Noe: "Panginoon ko, huwag Kang mag-iwan sa lupa mula sa mga tagatangging sumampalataya ng isang paggala-gala.
التفاسير العربية:
إِنَّكَ إِن تَذَرۡهُمۡ يُضِلُّواْ عِبَادَكَ وَلَا يَلِدُوٓاْ إِلَّا فَاجِرٗا كَفَّارٗا
Tunay na kung mag-iiwan Ka sa kanila, magpapaligaw sila sa mga lingkod Mo at hindi sila magkakaanak kundi masamang-loob na palatangging sumampalataya.
التفاسير العربية:
رَّبِّ ٱغۡفِرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيَّ وَلِمَن دَخَلَ بَيۡتِيَ مُؤۡمِنٗا وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّـٰلِمِينَ إِلَّا تَبَارَۢا
Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, sa sinumang pumasok sa bahay ko na isang mananampalataya, sa mga lalaking mananampalataya, at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi pagkapahamak."
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: نوح
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق