ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: المعارج
آية:
 

المعارج

سَأَلَ سَآئِلُۢ بِعَذَابٖ وَاقِعٖ
Humiling ang isang humihiling ng isang pagdurusang magaganap.
التفاسير العربية:
لِّلۡكَٰفِرِينَ لَيۡسَ لَهُۥ دَافِعٞ
Para sa mga tagatangging sumampalataya, wala para ritong isang tagahadlang
التفاسير العربية:
مِّنَ ٱللَّهِ ذِي ٱلۡمَعَارِجِ
laban kay Allāh na may mga pampanik.
التفاسير العربية:
تَعۡرُجُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥ خَمۡسِينَ أَلۡفَ سَنَةٖ
Pumapanik ang mga anghel at ang Espiritu sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon.
التفاسير العربية:
فَٱصۡبِرۡ صَبۡرٗا جَمِيلًا
Kaya magtiis ka nang isang pagtitiis na maganda.
التفاسير العربية:
إِنَّهُمۡ يَرَوۡنَهُۥ بَعِيدٗا
Tunay na sila ay nagtuturing na [ang pagdurusang] ito ay malayo
التفاسير العربية:
وَنَرَىٰهُ قَرِيبٗا
samantalang nagtuturing Kaming ito ay malapit,
التفاسير العربية:
يَوۡمَ تَكُونُ ٱلسَّمَآءُ كَٱلۡمُهۡلِ
sa Araw na ang langit ay magiging para bang latak ng langis,
التفاسير العربية:
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ
ang mga bundok ay magiging para bang nilipad na lana,
التفاسير العربية:
وَلَا يَسۡـَٔلُ حَمِيمٌ حَمِيمٗا
at walang magtatanong na isang kaanak sa isang kaanak.
التفاسير العربية:

يُبَصَّرُونَهُمۡۚ يَوَدُّ ٱلۡمُجۡرِمُ لَوۡ يَفۡتَدِي مِنۡ عَذَابِ يَوۡمِئِذِۭ بِبَنِيهِ
Magkakitaan sila. Magmimithi ang salarin na kung sana tutubusin siya mula sa isang pagdurusa sa Araw na iyon kapalit ng mga anak niya,
التفاسير العربية:
وَصَٰحِبَتِهِۦ وَأَخِيهِ
at ng asawa niya at kapatid niya,
التفاسير العربية:
وَفَصِيلَتِهِ ٱلَّتِي تُـٔۡوِيهِ
at ng angkan niya na nagkakanlong sa kanya,
التفاسير العربية:
وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا ثُمَّ يُنجِيهِ
at ng sinumang nasa lupa sa kalahatan, pagkatapos ay magliligtas ito sa kanya.
التفاسير العربية:
كَلَّآۖ إِنَّهَا لَظَىٰ
Aba’y hindi! Tunay na iyon ay Alab,
التفاسير العربية:
نَزَّاعَةٗ لِّلشَّوَىٰ
na isang palatuklap ng anit,
التفاسير العربية:
تَدۡعُواْ مَنۡ أَدۡبَرَ وَتَوَلَّىٰ
na nag-aanyaya sa sinumang tumalikod [sa katotohanan] at nagpakalayu-layo,
التفاسير العربية:
وَجَمَعَ فَأَوۡعَىٰٓ
at kumalap [ng yaman] at nag-imbak nito.
التفاسير العربية:
۞إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ خُلِقَ هَلُوعًا
Tunay na ang tao ay nilikha na ganid:
التفاسير العربية:
إِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ جَزُوعٗا
kapag sumaling sa kanya ang masama ay mapaghinaing
التفاسير العربية:
وَإِذَا مَسَّهُ ٱلۡخَيۡرُ مَنُوعًا
at kapag sumaling sa kanya ang mabuti ay mapagkait,
التفاسير العربية:
إِلَّا ٱلۡمُصَلِّينَ
maliban sa mga nagdarasal,
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ دَآئِمُونَ
na sila, sa pagdarasal nila, ay mga palagian,
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ فِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ مَّعۡلُومٞ
at na [sila], sa mga yaman nila, ay may tungkuling nalalaman
التفاسير العربية:
لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ
para sa nanghihingi at napagkaitan,
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ يُصَدِّقُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
at mga nagpapatotoo sa Araw ng Paggantimpala,
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ عَذَابِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ
at na sila, sa pagdurusang dulot ng Panginoon nila, ay mga nababagabag
التفاسير العربية:
إِنَّ عَذَابَ رَبِّهِمۡ غَيۡرُ مَأۡمُونٖ
- tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon nila ay walang natitiwasay -
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ
at na sila, sa mga puri nila, ay mga nangangalaga,
التفاسير العربية:
إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ
maliban sa mga maybahay nila o sa mga [babaing] minay-ari ng mga kanang kamay nila sapagkat tunay na sila ay hindi mga masisisi
التفاسير العربية:
فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ
- ngunit ang sinumang naghangad ng higit pa roon, ang mga iyon ay ang mga lumalabag -
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ
at na sila, sa mga ipinagkakatiwala sa kanila at sa kasunduan sa kanila ay mga nag-iingat,
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ هُم بِشَهَٰدَٰتِهِمۡ قَآئِمُونَ
at na sila, sa mga pagsasaksi nila, ay mga naninindigan,
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ يُحَافِظُونَ
at na sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga,
التفاسير العربية:
أُوْلَـٰٓئِكَ فِي جَنَّـٰتٖ مُّكۡرَمُونَ
ang mga iyon sa mga hardin ay mga pararangalan.
التفاسير العربية:
فَمَالِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ قِبَلَكَ مُهۡطِعِينَ
Kaya ano ang mayroon sa mga tumangging sumampalataya na sa dako mo ay mga nagdadali-dali
التفاسير العربية:
عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ عِزِينَ
sa gawing kanan at sa gawing kaliwa sa magkakahiwalay na umpukan?
التفاسير العربية:
أَيَطۡمَعُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُدۡخَلَ جَنَّةَ نَعِيمٖ
Naghahangad ba ang bawat tao kabilang sa kanila na papasukin sa isang hardin ng kaginhawahan?
التفاسير العربية:
كَلَّآۖ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّمَّا يَعۡلَمُونَ
Aba’y hindi! Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa nalalaman nila.
التفاسير العربية:
فَلَآ أُقۡسِمُ بِرَبِّ ٱلۡمَشَٰرِقِ وَٱلۡمَغَٰرِبِ إِنَّا لَقَٰدِرُونَ
Kaya talagang sumusumpa Ako sa Panginoon ng mga sikatan at mga lubugan: "Tunay na Kami ay talagang Nakakakaya
التفاسير العربية:

عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ خَيۡرٗا مِّنۡهُمۡ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ
na magpalit Kami ng higit na mabuti kaysa sa kanila, at Kami ay hindi mauunahan."
التفاسير العربية:
فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang pinangangakuan sila,
التفاسير العربية:
يَوۡمَ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ سِرَاعٗا كَأَنَّهُمۡ إِلَىٰ نُصُبٖ يُوفِضُونَ
sa araw na labas sila mula sa mga puntod nang mabibilis na para bang sila tungo sa mga estatwa ay nagmamadali.
التفاسير العربية:
خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۚ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلَّذِي كَانُواْ يُوعَدُونَ
Nagpapakumbaba ang mga paningin nila, nilulukob sila ng isang kadustaan! Iyon ay ang araw na sila noon ay pinangangakuan.
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: المعارج
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق