ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الحاقة
آية:
 

الحاقة

ٱلۡحَآقَّةُ
Ang Magkakatotoo.
التفاسير العربية:
مَا ٱلۡحَآقَّةُ
Ano ang Magkakatotoo?
التفاسير العربية:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡحَآقَّةُ
At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Magkakatotoo?
التفاسير العربية:
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ وَعَادُۢ بِٱلۡقَارِعَةِ
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd at ang [liping] `Ād sa Dagok.
التفاسير العربية:
فَأَمَّا ثَمُودُ فَأُهۡلِكُواْ بِٱلطَّاغِيَةِ
Tungkol sa [liping] Thamūd, pinasawi sila sa pamamagitan ng pagkalabis-labis [na sigaw].
التفاسير العربية:
وَأَمَّا عَادٞ فَأُهۡلِكُواْ بِرِيحٖ صَرۡصَرٍ عَاتِيَةٖ
Tungkol naman sa [liping] `Ād, pinasawi sila sa pamamagitan ng isang hanging malamig na nangangalit,
التفاسير العربية:
سَخَّرَهَا عَلَيۡهِمۡ سَبۡعَ لَيَالٖ وَثَمَٰنِيَةَ أَيَّامٍ حُسُومٗاۖ فَتَرَى ٱلۡقَوۡمَ فِيهَا صَرۡعَىٰ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٍ خَاوِيَةٖ
Nagpataw Siya nito sa kanila ng pitong gabi at walong araw na magkakasunod, kaya makakikita ka sa mga tao roon na mga nakabuwal na para bang sila ay mga punong hungkag ng datiles.
التفاسير العربية:
فَهَلۡ تَرَىٰ لَهُم مِّنۢ بَاقِيَةٖ
Kaya nakakikita ka ba para sa kanila ng anumang natitira?
التفاسير العربية:

وَجَآءَ فِرۡعَوۡنُ وَمَن قَبۡلَهُۥ وَٱلۡمُؤۡتَفِكَٰتُ بِٱلۡخَاطِئَةِ
At nagdala si Paraon, ang nauna sa kanya, at ang [mga naninirahan sa] mga pinagtauban ng mali
التفاسير العربية:
فَعَصَوۡاْ رَسُولَ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَهُمۡ أَخۡذَةٗ رَّابِيَةً
sapagkat sumuway sila sa sugo ng Panginoon nila, kaya dumaklot Siya sa kanila sa isang pagdaklot na lumalago.
التفاسير العربية:
إِنَّا لَمَّا طَغَا ٱلۡمَآءُ حَمَلۡنَٰكُمۡ فِي ٱلۡجَارِيَةِ
Tunay na Kami, noong umapaw ang tubig, ay nagdala sa inyo sa naglalayag [na daong]
التفاسير العربية:
لِنَجۡعَلَهَا لَكُمۡ تَذۡكِرَةٗ وَتَعِيَهَآ أُذُنٞ وَٰعِيَةٞ
upang gumawa Kami nito para sa inyo bilang isang pagpapaalaala at magkamalay rito ang isang taingang nakamamalay.
التفاسير العربية:
فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ نَفۡخَةٞ وَٰحِدَةٞ
Kaya kapag umihip sa tambuli nang nag-iisang pag-ihip,
التفاسير العربية:
وَحُمِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ فَدُكَّتَا دَكَّةٗ وَٰحِدَةٗ
at dinala ang lupa at ang mga bundok, at dinurog ang mga ito nang nag-iisang pagdurog,
التفاسير العربية:
فَيَوۡمَئِذٖ وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ
sa araw na iyon ay magaganap ang magaganap.
التفاسير العربية:
وَٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَهِيَ يَوۡمَئِذٖ وَاهِيَةٞ
Mabibiyak ang langit sapagkat ito sa araw na iyon ay marupok.
التفاسير العربية:
وَٱلۡمَلَكُ عَلَىٰٓ أَرۡجَآئِهَاۚ وَيَحۡمِلُ عَرۡشَ رَبِّكَ فَوۡقَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ ثَمَٰنِيَةٞ
At ang mga anghel ay nasa mga gilid nito. May magpapasan sa Trono ng Panginoon mo sa ibabaw nila sa araw na iyon; walo [sila].
التفاسير العربية:
يَوۡمَئِذٖ تُعۡرَضُونَ لَا تَخۡفَىٰ مِنكُمۡ خَافِيَةٞ
Sa Araw na iyon ay itatanghal kayo; walang makakukubli mula sa inyo na isang tagakubli.
التفاسير العربية:
فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ فَيَقُولُ هَآؤُمُ ٱقۡرَءُواْ كِتَٰبِيَهۡ
Kaya tungkol sa bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya, magsasabi siya: "Kunin ninyo; basahin ninyo ang talaan ko.
التفاسير العربية:
إِنِّي ظَنَنتُ أَنِّي مُلَٰقٍ حِسَابِيَهۡ
Tunay na ako ay nakatiyak na ako ay makikipagkita sa pagtutuos sa akin."
التفاسير العربية:
فَهُوَ فِي عِيشَةٖ رَّاضِيَةٖ
Kaya siya ay nasa isang pamumuhay na nakalulugod,
التفاسير العربية:
فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٖ
sa isang harding mataas,
التفاسير العربية:
قُطُوفُهَا دَانِيَةٞ
na ang mga kumpol [ng bunga] niyon ay malapit.
التفاسير العربية:
كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَآ أَسۡلَفۡتُمۡ فِي ٱلۡأَيَّامِ ٱلۡخَالِيَةِ
[Sasabihan sa kanila]: "Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa inuna ninyo sa mga araw na nagdaan."
التفاسير العربية:
وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِشِمَالِهِۦ فَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُوتَ كِتَٰبِيَهۡ
At tungkol sa bibigyan ng talaan niya sa kaliwang kamay niya, magsasabi siya: "O kung sana ako ay hindi binigyan ng talaan ko,
التفاسير العربية:
وَلَمۡ أَدۡرِ مَا حِسَابِيَهۡ
at hindi nakabatid sa kung ano ang pagtutuos sa akin!
التفاسير العربية:
يَٰلَيۡتَهَا كَانَتِ ٱلۡقَاضِيَةَ
O kung sana [ang kamatayang] ito ay naging ang tagapagwakas!
التفاسير العربية:
مَآ أَغۡنَىٰ عَنِّي مَالِيَهۡۜ
Hindi nakapagdulot para sa akin ang yaman ko.
التفاسير العربية:
هَلَكَ عَنِّي سُلۡطَٰنِيَهۡ
Nasawi sa akin ang kapamahalaan ko."
التفاسير العربية:
خُذُوهُ فَغُلُّوهُ
[Sasabihin]: "Kunin ninyo siya at ikulyar ninyo siya.
التفاسير العربية:
ثُمَّ ٱلۡجَحِيمَ صَلُّوهُ
Pagkatapos sa Impiyerno ay ipasok ninyo siya.
التفاسير العربية:
ثُمَّ فِي سِلۡسِلَةٖ ذَرۡعُهَا سَبۡعُونَ ذِرَاعٗا فَٱسۡلُكُوهُ
Pagkatapos sa isang tanikalang ang haba nito ay pitumpung bisig ay isuot ninyo siya."
التفاسير العربية:
إِنَّهُۥ كَانَ لَا يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ ٱلۡعَظِيمِ
Tunay na siya noon ay hindi sumasampalataya kay Allāh, ang Sukdulan,
التفاسير العربية:
وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ
at hindi humihimok sa pagpapakain sa dukha.
التفاسير العربية:
فَلَيۡسَ لَهُ ٱلۡيَوۡمَ هَٰهُنَا حَمِيمٞ
Kaya walang ukol sa kanya sa Araw na ito rito na isang tagapagtanggol,
التفاسير العربية:

وَلَا طَعَامٌ إِلَّا مِنۡ غِسۡلِينٖ
at walang pagkain kundi mula sa tagas ng sugat.
التفاسير العربية:
لَّا يَأۡكُلُهُۥٓ إِلَّا ٱلۡخَٰطِـُٔونَ
Walang kakain niyon kundi ang mga nagkakasala.
التفاسير العربية:
فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَا تُبۡصِرُونَ
Kaya talagang Ako ay sumusumpa sa anumang nakikita ninyo,
التفاسير العربية:
وَمَا لَا تُبۡصِرُونَ
at sa anumang hindi ninyo nakikita.
التفاسير العربية:
إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ
Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi ng isang Sugong marangal.
التفاسير العربية:
وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَاعِرٖۚ قَلِيلٗا مَّا تُؤۡمِنُونَ
At ito ay hindi sinabi ng isang manunula. Kakaunti ang sinasampalatayanan ninyo!
التفاسير العربية:
وَلَا بِقَوۡلِ كَاهِنٖۚ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
At hindi sinabi ng isang manghuhula. Kakaunti ang isinasaalaala ninyo!
التفاسير العربية:
تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Isang pagbababa [ito] mula sa Panginoon ng mga nilalang.
التفاسير العربية:
وَلَوۡ تَقَوَّلَ عَلَيۡنَا بَعۡضَ ٱلۡأَقَاوِيلِ
At kung sakaling nagsabi-sabi siya laban sa Amin ng ilang mga sabi-sabi,
التفاسير العربية:
لَأَخَذۡنَا مِنۡهُ بِٱلۡيَمِينِ
talaga sanang dumaklot Kami sa kanya sa pamamagitan ng kanang kamay,
التفاسير العربية:
ثُمَّ لَقَطَعۡنَا مِنۡهُ ٱلۡوَتِينَ
pagkatapos ay talaga sanang pumutol Kami mula sa kanya ng ugat sa puso.
التفاسير العربية:
فَمَا مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ عَنۡهُ حَٰجِزِينَ
Kaya walang kabilang sa inyo na isa man na para sa kanya ay mga tagahadlang.
التفاسير العربية:
وَإِنَّهُۥ لَتَذۡكِرَةٞ لِّلۡمُتَّقِينَ
At tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang pagpapaalaala para sa mga tagapangilag magkasala.
التفاسير العربية:
وَإِنَّا لَنَعۡلَمُ أَنَّ مِنكُم مُّكَذِّبِينَ
At tunay na Kami ay talagang nakaaalam na mayroon sa inyo na mga tagapasinungaling.
التفاسير العربية:
وَإِنَّهُۥ لَحَسۡرَةٌ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
At tunay na ito ay talagang isang panghihinayang sa mga tagatangging sumampalataya.
التفاسير العربية:
وَإِنَّهُۥ لَحَقُّ ٱلۡيَقِينِ
At tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang ang katotohanan ng katiyakan.
التفاسير العربية:
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: الحاقة
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق