വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) * - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: സൂറത്തുൽ മആരിജ്   ആയത്ത്:

Al-Ma‘ārij

سَأَلَ سَآئِلُۢ بِعَذَابٖ وَاقِعٖ
Humingi ang isang humihingi ng isang pagdurusang magaganap.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
لِّلۡكَٰفِرِينَ لَيۡسَ لَهُۥ دَافِعٞ
Para sa mga tagatangging sumampalataya, wala para ritong isang tagahadlang
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
مِّنَ ٱللَّهِ ذِي ٱلۡمَعَارِجِ
laban kay Allāh na may mga pampanik.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
تَعۡرُجُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥ خَمۡسِينَ أَلۡفَ سَنَةٖ
Papanik ang mga anghel at ang Espiritu[671] sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon.
[671] Si Anghel Gabriel.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَٱصۡبِرۡ صَبۡرٗا جَمِيلًا
Kaya magtiis ka nang pagtitiis na marilag.[672]
[672] na walang panghihinawa at waking paghihinaing
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِنَّهُمۡ يَرَوۡنَهُۥ بَعِيدٗا
Tunay na sila ay nagtuturing na [ang pagdurusang] ito ay malayo
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَنَرَىٰهُ قَرِيبٗا
samantalang nagtuturing Kaming ito ay malapit,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
يَوۡمَ تَكُونُ ٱلسَّمَآءُ كَٱلۡمُهۡلِ
sa Araw na ang langit ay magiging para bang latak ng langis,[673]
[673] O lusaw na tanso, O lusaw na tingga, O lusaw na pilak.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ
ang mga bundok ay magiging para bang nilipad na lana,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَا يَسۡـَٔلُ حَمِيمٌ حَمِيمٗا
at walang magtatanong[674] na isang kaanak[675] sa isang kaanak,
[674] O manghihingi ng anuman
[675] O kaibigan.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
يُبَصَّرُونَهُمۡۚ يَوَدُّ ٱلۡمُجۡرِمُ لَوۡ يَفۡتَدِي مِنۡ عَذَابِ يَوۡمِئِذِۭ بِبَنِيهِ
[bagamat] magkakitaan sila. Mag-aasam ang salarin na kung sana tutubusin siya mula sa isang pagdurusa sa Araw na iyon kapalit ng mga anak niya,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَصَٰحِبَتِهِۦ وَأَخِيهِ
at ng asawa niya at kapatid niya,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَفَصِيلَتِهِ ٱلَّتِي تُـٔۡوِيهِ
at ng angkan niya na nagkakanlong sa kanya,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا ثُمَّ يُنجِيهِ
at ng sinumang nasa lupa nang lahatan, pagkatapos makapagliligtas ito sa kanya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
كَلَّآۖ إِنَّهَا لَظَىٰ
Aba’y hindi! Tunay na iyon ay Alab,[676]
[676] Isa sa mga pangalan ng Impiyerno, tinawag itong Alab dahil nag-aalab ang apoy nito.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
نَزَّاعَةٗ لِّلشَّوَىٰ
na isang palatuklap ng anit,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
تَدۡعُواْ مَنۡ أَدۡبَرَ وَتَوَلَّىٰ
na nag-aanyaya sa sinumang tumalikod [sa katotohanan] at nagpakalayu-layo,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَجَمَعَ فَأَوۡعَىٰٓ
at umipon [ng yaman] at nag-imbak nito.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
۞ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ خُلِقَ هَلُوعًا
Tunay na ang tao ay nilikha na ganid:
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ جَزُوعٗا
kapag sumaling sa kanya ang masama ay maligalig
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَإِذَا مَسَّهُ ٱلۡخَيۡرُ مَنُوعًا
at kapag sumaling sa kanya ang mabuti ay mapagkait,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِلَّا ٱلۡمُصَلِّينَ
maliban sa mga nagdarasal,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ دَآئِمُونَ
na sila, sa pagdarasal nila, ay mga palagian,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَٱلَّذِينَ فِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ مَّعۡلُومٞ
at na [sila], sa mga yaman nila, ay may tungkuling nalalaman[677]
[677] O karapatan o bahagi.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ
para sa nanghihingi at napagkaitan,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَٱلَّذِينَ يُصَدِّقُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
at mga nagpapatotoo sa Araw ng Pagtutumbas,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ عَذَابِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ
at na sila, sa pagdurusang dulot ng Panginoon nila, ay mga nababagabag
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِنَّ عَذَابَ رَبِّهِمۡ غَيۡرُ مَأۡمُونٖ
– tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon nila ay walang natitiwasay –
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ
at na sila, sa mga ari nila, ay mga tagapag-ingat,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ
maliban sa mga maybahay nila o sa [babaing] minay-ari ng mga kanang kamay nila [ayon sa batas] sapagkat tunay sila ay hindi mga masisisi
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ
– ngunit ang sinumang naghangad ng higit pa roon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag –
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ
at na sila, sa mga ipinagkakatiwala sa kanila at sa kasunduan sa kanila, ay mga nag-iingat,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَٱلَّذِينَ هُم بِشَهَٰدَٰتِهِمۡ قَآئِمُونَ
at na sila, sa mga pagsasaksi nila, ay mga naninindigan,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ يُحَافِظُونَ
at na sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
أُوْلَٰٓئِكَ فِي جَنَّٰتٖ مُّكۡرَمُونَ
ang mga iyon sa mga hardin ay mga pararangalan.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَمَالِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ قِبَلَكَ مُهۡطِعِينَ
Kaya ano ang mayroon sa mga tumangging sumampalataya na sa dako mo ay mga nagdadali-dali[678]
[678] O nakadunghal ang mga leeg.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ عِزِينَ
sa gawing kanan at sa gawing kaliwa sa magkakahiwalay na umpukan?
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
أَيَطۡمَعُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُدۡخَلَ جَنَّةَ نَعِيمٖ
Naghahangad ba ang bawat tao kabilang sa kanila na papasukin sa isang hardin ng kaginhawahan?
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
كَلَّآۖ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّمَّا يَعۡلَمُونَ
Aba’y hindi! Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa nalalaman nila.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَلَآ أُقۡسِمُ بِرَبِّ ٱلۡمَشَٰرِقِ وَٱلۡمَغَٰرِبِ إِنَّا لَقَٰدِرُونَ
Kaya talagang sumusumpa Ako sa [sarili Ko bilang] Panginoon ng mga sikatan at mga lubugan, tunay na Kami ay talagang Nakakakaya
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ خَيۡرٗا مِّنۡهُمۡ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ
na magpalit Kami ng higit na mabuti kaysa sa kanila, at Kami ay hindi mauunahan.”
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang pinangangakuan sila
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
يَوۡمَ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ سِرَاعٗا كَأَنَّهُمۡ إِلَىٰ نُصُبٖ يُوفِضُونَ
sa araw na lalabas sila mula sa mga puntod nang matutulin na para bang sila tungo sa mga dambana ay nagmamadali.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۚ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلَّذِي كَانُواْ يُوعَدُونَ
Nagtataimtim ang mga paningin nila, may lumulukob sa kanila na isang kaabahan! Iyon ay ang araw na dating ipinangangako sa kanila.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
 
പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: സൂറത്തുൽ മആരിജ്
സൂറത്തുകളുടെ സൂചിക പേജ് നമ്പർ
 
വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

വിശുദ്ധ ഖുർആൻ ആശയ വിവർത്തനം ഫിലിപ്പീനി (ടാഗലോഗ്) ഭാഷയിൽ, റുവ്വാദ് തർജമ കേന്ദ്രം വിഭാഗം, ഇസ്‌ലാം ഹൌസ് വെബ്‌സൈറ്റിന്റെ (www.islamhouse.com) സഹകരണത്തോടെ നിർവഹിച്ച പരിഭാഷ.

അടക്കുക