Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Al-Fātihah   Ayah:

Al-Fātihah

Purposes of the Surah:
تحقيق العبودية الخالصة لله تعالى.
Ang Pagsasakatuparan ng Dalisay na Pagsamba kay Allāh – Pagkataas-taas Siya.

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Sa ngalan ni Allāh, nagsisimula ako sa pagbigkas ng Qur'ān habang nagpapatulong sa Kanya – pagkataas-taas Siya – at nagpapabiyaya sa pamamagitan ng pagbanggit sa pangalan Niya. Naglaman nga ang basmalah ng tatlo sa pinakamagagandang mga pangalan ni Allāh: 1. Allāh, na nangangahulugan: Ang sinasamba ayon sa karapatan. Ito ay ang pinakatangi sa mga pangalan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at hindi ipinangangalan ito sa iba pa sa Kanya – pagkataas-taas Siya. 2. ArRaḥmān (ang Napakamaawain), na nangangahulugan: ang may awang malawak, sapagkat Siya ay ang Napakamaawain ayon sa sarili Niya. 3. ArRaḥīm, na nangangahulugan: ang may awang umaabot sapagkat Siya ay naaawa sa pamamagitan ng awa Niya sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga nilikha Niya at kabilang sa kanila ang mga Mananampalataya kabilang sa mga lingkod Niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ang lubos na pagbubunyi at ang lahat ng mga uri ng mga papuri ay kabilang sa mga katangian ng kapitaganan at kalubusan ay ukol kay Allāh lamang kaysa sa sinumang iba sa Kanya yayamang Siya ay Panginoon ng bawat bagay, Tagalikha nito, at Tagapangasiwa nito. Ang al-`ālamūn/al-`ālamīn (ang mga nilalang) ay pangmaramihan ng `ālam (nilalang). Sila ay ang lahat ng anumang iba kay Allāh – pagkataas-taas Siya.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Isang pagbubunyi kay Allāh matapos ng pagpuri sa Kanya sa naunang talata.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَٰلِكِ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
Isang pagluluwalhati para kay Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil Siya ay ang nagmamay-ari ng bawat anumang nasa Araw ng Pagbangon kung saan walang magagawang anuman ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa. Ang Araw ng Pagtutumbas ay ang Araw ng Pagganti at Pagtutuos.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِيَّاكَ نَعۡبُدُ وَإِيَّاكَ نَسۡتَعِينُ
Nagtatangi Kami sa iyo lamang sa lahat ng mga uri ng pagsamba at pagtalima kaya hindi kami nagtatambal kasama sa Iyo ng iba pa sa Iyo, at mula sa Iyo lamang kami humihingi ng tulong sa lahat ng mga pumupatungkol sa amin sapagkat nasa kamay Mo ang kabutihan sa kabuuan nito at walang tagatulong na iba pa sa Iyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱهۡدِنَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ
Magturo Ka sa amin tungo sa landasing tuwid, magpatahak Ka sa amin doon, magpatatag Ka sa amin doon, at magdagdag Ka sa amin ng patnubay. "Ang landasing tuwid" ay ang daang maliwanag na walang kabaluktutan. Ito ay ang Islām na isinugo ni Allāh dahil dito si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
صِرَٰطَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِمۡ غَيۡرِ ٱلۡمَغۡضُوبِ عَلَيۡهِمۡ وَلَا ٱلضَّآلِّينَ
Ang daan ng mga biniyayaan Mo kabilang sa mga lingkod Mo sa dahil sa pagpatnubay sa kanila, gaya ng mga propeta, mga nagpapakatotoo, mga martir, at mga maayos – kay ganda ng mga iyon bilang kasamahan – hindi ang daan ng mga kinagalitan na nakakilala sa katotohanan at hindi sumunod dito, gaya ng mga Hudyo; hindi ang daan ng mga naliligaw palayo sa katotohanan, na mga hindi napatnubayan tungo rito dahil sa pagpapabaya nila sa paghahanap sa katotohanan at sa pagkapatnubay tungo roon, gaya ng mga Kristiyano.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• افتتح الله تعالى كتابه بالبسملة؛ ليرشد عباده أن يبدؤوا أعمالهم وأقوالهم بها طلبًا لعونه وتوفيقه.
• Binuksan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ang Aklat Niya sa pamamagitan ng basmalah upang gumabay sa mga lingkod Niya na magsimula sila mga ginagawa nila at mga sinasabi nila sa pamamagitan nito bilang paghiling ng tulong Niya at pagtutuon Niya.

• من هدي عباد الله الصالحين في الدعاء البدء بتمجيد الله والثناء عليه سبحانه، ثم الشروع في الطلب.
Kabilang sa patnubay sa mga maayos na lingkod ni Allāh sa pagdalangin ang magsimula sa pagluluwalhati kay Allāh at pagbubunyi sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – pagkatapos ang mag-umpisa sa paghiling.

• تحذير المسلمين من التقصير في طلب الحق كالنصارى الضالين، أو عدم العمل بالحق الذي عرفوه كاليهود المغضوب عليهم.
• Ang pagbibigay-babala sa mga Muslim laban sa pagkukulang sa paghahanap sa katotohanan gaya ng mga Kristiyanong naliligaw, o hindi paggawa ayon sa katotohanan na nakikilala nila gaya ng mga Hudyo at mga kinagalitan.

• دلَّت السورة على أن كمال الإيمان يكون بإخلاص العبادة لله تعالى وطلب العون منه وحده دون سواه.
• Nagpatunay ang kabanatang ito na ang kalubusan ng pananampalataya ay sa pamamagitan ng pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at paghiling ng tulong mula sa Kanya lamang: walang iba pa sa Kanya.

 
Translation of the meanings Surah: Al-Fātihah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close