Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: An-Naml   Ayah:

An-Naml

طسٓۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡقُرۡءَانِ وَكِتَابٖ مُّبِينٍ
Ṭā’. Sīn.[385] Ang mga ito ay ang mga talata ng Qur’ān at ng isang Aklat na malinaw
[385] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
Arabic explanations of the Qur’an:
هُدٗى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
bilang patnubay at bilang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya,
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ
na mga nagpapanatili ng pagdarasal at nagbibigay ng zakāh, at sila sa Kabilang-buhay, sila ay nakatitiyak.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ زَيَّنَّا لَهُمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَهُمۡ يَعۡمَهُونَ
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay ipinang-akit Namin para sa kanila ang mga gawain nila kaya naman sila ay nag-aapuhap.
Arabic explanations of the Qur’an:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَهُمۡ سُوٓءُ ٱلۡعَذَابِ وَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ هُمُ ٱلۡأَخۡسَرُونَ
Ang mga iyon ay ang mga ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagdurusa [sa Mundo]; at sila sa Kabilang-buhay, sila ay ang mga pinakalugi.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّكَ لَتُلَقَّى ٱلۡقُرۡءَانَ مِن لَّدُنۡ حَكِيمٍ عَلِيمٍ
Tunay na ikaw ay talagang ginagawaran ng Qur’ān mula sa panig ng Marunong, Maalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِأَهۡلِهِۦٓ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا سَـَٔاتِيكُم مِّنۡهَا بِخَبَرٍ أَوۡ ءَاتِيكُم بِشِهَابٖ قَبَسٖ لَّعَلَّكُمۡ تَصۡطَلُونَ
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mag-anak niya: “Tunay na ako ay nakatanaw ng apoy. Magdadala ako sa inyo mula roon ng isang balita o magdadala ako sa inyo ng isang ningas na pamparikit, nang sa gayon kayo ay makapagpapainit.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَلَمَّا جَآءَهَا نُودِيَ أَنۢ بُورِكَ مَن فِي ٱلنَّارِ وَمَنۡ حَوۡلَهَا وَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ngunit noong dumating siya roon ay tinawag siya: “Pinagpala ang sinumang nasa apoy at ang sinumang nasa paligid nito.” Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang!
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّهُۥٓ أَنَا ٱللَّهُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
[Nagsabi si Allāh]: “O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَلۡقِ عَصَاكَۚ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهۡتَزُّ كَأَنَّهَا جَآنّٞ وَلَّىٰ مُدۡبِرٗا وَلَمۡ يُعَقِّبۡۚ يَٰمُوسَىٰ لَا تَخَفۡ إِنِّي لَا يَخَافُ لَدَيَّ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Pumukol ka ng tungkod mo.” Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya habang tumatakas at hindi bumalik [sa dinaanan. Sinabi]: “O Moises, huwag kang mangamba. Tunay na Ako ay hindi pinangangambahan, sa harap Ko, ng mga isinugo.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِلَّا مَن ظَلَمَ ثُمَّ بَدَّلَ حُسۡنَۢا بَعۡدَ سُوٓءٖ فَإِنِّي غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Kung hindi man, ang sinumang lumabag sa katarungan, pagkatapos nagpalit ng isang kagandahan matapos ng isang kasagwaan, tunay na Ako ay Mapagpatawad, Maawain.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَدۡخِلۡ يَدَكَ فِي جَيۡبِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٖۖ فِي تِسۡعِ ءَايَٰتٍ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَقَوۡمِهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Ipasok mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang kasagwaan [ng ketong]. [Ito ay] nasa siyam na tanda para kay Paraon at mga tao niya. Tunay na sila ay mga taong suwail.”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَلَمَّا جَآءَتۡهُمۡ ءَايَٰتُنَا مُبۡصِرَةٗ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Ngunit noong dumating sa kanila ang mga tanda Namin, na nagbibigay-paningin, ay nagsabi sila: “Ito ay isang panggagaway na malinaw.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَجَحَدُواْ بِهَا وَٱسۡتَيۡقَنَتۡهَآ أَنفُسُهُمۡ ظُلۡمٗا وَعُلُوّٗاۚ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Nagkaila sila sa mga [tandang] ito – samantalang tumiyak sa mga ito ang mga sarili nila – bilang kawalang-katarungan at bilang pagmamataas. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ وَسُلَيۡمَٰنَ عِلۡمٗاۖ وَقَالَا ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي فَضَّلَنَا عَلَىٰ كَثِيرٖ مِّنۡ عِبَادِهِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Talaga ngang nagbigay Kami kina David at Solomon ng kaalaman. Nagsabi silang dalawa: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَوَرِثَ سُلَيۡمَٰنُ دَاوُۥدَۖ وَقَالَ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ عُلِّمۡنَا مَنطِقَ ٱلطَّيۡرِ وَأُوتِينَا مِن كُلِّ شَيۡءٍۖ إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡمُبِينُ
Nagmana si Solomon kay David[386] at nagsabi: “O mga tao, tinuruan kami ng pagbigkas ng mga ibon at binigyan kami mula sa bawat bagay. Tunay na ito ay talagang ang kabutihang-loob na malinaw.”
[386] ng pakapropeta, kaalaman, at pagkahari
Arabic explanations of the Qur’an:
وَحُشِرَ لِسُلَيۡمَٰنَ جُنُودُهُۥ مِنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ وَٱلطَّيۡرِ فَهُمۡ يُوزَعُونَ
Kinalap para kay Solomon ang mga kawal niya kabilang sa jinn, tao, at ibon, saka sila ay papipilahin;
Arabic explanations of the Qur’an:
حَتَّىٰٓ إِذَآ أَتَوۡاْ عَلَىٰ وَادِ ٱلنَّمۡلِ قَالَتۡ نَمۡلَةٞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّمۡلُ ٱدۡخُلُواْ مَسَٰكِنَكُمۡ لَا يَحۡطِمَنَّكُمۡ سُلَيۡمَٰنُ وَجُنُودُهُۥ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
hanggang sa nang nakapunta sila sa lambak ng mga langgam ay may nagsabing isang langgam: “O mga langgam, magsipasok kayo sa mga tirahan ninyo; huwag nga dumudurog sa inyo si Solomon at ang mga kawal niya habang sila ay hindi nakadarama.”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَتَبَسَّمَ ضَاحِكٗا مِّن قَوۡلِهَا وَقَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِيٓ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَٰلِدَيَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَٰلِحٗا تَرۡضَىٰهُ وَأَدۡخِلۡنِي بِرَحۡمَتِكَ فِي عِبَادِكَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Kaya ngumiti-ngiti si Solomon na natatawa sa sabi niyon at nagsabi siya: “Panginoon ko, mag-udyok Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa ama ko at na gumawa ako ng maayos na kinalulugdan Mo, at magpapasok Ka sa akin, sa pamamagitan ng awa Mo, sa mga lingkod Mong mga maayos.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَتَفَقَّدَ ٱلطَّيۡرَ فَقَالَ مَالِيَ لَآ أَرَى ٱلۡهُدۡهُدَ أَمۡ كَانَ مِنَ ٱلۡغَآئِبِينَ
Nagsiyasat siya sa mga ibon saka nagsabi siya: “Ano ang mayroon sa akin na hindi ako nakakikita sa abubilya, o siya ay naging kabilang sa mga lumiliban?
Arabic explanations of the Qur’an:
لَأُعَذِّبَنَّهُۥ عَذَابٗا شَدِيدًا أَوۡ لَأَاْذۡبَحَنَّهُۥٓ أَوۡ لَيَأۡتِيَنِّي بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Talagang pagdurusahin ko nga siya ng isang pagdurusang matindi, o talagang kakatayin ko nga siya, o talagang magdadala nga siya sa akin ng isang katunayang malinaw.”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَمَكَثَ غَيۡرَ بَعِيدٖ فَقَالَ أَحَطتُ بِمَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ وَجِئۡتُكَ مِن سَبَإِۭ بِنَبَإٖ يَقِينٍ
Kaya namalagi ito nang hindi malayo saka nagsabi ito: “Nakapaligid ako sa hindi ka nakapaligid at naghatid ako sa iyo mula sa Sheba ng isang balitang tiyak.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنِّي وَجَدتُّ ٱمۡرَأَةٗ تَمۡلِكُهُمۡ وَأُوتِيَتۡ مِن كُلِّ شَيۡءٖ وَلَهَا عَرۡشٌ عَظِيمٞ
Tunay na ako ay nakatagpo ng isang babaing naghahari sa kanila, nabigyan mula sa bawat bagay, at mayroon siyang isang tronong dakila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَجَدتُّهَا وَقَوۡمَهَا يَسۡجُدُونَ لِلشَّمۡسِ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَصَدَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ فَهُمۡ لَا يَهۡتَدُونَ
Nakatagpo ako sa kanya at mga tao niya na nagpapatirapa sa araw bukod pa kay Allāh. Ipinaakit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila – saka bumalakid iyon sa kanila sa landas kaya sila ay hindi napapatnubayan –
Arabic explanations of the Qur’an:
أَلَّاۤ يَسۡجُدُواْۤ لِلَّهِ ٱلَّذِي يُخۡرِجُ ٱلۡخَبۡءَ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَيَعۡلَمُ مَا تُخۡفُونَ وَمَا تُعۡلِنُونَ
upang hindi sila magpatirapa kay Allāh na nagpapalabas ng nakatago sa mga langit at lupa at nakaaalam sa anumang ikinukubli nila at anumang inihahayag nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ۩
Si Allāh – walang Diyos kundi Siya – ay ang Panginoon ng tronong dakila.”
Arabic explanations of the Qur’an:
۞ قَالَ سَنَنظُرُ أَصَدَقۡتَ أَمۡ كُنتَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Nagsabi [si Solomon]: “Titingin kami kung nagtotoo ka ba o ikaw ay naging kabilang sa mga sinungaling.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱذۡهَب بِّكِتَٰبِي هَٰذَا فَأَلۡقِهۡ إِلَيۡهِمۡ ثُمَّ تَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَٱنظُرۡ مَاذَا يَرۡجِعُونَ
Umalis ka kalakip ng sulat kong ito at maghatid ka nito sa kanila. Pagkatapos tumalikod ka palayo sa kanila saka tumingin ka kung ano ang [sagot na] ibabalik nila.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَتۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ إِنِّيٓ أُلۡقِيَ إِلَيَّ كِتَٰبٞ كَرِيمٌ
Nagsabi siya: “O konseho, tunay na ako ay pinadalhan ng isang sulat na marangal.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّهُۥ مِن سُلَيۡمَٰنَ وَإِنَّهُۥ بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Tunay na ito ay mula kay Solomon at tunay na ito ay sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain,
Arabic explanations of the Qur’an:
أَلَّا تَعۡلُواْ عَلَيَّ وَأۡتُونِي مُسۡلِمِينَ
na [nagsasaad]: Huwag kayong magmataas sa akin[387] at pumunta kayo sa akin bilang mga tagapagpasakop.[388]
[387] Ibig sabihin: laban sa paanyaya ko sa Tawḥīd.
[388] na nagpapaakay kay Allāh
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَتۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ أَفۡتُونِي فِيٓ أَمۡرِي مَا كُنتُ قَاطِعَةً أَمۡرًا حَتَّىٰ تَشۡهَدُونِ
Nagsabi siya: “O konseho, maghabilin kayo sa akin sa usapin ko. Hindi nangyaring ako ay magpapasya ng isang usapin hanggang sa sumaksi kayo sa akin.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ نَحۡنُ أُوْلُواْ قُوَّةٖ وَأُوْلُواْ بَأۡسٖ شَدِيدٖ وَٱلۡأَمۡرُ إِلَيۡكِ فَٱنظُرِي مَاذَا تَأۡمُرِينَ
Nagsabi sila: “Tayo ay mga may matinding kapangyarihan at ang usapin ay nasa iyo, kaya tumingin ka kung ano ang ipag-uutos mo.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَتۡ إِنَّ ٱلۡمُلُوكَ إِذَا دَخَلُواْ قَرۡيَةً أَفۡسَدُوهَا وَجَعَلُوٓاْ أَعِزَّةَ أَهۡلِهَآ أَذِلَّةٗۚ وَكَذَٰلِكَ يَفۡعَلُونَ
Nagsabi siya: “Tunay na ang mga hari, kapag pumasok sila sa isang pamayanan, ay nanggugulo roon at gumagawa sa mga marangal sa mga naninirahan doon bilang mga kaaba-aba. Gayon sila gumawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنِّي مُرۡسِلَةٌ إِلَيۡهِم بِهَدِيَّةٖ فَنَاظِرَةُۢ بِمَ يَرۡجِعُ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Tunay na ako ay magsusugo sa kanila kalakip ng isang regalo saka titingin sa kung ano [sagot na] ibabalik ng mga isinugo.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَلَمَّا جَآءَ سُلَيۡمَٰنَ قَالَ أَتُمِدُّونَنِ بِمَالٖ فَمَآ ءَاتَىٰنِۦَ ٱللَّهُ خَيۡرٞ مِّمَّآ ءَاتَىٰكُمۚ بَلۡ أَنتُم بِهَدِيَّتِكُمۡ تَفۡرَحُونَ
Kaya noong dumating [ang sugo] kay Solomon ay nagsabi siya: “Mag-aayuda ba kayo sa akin ng yaman gayong ang ibinigay sa akin ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay Niya sa inyo? Bagkus kayo sa regalo ninyo ay natutuwa.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱرۡجِعۡ إِلَيۡهِمۡ فَلَنَأۡتِيَنَّهُم بِجُنُودٖ لَّا قِبَلَ لَهُم بِهَا وَلَنُخۡرِجَنَّهُم مِّنۡهَآ أَذِلَّةٗ وَهُمۡ صَٰغِرُونَ
Bumalik ka sa kanila sapagkat talagang magdadala nga kami sa kanila ng mga kawal na walang lakas sa kanila laban sa mga ito at talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula roon bilang mga kaaba-aba habang sila ay mga nanliliit.
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ أَيُّكُمۡ يَأۡتِينِي بِعَرۡشِهَا قَبۡلَ أَن يَأۡتُونِي مُسۡلِمِينَ
Nagsabi [si Solomon]: “O konseho, alin sa inyo ang magdadala sa akin ng trono niya bago sila pumunta sa aking bilang mga tagapagpasakop?”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ عِفۡرِيتٞ مِّنَ ٱلۡجِنِّ أَنَا۠ ءَاتِيكَ بِهِۦ قَبۡلَ أَن تَقُومَ مِن مَّقَامِكَۖ وَإِنِّي عَلَيۡهِ لَقَوِيٌّ أَمِينٞ
May nagsabing isang makapangyarihan kabilang sa mga jinn: “Ako ay magdadala sa iyo niyon bago ka makatayo mula sa pinanatilihan mo. Tunay na ako para roon ay talagang malakas na mapagkakatiwalaan.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ ٱلَّذِي عِندَهُۥ عِلۡمٞ مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ أَنَا۠ ءَاتِيكَ بِهِۦ قَبۡلَ أَن يَرۡتَدَّ إِلَيۡكَ طَرۡفُكَۚ فَلَمَّا رَءَاهُ مُسۡتَقِرًّا عِندَهُۥ قَالَ هَٰذَا مِن فَضۡلِ رَبِّي لِيَبۡلُوَنِيٓ ءَأَشۡكُرُ أَمۡ أَكۡفُرُۖ وَمَن شَكَرَ فَإِنَّمَا يَشۡكُرُ لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ رَبِّي غَنِيّٞ كَرِيمٞ
Nagsabi ang may taglay na kaalaman mula sa kasulatan: “Ako ay magdadala sa iyo niyon bago makabalik sa iyo ang pagkurap mo.” Kaya noong nakita [ni Solomon] iyon na nakalapag sa piling niya ay nagsabi siya: “Ito ay bahagi ng kabutihang-loob ng Panginoon ko upang sulitin Niya ako kung magpapasalamat ba ako o tatanggi akong magpasalamat. Ang sinumang nagpasalamat ay nagpasalamat lamang para sa sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na ang Panginoon ko ay Walang-pangangailangan, Mapagbigay.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ نَكِّرُواْ لَهَا عَرۡشَهَا نَنظُرۡ أَتَهۡتَدِيٓ أَمۡ تَكُونُ مِنَ ٱلَّذِينَ لَا يَهۡتَدُونَ
Nagsabi siya: “Magpabalatkayo kayo para sa kanya ng trono niya, titingnan natin kung mapapatnubayan ba siya[389] o siya ay kabilang sa mga hindi napapatnubayan.”
[389] sa pagkakilala na ito ay silya niya
Arabic explanations of the Qur’an:
فَلَمَّا جَآءَتۡ قِيلَ أَهَٰكَذَا عَرۡشُكِۖ قَالَتۡ كَأَنَّهُۥ هُوَۚ وَأُوتِينَا ٱلۡعِلۡمَ مِن قَبۡلِهَا وَكُنَّا مُسۡلِمِينَ
Kaya noong dumating siya ay sinabi: “Ganito ba ang trono mo?” Nagsabi siya: “Para bang ito ay iyon.” [Nagsabi si Solomon]: “Binigyan kami ng kaalaman bago pa niya at dati na kaming mga tagapagpasakop [kay Allāh].”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَصَدَّهَا مَا كَانَت تَّعۡبُدُ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ إِنَّهَا كَانَتۡ مِن قَوۡمٖ كَٰفِرِينَ
Bumalakid sa kanya [sa pagsamba kay Allāh] ang dati nang sinasamba niya bukod pa kay Allāh. Tunay na siya dati ay kabilang sa mga taong tagatangging sumampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
قِيلَ لَهَا ٱدۡخُلِي ٱلصَّرۡحَۖ فَلَمَّا رَأَتۡهُ حَسِبَتۡهُ لُجَّةٗ وَكَشَفَتۡ عَن سَاقَيۡهَاۚ قَالَ إِنَّهُۥ صَرۡحٞ مُّمَرَّدٞ مِّن قَوَارِيرَۗ قَالَتۡ رَبِّ إِنِّي ظَلَمۡتُ نَفۡسِي وَأَسۡلَمۡتُ مَعَ سُلَيۡمَٰنَ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Sinabi sa kanya: “Pumasok ka sa palasyo.” Kaya noong nakita niya [ang salaming sahig na] ito ay nag-akala siyang ito ay isang lawa at [naglilis ng damit kaya] naglantad siya ng mga lulod niya. Nagsabi [si Solomon]: “Tunay na ito ay isang palasyong pinakinis [ang sahig] mula sa mga salamin.” Nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko. Nagpasakop ako kasama kay Solomon kay Allāh ang Panginoon ng mga nilalang.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمۡ صَٰلِحًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ فَإِذَا هُمۡ فَرِيقَانِ يَخۡتَصِمُونَ
Talaga ngang nagsugo Kami sa [liping] Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh,” saka biglang sila ay dalawang pangkat na nag-aalitan.
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ يَٰقَوۡمِ لِمَ تَسۡتَعۡجِلُونَ بِٱلسَّيِّئَةِ قَبۡلَ ٱلۡحَسَنَةِۖ لَوۡلَا تَسۡتَغۡفِرُونَ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, bakit kayo nagmamadali sa gawang masagwa bago ng gawang maganda? Bakit nga ba hindi kayo humihingi ng tawad kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan?”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ ٱطَّيَّرۡنَا بِكَ وَبِمَن مَّعَكَۚ قَالَ طَٰٓئِرُكُمۡ عِندَ ٱللَّهِۖ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ تُفۡتَنُونَ
Nagsabi sila: “Nag-ugnay kami ng kamalasan sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo.” Nagsabi siya: “Ang kamalasang inuugnay ninyo ay nasa ganang kay Allāh, bagkus kayo ay mga taong tinutukso.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَكَانَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ تِسۡعَةُ رَهۡطٖ يُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا يُصۡلِحُونَ
Dati sa lungsod ay may siyam na lalaking nanggugulo sa lupain at hindi nagsasaayos.
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ تَقَاسَمُواْ بِٱللَّهِ لَنُبَيِّتَنَّهُۥ وَأَهۡلَهُۥ ثُمَّ لَنَقُولَنَّ لِوَلِيِّهِۦ مَا شَهِدۡنَا مَهۡلِكَ أَهۡلِهِۦ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Nagsabi sila: “Magsumpaan kayo kay Allāh na talagang susugod nga tayo sa gabi sa kanya at sa mag-anak niya, pagkatapos talagang magsasabi nga tayo sa katangkilik niya: “Hindi kami nakasaksi sa pagkapahamak ng mag-anak niya. Tunay na kami ay talagang mga tapat.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَكَرُواْ مَكۡرٗا وَمَكَرۡنَا مَكۡرٗا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagpakana sila ng isang pakana [laban kay Ṣāliḥ] at nagpakana Kami ng isang pakana habang sila ay hindi nakararamdam.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ مَكۡرِهِمۡ أَنَّا دَمَّرۡنَٰهُمۡ وَقَوۡمَهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng pakana nila, na Kami ay nagwasak sa kanila at sa mga kalipi nila nang magkakasama.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَتِلۡكَ بُيُوتُهُمۡ خَاوِيَةَۢ بِمَا ظَلَمُوٓاْۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Kaya ang mga iyon ay ang mga bahay nila: hungkag, dahil lumabag sila sa katarungan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong umaalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَنجَيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ
Nagligtas Kami sa mga sumampalataya at dati na silang nangingilag magkasala.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ أَتَأۡتُونَ ٱلۡفَٰحِشَةَ وَأَنتُمۡ تُبۡصِرُونَ
[Banggitin] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: “Pumupunta ba kayo sa mahalay habang kayo ay nakakikita [sa isa’t isa nang lantaran]?”
Arabic explanations of the Qur’an:
أَئِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ شَهۡوَةٗ مِّن دُونِ ٱلنِّسَآءِۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ تَجۡهَلُونَ
Tunay na kayo ba ay talagang pumupunta sa mga lalaki dala ng pagnanasa bukod pa sa mga babae? Bagkus kayo ay mga taong nagpakamangmang.
Arabic explanations of the Qur’an:
۞ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُوٓاْ أَخۡرِجُوٓاْ ءَالَ لُوطٖ مِّن قَرۡيَتِكُمۡۖ إِنَّهُمۡ أُنَاسٞ يَتَطَهَّرُونَ
Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: “Palabasin ninyo ang mag-anak ni Lot mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakalinis.”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَٰهَا مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Kaya pinaligtas Namin siya at ang mag-anak niya maliban sa maybahay niya; nagtakda Kami rito [na maging] kabilang sa mga nagpapaiwan [para mapahamak].
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِم مَّطَرٗاۖ فَسَآءَ مَطَرُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan [ng mga bato], saka kay saklap ang ulan ng mga binalaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ وَسَلَٰمٌ عَلَىٰ عِبَادِهِ ٱلَّذِينَ ٱصۡطَفَىٰٓۗ ءَآللَّهُ خَيۡرٌ أَمَّا يُشۡرِكُونَ
Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh at kapayapaan ay sa mga lingkod Niyang hinirang Niya. Si Allāh ba ay higit na mabuti o ang itinatambal ninyo?
Arabic explanations of the Qur’an:
أَمَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَأَنزَلَ لَكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَنۢبَتۡنَا بِهِۦ حَدَآئِقَ ذَاتَ بَهۡجَةٖ مَّا كَانَ لَكُمۡ أَن تُنۢبِتُواْ شَجَرَهَآۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٞ يَعۡدِلُونَ
O ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa para sa inyo mula sa langit ng tubig kaya nagpatubo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may dilag na hindi naging ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga punong-kahoy ng mga iyon ay isang diyos kasama kay Allāh? Bagkus sila ay mga taong nagpapantay [sa Kanya sa iba].
Arabic explanations of the Qur’an:
أَمَّن جَعَلَ ٱلۡأَرۡضَ قَرَارٗا وَجَعَلَ خِلَٰلَهَآ أَنۡهَٰرٗا وَجَعَلَ لَهَا رَوَٰسِيَ وَجَعَلَ بَيۡنَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ حَاجِزًاۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
O ang gumawa ba sa lupa bilang pamamalagian, gumawa sa gitna nito ng mga ilog, gumawa para rito ng mga matatag na bundok, at gumawa sa pagitan ng dalawang dagat [na alat at tabang] ng isang harang ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَمَّن يُجِيبُ ٱلۡمُضۡطَرَّ إِذَا دَعَاهُ وَيَكۡشِفُ ٱلسُّوٓءَ وَيَجۡعَلُكُمۡ خُلَفَآءَ ٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
O ang sumasagot ba sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya, nag-aalis ng kasagwaan, at gumagawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Kaunti ang isinasaalaala ninyo!
Arabic explanations of the Qur’an:
أَمَّن يَهۡدِيكُمۡ فِي ظُلُمَٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ وَمَن يُرۡسِلُ ٱلرِّيَٰحَ بُشۡرَۢا بَيۡنَ يَدَيۡ رَحۡمَتِهِۦٓۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ تَعَٰلَى ٱللَّهُ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at ang nagsusugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak sa harap ng awa Niya ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Napakataas si Allāh higit sa anumang itinatambal nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَمَّن يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَمَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
O ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito,[390] at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh?” Sabihin mo: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat.”
[390] Ibig sabihin: nagbibigay-buhay matapos magbigay-kamatayan.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُل لَّا يَعۡلَمُ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلۡغَيۡبَ إِلَّا ٱللَّهُۚ وَمَا يَشۡعُرُونَ أَيَّانَ يُبۡعَثُونَ
Sabihin mo: “Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang nakalingid maliban kay Allāh, at hindi nila nararamdaman kung kailan sila bubuhayin.”
Arabic explanations of the Qur’an:
بَلِ ٱدَّٰرَكَ عِلۡمُهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ بَلۡ هُمۡ فِي شَكّٖ مِّنۡهَاۖ بَلۡ هُم مِّنۡهَا عَمُونَ
Bagkus nagwakas ang kaalaman nila hinggil sa Kabilang-buhay. Bagkus sila ay nasa isang pagdududa hinggil doon. Bagkus sila roon ay mga bulag.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَءِذَا كُنَّا تُرَٰبٗا وَءَابَآؤُنَآ أَئِنَّا لَمُخۡرَجُونَ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Kapag kami ba ay naging alabok at [gayon din] ang mga magulang namin, tunay na kami ba ay talagang mga palalabasin [sa mga libingan]?
Arabic explanations of the Qur’an:
لَقَدۡ وُعِدۡنَا هَٰذَا نَحۡنُ وَءَابَآؤُنَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Talaga ngang pinangakuan nito Kami mismo at ang mga magulang namin bago pa niyan. Walang iba ito kundi ang mga alamat ng mga sinauna.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Sabihin mo: “Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga salarin.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَلَا تَكُن فِي ضَيۡقٖ مِّمَّا يَمۡكُرُونَ
Huwag kang malungkot para sa kanila at huwag kang maging nasa isang paninikip [ng dibdib] mula sa anumang ipinakakana nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nagsasabi sila: “Kailan ang pangakong ito kung kayo ay tapat?”
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ رَدِفَ لَكُم بَعۡضُ ٱلَّذِي تَسۡتَعۡجِلُونَ
Sabihin mo: “Marahil maging napaaga para sa inyo ang ilan sa minamadali ninyo.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَشۡكُرُونَ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nagpapasalamat.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَعۡلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمۡ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nakaaalam ng anumang kinikimkim ng mga dibdib nila at anumang inihahayag nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا مِنۡ غَآئِبَةٖ فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٍ
Walang anumang lumilingid sa langit at lupa malibang nasa isang talaang malinaw.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ أَكۡثَرَ ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Tunay na itong Qur’ān ay nagsasalaysay sa mga anak ni Israel ng higit na marami sa [bagay na] sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّهُۥ لَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na ito ay talagang isang patnubay at isang awa para sa mga mananampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ رَبَّكَ يَقۡضِي بَيۡنَهُم بِحُكۡمِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡعَلِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay huhusga sa pagitan nila sa pamamagitan ng kahatulan Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۖ إِنَّكَ عَلَى ٱلۡحَقِّ ٱلۡمُبِينِ
Kaya manalig ka kay Allāh; tunay na ikaw ay nasa katotohanang malinaw.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّكَ لَا تُسۡمِعُ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَلَا تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا وَلَّوۡاْ مُدۡبِرِينَ
Tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay at hindi nakapagpaparinig sa mga bingi ng panawagan kapag bumaling sila na mga tumatalikod.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَنتَ بِهَٰدِي ٱلۡعُمۡيِ عَن ضَلَٰلَتِهِمۡۖ إِن تُسۡمِعُ إِلَّا مَن يُؤۡمِنُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُم مُّسۡلِمُونَ
Ikaw ay hindi tagapagpatnubay ng mga bulag palayo sa pagkaligaw nila. Hindi ka nakapagpaparinig maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin kaya sila ay mga tagapagpasakop [sa kalooban ni Allāh].
Arabic explanations of the Qur’an:
۞ وَإِذَا وَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَيۡهِمۡ أَخۡرَجۡنَا لَهُمۡ دَآبَّةٗ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ تُكَلِّمُهُمۡ أَنَّ ٱلنَّاسَ كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا لَا يُوقِنُونَ
Kapag bumagsak ang pag-atas [ng pagdurusa] sa kanila, magpapalabas Kami para sa kanila ng isang gumagalaw na nilalang mula sa lupa na kakausap sa kanila, [na nagsasabi] na ang mga tao noon sa mga tanda Namin ay hindi nakatitiyak.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَيَوۡمَ نَحۡشُرُ مِن كُلِّ أُمَّةٖ فَوۡجٗا مِّمَّن يُكَذِّبُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُمۡ يُوزَعُونَ
[Banggitin] ang araw na kakalap Kami mula sa bawat kalipunan ng isang pulutong kabilang sa nagpapasinungaling sa mga tanda Namin saka sila ay papipilahin;
Arabic explanations of the Qur’an:
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُو قَالَ أَكَذَّبۡتُم بِـَٔايَٰتِي وَلَمۡ تُحِيطُواْ بِهَا عِلۡمًا أَمَّاذَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
hanggang sa nang dumating sila [sa pagtutuusan sa kanila, si Allāh] ay nagsabi: “Nagpasinungaling ba kayo sa mga tanda Ko samantalang hindi kayo nakapaligid sa mga ito sa kaalaman, o ano ang dati ninyong ginagawa?”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَوَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَيۡهِم بِمَا ظَلَمُواْ فَهُمۡ لَا يَنطِقُونَ
Babagsak ang pag-atas [ng pagdurusa] sa kanila dahil lumabag sila sa katarungan kaya sila ay hindi makabibigkas.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا جَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ لِيَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Hindi ba sila nakakita na Kami ay gumawa sa gabi upang matiwasay sila rito at sa maghapon bilang nagbibigay-paningin [para makapaghanap-buhay]? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَيَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِ فَفَزِعَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا مَن شَآءَ ٱللَّهُۚ وَكُلٌّ أَتَوۡهُ دَٰخِرِينَ
[Banggitin] ang araw na iihip sa tambuli saka manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga lupa, maliban sa sinumang niloob ni Allāh, habang lahat ay pupunta sa Kanya na mga nagpapakaaba.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَتَرَى ٱلۡجِبَالَ تَحۡسَبُهَا جَامِدَةٗ وَهِيَ تَمُرُّ مَرَّ ٱلسَّحَابِۚ صُنۡعَ ٱللَّهِ ٱلَّذِيٓ أَتۡقَنَ كُلَّ شَيۡءٍۚ إِنَّهُۥ خَبِيرُۢ بِمَا تَفۡعَلُونَ
Makikita mo ang mga bundok, habang nag-aakala kang ang mga ito ay nakatigil samantalang ang mga ito ay dumaraan gaya ng pagdaan ng mga ulap, bilang pagkayari ni Allāh na nagpahusay sa bawat bagay. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَيۡرٞ مِّنۡهَا وَهُم مِّن فَزَعٖ يَوۡمَئِذٍ ءَامِنُونَ
Ang sinumang magdala ng magandang gawa,[391] ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon habang sila, mula sa hilakbot sa araw na iyon, ay mga matitiwasay.
[391] Ang magandang gawa rito ay ang pananampalataya at ang mga maayos na gawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَكُبَّتۡ وُجُوهُهُمۡ فِي ٱلنَّارِ هَلۡ تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Ang sinumang magdala ng masagwang gawa,[392] isusubsob ang mga mukha nila sa Apoy. [Sasabihin:] “Gagantihan kaya kayo maliban pa ng anumang dati ninyong ginagawa?”
[392] Ang masagwang gawa ay ang kawalang-pananampalataya at ang mga pagsuway.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّمَآ أُمِرۡتُ أَنۡ أَعۡبُدَ رَبَّ هَٰذِهِ ٱلۡبَلۡدَةِ ٱلَّذِي حَرَّمَهَا وَلَهُۥ كُلُّ شَيۡءٖۖ وَأُمِرۡتُ أَنۡ أَكُونَ مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
[Sabihin mo]: “Inutusan lamang ako na sumamba sa Panginoon ng bayang ito, na nagpabanal nito – at sa Kanya ang bawat bagay – at inutusan ako na maging kabilang ako sa mga tagapagpasakop [kay Allāh]
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَنۡ أَتۡلُوَاْ ٱلۡقُرۡءَانَۖ فَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهۡتَدِي لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن ضَلَّ فَقُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُنذِرِينَ
at na bumigkas ako ng Qur’ān.” Kaya ang sinumang napatnubayan ay napapatnubayan lamang para sa [pakinabang] sarili niya at ang sinumang naligaw ay sabihin mo: “Ako ay kabilang sa mga tagapagbabala lamang.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ سَيُرِيكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ فَتَعۡرِفُونَهَاۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh. Magpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya kaya makakikilala kayo sa mga ito. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.”
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: An-Naml
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation - Translations’ Index

Translation of the Quran meanings into Tagalog by Rowwad Translation Center with cooperation with Islamhouse.com

close