Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-‘Ankabūt   Ayah:
وَيَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلۡعَذَابِ وَلَوۡلَآ أَجَلٞ مُّسَمّٗى لَّجَآءَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ وَلَيَأۡتِيَنَّهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Kung hindi dahil [may] isang taning na tinukoy, talaga sanang dumating sa kanila ang pagdurusa at talagang pupunta nga ito sa kanila ng biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلۡعَذَابِ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةُۢ بِٱلۡكَٰفِرِينَ
Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Tunay na ang Impiyerno ay talagang tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya
Arabic explanations of the Qur’an:
يَوۡمَ يَغۡشَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِن فَوۡقِهِمۡ وَمِن تَحۡتِ أَرۡجُلِهِمۡ وَيَقُولُ ذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
sa Araw na babalot sa kanila ang pagdurusa mula sa itaas nila at mula sa ilalim ng mga paa nila at magsasabi Siya: “Lasapin ninyo ang dati ninyong ginagawa [na kasamaan].”
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰعِبَادِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ أَرۡضِي وَٰسِعَةٞ فَإِيَّٰيَ فَٱعۡبُدُونِ
O mga alipin Ko [na tao at jinn] na sumampalataya, tunay na ang lupa Ko ay malawak kaya sa Akin ay sumamba kayo.
Arabic explanations of the Qur’an:
كُلُّ نَفۡسٖ ذَآئِقَةُ ٱلۡمَوۡتِۖ ثُمَّ إِلَيۡنَا تُرۡجَعُونَ
Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Pagkatapos tungo sa Amin pababalikin kayo.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَنُبَوِّئَنَّهُم مِّنَ ٱلۡجَنَّةِ غُرَفٗا تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ نِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magpapatahan nga Kami mula sa paraiso sa mga [mataas na] silid na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili roon. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa,
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ
na mga nagtiis at sa Panginoon nila ay nananalig.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَكَأَيِّن مِّن دَآبَّةٖ لَّا تَحۡمِلُ رِزۡقَهَا ٱللَّهُ يَرۡزُقُهَا وَإِيَّاكُمۡۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Kay raming gumagalaw na nilalang na hindi nagbubuhat ng panustos ng mga ito, na si Allāh ay nagtutustos sa mga ito at sa inyo. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpasilbi ng araw at buwan ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila [palayo sa pagsamba kay Allāh]?
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱللَّهُ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُ لَهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Si Allāh ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit para rito. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّن نَّزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ مِنۢ بَعۡدِ مَوۡتِهَا لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang nagbaba mula sa langit ng tubig saka nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa matapos na ng kamatayan nito ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh,” ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-‘Ankabūt
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close