Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Yā-Sīn   Ayah:
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا خَلَقۡنَا لَهُم مِّمَّا عَمِلَتۡ أَيۡدِينَآ أَنۡعَٰمٗا فَهُمۡ لَهَا مَٰلِكُونَ
Hindi ba sila nakaalam na Kami ay lumikha para sa kanila mula sa ginawa ng mga kamay Namin na mga hayupan kaya sila sa mga ito ay mga tagapagmay-ari?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَذَلَّلۡنَٰهَا لَهُمۡ فَمِنۡهَا رَكُوبُهُمۡ وَمِنۡهَا يَأۡكُلُونَ
Nagpaamo Kami sa mga ito para sa kanila kaya ilan sa mga ito ay mga sasakyan nila at ilan sa mga ito ay kinakain nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَهُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ وَمَشَارِبُۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ
Para sa kanila sa mga ito ay mga pakinabang at mga [gatas na] inumin. Kaya hindi ba sila magpapasalamat?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لَّعَلَّهُمۡ يُنصَرُونَ
Gumawa sila sa bukod pa kay Allāh bilang mga diyos, nang sa gayon sila ay iaadya.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَهُمۡ وَهُمۡ لَهُمۡ جُندٞ مُّحۡضَرُونَ
Hindi nakakakaya ang mga [diyus-diyusang] ito ng pag-aadya sa kanila[5] samantalang sila para sa mga ito ay mga hukbo na padadaluhin [sa Impiyerno].
[5] na mga tagasamba ng mga diyus-diyusang ito
Arabic explanations of the Qur’an:
فَلَا يَحۡزُنكَ قَوۡلُهُمۡۘ إِنَّا نَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Kaya huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila; tunay na Kami ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَوَلَمۡ يَرَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن نُّطۡفَةٖ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٞ مُّبِينٞ
Hindi ba nakaalam ang tao na Kami ay lumikha sa kanya mula sa isang patak saka biglang siya ay isang kaalitang malinaw.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَضَرَبَ لَنَا مَثَلٗا وَنَسِيَ خَلۡقَهُۥۖ قَالَ مَن يُحۡيِ ٱلۡعِظَٰمَ وَهِيَ رَمِيمٞ
Naglahad siya para sa Amin ng isang paghahalintulad at nakalimot siya sa pagkalikha sa kanya. Nagsabi siya: “Sino ang magbibigay-buhay sa mga buto samantalang ang mga ito ay bulok na?”
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ يُحۡيِيهَا ٱلَّذِيٓ أَنشَأَهَآ أَوَّلَ مَرَّةٖۖ وَهُوَ بِكُلِّ خَلۡقٍ عَلِيمٌ
Sabihin mo: “Magbibigay-buhay sa mga ito ang nagpaluwal sa mga ito sa unang pagkakataon; at Siya sa bawat nilikha ay Maalam.”
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلشَّجَرِ ٱلۡأَخۡضَرِ نَارٗا فَإِذَآ أَنتُم مِّنۡهُ تُوقِدُونَ
[Siya] ang gumawa para sa inyo mula sa mga punong-kahoy na luntian ng isang apoy, saka biglang kayo mula sa mga ito ay nagpapaningas.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَوَلَيۡسَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يَخۡلُقَ مِثۡلَهُمۚ بَلَىٰ وَهُوَ ٱلۡخَلَّٰقُ ٱلۡعَلِيمُ
Hindi ba ang lumikha ng mga langit at lupa ay nakakakayang lumikha ng tulad nila? Oo, at Siya ay ang Palalikha, ang Maalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّمَآ أَمۡرُهُۥٓ إِذَآ أَرَادَ شَيۡـًٔا أَن يَقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Tanging ang utos Niya, kapag nagnais Siya ng isang bagay, ay na magsabi rito: “Mangyari,” saka mangyayari ito.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَسُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيۡءٖ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Kaya kaluwalhatian sa Kanya na nasa kamay Niya ang pagkahari sa bawat bagay, at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para gantihan].
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Yā-Sīn
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close