Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Versículo: (101) Capítulo: Sura Al-Israa
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَىٰ تِسۡعَ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖۖ فَسۡـَٔلۡ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ إِذۡ جَآءَهُمۡ فَقَالَ لَهُۥ فِرۡعَوۡنُ إِنِّي لَأَظُنُّكَ يَٰمُوسَىٰ مَسۡحُورٗا
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng siyam na patunay na maliwanag na sumasaksi para sa kanya. Ang mga ito ay ang tungkod, ang [puting] kamay, ang mga taon [ng tagtuyot], ang kakulangan ng mga bunga, ang baha, ang mga balang, ang mga kuto, ang mga palaka, at ang dugo. Kaya magtanong ka, O Sugo, sa mga Hudyo nang naghatid si Moises sa mga ninuno nila ng mga tandang iyon saka nagsabi sa kanya si Paraon: "Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ikaw, O Moises, ay isang lalaking nagaway dahil sa inilahad mo na mga kataka-taka."
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• الله تعالى هو المنفرد بالهداية والإضلال، فمن يهده فهو المهتدي على الحقيقة، ومن يضلله ويخذله فلا هادي له.
Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang namumukod-tangi sa pagpapatnubay at pagpapaligaw sapagkat ang sinumang pinapatnubayan Niya, ito ay ang napatnubayan sa katotohanan at ang sinumang pinaligaw Niya at ipinagkanulo Niya ay walang tagapagpatnubay rito.

• مأوى الكفار ومستقرهم ومقامهم جهنم، كلما سكنت نارها زادها الله نارًا تلتهب.
Ang kakanlungan ng mga tagatangging sumampalataya, ang titigilan nila, at ang tatayuan nila ay Impiyerno. Sa tuwing tumitila ang apoy nito ay dinaragdagan ito ni Allāh ng apoy na nagliliyab.

• وجوب الاعتصام بالله عند تهديد الطغاة والمُسْتَبدين.
Ang pagkatungkulin ng pangungunyapit kay Allāh sa sandali ng pagbabanta ng mga naghahari-harian at mga maniniil.

• الطغاة والمُسْتَبدون يلجؤون إلى استخدام السلطة والقوة عندما يواجهون أهل الحق؛ لأنهم لا يستطيعون مواجهتهم بالحجة والبيان.
Ang mga naghahari-harian at ang mga maniniil ay dumudulog sa paggamit ng kapangyarihan at lakas kapag nakikipagharap sila sa mga alagad ng katotohanan dahil sila ay hindi nakakakaya sa pakikipagharap sa kanila sa pamamagitan ng katwiran at pahayag.

 
Traducción de significados Versículo: (101) Capítulo: Sura Al-Israa
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán. Emitido por el Centro Tafsir para los estudios coránicos

Cerrar