Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Versículo: (114) Capítulo: Sura Al-Baqara
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن مَّنَعَ مَسَٰجِدَ ٱللَّهِ أَن يُذۡكَرَ فِيهَا ٱسۡمُهُۥ وَسَعَىٰ فِي خَرَابِهَآۚ أُوْلَٰٓئِكَ مَا كَانَ لَهُمۡ أَن يَدۡخُلُوهَآ إِلَّا خَآئِفِينَۚ لَهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا خِزۡيٞ وَلَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Walang isang higit na matindi sa kawalang-katarungan kaysa sa pumigil na bigkasin ang pangalan ni Allāh sa mga masjid Niya kaya pumigil ito sa pagdarasal, pag-alaala [kay Allāh], at pagbigkas ng Qur'ān sa mga masjid. Nagpupunyagi ito habang nagsisikap na magpadahilan ng pagkasira ng mga ito at panggugulo sa mga ito sa pamamagitan ng pagwasak sa mga ito at pagpigil sa pagsasagawa ng pagsamba sa loob ng mga ito. Ang mga nagsisikap na iyon sa pagsira sa mga ito ay hindi nararapat para sa kanila na pumasok sa mga masjid ni Allāh malibang mga nangangambang kumakabog ang mga puso nila dahil sa taglay nilang kawalang-pananampalataya at pagbalakid sa mga masjid ni Allāh. Ukol sa kanila sa buhay na pangmundo ay isang kaabahan at isang panghahamak sa mga kamay ng mga mananampalataya, at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan dahil sa pagpigil nila sa mga tao sa mga masjid ni Allāh.
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• الكفر ملة واحدة وإن اختلفت أجناس أهله وأماكنهم، فهم يتشابهون في كفرهم وقولهم على الله بغير علم.
Ang kawalang-pananampalataya ay iisang kapaniwalaan, kahit pa nagkaiba-iba ang mga uri ng mga alagad nito at ng mga pook nila sapagkat sila ay nagkakahawigan sa kawalang-pananampalataya nila at pagsasabi nila laban kay Allāh nang walang kaalaman.

• أعظم الناس جُرْمًا وأشدهم إثمًا من يصد عن سبيل الله، ويمنع من أراد فعل الخير.
Ang pinakasukdulan sa mga tao sa krimen at ang pinakamatindi sa kanila sa kasalanan ay ang sinumang sumasagabal sa landas ni Allāh at pumipigil sa sinumang nagnais ng paggawa ng kabutihan.

• تنزّه الله تعالى عن الصاحبة والولد، فهو سبحانه لا يحتاج لخلقه.
Pagkalayu-layo si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagkakaroon ng asawa at anak sapagkat Siya ay hindi nangangailangan ng nilikha Niya.

 
Traducción de significados Versículo: (114) Capítulo: Sura Al-Baqara
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán. Emitido por el Centro Tafsir para los estudios coránicos

Cerrar