Check out the new design

Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Capítulo: Taa, Haa   Versículo:
فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡحَقُّۗ وَلَا تَعۡجَلۡ بِٱلۡقُرۡءَانِ مِن قَبۡلِ أَن يُقۡضَىٰٓ إِلَيۡكَ وَحۡيُهُۥۖ وَقُل رَّبِّ زِدۡنِي عِلۡمٗا
Kaya pagkataas-taas si Allāh, kabanal-banalan Siya, at kapita-pitagan Siya, ang Haring sa Kanya ang paghahari sa bawat bagay, na Siya ay Totoo at ang sabi Niya ay totoo. Napakataas Siya kaysa sa inilalarawan sa Kanya ng mga tagapagtambal. Huwag kang magmabilis, O Sugo, sa pagbigkas ng Qur'ān kasabay kay Anghel Gabriel bago magwakas sa iyo ang pagpapaabot nito at magsabi ka: "Panginoon ko magdagdag Ka sa akin ng kaalaman sa naituro Mo sa akin."
Las Exégesis Árabes:
وَلَقَدۡ عَهِدۡنَآ إِلَىٰٓ ءَادَمَ مِن قَبۡلُ فَنَسِيَ وَلَمۡ نَجِدۡ لَهُۥ عَزۡمٗا
Talaga ngang nagtagubilin Kami kay Adan, bago pa niyan, na huwag kumain mula sa [bawal na] punong-kahoy at sumaway Kami sa kanya niyon. Naglinaw Kami sa kanya ng kahihinatnan niyon ngunit nakalimutan niya ang tagubilin. Kumain siya mula sa [bawal na] punong-kahoy at hindi nakatiis doon. Hindi Kami nakakita sa kanya ng lakas ng pagtitika sa pag-iingat sa itinagubilin Namin sa kanya.
Las Exégesis Árabes:
وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰ
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan ng pagpapatirapa ng pagbati," kaya nagpatirapa naman sila sa kabuuan nila maliban si Satanas, na noon ay kasama sa kanila samantalang hindi kabilang sa kanila. Tumanggi siya sa pagpapatirapa dala ng pagpapakamalaki.
Las Exégesis Árabes:
فَقُلۡنَا يَٰٓـَٔادَمُ إِنَّ هَٰذَا عَدُوّٞ لَّكَ وَلِزَوۡجِكَ فَلَا يُخۡرِجَنَّكُمَا مِنَ ٱلۡجَنَّةِ فَتَشۡقَىٰٓ
Kaya nagsabi Kami: "O Adan, tunay na si Satanas ay isang kaaway para sa iyo at isang kaaway para sa asawa mo; kaya huwag nga siyang magpapalabas sa iyo mismo at sa asawa mo mula sa hardin dahil sa pagtalima sa kanya sa ipinasasaring niya para magpapasan ka ng mga pahirap at mga pasakit."
Las Exégesis Árabes:
إِنَّ لَكَ أَلَّا تَجُوعَ فِيهَا وَلَا تَعۡرَىٰ
Tunay na ukol sa iyo kay Allāh na magpakain Siya sa iyo sa hardin para hindi ka magutom at magpadamit Siya sa iyo para hindi ka maghubad,
Las Exégesis Árabes:
وَأَنَّكَ لَا تَظۡمَؤُاْ فِيهَا وَلَا تَضۡحَىٰ
at na magpainom Siya sa iyo para hindi ka mauuhaw, at maglilim Siya sa iyo para hindi ka tamaan ng init ng araw.
Las Exégesis Árabes:
فَوَسۡوَسَ إِلَيۡهِ ٱلشَّيۡطَٰنُ قَالَ يَٰٓـَٔادَمُ هَلۡ أَدُلُّكَ عَلَىٰ شَجَرَةِ ٱلۡخُلۡدِ وَمُلۡكٖ لَّا يَبۡلَىٰ
Ngunit nagpasaring ang demonyo kay Adan at nagsabi ito sa kanya: "O Adan, gagabay kaya ako sa iyo sa isang punong-kahoy na ang sinumang kumain mula roon ay hindi mamamatay magpakailanman, bagkus mananatiling buhay nang walang-hanggan at maghahari sa isang paghaharing nagpapatuloy na hindi napuputol ni nagwawakas?"
Las Exégesis Árabes:
فَأَكَلَا مِنۡهَا فَبَدَتۡ لَهُمَا سَوۡءَٰتُهُمَا وَطَفِقَا يَخۡصِفَانِ عَلَيۡهِمَا مِن وَرَقِ ٱلۡجَنَّةِۚ وَعَصَىٰٓ ءَادَمُ رَبَّهُۥ فَغَوَىٰ
Kaya kumain sina Adan at Eva mula sa punong-kahoy na sinaway silang dalawa na kumain mula roon, saka nalantad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa matapos na ito dati ay natatakpan. Nag-umpisa silang dalawa na pumipitas ng mga dahon ng mga punong-kahoy ng hardin at nagtatakip silang dalawa ng mga ito sa kahubaran nilang dalawa. Sumalungat si Adan sa utos ng Panginoon nito yayamang hindi ito sumunod sa ipinag-uutos Niya na pag-iwas na kumain mula sa punong-kahoy sapagkat lumampas ito patungo sa hindi pinapayagan.
Las Exégesis Árabes:
ثُمَّ ٱجۡتَبَٰهُ رَبُّهُۥ فَتَابَ عَلَيۡهِ وَهَدَىٰ
Pagkatapos ay pumili sa kanya si Allāh at tumanggap sa pagbabalik-loob niya at nagtuon sa kanya sa kagabayan.
Las Exégesis Árabes:
قَالَ ٱهۡبِطَا مِنۡهَا جَمِيعَۢاۖ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوّٞۖ فَإِمَّا يَأۡتِيَنَّكُم مِّنِّي هُدٗى فَمَنِ ٱتَّبَعَ هُدَايَ فَلَا يَضِلُّ وَلَا يَشۡقَىٰ
Nagsabi si Allāh kina Adan at Eva: "Bumaba kayo mula sa hardin, kayong dalawa at si Satanas, sapagkat siya ay isang kaaway para sa inyong dalawa at kayong dalawa ay mga kaaway para sa kanya. Kaya kung may dumating sa inyo mula sa Akin na paglilinaw para sa landas Ko, ang sinumang sumunod kabilang sa inyo sa paglilinaw sa landas Ko, nagsagawa nito, at hindi lumihis palayo rito ay hindi siya maliligaw palayo sa katotohanan at hindi siya malulumbay sa Kabilang-buhay dahil sa pagdurusa, bagkus magpapapasok sa kanya si Allāh sa Paraiso."
Las Exégesis Árabes:
وَمَنۡ أَعۡرَضَ عَن ذِكۡرِي فَإِنَّ لَهُۥ مَعِيشَةٗ ضَنكٗا وَنَحۡشُرُهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ أَعۡمَىٰ
Ang sinumang tumalikod palayo sa pag-aalaala sa Akin at hindi tumanggap nito ni tumugon dito, tunay na ukol sa kanya ay isang pamumuhay na masikip sa Mundo at sa Barzakh. Maghahatid Kami sa kanya sa Kalapan sa Araw ng Pagbangon na nawawalan ng paningin at katwiran.
Las Exégesis Árabes:
قَالَ رَبِّ لِمَ حَشَرۡتَنِيٓ أَعۡمَىٰ وَقَدۡ كُنتُ بَصِيرٗا
Magsasabi ang tagaayaw na ito sa pag-aalaala: "O Panginoon ko, bakit Ka kumalap sa akin sa araw na ito na isang bulag samantalang ako nga dati sa Mundo ay isang nakakikita?"
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• الأدب في تلقي العلم، وأن المستمع للعلم ينبغي له أن يتأنى ويصبر حتى يفرغ المُمْلِي والمعلم من كلامه المتصل بعضه ببعض.
Ang kaasalan sa pagtanggap ng kaalaman at na ang tagapakinig ng kaalaman ay nararapat na maghinay-hinay at magtiis hanggang sa matapos ang tagapagdikta at ang tagapagturo sa pagsasalita niyang nagkakarugtong ang ilan dito sa iba pa.

• نسي آدم فنسيت ذريته، ولم يثبت على العزم المؤكد، وهم كذلك، وبادر بالتوبة فغفر الله له، ومن يشابه أباه فما ظلم.
Nakalimot si Adan saka nakalimot ang mga supling niya at hindi siya nagpakatatag sa pagtitikang binibigyang-diin at ganoon din sila. Nagdali-dali siya sa pagbabalik-loob kaya nagpatawad sa kanya si Allāh. Ang sinumang nakikiwangis sa ama niya [sa kabutihan] ay hindi lumabag sa katarungan.

• فضيلة التوبة؛ لأن آدم عليه السلام كان بعد التوبة أحسن منه قبلها.
Ang kalamangan ng pagbabalik-loob dahil si Adan – sumakanya ang pangangalaga – matapos ng pagbabalik-loob ay higit na maganda [sa kalagayan] kaysa sa bago niyon.

• المعيشة الضنك في دار الدنيا، وفي دار البَرْزَخ، وفي الدار الآخرة لأهل الكفر والضلال.
Ang pamumuhay na hikahos ay sa tahanan sa Mundo at tahanan sa Barzakh, at sa tahanan sa Kabilang-buhay para sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw.

 
Traducción de significados Capítulo: Taa, Haa
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Emitido por el Centro Tafsir de Estudios Coránicos.

Cerrar