Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Versículo: (44) Capítulo: Sura Al-‘Imrán
ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهِ إِلَيۡكَۚ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ يُلۡقُونَ أَقۡلَٰمَهُمۡ أَيُّهُمۡ يَكۡفُلُ مَرۡيَمَ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ يَخۡتَصِمُونَ
Ang nabanggit na iyon na bahagi ng ulat kina Zacaria at Maria – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – ay bahagi ng mga ulat sa Nakalingid; nagkakasi Kami nito sa iyo, O Sugo. Wala ka noon sa piling ng mga maalam at mga maayos na iyon nang nag-alitan sila hinggil sa kung sino ang higit na karapat-dapat sa pag-aalaga kay Maria hanggang sa humantong sila sa pagpapalabunutan kaya naghagis sila ng mga panulat nila at nabunot ang panulat ni Zacaria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• عناية الله تعالى بأوليائه، فإنه سبحانه يجنبهم السوء، ويستجيب دعاءهم.
Ang pagmamalasakit ni Allāh sa mga katangkilik Niya sapagkat tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpapaiwas sa kanila sa kasagwaan at tumutugon sa panalangin nila.

• فَضْل مريم عليها السلام حيث اختارها الله على نساء العالمين، وطهَّرها من النقائص، وجعلها مباركة.
Ang kalamangan ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – yayamang pinili siya ni Allāh higit sa mga babae ng mga nilalang, dinalisay siya mula sa mga kapintasan, at ginawa siyang pinagpapala.

• كلما عظمت نعمة الله على العبد عَظُم ما يجب عليه من شكره عليها بالقنوت والركوع والسجود وسائر العبادات.
Sa tuwing lumalaki ang biyaya ni Allāh sa tao, lumalaki ang kinakailangan sa kanya na pagpapasalamat niya dahil dito sa pamamagitan ng panalangin, pagyukod, pagpapatirapa, at iba pang mga pagsamba.

• مشروعية القُرْعة عند الاختلاف فيما لا بَيِّنة عليه ولا قرينة تشير إليه.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpapalabunutan sa sandali ng pagkakaiba-iba hinggil sa anumang walang malinaw na patunay roon at walang ebidensiyang nagpapahiwatig.

 
Traducción de significados Versículo: (44) Capítulo: Sura Al-‘Imrán
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán. Emitido por el Centro Tafsir para los estudios coránicos

Cerrar