Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Versículo: (13) Capítulo: Sura Faatir
يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِي لِأَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ لَهُ ٱلۡمُلۡكُۚ وَٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ مَا يَمۡلِكُونَ مِن قِطۡمِيرٍ
Nagpapapasok Siya ng gabi sa maghapon kaya nadaragdagan Niya ito ng haba at nagpapapasok Siya ng maghapon sa gabi kaya nadaragdagan Niya ito ng haba. Pinagsilbi Niya – kaluwalhatian sa Kanya – ang araw at pinagsilbi Niya ang buwan, habang bawat isa ay umiinog para sa isang tipanang nakatakda, na nalalaman ni Allāh: ang Araw ng Pagbangon. Yaong nagtatakda niyon sa kabuuan niyon at nagpapainog niyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya lamang ang paghahari. Ang mga sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya na mga anito ay hindi nagmamay-ari ng halaga ng balot ng buto ng datiles. Kaya papaanong sumasamba kayo sa sinuman bukod pa sa Akin?
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• تسخير البحر، وتعاقب الليل والنهار، وتسخير الشمس والقمر: من نعم الله على الناس، لكن الناس تعتاد هذه النعم فتغفل عنها.
Ang pagpapasilbi sa dagat, ang pagsasalitan ng gabi at maghapon, at ang pagpapasilbi sa araw at buwan ay kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa mga tao subalit ang mga tao ay nahirati sa mga biyayang ito kaya nalilingat sila sa mga ito.

• سفه عقول المشركين حين يدعون أصنامًا لا تسمع ولا تعقل.
Ang kahunghangan ng mga isip ng mga tagapagtambal kapag dumadalangin sila sa mga diyus-diyusan na hindi nakaririnig at hindi nakapag-uunawa.

• الافتقار إلى الله صفة لازمة للبشر، والغنى صفة كمال لله.
Ang pangangailangan kay Allāh ay isang katangiang nakakapit sa sangkatauhan at ang kawalang-pangangailangan ay isang katangian ng kalubusan para kay Allāh.

• تزكية النفس عائدة إلى العبد؛ فهو يحفظها إن شاء أو يضيعها.
Ang pagdadalisay ng sarili ay nanunumbalik sa tao sapagkat siya ay nangangalaga nito kung niloob niya o nagpapasawi nito.

 
Traducción de significados Versículo: (13) Capítulo: Sura Faatir
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán. Emitido por el Centro Tafsir para los estudios coránicos

Cerrar