Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Versículo: (26) Capítulo: Sura Al-Fath
إِذۡ جَعَلَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلۡحَمِيَّةَ حَمِيَّةَ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِ فَأَنزَلَ ٱللَّهُ سَكِينَتَهُۥ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَعَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَأَلۡزَمَهُمۡ كَلِمَةَ ٱلتَّقۡوَىٰ وَكَانُوٓاْ أَحَقَّ بِهَا وَأَهۡلَهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا
Noong naglagay ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya sa mga puso nila ng panghahamak, panghahamak ng Kamangmangan, na hindi nauugnay sa pagsasakatotohanan ng katotohanan at nauugnay lamang sa pithaya. Humamak sila sa pagpasok ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – noong taon ng Ḥudhaybīyah dahil sa pangamba sa pang-aalipusta sa kanila dahil siya ay nanaig sa kanila roon. Kaya nagpababa si Allāh ng kapanatagan mula sa ganang Kanya sa Sugo Niya at nagpababa Siya nito sa mga mananampalataya kaya hindi naghatid sa kanila ang galit tungo sa pagtumbas sa mga tagapagtambal ng tulad sa gawain ng mga ito. Nagpanatili si Allāh sa mga mananampalataya sa pangungusap ng katotohanan, na "Walang Diyos kundi si Allāh," at na magsagawa sila ng karapatan nito kaya naman nagsagawa sila nito. Ang mga mananampalataya ay higit na may karapatan sa pangungusap na ito kaysa sa iba pa sa kanila. Sila ay ang mga alagad nito na mga nagpakakarapat-dapat dito dahil sa nalaman ni Allāh sa mga puso nila na kabutihan. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• الصد عن سبيل الله جريمة يستحق أصحابها العذاب الأليم.
Ang pagsagabal sa landas ni Allāh ay isang krimen na nagiging karapat-dapat ang mga tagagawa nito sa pagdurusang masakit.

• تدبير الله لمصالح عباده فوق مستوى علمهم المحدود.
Ang pangangasiwa ni Allāh sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya ay higit sa antas ng kaalaman nilang limitado.

• التحذير من استبدال رابطة الدين بحمية النسب أو الجاهلية.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagpapalit sa buklod ng Relihiyon ng panatisismo ng kaangkanan o ng Kamangmangan.

• ظهور دين الإسلام سُنَّة ووعد إلهي تحقق.
Ang pangingibabaw ng Relihiyong Islām ay kalakaran at pangakong makadiyos na magkakatotoo.

 
Traducción de significados Versículo: (26) Capítulo: Sura Al-Fath
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán. Emitido por el Centro Tafsir para los estudios coránicos

Cerrar