Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Versículo: (23) Capítulo: Sura Al-Maaida
قَالَ رَجُلَانِ مِنَ ٱلَّذِينَ يَخَافُونَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمَا ٱدۡخُلُواْ عَلَيۡهِمُ ٱلۡبَابَ فَإِذَا دَخَلۡتُمُوهُ فَإِنَّكُمۡ غَٰلِبُونَۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَتَوَكَّلُوٓاْ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
May nagsabing dalawang lalaki kabilang sa mga kasamahan ni Moises kabilang sa mga natatakot kay Allāh at nangangamba sa parusa Niya, na nagbiyaya si Allāh sa kanilang dalawa ng pagtutuon sa pagtalima sa Kanya, na natatangi sa mga kalipi nilang dalawa sa pagsunod sa utos ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Magsipasok kayo sa kinaroroonan ng mga higante sa pintuan ng lungsod sapagkat kapag nakalusot kayo sa pinto at nakapasok kayo roon, tunay na kayo – ayon sa pahintulot ni Allāh – ay mananaig sa kanila dala ng pagtitiwala sa kalakaran ni Allāh sa pagsasaayos ng pagwawagi dahil sa paggamit ng mga kadahilanan gaya ng pananampalataya kay Allāh at paghahanda ng mga kaparaanang materyal. Sa kay Allāh lamang sumandig kayo at manalig kayo, kung kayo ay mga mananampalataya nang totohanan sapagkat ang pananampalataya ay nag-oobliga ng pananalig sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya."
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• تعذيب الله تعالى لكفرة بني إسرائيل بالمسخ وغيره يوجب إبطال دعواهم في كونهم أبناء الله وأحباءه.
Ang pagpaparusa ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga tagatangging sumampalataya sa mga anak ni Israel sa pamamagitan ng pagbabagong-anyo at iba pa, na nag-oobliga ng pagpapabula sa pag-aangkin nila ng kanilang pagiging mga anak at mga iniibig ni Allāh daw.

• التوكل على الله تعالى والثقة به سبب لاستنزال النصر.
Ang pananalig kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagtitiwala sa Kanya ay isang dahilan para sa pagpapababa ng pag-aadya.

• جاءت الآيات لتحذر من الأخلاق الرديئة التي كانت عند بني إسرائيل.
Nasaad ang mga talata upang magbabala laban sa mga kaasalang masama na noon ay taglay ng mga anak ni Israel.

• الخوف من الله سبب لنزول النعم على العبد، ومن أعظمها نعمة طاعته سبحانه.
Ang pangamba kay Allāh ay isang dahilan sa pagbaba ng mga biyaya sa tao at kabilang sa pinakasukdulan sa mga ito ay ang biyaya ng pagtalima sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.

 
Traducción de significados Versículo: (23) Capítulo: Sura Al-Maaida
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán. Emitido por el Centro Tafsir para los estudios coránicos

Cerrar