Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Versículo: (33) Capítulo: Sura Al-An'aam
قَدۡ نَعۡلَمُ إِنَّهُۥ لَيَحۡزُنُكَ ٱلَّذِي يَقُولُونَۖ فَإِنَّهُمۡ لَا يُكَذِّبُونَكَ وَلَٰكِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ
Kami ay nakaaalam na ikaw, O Sugo, ay pinalulungkot ng pagpapasinungaling nila sa iyo nang lantaran kaya alamin mo na sila ay hindi nagpapasinungaling sa iyo sa mga sarili nila dahil sa pagkakaalam nila sa katapatan mo at pagkamapagkakatiwalaan mo, subalit sila ay mga taong tagalabag sa katarungan na nagkakaila sa nauukol sa iyo nang lantaran samantalang sila ay nakatitiyak nito sa mga sarili nila.
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• من عدل الله تعالى أنه يجمع العابد والمعبود والتابع والمتبوع في عَرَصات القيامة ليشهد بعضهم على بعض.
Bahagi ng katarungan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay magsasama sa tagasamba at sinasamba at sa tagasunod at ang sinusunod sa mga larangan ng Pagbangon upang sumaksi ang isa't isa sa kanila.

• ليس كل من يسمع القرآن ينتفع به، فربما يوجد حائل مثل ختم القلب أو الصَّمَم عن الانتفاع أو غير ذلك.
Hindi lahat ng nakikinig sa Qur'ān ay pinakikinabang nito sapagkat baka mayroong isang tagahadlang tulad ng pagkapinid ng puso o pagkabingi sa pakikinabang o iba pa roon.

• بيان أن المشركين وإن كانوا يكذبون في الظاهر فهم يستيقنون في دواخلهم بصدق النبي عليه الصلاة والسلام.
Ang paglilinaw na ang mga tagapagtambal, kahit sila noon ay nagpapasinungaling nang hayagan, sila naman ay nakatitiyak sa mga kaibuturan nila sa katapatan ng Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan.

• تسلية النبي عليه الصلاة والسلام ومواساته بإعلامه أن هذا التكذيب لم يقع له وحده، بل هي طريقة المشركين في معاملة الرسل السابقين.
Ang pag-aaliw sa Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at ang pagpapalubag-loob sa kanya sa pamamagitan ng pagpapaalam sa kanya na ang pagpapasinungaling na ito ay hindi naganap sa kanya lamang, bagkus ito ay pamamaraan ng mga tagapagtambal sa pakikitungo sa mga sugong nauna.

 
Traducción de significados Versículo: (33) Capítulo: Sura Al-An'aam
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán. Emitido por el Centro Tafsir para los estudios coránicos

Cerrar