Check out the new design

Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Versículo: (138) Capítulo: Al-A'raaf
وَجَٰوَزۡنَا بِبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱلۡبَحۡرَ فَأَتَوۡاْ عَلَىٰ قَوۡمٖ يَعۡكُفُونَ عَلَىٰٓ أَصۡنَامٖ لَّهُمۡۚ قَالُواْ يَٰمُوسَى ٱجۡعَل لَّنَآ إِلَٰهٗا كَمَا لَهُمۡ ءَالِهَةٞۚ قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمٞ تَجۡهَلُونَ
Nagpatawid Kami sa mga anak ni Israel sa dagat noong hinampas ito ni Moises ng tungkod niya saka nabiyak, saka napadaan sila sa mga taong nananatili sa pagsamba sa mga anito para sa mga ito, na sinasamba ng mga ito bukod pa kay Allāh. Kaya nagsabi ang mga anak ni Israel kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang anitong sasambahin namin kung paanong ang mga ito ay mayroong mga anitong sinasamba bukod pa kay Allāh." Nagsabi si Moises sa kanila: "O mga tao ko, tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang sa anumang kinakailangan kay Allāh na pagdakila at paniniwala sa kaisahan Niya at anumang hindi naaangkop sa Kanya na pagtatambal [sa Kanya] at pagsamba sa iba pa sa Kanya."
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• تؤكد الأحداث أن بني إسرائيل كانوا ينتقلون من ضلالة إلى أخرى على الرغم من وجود نبي الله موسى بينهم.
Nagbibigay-diin ang mga pangyayari na ang mga anak ni Israel noon ay nagpapalipat-lipat mula sa isang kaligawan tungo sa isa pa sa kabila ng kairalan ng propeta ni Allāh na si Moises sa gitna nila.

• من مظاهر خذلان الأمة أن تُحَسِّن القبيح، وتُقَبِّح الحسن بمجرد الرأي والأهواء.
Kabilang sa mga paghahayag ng pagkakanulo ng kalipunan ay na magpaganda ito ng pangit at magpapangit ito ng maganda sa pamamagitan lamang ng pananaw at mga pithaya.

• إصلاح الأمة وإغلاق أبواب الفساد هدف سام للأنبياء والدعاة.
Ang pagsasaayos sa kalipunan at ang pagsasara sa mga pinto ng mga katiwalian ay isang matayog na layunin para sa mga propeta at mga mangangaral ng Islām.

• قضى الله تعالى ألا يراه أحد من خلقه في الدنيا، وسوف يكرم من يحب من عباده برؤيته في الآخرة.
Nagtadhana si Allāh – pagkataas-taas Siya – na hindi makakita sa Kanya ang isa sa mga nilikha Niya sa Mundo. Magpaparangal Siya sa sinumang iniibig Niya sa mga lingkod Niya sa pamamagitan ng pagkakita sa Kanya sa Kabilang-buhay.

 
Traducción de significados Versículo: (138) Capítulo: Al-A'raaf
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Emitido por el Centro Tafsir de Estudios Coránicos.

Cerrar