Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Capítulo: Sura At-Takwir   Versículo:

At-Takwīr

Propósitos del Capítulo:
كمال القرآن في تذكير الأنفس باختلال الكون عند البعث.
Ang kalubusan ng Qur'an sa pagpapaalaala sa mga kaluluwa hinggil sa pagkabulabog ng Sansinukob sa sandali ng pagbubuhay.

إِذَا ٱلشَّمۡسُ كُوِّرَتۡ
Kapag ang araw ay pinagsanib ang katawan nito at naglaho ang tanglaw nito,
Las Exégesis Árabes:
وَإِذَا ٱلنُّجُومُ ٱنكَدَرَتۡ
kapag ang mga tala ay nagbagsakan at pinawi ang tanglaw ng mga ito,
Las Exégesis Árabes:
وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ سُيِّرَتۡ
kapag ang mga bundok ay pagagalawin mula sa lugar ng mga ito,
Las Exégesis Árabes:
وَإِذَا ٱلۡعِشَارُ عُطِّلَتۡ
Kapag ang mga kamelyong buntis na nagtatagisan ang mga may-ari ng mga ito sa mga ito ay pinabayaan dahil sa pag-iwan nila sa mga ito.
Las Exégesis Árabes:
وَإِذَا ٱلۡوُحُوشُ حُشِرَتۡ
kapag ang mga mailap na hayop ay tinipon kasama sa sangkatauhan sa nag-iisang larangan,
Las Exégesis Árabes:
وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ سُجِّرَتۡ
kapag ang mga dagat ay pinagningas hanggang sa maging apoy,
Las Exégesis Árabes:
وَإِذَا ٱلنُّفُوسُ زُوِّجَتۡ
kapag ang mga kaluluwa ay ipapareha sa nakatutulad nito kaya ipapareha ang masamang-loob sa masamang-loob at ang mapangilaging magkasala sa mapangilaging magkasala,
Las Exégesis Árabes:
وَإِذَا ٱلۡمَوۡءُۥدَةُ سُئِلَتۡ
kapag ang batang babaing inilibing samantalang ito ay buhay pa ay tatanungin ni Allāh
Las Exégesis Árabes:
بِأَيِّ ذَنۢبٖ قُتِلَتۡ
Dahil sa aling krimen pinatay ka ng sinumang pumatay sa iyo?
Las Exégesis Árabes:
وَإِذَا ٱلصُّحُفُ نُشِرَتۡ
kapag ang mga pahina ng mga gawa ng mga tao ay inilatag upang magbasa ang bawat isa ng pahina ng mga gawa niya,
Las Exégesis Árabes:
وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ كُشِطَتۡ
kapag ang langit ay inalis kung paanong inaalis ang balat sa tupa,
Las Exégesis Árabes:
وَإِذَا ٱلۡجَحِيمُ سُعِّرَتۡ
kapag ang Apoy ay pinagningas,
Las Exégesis Árabes:
وَإِذَا ٱلۡجَنَّةُ أُزۡلِفَتۡ
at kapag ang Paraiso ay inilapit sa mga tagapangilag magkasala;
Las Exégesis Árabes:
عَلِمَتۡ نَفۡسٞ مَّآ أَحۡضَرَتۡ
Kapag nangyari iyon ay malalaman ng bawat kaluluwa ang inihain nito na mga gawa para sa Araw na iyon.
Las Exégesis Árabes:
فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلۡخُنَّسِ
Sumumpa si Allāh sa mga bituing nakakubli bago ng paglitaw ng mga ito sa gabi.
Las Exégesis Árabes:
ٱلۡجَوَارِ ٱلۡكُنَّسِ
na umiinog sa mga orbita ng mga ito na naglalaho sa sandali ng paglitaw ng umaga tulad ng mga antilope na pumapasok sa mga lungga nito.
Las Exégesis Árabes:
وَٱلَّيۡلِ إِذَا عَسۡعَسَ
Sumumpa Siya sa simula ng gabi kapag dumating ito at sa katapusan nito kapag lumisan ito.
Las Exégesis Árabes:
وَٱلصُّبۡحِ إِذَا تَنَفَّسَ
Sumumpa Siya sa madaling-araw kapag lumitaw ang liwanag nito.
Las Exégesis Árabes:
إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ
Tunay na ang Qur’ān na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay talagang pananalita ni Allāh na ipinaabot ng isang anghel na mapagkakatiwalaan, si Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Ipinagkatiwala ito ni Allāh sa kanya.
Las Exégesis Árabes:
ذِي قُوَّةٍ عِندَ ذِي ٱلۡعَرۡشِ مَكِينٖ
na nagmamay-ari ng lakas, na may kalagayang dakila sa ganang sa Panginoon ng Trono – kaluwalhatian sa Kanya,
Las Exégesis Árabes:
مُّطَاعٖ ثَمَّ أَمِينٖ
Tumatalima sa kanya ang mga naninirahan sa langit, na pinagkakatiwalaan sa ipinaaabot niya na kasi.
Las Exégesis Árabes:
وَمَا صَاحِبُكُم بِمَجۡنُونٖ
Si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang kumakasama sa inyo na nakakikilala kayo sa pag-iisip niya, pagkamapagkakatiwalaan niya, at katapatan niya ay hindi isang baliw gaya ng inaangkin ninyo bilang paninirang-puri.
Las Exégesis Árabes:
وَلَقَدۡ رَءَاهُ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡمُبِينِ
Talaga ngang nakakita ang kasamahan ninyo kay Anghel Gabriel sa anyo nito na nilikha ito sa abot-tanaw ng langit na maliwanag.
Las Exégesis Árabes:
وَمَا هُوَ عَلَى ٱلۡغَيۡبِ بِضَنِينٖ
Ang kasamahan ninyo ay hindi maramot sa inyo na nagmamaramot na magpaabot sa inyo ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot sa inyo at hindi kumukuha ng upa gaya ng kinukuha ng mga manghuhula.
Las Exégesis Árabes:
وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَيۡطَٰنٖ رَّجِيمٖ
Ang Qur’ān na ito ay hindi mula sa pananalita ng isang demonyong itinaboy mula sa awa ni Allāh.
Las Exégesis Árabes:
فَأَيۡنَ تَذۡهَبُونَ
Kaya sa aling daan tatahak kayo para sa pagkakaila na ito ay mula kay Allāh matapos ng mga katwirang ito?
Las Exégesis Árabes:
إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Walang iba ang Qur'ān kundi isang pagpapaalaala at isang pangaral para sa jinn at tao,
Las Exégesis Árabes:
لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَسۡتَقِيمَ
para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid sa daan ng katotohanan,
Las Exégesis Árabes:
وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
at hindi kayo magloloob ng pagpapakatuwid ni ng iba pa rito maliban na lumuob si Allāh niyon, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito.
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• حَشْر المرء مع من يماثله في الخير أو الشرّ.
Ang pagkalap sa tao kasama sa nakatutulad sa kanya sa kabutihan at kasamaan.

• إذا كانت الموءُودة تُسأل فما بالك بالوائد؟ وهذا دليل على عظم الموقف.
Kapag ang batang babaing inilibing nang buhay at tatanungin, paano na ang naglibing ng buhay? Ito ay patunay sa kabigatan ng katayuan.

• مشيئة العبد تابعة لمشيئة الله.
Ang kalooban ng tao ay tagasunod ng kalooban ni Allāh.

 
Traducción de significados Capítulo: Sura At-Takwir
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán. Emitido por el Centro Tafsir para los estudios coránicos

Cerrar