Check out the new design

Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) - Centro Rowad At-Taryama * - Índice de traducciones

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traducción de significados Capítulo: Yunus   Versículo:
۞ وَٱتۡلُ عَلَيۡهِمۡ نَبَأَ نُوحٍ إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦ يَٰقَوۡمِ إِن كَانَ كَبُرَ عَلَيۡكُم مَّقَامِي وَتَذۡكِيرِي بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَعَلَى ٱللَّهِ تَوَكَّلۡتُ فَأَجۡمِعُوٓاْ أَمۡرَكُمۡ وَشُرَكَآءَكُمۡ ثُمَّ لَا يَكُنۡ أَمۡرُكُمۡ عَلَيۡكُمۡ غُمَّةٗ ثُمَّ ٱقۡضُوٓاْ إِلَيَّ وَلَا تُنظِرُونِ
Bigkasin mo sa kanila ang balita kay Noe noong nagsabi siya sa mga tao niya: “O mga tao ko, kung bumigat sa inyo ang pananatili ko at ang pagpapaalaala ko ng mga tanda ni Allāh ay kay Allāh naman ako nanalig. Kaya pagpasyahan ninyo ang balak ninyo kasama ng mga pantambal ninyo. Pagkatapos ang balak ninyo ay huwag sa inyo maging malabo. Pagkatapos humusga kayo sa akin at huwag kayong magpalugit sa akin.
Las Exégesis Árabes:
فَإِن تَوَلَّيۡتُمۡ فَمَا سَأَلۡتُكُم مِّنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِۖ وَأُمِرۡتُ أَنۡ أَكُونَ مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Ngunit kung tumalikod kayo ay hindi ako humingi sa inyo ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Inutusan ako na ako ay maging kabilang sa mga tagapagpasakop.”
Las Exégesis Árabes:
فَكَذَّبُوهُ فَنَجَّيۡنَٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ فِي ٱلۡفُلۡكِ وَجَعَلۡنَٰهُمۡ خَلَٰٓئِفَ وَأَغۡرَقۡنَا ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَاۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya nagligtas Kami sa kanya at sa sinumang kasama sa kanya sa daong. Gumawa Kami sa kanila bilang mga kahalili at lumunod Kami sa mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga binalaan [ngunit hindi sumampalataya].
Las Exégesis Árabes:
ثُمَّ بَعَثۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِۦ رُسُلًا إِلَىٰ قَوۡمِهِمۡ فَجَآءُوهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَمَا كَانُواْ لِيُؤۡمِنُواْ بِمَا كَذَّبُواْ بِهِۦ مِن قَبۡلُۚ كَذَٰلِكَ نَطۡبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِ ٱلۡمُعۡتَدِينَ
Pagkatapos nagpadala Kami, matapos na niya, ng mga sugo sa mga tao nila at naghatid sila sa mga iyon ng mga malinaw na patunay. Ngunit hindi naging ukol sa mga iyon na sumampalataya sa pinasinungalingan ng mga iyon bago pa niyan. Gayon Kami nagpipinid sa mga puso ng mga lumalabag.
Las Exégesis Árabes:
ثُمَّ بَعَثۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِم مُّوسَىٰ وَهَٰرُونَ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ بِـَٔايَٰتِنَا فَٱسۡتَكۡبَرُواْ وَكَانُواْ قَوۡمٗا مُّجۡرِمِينَ
Pagkatapos nagpadala Kami, matapos na nila, kina Moises at Aaron kay Paraon at sa konseho nito kalakip ng mga tanda Namin, ngunit nagmalaki sila at sila ay naging mga taong salarin.
Las Exégesis Árabes:
فَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ مِنۡ عِندِنَا قَالُوٓاْ إِنَّ هَٰذَا لَسِحۡرٞ مُّبِينٞ
Kaya noong dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: “Tunay na ito ay talagang isang panggagaway na malinaw.”
Las Exégesis Árabes:
قَالَ مُوسَىٰٓ أَتَقُولُونَ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَكُمۡۖ أَسِحۡرٌ هَٰذَا وَلَا يُفۡلِحُ ٱلسَّٰحِرُونَ
Nagsabi si Moises: “Nagsasabi ba kayo para sa katotohanan noong dumating ito sa inyo: Panggagaway ba ito? Hindi magtatagumpay ang mga manggagaway.”
Las Exégesis Árabes:
قَالُوٓاْ أَجِئۡتَنَا لِتَلۡفِتَنَا عَمَّا وَجَدۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَا وَتَكُونَ لَكُمَا ٱلۡكِبۡرِيَآءُ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا نَحۡنُ لَكُمَا بِمُؤۡمِنِينَ
Nagsabi sila: “Dumating ka ba sa amin upang magbaling sa amin palayo sa natagpuan namin sa mga ninuno namin at maging ukol sa inyong dalawa [Moises at Aaron] ang kadakilaan sa lupa gayong kami sa inyong dalawa ay hindi mga naniniwala?”
Las Exégesis Árabes:
 
Traducción de significados Capítulo: Yunus
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) - Centro Rowad At-Taryama - Índice de traducciones

Traducida por el equipo del Centro Rowad At-Taryamah en cooperación con la Asociación de Dawah en Rabwa y la Asociación para el Servicio del Contenido Islámico en Idiomas.

Cerrar