ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی آیه: (6) سوره: سوره ابراهيم
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ أَنجَىٰكُم مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَسُومُونَكُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ وَيُذَبِّحُونَ أَبۡنَآءَكُمۡ وَيَسۡتَحۡيُونَ نِسَآءَكُمۡۚ وَفِي ذَٰلِكُم بَلَآءٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَظِيمٞ
Banggitin mo, O Sugo, nang sumunod si Moises sa utos ng Panginoon niya saka nagsabi siya sa mga tao niya kabilang sa mga anak ni Israel habang nagpapaalaala sa kanila ng mga biyaya ni Allāh sa kanila: "O mga tao ko, alalahanin ninyo ang mga biyaya ni Allāh sa inyo nang sinagip Niya kayo mula sa angkan ni Paraon at iniligtas Niya kayo mula sa lupit nila: nagpapalasap sila sa inyo ng pinakamasamang pagdurusa yayamang pinagkakatay nila noon ang mga anak ninyong lalaki upang walang ipanganak sa inyo na aagaw sa paghahari ni Paraon at pinananatili nila ang mga babae ninyo sa bingit ng buhay para abahin sila at hamakin sila. Sa mga gawain nilang ito ay may isang pagsusulit para sa inyo, na sukdulan sa pagtitiis, kaya tinumbasan kayo ni Allāh sa pagtitiis ninyo sa pagsubok na ito sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo sa lupit ng angkan ni Paraon.
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• من وسائل الدعوة تذكير المدعوين بنعم الله تعالى عليهم، خاصة إن كان ذلك مرتبطًا بنعمة كبيرة، مثل نصر على عدوه أو نجاة منه.
Kabilang sa mga kaparaanan ng pag-aanyaya ay ang pagpapaalaala sa mga inaanyayahan ng mga biyaya ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa kanila, lalo na kung iyon ay nakaugnay sa isang malaking biyaya tulad ng pag-aadya laban sa kaaway o pagkaligtas mula roon.

• من فضل الله تعالى أنه وعد عباده مقابلة شكرهم بمزيد الإنعام، وفي المقابل فإن وعيده شديد لمن يكفر به.
Bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay nangako sa mga lingkod Niya, bilang pagtutumbas sa pasasalamat nila, ng dagdag sa pagbibiyaya. Katumbas nito, tunay na ang banta Niya ay matindi sa sinumang tumatangging sumampalataya sa Kanya.

• كفر العباد لا يضر اللهَ البتة، كما أن إيمانهم لا يضيف له شيئًا، فهو غني حميد بذاته.
Ang kawalang-pananampalataya ng mga tao ay tandisang hindi nakapipinsala kay Allāh kung paanong ang pananampalataya nila ay hindi nakadaragdag sa Kanya ng anuman sapagkat Siya ay Walang-pangangailangan, kapuri-puri sa sarili Niya.

 
ترجمهٔ معانی آیه: (6) سوره: سوره ابراهيم
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم. ناشر: مركز تفسير و مطالعات قرآنى.

بستن