ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی آیه: (120) سوره: سوره بقره
وَلَن تَرۡضَىٰ عَنكَ ٱلۡيَهُودُ وَلَا ٱلنَّصَٰرَىٰ حَتَّىٰ تَتَّبِعَ مِلَّتَهُمۡۗ قُلۡ إِنَّ هُدَى ٱللَّهِ هُوَ ٱلۡهُدَىٰۗ وَلَئِنِ ٱتَّبَعۡتَ أَهۡوَآءَهُم بَعۡدَ ٱلَّذِي جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ مَا لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٍ
Kumakausap si Allāh sa Propeta Niya habang nagtuturo, nagbibigay-babala, at nagsasabi sa kanya: "Hindi malulugod sa iyo ang mga Hudyo ni ang mga Kristiyano hanggang sa umiwan ka sa Islām at sumunod ka sa anumang nasa kanila. Sabihin mo: "Tunay ang Aklat ni Allāh at ang paglilinaw nito ay ang patnubay, sa totoo, hindi ang anumang nasa kanila na kabulaanan." Talagang kung nangyari ang pagsunod sa kanila mula sa iyo o mula sa isa sa mga tagasunod mo matapos na may dumating sa iyo na katotohanang maliwanag, hindi ka makatatagpo mula kay Allāh ng isang pakikipag-adya o isang tulong. Ito ay bahagi ng paglilinaw sa panganib ng pag-iwan sa katotohanan at pakikibagay sa mga alagad ng kabulaanan.
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• أن المسلمين مهما فعلوا من خير لليهود والنصارى؛ فلن يرضوا حتى يُخرجوهم من دينهم، ويتابعوهم على ضلالهم.
Na ang Muslim, anuman ang gawin nilang kabutihan para sa mga Hudyo at Kristiyano, ay hindi malulugod ang mga ito hanggang sa makapagpalabas sa kanila ang mga ito mula sa relihiyon nila at makasunod sila sa mga ito sa pagkaligaw ng mga ito.

• الإمامة في الدين لا تُنَال إلا بصحة اليقين والصبر على القيام بأمر الله تعالى.
Ang pamumuno sa relihiyon ay hindi natatamo malibang sa pamamagitan ng katumpakan ng katiyakan at pagtitiis sa pagsasagawa sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• بركة دعوة إبراهيم عليه السلام للبلد الحرام، حيث جعله الله مكانًا آمنًا للناس، وتفضّل على أهله بأنواع الأرزاق.
Ang pagpapala ng panalangin ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay para sa Bayang Binanal kung saan ginawa ito ni Allāh na isang lugar na matiwasay para sa mga tao at nagmabuting-loob Siya sa mga naninirahan doon ng mga uri ng mga panustos.

 
ترجمهٔ معانی آیه: (120) سوره: سوره بقره
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم. ناشر: مركز تفسير و مطالعات قرآنى.

بستن