ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی آیه: (229) سوره: سوره بقره
ٱلطَّلَٰقُ مَرَّتَانِۖ فَإِمۡسَاكُۢ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ تَسۡرِيحُۢ بِإِحۡسَٰنٖۗ وَلَا يَحِلُّ لَكُمۡ أَن تَأۡخُذُواْ مِمَّآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ شَيۡـًٔا إِلَّآ أَن يَخَافَآ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِۖ فَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَا فِيمَا ٱفۡتَدَتۡ بِهِۦۗ تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ فَلَا تَعۡتَدُوهَاۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Ang diborsiyo na maaari pa sa asawa ang pagbalik ay dalawang ulit: magdidiborsiyo [sa maybahay] pagkatapos makikipagbalika siya [sa maybahay], pagkatapos magdidiborsiyo [muli sa maybahay] pagkatapos manunumbalik [sa maybahay]. Pagkatapos, matapos ng dalawang pagdiborsiyo ay alin sa dalawa: magpapanatili siya sa may maybahay sa pangangalaga niya kalakip ng pakikisama ayon sa nakabubuti o magdidiborsiyo siya rito sa ikatlong pagkakataon kalakip ng pagmamagandang-loob dito at pagsasagawa ng mga karapatan nito. Hindi ipinahihintulot para sa inyo, O mga asawa, na kumuha kayo ng anuman mula sa ibinigay ninyo sa mga maybahay na bigay-kaya malibang ang babae ay naging nasusuklam sa asawa niya dahilan sa asal nito o anyo nito at nagpapalagay ang mag-asawa, dahilan sa pagkasuklam na ito, ng kawalan ng pagtupad nilang dalawa sa nakaatang sa kanilang dalawa na mga tungkulin. Maglahad silang dalawa ng usapin nilang dalawa sa sinumang may kaugnayan sa kanilang dalawa sa pagkakamag-anak o iba pa rito. Kung nangamba ang mga tagatangkilik sa kawalan ng pagganap nilang dalawa sa mga karapatang pang mag-asawa sa pagitan nilang dalawa, walang pagkaasiwa sa kanilang dalawa na magkalas ang babae ng sarili niya (khul`) kapalit ng salaping ibabayad sa asawa niya kapalit ng pagdiborsiyo sa kanya. Ang mga patakarang legal na pang-Islām na iyon ay ang tagahiwalay sa pagitan ng ipinahihintulot at ipinagbabawal, kaya huwag kayong lumampas sa mga ito. Ang lumampas sa mga hangganan ni Allāh sa pagitan ng ipinahihintulot at ipinagbabawal, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng pagkapahamak at pagsasalang sa mga ito sa galit ni Allāh at parusa Niya.
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• بيَّن الله تعالى أحكام النكاح والطلاق بيانًا شاملًا حتى يعرف الناس حدود الحلال والحرام فلا يتجاوزونها.
Nilinaw ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ang mga patakaran ng kasal at diborsiyo sa isang masaklaw na paglilinaw upang makaalam ang mga tao sa mga hangganan ng ipinahihintulot at ipinagbabawal para hindi sila lumampas sa mga ito.

• عظَّم الله شأن النكاح وحرم التلاعب فيه بالألفاظ فجعلها ملزمة، وألغى التلاعب بكثرة الطلاق والرجعة فجعل لها حدًّا بطلقتين رجعيتين ثم تحرم عليه إلا أن تنكح زوجا غيره ثم يطلقها، أو يموت عنها.
Dumakila si Allāh sa kahalagahan ng pag-aasawa at nagbawal Siya sa paglalaru-laro rito sa mga pananalita kaya ginawa Niya ang mga ito na mga nag-oobliga. Nagpawalang-saysay Siya sa paglalaru-laro ng dalas ng pagdidiborsiyo at pagbabalikan kaya gumawa Siya para rito ng hangganan na dalawang pagdidiborsiyong makapagbabalikan. Pagkatapos ipagbabawal ang babae sa lalaki malibang mag-asawa siya ng lalaking iba pa sa asawa niya, pagkatapos magdiborsiyo ito sa kanya o mamatayan siya nito.

• المعاشرة الزوجية تكون بالمعروف، فإن تعذر ذلك فلا بأس من الطلاق، ولا حرج على أحد الزوجين أن يطلبه.
Ang pagsasamang pangmag-asawa ay ayon sa nakabubuti. Kaya kung naging imposible iyon ay walang masama sa diborsiyo at walang pagkaasiwa sa isa sa mag-asawa na humiling nito.

 
ترجمهٔ معانی آیه: (229) سوره: سوره بقره
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم. ناشر: مركز تفسير و مطالعات قرآنى.

بستن