ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی آیه: (76) سوره: سوره بقره
وَإِذَا لَقُواْ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَا بَعۡضُهُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٖ قَالُوٓاْ أَتُحَدِّثُونَهُم بِمَا فَتَحَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمۡ لِيُحَآجُّوكُم بِهِۦ عِندَ رَبِّكُمۡۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Kabilang sa mga pagsasalungatan ng mga Hudyo at katusuhan nila ay na sila – kapag nakipagtagpo ang ilan sa kanila sa mga mananampalataya – ay umaamin sa mga ito ng katapatan ni Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ng katumpakan ng mensahe niya. Ito ang sinasaksihan para sa kanya ng Torah. Subalit kapag nagsasarilinan ang mga Hudyo sa isa't isa sa kanila, nagsisisihan sila sa gitna nila dahilan sa mga pag-aming ito dahil ang mga Muslim ay naglalahad sa kanila dahil sa mga ito ng katwiran kaugnay sa namutawi sa ganang kanila na pag-amin sa katapatan ng pagkapropeta.
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• أن بعض قلوب العباد أشد قسوة من الحجارة الصلبة؛ فلا تلين لموعظة، ولا تَرِقُّ لذكرى.
Na ang ilan sa mga puso ng mga tao ay higit na matindi sa katigasan kaysa sa matigas na bato, kaya naman hindi lumalambot ang mga ito dahil sa isang pangaral ni bumabanayad dahil sa isang paalaala.

• أن الدلائل والبينات - وإن عظمت - لا تنفع إن لم يكن القلب مستسلمًا خاشعًا لله.
Na ang mga katunayan at ang mga malinaw na patunay, kahit pa man bumigat, ay hindi magpapakinabang kung ang puso ay hindi naging sumusuko at nagpapakababa kay Allāh.

• كشفت الآيات حقيقة ما انطوت عليه أنفس اليهود، حيث توارثوا الرعونة والخداع والتلاعب بالدين.
Naglantad ang mga talata ng reyalidad ng ikinubli ng mga kaluluwa ng mga Hudyo kung saan nagmanahan sila ng katunggakan, panlilinlang, at paglalaru-laro sa relihiyon.

 
ترجمهٔ معانی آیه: (76) سوره: سوره بقره
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم. ناشر: مركز تفسير و مطالعات قرآنى.

بستن