Check out the new design

ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه‌ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی سوره: طه   آیه:
وَأَنَا ٱخۡتَرۡتُكَ فَٱسۡتَمِعۡ لِمَا يُوحَىٰٓ
Ako ay humirang sa iyo, O Moises, para sa pagpapaabot sa pasugo Ko kaya makinig ka sa ikakasi Ko sa iyo:
تفسیرهای عربی:
إِنَّنِيٓ أَنَا ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدۡنِي وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِذِكۡرِيٓ
Tunay na Ako ay si Allāh; walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Akin, kaya sumamba ka sa Akin – tanging sa Akin – at magsagawa ka ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na paraan para makaalaala ka sa Akin dito.
تفسیرهای عربی:
إِنَّ ٱلسَّاعَةَ ءَاتِيَةٌ أَكَادُ أُخۡفِيهَا لِتُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا تَسۡعَىٰ
Tunay na ang Huling Sandali ay darating nang walang pasubali at magaganap. Halos ako ay magkubli nito para hindi malaman ang oras nito ng isang nilikha, subalit makakikilala sila sa mga palatandaan nito sa pamamagitan ng pagpapabatid ng Propeta sa kanila, upang gantihan ang bawat kaluluwa sa anumang ginawa nito na kabutihan man o kasamaan.
تفسیرهای عربی:
فَلَا يَصُدَّنَّكَ عَنۡهَا مَن لَّا يُؤۡمِنُ بِهَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ فَتَرۡدَىٰ
Kaya huwag ngang maglilihis sa iyo sa pagpapatotoo roon at paghahanda para roon sa pamamagitan ng gawang maayos ang sinumang hindi sumasampalataya roon kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at sumunod sa pinipithaya ng sarili niya kabilang sa mga ipinagbabawal para [hindi] ka mapahamak dahilan doon.
تفسیرهای عربی:
وَمَا تِلۡكَ بِيَمِينِكَ يَٰمُوسَىٰ
Ano yaong nasa kamay mong kanan, O Moises?"
تفسیرهای عربی:
قَالَ هِيَ عَصَايَ أَتَوَكَّؤُاْ عَلَيۡهَا وَأَهُشُّ بِهَا عَلَىٰ غَنَمِي وَلِيَ فِيهَا مَـَٔارِبُ أُخۡرَىٰ
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Ito ay tungkod ko; umaasa ako rito sa paglalakad at humahampas ako sa pamamagitan nito sa mga punong-kahoy upang bumagsak ang mga dahon ng mga iyon para sa mga tupa ko. Mayroon ako ritong mga pakinabang na iba pa sa nabanggit ko."
تفسیرهای عربی:
قَالَ أَلۡقِهَا يَٰمُوسَىٰ
Nagsabi si Allāh: "Ihagis mo iyan, O Moises."
تفسیرهای عربی:
فَأَلۡقَىٰهَا فَإِذَا هِيَ حَيَّةٞ تَسۡعَىٰ
Kaya inihagis iyon ni Moises saka biglang nag-anyo iyon na isang ahas na umuusad nang may bilis at gaan.
تفسیرهای عربی:
قَالَ خُذۡهَا وَلَا تَخَفۡۖ سَنُعِيدُهَا سِيرَتَهَا ٱلۡأُولَىٰ
Nagsabi si Allāh kay Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Kunin mo ang tungkod at huwag kang mangamba sa pag-aanyong ahas niyan; magpapanumbalik Kami riyan kapag dinala mo iyan sa unang kalagayan niyan.
تفسیرهای عربی:
وَٱضۡمُمۡ يَدَكَ إِلَىٰ جَنَاحِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٍ ءَايَةً أُخۡرَىٰ
Idikit mo ang kamay mo sa gilid mo, lalabas itong maputi na walang ketong bilang ikalawang palatandaan para sa iyo.
تفسیرهای عربی:
لِنُرِيَكَ مِنۡ ءَايَٰتِنَا ٱلۡكُبۡرَى
Nagpakita Kami sa iyo nitong dalawang palatandaan upang magpakita Kami sa iyo, O Moises, ng ilan sa mga tanda Naming pinakadakilang nagpapatunay sa kakayahan Namin at na ikaw ay isang sugo mula sa ganang Amin.
تفسیرهای عربی:
ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ
Magtungo ka, O Moises, kay Paraon sapagkat tunay na siya ay lumampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya at paghihimagsik kay Allāh."
تفسیرهای عربی:
قَالَ رَبِّ ٱشۡرَحۡ لِي صَدۡرِي
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Panginoon ko, magpaluwang Ka para sa akin ng dibdib ko upang mabata ko ang pananakit;
تفسیرهای عربی:
وَيَسِّرۡ لِيٓ أَمۡرِي
magpagaan Ka para sa akin ng nauukol sa akin;
تفسیرهای عربی:
وَٱحۡلُلۡ عُقۡدَةٗ مِّن لِّسَانِي
magpakaya Ka sa akin sa pagbigkas ng matatas na pananalita,
تفسیرهای عربی:
يَفۡقَهُواْ قَوۡلِي
upang makaintindi sila sa pananalita ko kapag nagpaabot ako sa kanila ng pasugo Mo;
تفسیرهای عربی:
وَٱجۡعَل لِّي وَزِيرٗا مِّنۡ أَهۡلِي
gumawa Ka para sa akin ng isang tagatulong mula sa mag-anak ko, na tutulong sa akin sa mga gawain ko,
تفسیرهای عربی:
هَٰرُونَ أَخِي
si Aaron na anak `Imran, na kapatid ko;
تفسیرهای عربی:
ٱشۡدُدۡ بِهِۦٓ أَزۡرِي
magpalakas Ka sa pamamagitan niya ng likod ko;
تفسیرهای عربی:
وَأَشۡرِكۡهُ فِيٓ أَمۡرِي
at gawin Mo siya bilang katambal para sa akin sa pasugo
تفسیرهای عربی:
كَيۡ نُسَبِّحَكَ كَثِيرٗا
upang magluwalhati kami sa Iyo nang pagluluwalhating madalas
تفسیرهای عربی:
وَنَذۡكُرَكَ كَثِيرًا
at umalaala kami sa Iyo nang pag-aalaalang madalas.
تفسیرهای عربی:
إِنَّكَ كُنتَ بِنَا بَصِيرٗا
Tunay na Ikaw, laging sa amin, ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Iyo na anuman mula sa nauukol sa amin."
تفسیرهای عربی:
قَالَ قَدۡ أُوتِيتَ سُؤۡلَكَ يَٰمُوسَىٰ
Nagsabi si Allāh: "Nagbigay nga Kami sa iyo ng hiningi mo, O Moises.
تفسیرهای عربی:
وَلَقَدۡ مَنَنَّا عَلَيۡكَ مَرَّةً أُخۡرَىٰٓ
Talaga ngang nagbiyaya Kami sa iyo sa isa pang pagkakataon,
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• وجوب حسن الاستماع في الأمور المهمة، وأهمها الوحي المنزل من عند الله.
Ang pagkatungkulin ng kagandahan ng pakikinig sa mga bagay na mahalaga. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang kasi na ibinaba mula sa ganang kay Allāh.

• اشتمل أول الوحي إلى موسى على أصلين في العقيدة وهما: الإقرار بتوحيد الله، والإيمان بالساعة (القيامة)، وعلى أهم فريضة بعد الإيمان وهي الصلاة.
Nakasaklaw ang kauna-unahan sa kasi kay Moises sa dalawang batayan sa paniniwala: ang pagkilala sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at ang pananampalataya sa Huling Sandali (Araw ng Pagbangon), at sa pinakamahalagang tungkulin matapos ng pananampalataya: ang pagdarasal.

• التعاون بين الدعاة ضروري لإنجاح المقصود؛ فقد جعل الله لموسى أخاه هارون نبيَّا ليعاونه في أداء الرسالة.
Ang pagtutulungan sa pagitan ng mga tagapag-anyaya sa Islām ay kinakailangan para sa pagpapatagumpay sa nilalayon sapagkat nagtalaga nga si Allāh para kay Moises ng kapatid nitong si Aaron bilang propeta upang makipagtulungan ito sa kanya sa pagtupad sa pasugo.

• أهمية امتلاك الداعية لمهارة الإفهام للمدعوِّين.
Ang kahalagahan ng pagtataglay ng tagapag-anyaya sa Islām ng kasanayan sa pagpapaintindi sa mga inaanyayahan sa Islām.

 
ترجمهٔ معانی سوره: طه
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه‌ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

مرکز تفسیر و پژوهش‌های قرآنی آن را منتشر كرده است.

بستن