ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی آیه: (31) سوره: سوره اعراف
۞ يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ خُذُواْ زِينَتَكُمۡ عِندَ كُلِّ مَسۡجِدٖ وَكُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ وَلَا تُسۡرِفُوٓاْۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُسۡرِفِينَ
O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng anumang nagtatakip sa mga kahubaran ninyo at ipinapampaganda ninyo na kasuutan na malinis at dalisay sa sandali ng ṣalāh at ṭawāf. Kumain kayo at uminom kayo ng anumang niloob ninyo kabilang sa mga kaaya-aya na ipinahintulot sa inyo ni Allāh ngunit huwag kayong lumampas sa hangganan ng pagkakatamtaman kaugnay doon at huwag kayong lumampas sa ipinahihintulot patungo sa ipinagbabawal. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan ng pagkakatamtaman.
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• المؤمن مأمور بتعظيم شعائر الله من خلال ستر العورة والتجمل في أثناء صلاته وخاصة عند التوجه للمسجد.
Ang mga mananampalataya ay inuutusang dumakila sa mga sagisag ni Allāh sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga kahubaran at ng pagpapaganda sa sandali ng pagdarasal at lalo na sa oras ng pagsasadya sa masjid.

• من فسر القرآن بغير علم أو أفتى بغير علم أو حكم بغير علم فقد قال على الله بغير علم وهذا من أعظم المحرمات.
Ang sinumang nagpakahulugan sa Qur'ān nang walang kaalaman o nagbigay ng opinyong panrelihiyon nang walang kaalaman o humatol nang walang kaalaman ay nagsabi nga hinggil kay Allāh nang walang kaalaman. Ito ay kabilang sa pinakamabigat sa mga ipinagbabawal.

• في الآيات دليل على أن المؤمنين يوم القيامة لا يخافون ولا يحزنون، ولا يلحقهم رعب ولا فزع، وإذا لحقهم فمآلهم الأمن.
Sa mga talatang ito ng Qur'ān ay may patunay na ang mga mananampalataya sa Araw ng Pagbangon ay hindi mangangamba ni malulungkot ni dadapuan sila ng sindak ni hilakbot; at kapag dumapo man ito sa kanila, ang kauuwian nila ay ang katiwasayan.

• أظلم الناس من عطَّل مراد الله تعالى من جهتين: جهة إبطال ما يدل على مراده، وجهة إيهام الناس بأن الله أراد منهم ما لا يريده الله.
Ang pinakatagalabag sa katarungan sa mga tao ay ang sinumang nagpawalang-kahulugan sa ninanais ipakahulugan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ayon sa dalawang aspeto: aspeto ng pagpapabula sa ipinahihiwatig ng ninanais ipakahulugan ni Allāh at aspeto ng pagpapaakala sa mga tao na si Allāh ay nagnais mula sa kanila ng hindi naman ninanais ni Allāh.

 
ترجمهٔ معانی آیه: (31) سوره: سوره اعراف
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم. ناشر: مركز تفسير و مطالعات قرآنى.

بستن