કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, * - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા


શબ્દોનું ભાષાંતર આયત: (52) સૂરહ: ઈબ્રાહીમ
هَٰذَا بَلَٰغٞ لِّلنَّاسِ وَلِيُنذَرُواْ بِهِۦ وَلِيَعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا هُوَ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ وَلِيَذَّكَّرَ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Ang Qur'ān na ito na ibinaba kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang pagbibigay-alam mula kay Allāh patungo sa mga tao. [Ito ay] upang pangambahin sila sa pamamagitan ng taglay nito na pagpapangilabot at matinding banta, upang makaalam sila na ang sinasamba ayon sa karapatan ay si Allāh lamang para sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng isa man, at upang mapangaralan sila sa pamamagitan nito at magsaalang-alang ang mga nagtataglay ng mga matinong pag-iisip dahil sila ay ang nakikinabang sa mga pangaral at mga isinasaalang-alang.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• تصوير مشاهد يوم القيامة وجزع الخلق وخوفهم وضعفهم ورهبتهم، وتبديل الأرض والسماوات.
Ang pagsasalarawan sa mga masasaksihan sa Araw ng Pagbangon, ang pagkabalisa ng mga nilikha, ang pangamba nila, ang kahinaan nila, ang pangingilabot nila, at ang pagpapalit sa lupa at mga langit.

• وصف شدة العذاب والذل الذي يلحق بأهل المعصية والكفر يوم القيامة.
Ang paglalarawan sa tindi ng pagdurusa at kaabahan na lilipos sa mga alagad ng pagsuway at kawalang-pananampalataya sa Araw ng Pagbangon.

• أن العبد في سعة من أمره في حياته في الدنيا، فعليه أن يجتهد في الطاعة، فإن الله تعالى لا يتيح له فرصة أخرى إذا بعثه يوم القيامة.
Na ang tao dahil sa lawak ng kalagayan niya sa buhay niya sa Mundo ay kailangan sa kanya na magsikap sa pagtalima sapagkat tunay na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay hindi magbibigay sa kanya ng isa pang pagkakataon kapag binuhay siya sa Araw ng Pagbangon.

 
શબ્દોનું ભાષાંતર આયત: (52) સૂરહ: ઈબ્રાહીમ
સૂરહ માટે અનુક્રમણિકા પેજ નંબર
 
કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

ફિલિપાઈન ભાષાત, સંક્ષિપ્ત કુરઆન મજીદની સમજુતી, તફસીર સેન્ટર દ્વારા જારી કરવામાં આવ્યું છે.

બંધ કરો