કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, * - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા


શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: અન્ નહલ   આયત:

An-Nahl

સૂરતના હેતુઓ માંથી:
التذكير بالنعم الدالة على المنعم سبحانه وتعالى.
Ang pagpapaalaala hinggil sa mga biyayang nagpapahiwatig sa Tagapagbiyaya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya.

أَتَىٰٓ أَمۡرُ ٱللَّهِ فَلَا تَسۡتَعۡجِلُوهُۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Nalalapit ang inihusga ni Allāh na pagdurusa ninyo, O mga tagatangging sumampalataya, kaya huwag kayong humiling ng pagpapadali nito bago ng panahon nito. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh at pagkataas-taas Siya kaysa sa ginagawa para sa Kanya ng mga tagapagtambal na mga katambal.
અરબી તફસીરો:
يُنَزِّلُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ بِٱلرُّوحِ مِنۡ أَمۡرِهِۦ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦٓ أَنۡ أَنذِرُوٓاْ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱتَّقُونِ
Nagpababa si Allāh ng mga anghel, kalakip ng pagkasi ng paghuhusga Niya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga sugo Niya, [na nagsasabi:] "Magpangamba kayo, O mga sugo, sa mga tao laban sa pagtatambal sa Akin sapagkat walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Ako kaya, mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga tao, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-utos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko."
અરબી તફસીરો:
خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ تَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Lumikha si Allāh ng mga langit at lumikha Siya ng lupa, nang walang naunang pagkakatulad, sa katotohanan sapagkat hindi Siya lumikha sa mga ito ayon sa kabulaanan. Bagkus lumikha Siya sa mga ito upang ipampatunay sa kadakilaan Niya. Nagpawalang-kaugnayan Siya sa pagtatambal nila sa Kanya ng iba pa sa Kanya.
અરબી તફસીરો:
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِن نُّطۡفَةٖ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٞ مُّبِينٞ
Lumikha Siya ng tao mula sa isang patak na hamak, saka lumago iyon bilang nilikha matapos ng isang paglikha, saka biglang iyon ay matindi ang pakikipagtalo ayon sa kabulaanan upang pawiin sa pamamagitan nito ang katotohanan, na malinaw sa pakikipagtalo niyon sa pamamagitan nito.
અરબી તફસીરો:
وَٱلۡأَنۡعَٰمَ خَلَقَهَاۖ لَكُمۡ فِيهَا دِفۡءٞ وَمَنَٰفِعُ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ
Ang mga hayupan gaya ng mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ay nilikha Niya para sa mga kapakanan ninyo, O mga tao. Kabilang sa mga kapakanang ito ang init [na dulot] dahil sa mga lana ng mga ito at mga balahibo ng mga ito. May mga kapakanang iba pa sa mga gatas ng mga ito, mga balat ng mga ito, at likod ng mga ito. Mula sa mga ito ay kumakain kayo.
અરબી તફસીરો:
وَلَكُمۡ فِيهَا جَمَالٌ حِينَ تُرِيحُونَ وَحِينَ تَسۡرَحُونَ
Ukol sa inyo sa mga ito ay gayak kapag pumapasok kayo sa gabi at kapag inilalabas ninyo ang mga ito sa pastulan sa umaga.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• عناية الله ورعايته بصَوْن النبي صلى الله عليه وسلم وحمايته من أذى المشركين.
Ang pag-aaruga ni Allāh at ang pagmamalasakit Niya sa pamamagitan ng pangangalaga sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at pagsasanggalang Niya rito laban sa pananakit ng mga tagapagtambal.

• التسبيح والتحميد والصلاة علاج الهموم والأحزان، وطريق الخروج من الأزمات والمآزق والكروب.
Ang pagluluwalhati, ang pagpapapuri, at ang pagdarasal ay lunas sa mga alalahanin at mga lungkot, at daan ng paglabas mula sa mga krisis, mga kagipitan, at mga pighati.

• المسلم مطالب على سبيل الفرضية بالعبادة التي هي الصلاة على الدوام حتى يأتيه الموت، ما لم يغلب الغشيان أو فقد الذاكرة على عقله.
Ang Muslim ay hinihilingan, dahil sa pagkatungkulin, ng pagsamba na pagdarasal nang palagian hanggang sa sumapit sa kanya ang kamatayan hanggat hindi nanaig ang kawalang-malay o ang pagkawala ng alaala sa isip niya.

• سمى الله الوحي روحًا؛ لأنه تحيا به النفوس.
Nagpangalan si Allāh sa pagkakasi bilang espiritu dahil ito ay ikinabubuhay ng mga kaluluwa.

• مَلَّكَنا الله تعالى الأنعام والدواب وذَلَّلها لنا، وأباح لنا تسخيرها والانتفاع بها؛ رحمة منه تعالى بنا.
Pinagmay-ari tayo ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ng mga hayupan at mga hayop, pinaamo Niya ang mga ito sa atin, at ipinahintulot Niya sa atin ang pagpapasilbi ng mga ito at pakikinabang sa mga ito bilang awa mula sa Kanya – pagkataas-taas Siya – sa atin.

وَتَحۡمِلُ أَثۡقَالَكُمۡ إِلَىٰ بَلَدٖ لَّمۡ تَكُونُواْ بَٰلِغِيهِ إِلَّا بِشِقِّ ٱلۡأَنفُسِۚ إِنَّ رَبَّكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Nagdadala ang mga hayupang ito na nilikha Namin para sa inyo ng mga dala-dalahan ninyong mabigat sa mga paglalakbay ninyo tungo sa isang bayang hindi kayo makararating doon malibang may isang mabigat na hirap sa mga sarili. Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay talagang Mahabagin, Maawain sa inyo yayamang pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga hayupang ito.
અરબી તફસીરો:
وَٱلۡخَيۡلَ وَٱلۡبِغَالَ وَٱلۡحَمِيرَ لِتَرۡكَبُوهَا وَزِينَةٗۚ وَيَخۡلُقُ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Nilikha ni Allāh para sa inyo ang mga kabayo, ang mga mola, at ang mga asno upang sakyan ninyo ang mga ito at ipapasan ninyo sa mga ito ang mga dala-dalahan ninyo at upang maging isang kagandahan para sa inyo na ipinapampaganda ninyo sa mga tao. Lumilikha Siya ng mga hindi ninyo nalalaman kabilang sa anumang ninais Niya ang paglikha niyon.
અરબી તફસીરો:
وَعَلَى ٱللَّهِ قَصۡدُ ٱلسَّبِيلِ وَمِنۡهَا جَآئِرٞۚ وَلَوۡ شَآءَ لَهَدَىٰكُمۡ أَجۡمَعِينَ
Nasa kay Allāh ang paglilinaw sa daang tuwid na nagpapaabot sa kaluguran Niya: ang Islām. Kabilang sa mga daan ay ang mga daan ng demonyo na nakakiling palayo sa katotohanan. Ang bawat daang hindi ang daan ng Islām, ito ay nakakiling. Kung sakaling niloob ni Allāh na magtuon sa inyo sa kalahatan sa pananampalataya, talaga sanang nagtuon Siya sa inyo roon sa kalahatan.
અરબી તફસીરો:
هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗۖ لَّكُم مِّنۡهُ شَرَابٞ وَمِنۡهُ شَجَرٞ فِيهِ تُسِيمُونَ
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagpababa para sa inyo ng tubig mula sa mga ulap. Para sa inyo mula sa tubig na iyon ay inuming iniinom ninyo at iniinom ng mga hayupan ninyo. Mula roon ang nangyayaring pagtubo ng mga punong-kahoy, na doon ay nagpapastol kayo ng mga alaga ninyo.
અરબી તફસીરો:
يُنۢبِتُ لَكُم بِهِ ٱلزَّرۡعَ وَٱلزَّيۡتُونَ وَٱلنَّخِيلَ وَٱلۡأَعۡنَٰبَ وَمِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Nagpapatubo si Allāh para sa inyo sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga pananim na kumakain kayo mula sa mga ito. Nagpapatubo Siya para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga oliba, mga datiles, at mga ubas. Nagpapatubo Siya para sa inyo ng lahat ng mga bunga. Tunay na sa tubig na iyon at anumang namumutawi buhat doon ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong nag-iisip-isip sa paglikha Niya kaya nakapagpapatunay sila sa pamamagitan nito sa kadakilaan Niya – kaluwalhatian sa Kanya.
અરબી તફસીરો:
وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ وَٱلنُّجُومُ مُسَخَّرَٰتُۢ بِأَمۡرِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Pinaamo ni Allāh para sa inyo ang gabi upang tumahan kayo rito at mamahinga kayo, at ang maghapon upang kumita kayo rito ng ikabubuhay ninyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ginawa Niya itong isang tanglaw. Ang buwan ay ginawa Niyang isang liwanag. Ang mga bituin ay mga pinaamo para sa inyo ayon sa utos Niyang pang-itinakda. Sa pamamagitan ng mga ito ay napapatnubayan kayo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at nakaaalam kayo ng mga oras at iba pa roon. Tunay na sa pagpapasilbi niyon, ng lahat ng iyon, ay talagang may mga katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong nagpapagana sa mga pang-unawa nila sapagkat sila ay ang nakatatalos ng kasanhian mula roon.
અરબી તફસીરો:
وَمَا ذَرَأَ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُخۡتَلِفًا أَلۡوَٰنُهُۥٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَذَّكَّرُونَ
Pinagsilbi Niya para sa inyo ang nilalang Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa lupa na kabilang sa nagkakaiba-iba ang mga kulay nito gaya ng mga metal, mga hayop, mga halaman, at mga pananim. Tunay na sa nabanggit na iyon na paglikha at pagpapasilbi ay talagang may katunayang hayag sa kakayahan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – para sa mga taong nagsasaalang-alang dito at nakatatalos na si Allāh ay nakakakaya at tagapagbiyaya.
અરબી તફસીરો:
وَهُوَ ٱلَّذِي سَخَّرَ ٱلۡبَحۡرَ لِتَأۡكُلُواْ مِنۡهُ لَحۡمٗا طَرِيّٗا وَتَسۡتَخۡرِجُواْ مِنۡهُ حِلۡيَةٗ تَلۡبَسُونَهَاۖ وَتَرَى ٱلۡفُلۡكَ مَوَاخِرَ فِيهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagpaamo para sa inyo ng dagat kaya nagpakaya Siya sa inyo sa pagsakay rito at paghango ng narito upang kumain kayo mula sa mga nahuhuli ninyo na mga isda nito na laman na makatas na malambot at humango kayo mula rito ng palamuting isinusuot ninyo at isinusuot ng mga kababaihan ninyo gaya ng perlas. Nakikita mo ang mga daong habang mga bumibiyak sa mga alon ng dagat. Sumasakay kayo sa mga daong na ito sa paghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh na natatamo mula sa tubo ng kalakalan, sa pag-asang magpasalamat kayo kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa inyo at magbukod-tangi kayo sa Kanya sa pagsamba.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• من عظمة الله أنه يخلق ما لا يعلمه جميع البشر في كل حين يريد سبحانه.
Bahagi ng kadakilaan ni Allāh na Siya ay lumilikha ng hindi nalalaman ng lahat ng mga tao sa bawat sandaling ninanais Niya – kaluwalhatian sa Kanya.

• خلق الله النجوم لزينة السماء، والهداية في ظلمات البر والبحر، ومعرفة الأوقات وحساب الأزمنة.
Nilikha ni Allāh ang mga bituin para sa paggayak ng langit, paggabay sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, pag-alam ng mga oras, at pagtutuos ng mga panahon.

• الثناء والشكر على الله الذي أنعم علينا بما يصلح حياتنا ويعيننا على أفضل معيشة.
Ang pagbubunyi at ang pasasalamat kay Allāh na nagbiyaya sa atin ng naaangkop sa buhay natin at nakatutulong sa atin sa pinakamainam na kabuhayan.

• الله سبحانه أنعم علينا بتسخير البحر لتناول اللحوم (الأسماك)، واستخراج اللؤلؤ والمرجان، وللركوب، والتجارة، وغير ذلك من المصالح والمنافع.
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagbiyaya sa atin sa pamamagitan ng pagpapasilbi ng dagat para sa pagkuha ng mga lamang-dagat at paghango ng mga perlas at mga koral, at para sa pagsakay, pangangalakal, at iba pa roon na mga kapakanan at mga kapakinabangan.

وَأَلۡقَىٰ فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِكُمۡ وَأَنۡهَٰرٗا وَسُبُلٗا لَّعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
Naglapat Siya sa lupa ng mga bundok na nagpapatatag dito upang hindi yumanig ito sa inyo at kumiling. Nagpadaloy Siya rito ng mga ilog upang uminom kayo mula sa mga ito at magpatubig kayo ng mga hayupan ninyo at mga pananim ninyo. Gumawa Siya ng mga daang tatahakin ninyo kaya makararating kayo sa mga pakay ninyo nang hindi kayo maligaw.
અરબી તફસીરો:
وَعَلَٰمَٰتٖۚ وَبِٱلنَّجۡمِ هُمۡ يَهۡتَدُونَ
Gumawa Siya para sa inyo sa lupa ng mga palatandaang nakalitaw, na napapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa paglalakbay sa maghapon. Gumawa Siya para sa inyo ng mga bituin sa langit sa pag-asang mapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa gabi.
અરબી તફસીરો:
أَفَمَن يَخۡلُقُ كَمَن لَّا يَخۡلُقُۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Kaya ba ang sinumang lumilikha ng mga bagay na ito at iba pa sa mga ito ay gaya ng sinumang hindi lumilikha ng isang bagay? Kaya ba hindi kayo nagsasaalaala sa kadakilaan ni Allāh na lumilikha sa bawat bagay? Magbukod-tangi kayo sa Kanya sa pagsamba at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anumang hindi lumilikha ng isang bagay.
અરબી તફસીરો:
وَإِن تَعُدُّواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ لَا تُحۡصُوهَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ
Kung magtatangka kayo, O mga tao, ng pagbilang sa maraming biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa inyo at ng pagtatakda sa mga ito, hindi kayo makakakaya niyon dahil sa dami ng mga ito at pagkasarisari ng mga ito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad yayamang hindi Siya nagparusa sa inyo dahil sa pagkalingat sa pagpapasalamat sa mga ito, Maawain yayamang hindi Siya pumutol ng mga ito sa inyo dahilan sa mga pagsuway at pagkukulang sa pagpapasalamat sa Kanya.
અરબી તફસીરો:
وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعۡلِنُونَ
Si Allāh ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo, O mga lingkod, mula sa mga gawa ninyo, at nakaaalam sa anumang inihahayag ninyo mula sa mga ito. Walang nakakukubli sa kanya na anuman sa mga ito. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
અરબી તફસીરો:
وَٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَا يَخۡلُقُونَ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ
Ang mga sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ay hindi lumilikha ng anuman kahit pa kaunti. Ang mga sumasamba sa mga ito bukod pa kay Allāh ay ang mga yumayari sa mga ito, kaya papaanong sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh ng anumang niyayari nila na mga anito sa pamamagitan ng mga kamay nila?
અરબી તફસીરો:
أَمۡوَٰتٌ غَيۡرُ أَحۡيَآءٖۖ وَمَا يَشۡعُرُونَ أَيَّانَ يُبۡعَثُونَ
Sa kabila na ang mga tagasamba ng mga ito ay yumari sa mga ito sa pamamagitan ng mga kamay nila kaya ang mga ito ay mga gawang-bagay na walang buhay sa mga ito ni kaalaman, ang mga ito ay hindi nakaaalam kung kailan bubuhayin kasama ng mga tagasamba sa mga ito sa Araw ng Pagbangon upang itapon ang mga ito kasama nila sa Apoy ng Impiyerno.
અરબી તફસીરો:
إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۚ فَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ قُلُوبُهُم مُّنكِرَةٞ وَهُم مُّسۡتَكۡبِرُونَ
Ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay sinasambang nag-iisang walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh. Ang mga hindi sumasampalataya sa pagbubuhay para sa pagganti, ang mga puso nila ay mga tumatanggi sa kaisahan ni Allāh dahil sa kawalan ng pangamba ng mga ito sapagkat ang mga ito ay hindi naniniwala sa pagtutuos ni sa parusa habang sila ay mga nagpapakamalaki: hindi tumatanggap ng katotohanan ni nagpapasailalim dito.
અરબી તફસીરો:
لَا جَرَمَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُسۡتَكۡبِرِينَ
Sa totoo, tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim ng mga ito na mga gawain at nakaaalam sa anumang inihahayag ng mga ito na mga gawain. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga iyon. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi umiibig sa mga nagmamalaki sa paglayo sa pagsamba sa Kanya at pagpapasailalim sa Kanya, bagkus namumuhi Siya sa kanila nang pinakamatinding pagkamuhi.
અરબી તફસીરો:
وَإِذَا قِيلَ لَهُم مَّاذَآ أَنزَلَ رَبُّكُمۡ قَالُوٓاْ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kapag sinabi sa mga nagkakailang ito sa kaisahan ng Tagalikha at nagpapasinungaling sa pagkabuhay: "Ano ang pinababa ni Allāh kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan?" ay magsasabi sila: "Hindi Siya nagbaba rito ng anuman. Naghatid lamang ito mula sa sarili nito ng mga kuwento ng mga sinauna at mga kasinungalingan nila."
અરબી તફસીરો:
لِيَحۡمِلُوٓاْ أَوۡزَارَهُمۡ كَامِلَةٗ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَمِنۡ أَوۡزَارِ ٱلَّذِينَ يُضِلُّونَهُم بِغَيۡرِ عِلۡمٍۗ أَلَا سَآءَ مَا يَزِرُونَ
Upang ang kauuwian nila ay na magbuhat sila ng mga kasalanan nila nang walang bawas at magbuhat sila ng bahagi ng mga kasalanan ng mga pinaligaw nila palayo sa Islām dala ng kamangmangan at paggaya-gaya. Kaya anong tindi ang kapangitan ng bubuhatin nila na mga kasalanan at mga kasalanan ng mga tagasunod nila!
અરબી તફસીરો:
قَدۡ مَكَرَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَأَتَى ٱللَّهُ بُنۡيَٰنَهُم مِّنَ ٱلۡقَوَاعِدِ فَخَرَّ عَلَيۡهِمُ ٱلسَّقۡفُ مِن فَوۡقِهِمۡ وَأَتَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَشۡعُرُونَ
Talaga ngang nagdala ang mga tagatangging sumampalataya bago pa ng mga ito ng mga pakana para sa mga sugo nila kaya iginuho ni Allāh ang mga gusali nila mula sa mga saligan ng mga ito kaya bumagsak sa kanila ang mga bubong nito mula sa ibabaw nila. Dumating sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila inaasahan sapagkat sila noon ay umaasa na ang mga gusali nila ay magsasanggalang sa kanila ngunit ipinahamak sila sa pamamagitan ng mga ito.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• في الآيات من أصناف نعم الله على العباد شيء عظيم، مجمل ومفصل، يدعو الله به العباد إلى القيام بشكره وذكره ودعائه.
Sa mga talata ay may dakilang bagay kabilang sa mga uri ng mga biyaya ni Allāh sa mga lingkod Niya, na nakabuod at nakadetalye, na nag-aanyaya si Allāh sa pamamagitan nito sa mga lingkod tungo sa pagsasagawa ng pasasalamat sa Kanya, pag-aalaala sa Kanya, at pagdalangin sa Kanya.

• طبيعة الإنسان الظلم والتجرُّؤ على المعاصي والتقصير في حقوق ربه، كَفَّار لنعم الله، لا يشكرها ولا يعترف بها إلا من هداه الله.
Ang kalikasan ng tao ay ang paglabag sa katarungan at ang kapusukan sa mga pagsuway at mga pagkukulang sa mga karapatan ng Panginoon niya. Mapagtangging magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh, hindi siya nagpapasalamat sa mga ito at hindi siya kumikilala sa mga ito, maliban ang sinumang pinatnubayan ni Allāh.

• مساواة المُضِلِّ للضال في جريمة الضلال؛ إذ لولا إضلاله إياه لاهتدى بنظره أو بسؤال الناصحين.
Ang pagpapantay sa tagapagpaligaw sa naliligaw sa krimen ng pagkaligaw yayamang kung hindi dahil sa pagliligaw ng tagapagpaligaw sa naliligaw ay talaga sanang napatnubayan ito sa pamamagitan ng pagmamasid nito o pagtatanong sa mga tagapagpayo.

• أَخْذ الله للمجرمين فجأة أشد نكاية؛ لما يصحبه من الرعب الشديد، بخلاف الشيء الوارد تدريجيًّا.
Ang pagdakuha ni Allāh sa mga salarin nang biglaan ay pinakamatinding pananakit dahil sa sumasabay rito na matinding hilakbot, bilang kasalungatan naman ng bagay na sumasapit nang paunti-unti.

ثُمَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يُخۡزِيهِمۡ وَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تُشَٰٓقُّونَ فِيهِمۡۚ قَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ إِنَّ ٱلۡخِزۡيَ ٱلۡيَوۡمَ وَٱلسُّوٓءَ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay mang-aaba sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng pagdurusa, manghahamak Siya sa kanila sa pamamagitan nito, at magsasabi Siya sa kanila: "Nasaan na ang mga katambal sa Akin na kayo noon ay nagtatambal kasama sa Akin sa pagsamba at kayo noon ay nangangaway ng mga propeta Ko at mga mananampalataya dahilan sa kanila?" Magsasabi ang mga nakaalam na mga makapanginoon: "Tunay na ang kaabahan at ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay babagsak sa mga tagatangging sumampalataya,
અરબી તફસીરો:
ٱلَّذِينَ تَتَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ ظَالِمِيٓ أَنفُسِهِمۡۖ فَأَلۡقَوُاْ ٱلسَّلَمَ مَا كُنَّا نَعۡمَلُ مِن سُوٓءِۭۚ بَلَىٰٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
na mga kumukuha ang Anghel ng Kamatayan at ang mga katulong nito kabilang sa mga anghel ng mga kaluluwa nila habang sila ay mga nasasangkot sa paglabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh." Kaya magpapaakay sila habang mga sumusuko dahil sa bumaba sa kanila na kamatayan. Magkakaila sila ng anumang dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway dala ng isang pagpapalagay mula sa kanila na ang pagkakaila ay magpapakinabang sa kanila ngunit sasabihin sa kanila: "Nagsinungaling kayo; kayo nga dati ay mga tagatangging sumampalataya na gumagawa ng mga pagsuway. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. Gaganti Siya sa inyo roon."
અરબી તફસીરો:
فَٱدۡخُلُوٓاْ أَبۡوَٰبَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ فَلَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلۡمُتَكَبِّرِينَ
Sasabihin sa kanila: "Magsipasok kayo alinsunod sa mga gawa ninyo sa mga pinto ng Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Saka talagang sumagwa ito bilang isang tuluyan para sa mga nagpapakamalaki palayo sa pananampalataya kay Allāh at sa pagsamba sa Kanya lamang."
અરબી તફસીરો:
۞ وَقِيلَ لِلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ مَاذَآ أَنزَلَ رَبُّكُمۡۚ قَالُواْ خَيۡرٗاۗ لِّلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٞۚ وَلَدَارُ ٱلۡأٓخِرَةِ خَيۡرٞۚ وَلَنِعۡمَ دَارُ ٱلۡمُتَّقِينَ
Sasabihin sa mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya: "Ano ang pinababa ng Panginoon ninyo sa Propeta ninyong si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya?" Sasagot sila: "Nagbaba si Allāh sa kanya ng isang kabutihang dakila." Ukol sa mga gumawa ng maganda sa pagsamba kay Allāh at gumawa ng maganda sa pakikitungo sa nilikha Niya sa buhay na ito sa Mundo ay isang gantimpalang maganda, na kabilang dito ang pag-aadya at ang luwag ng panustos. Ang anumang inihanda ni Allāh para sa kanila na gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti kaysa sa minadali Niya para sa kanila sa Mundo. Talagang kay inam bilang tahanan ng mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, ang tahanan sa Kabilang-buhay.
અરબી તફસીરો:
جَنَّٰتُ عَدۡنٖ يَدۡخُلُونَهَا تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ لَهُمۡ فِيهَا مَا يَشَآءُونَۚ كَذَٰلِكَ يَجۡزِي ٱللَّهُ ٱلۡمُتَّقِينَ
Mga hardin ng pananatili at pamamalagi na papasukin nila, dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga puno ng mga ito. Ukol sa kanila sa mga harding ito ang anumang ninanasa ng mga sarili nila na pagkain, inumin, at iba pa sa mga ito. Katulad ng pagganting ito na igaganti ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa Kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – gaganti Siya sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga kalipunang nauna,
અરબી તફસીરો:
ٱلَّذِينَ تَتَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ طَيِّبِينَ يَقُولُونَ سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمُ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
na mga kumukuha ang Anghel ng Kamatayan at ang mga katulong nito kabilang sa mga anghel ng mga kaluluwa nila sa sandali ng kadalisayan ng mga puso nila mula sa kawalang-pananampalataya, kakausap sa kanila ang mga anghel sa pamamagitan ng pagsabi ng mga ito: "Kapayapaan ay sumainyo. Naligtas kayo mula sa bawat kasiraan. Magsipasok kayo sa Paraiso dahil sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na paniniwalang tumpak at gawang maayos."
અરબી તફસીરો:
هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّآ أَن تَأۡتِيَهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَوۡ يَأۡتِيَ أَمۡرُ رَبِّكَۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ ٱللَّهُ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Naghihintay kaya ang mga tagapagtambal na mga tagapagpasinungaling na ito maliban pa na pumunta sa kanila ang Anghel ng Kamatayan at ang mga tagatulong nito kabilang sa mga anghel para kumuha ng mga kaluluwa nila at humambalos ng mga mukha nila at mga likod nila, o pumunta sa kanila ang utos ni Allāh na pagpuksa sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa sa Mundo? Tulad ng gawaing ito na ginagawa ng mga tagapagtambal sa Makkah, gumawa nito ang mga tagapagtambal na nauna sa kanila kaya nagpahamak sa mga iyon si Allāh. Hindi lumabag si Allāh sa katarungan sa kanila nang nagpahamak Siya sa kanila, subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh.
અરબી તફસીરો:
فَأَصَابَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا عَمِلُواْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Kaya bumaba sa kanila ang mga kaparusahan sa gawain nilang dati nilang ginagawa. Pumaligid sa kanila ang pagdurusang dati nilang tinutuya kapag pinaalalahanan sila niyon.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• فضيلة أهل العلم، وأنهم الناطقون بالحق في الدنيا ويوم يقوم الأشهاد، وأن لقولهم اعتبارًا عند الله وعند خلقه.
Ang kalamangan ng mga may kaalaman, na sila ay ang mga tagapagsalita ng katotohanan sa Mundo at sa araw na tatayo ang mga saksi, at na ang sasabihin nila ay may pagsasaalang-alang sa ganang kay Allāh at sa ganang nilikha Niya.

• من أدب الملائكة مع الله أنهم أسندوا العلم إلى الله دون أن يقولوا: إنا نعلم ما كنتم تعملون، وإشعارًا بأنهم ما علموا ذلك إلا بتعليم من الله تعالى.
Bahagi ng kaasalan ng mga anghel kay Allāh ay na sila ay nag-ugnay ng kaalaman kay Allāh nang hindi nagsasabi: "Tunay na kami ay nakaaalam ng anumang kayo dati ay nakaaalam," at bilang pagpaparamdam na sila ay hindi nakaalam niyon malibang dahil sa isang pagtuturo mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• من كرم الله وجوده أنه يعطي أهل الجنة كل ما تمنوه عليه، حتى إنه يُذَكِّرهم أشياء من النعيم لم تخطر على قلوبهم.
Bahagi ng kaalwanan ni Allāh at pagkamapagbigay Niya na Siya ay magbibigay sa mga maninirahan sa Paraiso ng lahat ng minithi nila hanggang sa tunay na Siya ay nagpapaalaala sa kanila ng mga bagay na kabilang sa kaginhawahan [sa Paraiso] na hindi sumagi sa mga puso nila.

• العمل هو السبب والأصل في دخول الجنة والنجاة من النار، وذلك يحصل برحمة الله ومنَّته على المؤمنين لا بحولهم وقوتهم.
Ang gawa ay ang dahilan at ang ugat sa pagpasok sa Paraiso at kaligtasan mula sa Impiyerno. Iyon ay natatamo dahil sa awa ni Allāh at pagmamagandang-loob Niya sa mga mananampalataya, hindi dahil sa kapangyarihan nila at lakas nila.

وَقَالَ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ لَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا عَبَدۡنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖ نَّحۡنُ وَلَآ ءَابَآؤُنَا وَلَا حَرَّمۡنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ فَهَلۡ عَلَى ٱلرُّسُلِ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ
Nagsabi ang mga nagtambal kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagsamba nila: "Kung sakaling niloob ni Allāh na sumamba kami sa Kanya lamang at hindi kami magtambal sa Kanya ay talaga sanang hindi kami sumamba sa isa mang iba pa sa Kanya, hindi kami at hindi ang mga ninuno namin bago pa namin. Kung sakaling niloob Niya na hindi kami magbawal ng anuman ay hindi kami nagbawal niyon." Katulad ng bulaang katwirang ito nagsabi ang mga naunang tagatangging sumampalataya. Kaya walang kailangan sa mga sugo kundi ang pagpapaabot na maliwanag ng ipinag-utos sa kanila na ipaabot, at naipaabot naman nila. Walang katwiran para sa mga tagatangging sumampalataya sa pagdadahilan sa pagtatakda matapos na gumawa si Allāh para sa kanila ng kalooban at pagpipili at nagpadala Siya sa kanila ng mga sugo Niya.
અરબી તફસીરો:
وَلَقَدۡ بَعَثۡنَا فِي كُلِّ أُمَّةٖ رَّسُولًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱجۡتَنِبُواْ ٱلطَّٰغُوتَۖ فَمِنۡهُم مَّنۡ هَدَى ٱللَّهُ وَمِنۡهُم مَّنۡ حَقَّتۡ عَلَيۡهِ ٱلضَّلَٰلَةُۚ فَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat naunang kalipunan ng isang sugong nag-uutos sa kalipunan nito na sumamba kay Allāh lamang at tumigil sa pagsamba sa iba pa sa Kanya gaya ng mga anito, mga demonyo, at iba pa sa mga ito. Kaya kabilang sa kanila noon ang itinuon ni Allāh kaya sumampalataya sa Kanya at sumunod sa dinala ng Sugo Niya, at kabilang sa kanila noon ang tumangging sumampalataya kay Allāh at sumuway sa Sugo Niya kaya hindi Niya itinuon saka naging obligado roon ang kaligawan. Kaya maglakbay kayo sa lupa upang makita ninyo sa pamamagitan ng mga mata ninyo kung papaano naging ang kinahantungan ng mga tagapagpasinungaling matapos na may dumapo sa kanila na pagdurusa at kapahamakan.
અરબી તફસીરો:
إِن تَحۡرِصۡ عَلَىٰ هُدَىٰهُمۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَن يُضِلُّۖ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ
Kung nagsisikap ka, O Sugo, ayon sa nakakaya mo na pag-anyaya mo sa mga ito, nagsisigagig ka sa kapatnubayan nila, at gumagawa ka ng mga kaparaanan niyon, tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon para sa kapatnubayan sa sinumang pinaliligaw Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa kay Allāh na isa mang mag-aadya sa kanila sa pamamagitan ng pagtutulak ng pagdurusa palayo sa kanila.
અરબી તફસીરો:
وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَا يَبۡعَثُ ٱللَّهُ مَن يَمُوتُۚ بَلَىٰ وَعۡدًا عَلَيۡهِ حَقّٗا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Sumumpa ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagbubuhay, habang mga nagpapalabis sa pagsumpa nila na mga nagpupunyagi rito na mga nagbibigay-diin dito, na hindi bubuhay si Allāh ng sinumang mamamatay. [Sumusumpa sila] nang wala silang naging katwiran doon. Bagkus, bubuhay si Allāh sa bawat sinumang mamamatay, bilang pangako mula sa Kanya na totoo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam na si Allāh ay bubuhay sa mga patay kaya ikinakaila nila ang pagbubuhay.
અરબી તફસીરો:
لِيُبَيِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِي يَخۡتَلِفُونَ فِيهِ وَلِيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَنَّهُمۡ كَانُواْ كَٰذِبِينَ
Bubuhay sa kanila si Allāh sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon upang magpaliwanag Siya sa kanila ng katotohanan ng bagay na sila dati ay nagkakaiba-iba hinggil doon gaya ng paniniwala sa kaisahan Niya, pagbubuhay, at pagkapropeta, at upang makaalam ang mga tagatangging sumampalataya na sila noon ay mga sinungaling sa pag-aangkin nila ng mga katambal kasama kay Allāh at sa pagkakaila nila sa pagbubuhay.
અરબી તફસીરો:
إِنَّمَا قَوۡلُنَا لِشَيۡءٍ إِذَآ أَرَدۡنَٰهُ أَن نَّقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Tunay na Kami, kapag nagnais Kami ng pagbibigay-buhay sa mga patay at pagbubuhay sa kanila, ay walang hadlang na nakahahadlang sa Amin doon. Nagsasabi lamang Kami sa isang bagay kapag nagnais Kami nito na mangyari saka mangyayari ito nang walang pasubali.
અરબી તફસીરો:
وَٱلَّذِينَ هَاجَرُواْ فِي ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا ظُلِمُواْ لَنُبَوِّئَنَّهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗۖ وَلَأَجۡرُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Ang mga nag-iwan sa mga tahanan nila, mga mag-anak nila, at mga yaman nila bilang mga lumilikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh noong matapos na nagparusa sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya at gumipit sa kanila ay talagang magpapatuloy nga Kami sa kanila sa Mundo sa isang tahanang sila roon ay magiging mga marangal. Talagang ang gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na dakila dahil bahagi nito ang Paraiso. Kung sakaling ang mga nagpapaiwan sa paglikas ay nakaaalam sa gantimpala ng mga lumikas, talaga sanang hindi sila nagpaiwan doon.
અરબી તફસીરો:
ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ
Ang mga lumikas na ito alang-alang sa landas ni Allāh ay ang mga nagtiis sa pananakit ng mga kababayan nila at sa pakikipaghiwalay sa mga mag-anak nila at mga bayan nila, at nagtiis sa pagtalima kay Allāh habang sila sa Panginoon nila lamang sumasandig sa mga nauukol sa kanila kaya nagbigay sa kanila si Allāh ng dakilang ganting ito.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• العاقل من يعتبر ويتعظ بما حل بالضالين المكذبين كيف آل أمرهم إلى الدمار والخراب والعذاب والهلاك.
Ang nakauunawa ay ang sinumang nagsasaalang-alang at napangangaralan sa pamamagitan ng anumang dumapo sa mga ligaw na mga tagapagpasinungaling kung papaanong nauwi ang lagay nila sa pagkawasak, pagkasira, pagdurusa, at kapahamakan.

• الحكمة من البعث والمعاد إظهار الله الحقَّ فيما يختلف فيه الناس من أمر البعث وكل شيء.
Ang kasanhian sa pagbubuhay at pagpanumbalik ay ang pagpapalitaw ni Allāh sa katotohanan kaugnay sa bagay na nagkakaiba-iba hinggil dito ang mga tao sa usapin ng pagbubuhay at bawat bagay.

• فضيلة الصّبر والتّوكل: أما الصّبر: فلما فيه من قهر النّفس، وأما التّوكل: فلأن فيه الثقة بالله تعالى والتعلق به.
Ang kainaman ng pagtitiis at pananalig. Hinggil sa pagtitiis, dahil sa dulot nito na pagsupil sa sarili. Hinggil naman sa pananalig, dahil dito ang pagtitiwala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagkapit sa Kanya.

• جزاء المهاجرين الذين تركوا ديارهم وأموالهم وصبروا على الأذى وتوكّلوا على ربّهم، هو الموطن الأفضل، والمنزلة الحسنة، والعيشة الرّضية، والرّزق الطّيّب الوفير، والنّصر على الأعداء، والسّيادة على البلاد والعباد.
Ang ganti sa mga lumikas na nag-iwan sa mga tahanan nila at mga yaman nila, nagtiis sa pananakit, at nanalig sa Panginoon nila ay ang pamayanang higit na mainam, ang kalagayang maganda, ang kabuhayang kalugud-lugod, ang kaaya-ayang panustos na masagana, ang pagwawagi sa mga kaaway, at ang kapamahalaan sa bayan at mga tao.

وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ إِلَّا رِجَالٗا نُّوحِيٓ إِلَيۡهِمۡۖ فَسۡـَٔلُوٓاْ أَهۡلَ ٱلذِّكۡرِ إِن كُنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ
Hindi Kami nagsugo bago mo pa, O Sugo, kundi ng mga lalaking kabilang sa mga tao, na nagkakasi Kami sa kanila, sapagkat hindi Kami nagsugo ng mga sugo kabilang sa mga anghel. Ito ay ang nakagawiang kalakaran Namin. Kung nangyaring kayo ay nagkakaila, magtanong kayo sa mga may kasulatang nauna; magpapabatid sila sa inyo na ang mga sugo noon ay mga tao at hindi nangyaring sila ay mga anghel, kung nangyaring kayo ay hindi nakaaalam na sila ay mga tao.
અરબી તફસીરો:
بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلزُّبُرِۗ وَأَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلذِّكۡرَ لِتُبَيِّنَ لِلنَّاسِ مَا نُزِّلَ إِلَيۡهِمۡ وَلَعَلَّهُمۡ يَتَفَكَّرُونَ
Nagsugo Kami sa mga sugong ito kabilang sa mga tao kalakip ng mga patunay na maliwanag at dala ang mga kasulatang ibinaba. Nagpababa Kami sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān upang magpaliwanag ka sa mga tao ng nangangailangan mula rito ng pagpapaliwanag, at nang sa gayon sila ay magpagana sa mga isip nila para mapangaralan sila sa pamamagitan ng nilalaman nito.
અરબી તફસીરો:
أَفَأَمِنَ ٱلَّذِينَ مَكَرُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن يَخۡسِفَ ٱللَّهُ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضَ أَوۡ يَأۡتِيَهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَشۡعُرُونَ
Kaya natiwasay ba ang mga nagplano ng mga pakana upang sumagabal sa landas ni Allāh na baka magpalamon si Allāh sa kanila sa lupa gaya kung paanong ipinalamon niya rito si Qārūn, o dumating sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila inaasahan ang pagdating nito,
અરબી તફસીરો:
أَوۡ يَأۡخُذَهُمۡ فِي تَقَلُّبِهِمۡ فَمَا هُم بِمُعۡجِزِينَ
o tumama sa kanila ang pagdurusa habang nasa sandali ng paggala-gala nila sa mga paglalakbay nila at pagpupunyagi nila sa mga pagtamo nila, sapagkat hindi sila mga makaaalpas ni mga makaiiwas,
અરબી તફસીરો:
أَوۡ يَأۡخُذَهُمۡ عَلَىٰ تَخَوُّفٖ فَإِنَّ رَبَّكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٌ
o natiwasay ba sila na baka ipatamo sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh habang nasa sandali ng pangamba nila mula roon sapagkat si Allāh ay nakakakaya sa pagpaparusa sa kanila sa bawat kalagayan. Tunay na ang Panginoon ninyo ay talagang Mahabagin, Maawain: hindi Siya nagmamadali sa kaparusahan nang sa gayon ang mga lingkod Niya ay magbabalik-loob sa Kanya.
અરબી તફસીરો:
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَىٰ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ مِن شَيۡءٖ يَتَفَيَّؤُاْ ظِلَٰلُهُۥ عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَٱلشَّمَآئِلِ سُجَّدٗا لِّلَّهِ وَهُمۡ دَٰخِرُونَ
Hindi ba tumingin ang mga tagapagpasinungaling na ito ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni sa mga nilikha Niya? Kumikiling ang mga anino ng mga iyon sa kanan at sa kaliwa dahil sa pagsunod sa paggalaw ng araw at pag-inog nito sa maghapon at dahil sa buwan sa gabi, na mga nagpapasailalim sa Panginoon ng mga iyon habang mga nagpapatirapa sa Kanya ayon sa pagpapatirapang tunay habang ang mga iyon ay mga aba?
અરબી તફસીરો:
وَلِلَّهِۤ يَسۡجُدُۤ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن دَآبَّةٖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَهُمۡ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ
Kay Allāh lamang nagpapatirapa ang lahat ng nasa mga langit at ang lahat ng nasa lupa na gumagalaw na nilalang, at sa Kanya lamang nagpapatirapa ang mga anghel habang sila ay hindi nagmamalaki para umayaw sa pagsamba kay Allāh at sa pagtalima sa Kanya.
અરબી તફસીરો:
يَخَافُونَ رَبَّهُم مِّن فَوۡقِهِمۡ وَيَفۡعَلُونَ مَا يُؤۡمَرُونَ۩
Sila, sa kabila ng taglay nilang pagsamba at pagtalimang palagian, ay nangangamba sa Panginoon nila na nasa itaas nila sa sarili Niya, panunupil Niya, at kapamahalaan Niya, at gumagawa ng ipinag-uutos sa kanila ng Panginoon nila na pagtalima.
અરબી તફસીરો:
۞ وَقَالَ ٱللَّهُ لَا تَتَّخِذُوٓاْ إِلَٰهَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِۖ إِنَّمَا هُوَ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ فَإِيَّٰيَ فَٱرۡهَبُونِ
Nagsabi si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa lahat ng mga lingkod Niya: "Huwag kayong gumawa ng dalawang sinasamba; Siya lamang ay sinasamba ayon sa karapatan, na nag-iisang walang ikalawa sa Kanya at walang katambal sa Kanya. Kaya sa Akin ay mangamba kayo at huwag kayong mangamba sa iba sa Akin."
અરબી તફસીરો:
وَلَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَهُ ٱلدِّينُ وَاصِبًاۚ أَفَغَيۡرَ ٱللَّهِ تَتَّقُونَ
Sa Kanya lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, sa paghahari, at sa pangangasiwa. Ukol sa Kanya lamang ang pagtalima, ang pagpapasailalim, at ang pagpapakawagas nang matatag. Kaya ba sa iba pa kay Allāh kayo nangangamba? Huwag; bagkus, mangamba kayo sa Kanya lamang.
અરબી તફસીરો:
وَمَا بِكُم مِّن نِّعۡمَةٖ فَمِنَ ٱللَّهِۖ ثُمَّ إِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فَإِلَيۡهِ تَجۡـَٔرُونَ
Ang anumang nasa inyo, O mga tao, na biyayang panrelihiyon o pangmundo ay mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – hindi mula sa iba pa sa Kanya. Pagkatapos kapag may tumama sa inyo na pagsubok o karamdaman o karalitaan ay sa Kanya lamang kayo nagsusumamo sa panalangin upang pumawi Siya sa inyo ng tumama sa inyo. Kaya ang sinumang nagkakaloob ng mga biyaya at pumapawi sa mga kamalasan ay ang kinakailangan na sambahin – tanging Siya.
અરબી તફસીરો:
ثُمَّ إِذَا كَشَفَ ٱلضُّرَّ عَنكُمۡ إِذَا فَرِيقٞ مِّنكُم بِرَبِّهِمۡ يُشۡرِكُونَ
Pagkatapos kapag tumugon Siya sa panalangin ninyo saka naglihis Siya palayo sa inyo ng anumang pinsala, biglang may isang pangkatin kabilang sa inyo na sa Panginoon nila ay nagtatambal, yayamang sumasamba sila kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya. Kaya aling kabuktutan ito!
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• على المجرم أن يستحي من ربه أن تكون نعم الله عليه نازلة في جميع اللحظات ومعاصيه صاعدة إلى ربه في كل الأوقات.
Kailangan sa salarin na mahiya sa Panginoon niya habang ang mga biyaya Nito ay sa kanya bumababa sa lahat ng mga sandali samantalang ang mga pagsuway niya ay umaakyat sa Panginoon niya sa lahat ng mga oras.

• ينبغي لأهل الكفر والتكذيب وأنواع المعاصي الخوف من الله تعالى أن يأخذهم بالعذاب على غِرَّة وهم لا يشعرون.
Nararapat sa mga kampon ng kawalang-pananampalataya, pagpapasinungaling, at mga uri ng pagsuway ang mangamba kay Allāh – pagkataas-taas Siya – na baka kumuha Siya sa kanila ng pagdurusa nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.

• جميع النعم من الله تعالى، سواء المادية كالرّزق والسّلامة والصّحة، أو المعنوية كالأمان والجاه والمنصب ونحوها.
Ang lahat ng mga biyaya ay mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya – maging pisikal man gaya ng panustos, kaligtasan, at kalusugan, o moral man gaya ng katiwasayan, reputasyon, katungkulan, at tulad ng mga ito.

• لا يجد الإنسان ملجأً لكشف الضُّرِّ عنه في وقت الشدائد إلا الله تعالى فيضجّ بالدّعاء إليه؛ لعلمه أنه لا يقدر أحد على إزالة الكرب سواه.
Walang matatagpuan ang tao na isang madudulugan sa pagpawi ng pinsala palayo sa kanya sa oras ng mga kagipitan malibang kay Allāh – pagkataas-taas Siya – kaya ipagsisigawan niya sa panalangin kay Allāh, dahil sa pagkakaalam niya na walang nakakakayang isa man sa pag-aalis ng mga pighati bukod pa kay Allāh.

لِيَكۡفُرُواْ بِمَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡۚ فَتَمَتَّعُواْ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Ang pagtatambal nila kay Allāh ay gumawa sa kanila na nagkakaila sa mga biyaya ni Allāh sa kanila, at kabilang sa mga ito ang pagpapawi ng pinsala. Dahil dito, sinabi sa kanila: "Magtamasa kayo sa taglay ninyo na kaginhawahan hanggang sa pumunta sa inyo ang matagalan at agarang pagdurusang dulot ni Allāh."
અરબી તફસીરો:
وَيَجۡعَلُونَ لِمَا لَا يَعۡلَمُونَ نَصِيبٗا مِّمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡۗ تَٱللَّهِ لَتُسۡـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمۡ تَفۡتَرُونَ
Nagtatalaga ang mga tagapagtambal sa mga anito nila – na hindi nakaaalam ng anuman dahil ang mga ito ay walang-buhay, ni nagpapakinabang, ni nakapipinsala – ng isang parte mula sa mga yaman nila na itinustos Niya sa kanila, na ipinapanlapit-loob naman nila sa mga ito. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo, O mga tagapagtambal, sa Araw ng Pagbangon tungkol sa inaakala ninyo na ang mga anitong ito ay mga diyos at na may ukol sa mga ito na parte mula sa mga yaman ninyo.
અરબી તફસીરો:
وَيَجۡعَلُونَ لِلَّهِ ٱلۡبَنَٰتِ سُبۡحَٰنَهُۥ وَلَهُم مَّا يَشۡتَهُونَ
Nag-uugnay ang mga tagapagtambal para kay Allāh ng mga babaing anak. Naniniwala sila na ang mga ito ay ang mga anghel saka nag-uugnay sila sa Kanya ng pagkakaroon ng anak. Pumipili sila para sa Kanya ng hindi nila naiibigan para sa mga sarili nila. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at pagkabanal-banal Siya kaysa sa itinatalaga nila para sa Kanya. Nagtatalaga sila para sa kanila ng kinikilingan ng mga sarili nila na mga anak na lalaki. Kaya aling krimen ang higit na mabigat kaysa rito?
અરબી તફસીરો:
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِٱلۡأُنثَىٰ ظَلَّ وَجۡهُهُۥ مُسۡوَدّٗا وَهُوَ كَظِيمٞ
Kapag nagpabatid sa isa sa mga tagapagtambal na ito ng pagkapanganak ng isang anak na babae ay nangingitim ang mukha niya sa tindi ng pagkasuklam sa ipinabatid sa kanya at napupuno ang puso niya ng bagabag at lungkot. Pagkatapos iniuugnay niya kay Allāh ang hindi niya kinalulugdan para sa sarili niya!
અરબી તફસીરો:
يَتَوَٰرَىٰ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ مِن سُوٓءِ مَا بُشِّرَ بِهِۦٓۚ أَيُمۡسِكُهُۥ عَلَىٰ هُونٍ أَمۡ يَدُسُّهُۥ فِي ٱلتُّرَابِۗ أَلَا سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ
Nagkukubli siya at lumiliban siya palayo sa mga kababayan niya dahil sa sagwa ng ipinabatid sa kanya na pagkapanganak ng isang babae. Kinakausap niya ang sarili niya: "Pananatilihin ba niya ang babaing anak na ito sa kabila ng kaabahan at kahapisan o ililibing niya ito nang buhay sa alabok?" Anong pangit ang inihahatol ng mga tagapagtambal yayamang humatol sila para sa Panginoon nila ng kinasusuklaman nila para sa mga sarili nila!
અરબી તફસીરો:
لِلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ مَثَلُ ٱلسَّوۡءِۖ وَلِلَّهِ ٱلۡمَثَلُ ٱلۡأَعۡلَىٰۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Ukol sa mga tagatangging sumampalataya na hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ang katangian ng kasagwaan gaya ng pangangailangan sa anak, kamangmangan, at kawalang-pananampalataya; at ukol kay Allāh ang mga katangiang kapuri-puring pinakamataas gaya ng kapitaganan, kalubusan, kawalang-pangangailangan, at kaalaman. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Makapangyarihan sa paghahari Niya na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.
અરબી તફસીરો:
وَلَوۡ يُؤَاخِذُ ٱللَّهُ ٱلنَّاسَ بِظُلۡمِهِم مَّا تَرَكَ عَلَيۡهَا مِن دَآبَّةٖ وَلَٰكِن يُؤَخِّرُهُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗىۖ فَإِذَا جَآءَ أَجَلُهُمۡ لَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ سَاعَةٗ وَلَا يَسۡتَقۡدِمُونَ
Kung sakaling magpaparusa si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga tao dahilan sa kawalang-katarungan nila at kawalang-pananampalataya nila ay hindi sana Siya nag-iwan sa lupa ng anumang tao ni hayop na gumagalaw sa mukha nito, subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nag-aantala sa kanila hanggang sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman Niya. Kaya kapag dumating ang yugtong tinakdaang iyon sa kaalaman Niya ay hindi sila maaantala roon at hindi sila mauuna, kahit pa man isang bahagyang panahon.
અરબી તફસીરો:
وَيَجۡعَلُونَ لِلَّهِ مَا يَكۡرَهُونَۚ وَتَصِفُ أَلۡسِنَتُهُمُ ٱلۡكَذِبَ أَنَّ لَهُمُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ لَا جَرَمَ أَنَّ لَهُمُ ٱلنَّارَ وَأَنَّهُم مُّفۡرَطُونَ
Nagtatalaga sila para kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng kinasusuklaman nila ang pag-uugnay niyon sa kanila gaya ng pagkakaroon ng mga babaing anak. Bumibigkas ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila sa ganang kay Allāh ang kalagayang pinakamaganda kung tutumpak na sila ay bubuhaying muli gaya ng sinasabi nila. Totoong tunay na ukol sa kanila ang Apoy at tunay na sila ay mga iiwanan doon: hindi sila lalabas mula roon magpakailanman.
અરબી તફસીરો:
تَٱللَّهِ لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰٓ أُمَمٖ مِّن قَبۡلِكَ فَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَهُوَ وَلِيُّهُمُ ٱلۡيَوۡمَ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagpadala ng mga sugo sa mga kalipunan bago mo pa, O Sugo, ngunit pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawa nilang pangit gaya ng shirk, kawalang-pananampalataya, at mga pagsuway kaya siya ay ang mapag-adya nilang inaakala sa Araw ng Pagbangon kaya magpaadya sila sa kanya. Ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang pagdurusang nakasasakit.
અરબી તફસીરો:
وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا لِتُبَيِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِي ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Hindi nagbaba si Allāh sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān kundi upang maglinaw ka sa lahat ng mga tao ng nagkaiba-iba sila hinggil doon gaya ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh, pagkabuhay, at mga patakaran ng Batas; at na ang Qur'ān ay magiging kapatnubayan at awa para sa mga mananampalataya kay Allāh, sa mga sugo Niya, at sa inihatid ng Qur'ān sapagkat sila ang mga makikinabang sa katotohanan.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• من جهالات المشركين: نسبة البنات إلى الله تعالى، ونسبة البنين لأنفسهم، وأَنفَتُهم من البنات، وتغيّر وجوههم حزنًا وغمَّا بالبنت، واستخفاء الواحد منهم وتغيبه عن مواجهة القوم من شدّة الحزن وسوء الخزي والعار والحياء الذي يلحقه بسبب البنت.
Kabilang sa mga kamangmangan ng mga tagapagtambal ay ang pag-uugnay ng mga anak na babae kay Allāh – pagkataas-taas Siya – kasabay ng pag-uugnay ng mga anak na lalaki sa mga sarili nila, ang pangmamata nila sa mga anak na babae, ang pagbabago ng mga mukha nila dahil sa lungkot at dalamhati sa pagkakaroon ng anak na babae, at ang pagtatago ng isa sa kanila at ang pagliban niya sa pagharap sa mga tao dahil sa tindi ng lungkot at kasagwaan ng pagkapahiya, kapintasan, at kahihiyang kumapit sa kanya dahilan sa anak na babae.

• من سنن الله إمهال الكفار وعدم معاجلتهم بالعقوبة ليترك الفرصة لهم للإيمان والتوبة.
Kabilang sa mga kalakaran ni Allāh ang pagpapalugit sa mga tagatangging sumampalataya at ang hindi pagmamadali sa kanila sa kaparusahan upang magbigay ng pagkakataon sa kanila sa pananampalataya at pagbabalik-loob.

• مهمة النبي صلى الله عليه وسلم الكبرى هي تبيان ما جاء في القرآن، وبيان ما اختلف فيه أهل الملل والأهواء من الدين والأحكام، فتقوم الحجة عليهم ببيانه.
Ang pinakamalaking misyon ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay ang pagpapalinaw sa inihatid ng Qur'ān at ang paglilinaw sa anumang nagkaiba-iba ang mga sumusunod sa mga kapaniwalaan at mga pithaya kaugnay sa relihiyon at mga patakaran para mailahad ang katwiran sa kanila sa pamamagitan ng paglilinaw nito.

وَٱللَّهُ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَسۡمَعُونَ
Si Allāh ay nagpababa mula sa dako ng langit ng ulan saka nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga halaman mula rito matapos na ito dati ay tigang at tuyo. Tunay na sa pagpapababa ng ulan mula sa dako ng langit at pagpapalabas ng mga halaman ng lupa sa pamamagitan niyon ay talagang may katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong dumidinig sa salita ni Allāh at nagbubulay-bulay rito.
અરબી તફસીરો:
وَإِنَّ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَنۡعَٰمِ لَعِبۡرَةٗۖ نُّسۡقِيكُم مِّمَّا فِي بُطُونِهِۦ مِنۢ بَيۡنِ فَرۡثٖ وَدَمٖ لَّبَنًا خَالِصٗا سَآئِغٗا لِّلشَّٰرِبِينَ
Tunay na para sa inyo, O mga tao, sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ay talagang may pangaral na mapangangaralan kayo sa pamamagitan nito, yayamang nagpapainom Kami sa inyo ng gatas mula sa mga suso ng mga ito, na lumalabas mula sa pagitan ng nilalaman ng tiyan na mga dumi at ng nasa katawan na dugo. Sa kabila nito ay nagpapalabas ng gatas na puro, dalisay, masarap, na nagiging kaaya-aya para sa mga umiinom.
અરબી તફસીરો:
وَمِن ثَمَرَٰتِ ٱلنَّخِيلِ وَٱلۡأَعۡنَٰبِ تَتَّخِذُونَ مِنۡهُ سَكَرٗا وَرِزۡقًا حَسَنًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Para sa inyo ay may pangaral kaugnay sa itinutustos Namin sa inyo mula sa mga bunga ng mga punong-datiles at mula sa mga bunga ng mga ubas sapagkat gumagawa kayo mula sa mga ito ng isang pampalasing na nag-aalis ng isip at ito ay hindi maganda, at gumagawa kayo mula rito ng isang panustos na maganda na nakikinabang kayo rito tulad ng datiles, pasas, suka, at pulot. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh at pagbibiyaya Niya sa mga lingkod Niya para sa mga taong nakapag-uunawa sapagkat sila ang mga nagsasaalang-alang.
અરબી તફસીરો:
وَأَوۡحَىٰ رَبُّكَ إِلَى ٱلنَّحۡلِ أَنِ ٱتَّخِذِي مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتٗا وَمِنَ ٱلشَّجَرِ وَمِمَّا يَعۡرِشُونَ
Nagpahiwatig ang Panginoon mo, O Sugo, at gumabay Siya sa bubuyog, na [nagsasabi]: "Gumawa ka para sa iyo ng mga bahay sa mga bundok at gumawa ka ng mga bahay sa mga punong-kahoy, at sa ipinatatayo ng mga tao at binububungan nila.
અરબી તફસીરો:
ثُمَّ كُلِي مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ فَٱسۡلُكِي سُبُلَ رَبِّكِ ذُلُلٗاۚ يَخۡرُجُ مِنۢ بُطُونِهَا شَرَابٞ مُّخۡتَلِفٌ أَلۡوَٰنُهُۥ فِيهِ شِفَآءٞ لِّلنَّاسِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Pagkatapos kumain ka mula sa lahat ng ninanasa mo mula sa mga bunga at tumahak ka sa mga daang ipinahiwatig sa iyo ng Panginoon mo ang pagtahak sa mga iyon bilang pinasunud-sunuran." May lumalabas mula sa mga tiyan ng mga bubuyog na iyon na pulut-pukyutang nagkakaiba-iba ang mga kulay – nariyan ang puti, ang dilaw, at ang iba pa – na may taglay itong lunas para sa mga tao, na ipinanggagamot nila sa mga sakit. Tunay na sa pagpapahiwatig na iyon sa mga bubuyog at sa pulut-pukyutang lumalabas mula sa mga tiyan ng mga ito ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh at pangangasiwa Niya para sa mga kapakanan ng mga taong nag-iisip-isip sapagkat sila ang mga nagsasaalang-alang.
અરબી તફસીરો:
وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ ثُمَّ يَتَوَفَّىٰكُمۡۚ وَمِنكُم مَّن يُرَدُّ إِلَىٰٓ أَرۡذَلِ ٱلۡعُمُرِ لِكَيۡ لَا يَعۡلَمَ بَعۡدَ عِلۡمٖ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٞ قَدِيرٞ
Si Allāh ay lumikha sa inyo nang walang naunang pagkakatulad, pagkatapos nagbigay-kamatayan sa inyo sa sandali ng pagtatapos ng mga taning ninyo. Mayroon sa inyo na pinahahaba ang edad hanggang sa pinakamasagwa sa mga antas ng edad, ang pag-uulyanin, kaya hindi siya nakaaalam ng anuman mula sa mga dati niyang nalalaman. Tunay na si Allāh ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ng mga lingkod Niya, May-kakayahan na hindi napanghihina ng anuman.
અરબી તફસીરો:
وَٱللَّهُ فَضَّلَ بَعۡضَكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ فِي ٱلرِّزۡقِۚ فَمَا ٱلَّذِينَ فُضِّلُواْ بِرَآدِّي رِزۡقِهِمۡ عَلَىٰ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَهُمۡ فِيهِ سَوَآءٌۚ أَفَبِنِعۡمَةِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagtangi ng iba sa inyo higit sa iba sa ipinagkaloob Niya sa inyo na panustos sapagkat ginawa Niya mula sa inyo ang mayaman at ang maralita at ang pinapanginoon at ang namamanginoon. Ngunit ang mga itinangi ni Allāh sa panustos ay hindi maglilipat ng ibinigay sa kanila ni Allāh sa mga alipin nila upang ang mga ito ay maging mga katambal nila sa pagkakapantay sa kanila sa pagmamay-ari. Kaya papaano silang nalulugod para kay Allāh na magkaroon ng mga katambal mula sa mga alipin Niya samantalang hindi sila nalulugod para sa mga sarili nila na magkaroon sila ng mga katambal mula sa mga alipin nila na papantay sa kanila? Kaya aling kawalang-katarungan ito at aling pagkakaila sa mga biyaya ni Allāh ang higit na mabigat kaysa rito?
અરબી તફસીરો:
وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُم بَنِينَ وَحَفَدَةٗ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِۚ أَفَبِٱلۡبَٰطِلِ يُؤۡمِنُونَ وَبِنِعۡمَتِ ٱللَّهِ هُمۡ يَكۡفُرُونَ
Si Allāh ay gumawa para sa inyo, O mga tao, mula sa lahi ninyo ng mga asawang nakapapalagayang-loob ninyo, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga anak ng mga anak, at tumustos sa inyo mula sa mga pagkain – gaya ng karne, mga butil, at mga prutas – ng kaaya-aya sa mga ito. Kaya ba sa kabulaanan na mga anito at mga diyus-diyusan ay sumasampalataya kayo at sa maraming biyaya ni Allāh na hindi ninyo nakakayang limitahan ay tumatanggi kayong kumilala at hindi kayo nagpapasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Kanya lamang?
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• جعل تعالى لعباده من ثمرات النخيل والأعناب منافع للعباد، ومصالح من أنواع الرزق الحسن الذي يأكله العباد طريًّا ونضيجًا وحاضرًا ومُدَّخَرًا وطعامًا وشرابًا.
Gumawa Siya – pagkataas-taas Siya – para sa mga lingkod Niya mula sa mga bunga ng mga datiles at mga ubas ng mga pakinabang para mga tao at mga kapakanan mula sa mga uri ng magandang panustos na kinakain ng mga tao nang hilaw at luto, sariwa at inimbak, at bilang pagkain at inumin.

• في خلق النحلة الصغيرة وما يخرج من بطونها من عسل لذيذ مختلف الألوان بحسب اختلاف أرضها ومراعيها، دليل على كمال عناية الله تعالى، وتمام لطفه بعباده، وأنه الذي لا ينبغي أن يوحَّد غيره ويُدْعى سواه.
Sa paglikha ng munting bubuyog at ng inilalabas ng tiyan nito na masarap na pulut-pukyutang nagkakaiba-iba ang mga kulay alinsunod sa pagkakaiba-iba ng lupa [na pinanggalingan] nito at mga kinakainan nito ay may patunay sa pagkaganap ng pagmamalasakit ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at pagkalubos ng kabaitan Niya sa mga lingkod Niya, at na hindi nararapat na sambahin ang iba pa sa Kanya at dalanginan ang bukod pa sa Kanya.

• من منن الله العظيمة على عباده أن جعل لهم أزواجًا ليسكنوا إليها، وجعل لهم من أزواجهم أولادًا تقرُّ بهم أعينهم، ويخدمونهم ويقضون حوائجهم، وينتفعون بهم من وجوه كثيرة.
Kabilang sa mga dakilang kagandahang-loob ni Allāh sa mga lingkod Niya na gumawa Siya para sa kanila ng mga asawa upang tumahan sila sa mga ito at gumawa Siya para sa kanila mula sa mga asawa nila ng mga anak, na natutuwa sa mga ito ang mga mata nila, naglilingkod ang mga ito sa kanila, tumutugon ang mga ito sa mga pangangailangan nila, at nakikinabang sila sa mga sa mga ito sa maraming paraan.

وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَمۡلِكُ لَهُمۡ رِزۡقٗا مِّنَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ شَيۡـٔٗا وَلَا يَسۡتَطِيعُونَ
Sumasamba ang mga tagapagtambal na ito bukod pa kay Allāh ng mga anitong hindi nakagagawa na tumustos sa kanila ng alinmang panustos mula sa mga langit ni mula sa lupa at hindi naisasakatuparan mula sa mga iyan na makagawa niyon, dahil ang mga iyan ay mga materyal na walang buhay at walang kaalaman.
અરબી તફસીરો:
فَلَا تَضۡرِبُواْ لِلَّهِ ٱلۡأَمۡثَالَۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ
Kaya huwag kayong gumawa, O mga tao, para kay Allāh ng mga wangis kabilang sa mga anitong ito na hindi nakapagpapakinabang ni nakapipinsala sapagkat si Allāh ay walang kawangis upang magtambal kayo nito kasama sa Kanya sa pagsamba. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang taglay Niya na mga katangian ng kapitaganan at kalubusan samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon, saka nasasadlak kayo sa pagtatambal sa Kanya at sa pag-aangkin ng pagtutulad sa Kanya sa mga anito ninyo.
અરબી તફસીરો:
۞ ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا عَبۡدٗا مَّمۡلُوكٗا لَّا يَقۡدِرُ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَمَن رَّزَقۡنَٰهُ مِنَّا رِزۡقًا حَسَنٗا فَهُوَ يُنفِقُ مِنۡهُ سِرّٗا وَجَهۡرًاۖ هَلۡ يَسۡتَوُۥنَۚ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Naglahad si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isang paghahalimbawa para sa pagtugon sa mga tagapagtambal: May isang aliping pinagmamay-ari na walang-kakayahan sa pagpapasya, na walang naigugugol; at may isang malayang binigyan Namin mula sa taglay Namin ng isang yamang ipinahihintulot, na nakapagpapasya siya rito ng anumang niloloob niya kaya siya ay nagkakaloob mula rito nang patago at hayag ng anumang niloloob niya. Kaya naman hindi nagkakapantay ang dalawang taong ito. Kaya papaano kayong nagpapantay sa pagitan ni Allāh, ang tagapagmay-ari at ang tagapagsagawa sa kaharian Niya ng anumang niloloob Niya, at ng mga anito ninyong walang-kakayahan? Ang pagbubunyi ay ukol kay Allāh, ang karapat-dapat sa pagbubunyi. Bagkus ang higit na marami sa mga tagapagtambal ay hindi nakaaalam sa pamumukod-tangi ni Allāh sa pagkadiyos at pagkakarapat-dapat na sambahin Siya lamang.
અરબી તફસીરો:
وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا رَّجُلَيۡنِ أَحَدُهُمَآ أَبۡكَمُ لَا يَقۡدِرُ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَهُوَ كَلٌّ عَلَىٰ مَوۡلَىٰهُ أَيۡنَمَا يُوَجِّههُّ لَا يَأۡتِ بِخَيۡرٍ هَلۡ يَسۡتَوِي هُوَ وَمَن يَأۡمُرُ بِٱلۡعَدۡلِ وَهُوَ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Naglahad si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isa pang paghahalintulad para sa pagtugon sa kanila. Ito ay paghahalintulad sa dalawang lalaki na ang isa sa dalawa sa kanila ay pipi na hindi nakaririnig ni nakabibigkas ni nakaiintindi dahil sa pagkabingi niya at pagkapipi niya, na walang-kakayahan sa pagpapakinabang sa sarili niya at sa pagpapakinabang sa iba pa sa kanya. Siya ay isang pasaning mabigat sa sinumang nagtataguyod sa kanya at tumatangkilik sa nauukol sa kanya at saanmang dako magpadala ito sa kanya ay hindi siya nakagagawa ng isang kabutihan at hindi siya nagtatamo ng isang hinihiling. Pumapantay ba ang sinumang ganito ang kalagayan niya sa sinumang maayos ang pandinig at ang pagbigkas, na ang pakinabang nito ay nakararating sa iba sapagkat ito ay nag-uutos sa mga tao ayon sa katarungan habang ito ay matuwid sa sarili nito sapagkat ito ay nasa isang daang maliwanag na walang pagkalito roon ni kabaluktutan? Kaya papaanong nagpapantay kayo, O mga tagapagtambal, sa pagitan ni Allāh, na nailalarawan sa mga katangian ng kapitaganan at kalubusan, at ng mga anito ninyong hindi dumidinig ni bumibigkas ni nagdudulot ng pakinabang ni pumapawi ng pinsala?
અરબી તફસીરો:
وَلِلَّهِ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَمَآ أَمۡرُ ٱلسَّاعَةِ إِلَّا كَلَمۡحِ ٱلۡبَصَرِ أَوۡ هُوَ أَقۡرَبُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Ukol kay Allāh ang kaalaman sa anumang nakalingid sa mga langit at ang kaalaman sa anumang nakalingid sa lupa sapagkat Siya ay ang natatangi sa kaalaman niyon, hindi ang isa man kabilang sa nilikha Niya. Walang iba ang lagay ng Araw ng Pagbangon, na kabilang sa mga lingid na natatangi sa Kanya, sa bilis ng pagdating nito kapag nagnais Siya nito kundi tulad ng isang pagpinid ng talukap ng mata at pagbukas nito, bagkus higit na mabilis kaysa roon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Kapag nagnais Siya ng isang bagay ay nagsasabi Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.
અરબી તફસીરો:
وَٱللَّهُ أَخۡرَجَكُم مِّنۢ بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Si Allāh ay nagpalabas sa inyo, O mga tao, mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo matapos ng pagwawakas ng panahon ng pagbubuntis bilang mga batang walang natatalos na anuman, at gumawa para sa inyo ng pandinig upang duminig kayo sa pamamagitan nito, ng mga paningin upang tumingin kayo sa pamamagitan ng mga ito, at ng mga puso upang makapag-unawa kayo sa pamamagitan ng mga ito, sa pag-asang magpasalamat kayo sa ibiniyaya Niya sa inyo mula sa mga iyon.
અરબી તફસીરો:
أَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلطَّيۡرِ مُسَخَّرَٰتٖ فِي جَوِّ ٱلسَّمَآءِ مَا يُمۡسِكُهُنَّ إِلَّا ٱللَّهُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Hindi ba tumingin ang mga tagapagtambal sa mga ibon habang mga pinasunud-sunuran at mga inihanda sa paglipad sa hangin dahil sa ipinagkaloob sa mga ito ni Allāh na mga pakpak at kanipisan sa hangin? Nagpahiwatig Siya sa mga ito ng pagtiklop ng mga pakpak ng mga ito at pagladlad sa mga ito. Walang humahawak sa mga ito sa hangin laban sa pagkalaglag kundi si Allāh, ang Nakakakaya. Tunay na sa pagpapasunud-sunuran at paghawak na iyon laban sa pagkalaglag ay talagang may mga katunayan para sa mga taong sumasampalataya kay Allāh dahil sila ang nakikinabang sa mga katunayan at mga isinasaalang-alang.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• لله تعالى الحكمة البالغة في قسمة الأرزاق بين العباد، إذ جعل منهم الغني والفقير والمتوسط؛ ليتكامل الكون، ويتعايش الناس، ويخدم بعضهم بعضًا.
Sa kay Allāh ang kasanhiang malalim sa paghahati ng mga panustos sa pagitan ng mga tao yayamang ginawa Niya kabilang sa kanila ang mayaman, ang maralita, at ang katamtaman upang magkalubusan ang Sansinukob, magkapamuhayan ang mga tao, at maglingkod ang isa't isa sa kanila.

• دَلَّ المثلان في الآيات على ضلالة المشركين وبطلان عبادة الأصنام؛ لأن شأن الإله المعبود أن يكون مالكًا قادرًا على التصرف في الأشياء، وعلى نفع غيره ممن يعبدونه، وعلى الأمر بالخير والعدل.
Nagpatunay ang dalawang paghahalintulad sa mga talata ng Qur'ān sa kaligawan ng mga tagapagtambal at kawalang-kabuluhan ng pagsamba sa mga anito dahil ang nauukol sa diyos na sinasamba ay maging tagapagmay-aring nakakakaya sa pagpapalakad sa mga bagay, sa pagpapakinabang sa iba pa sa Kanya kabilang sa mga sumasamba sa Kanya, at sa pag-uutos ng kabutihan at katarungan.

• من نعمه تعالى ومن مظاهر قدرته خلق الناس من بطون أمهاتهم لا علم لهم بشيء، ثم تزويدهم بوسائل المعرفة والعلم، وهي السمع والأبصار والأفئدة، فبها يعلمون ويدركون.
Kabilang sa mga biyaya Niya at mga kahayagan ng kakayahan Niya ay ang paglikha sa mga tao mula sa mga tiyan ng mga ina nila nang wala silang kaalaman sa anuman, pagkatapos ang pagpapabaon sa kanila ng mga kaparaanan ng pagkilala at pag-alam. Ang mga ito ay ang pandinig, ang mga paningin, at ang mga puso sapagkat sa pamamagitan ng mga ito nakaaalam sila at nakatatalos sila.

وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۢ بُيُوتِكُمۡ سَكَنٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّن جُلُودِ ٱلۡأَنۡعَٰمِ بُيُوتٗا تَسۡتَخِفُّونَهَا يَوۡمَ ظَعۡنِكُمۡ وَيَوۡمَ إِقَامَتِكُمۡ وَمِنۡ أَصۡوَافِهَا وَأَوۡبَارِهَا وَأَشۡعَارِهَآ أَثَٰثٗا وَمَتَٰعًا إِلَىٰ حِينٖ
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay gumawa para sa inyo, mula sa mga bahay ninyong ipinatatayo ninyo yari sa bato at iba pa rito, ng isang tuluyan at isang kapahingahan; gumawa para sa inyo mula sa mga balat ng mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ng mga kubol at mga kulandong sa ilang tulad ng mga bahay sa kabayanan, na gagaan sa inyo ang pagdadala sa mga ito sa paglalakbay-lakbay ninyo mula sa isang lugar patungo sa iba pa at dadali sa inyo ang pagtukod sa mga ito sa oras ng panunuluyan ninyo; at gumawa para sa inyo mula sa mga lana ng mga tupa, mga balahibo ng mga kamelyo, at mga buhok ng mga kambing ng kasangkapan para sa mga bahay ninyo, mga kasuutan, at mga panakip na tinatamasa ninyo hanggang sa isang panahong tinakdaan.
અરબી તફસીરો:
وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّمَّا خَلَقَ ظِلَٰلٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡجِبَالِ أَكۡنَٰنٗا وَجَعَلَ لَكُمۡ سَرَٰبِيلَ تَقِيكُمُ ٱلۡحَرَّ وَسَرَٰبِيلَ تَقِيكُم بَأۡسَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ يُتِمُّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُسۡلِمُونَ
Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga punong-kahoy at mga gusali ng nasisilungan ninyo laban sa init; gumawa para sa inyo mula sa mga bundok ng mga lagusan, mga groto, at mga yungib na nakapagtatago kayo sa loob ng mga ito palayo sa ginaw, init, at kaaway; gumawa para sa inyo ng mga kamisa at mga damit na yari sa bulak at iba pa rito na nagtutulak palayo sa inyo ng init at lamig; at gumawa para sa inyo ng mga kalasag na nagsasanggalang sa inyo sa karahasan ng iba sa inyo sa digmaan para hindi tumagos ang sandata sa mga katawan ninyo. Gaya ng pagbiyaya ni Allāh sa inyo ng mga biyayang nauna, naglulubos Siya ng mga biyaya Niya sa inyo sa pag-asang magpaakay kayo sa Kanya lamang at hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman.
અરબી તફસીરો:
فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا عَلَيۡكَ ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ
Kaya kung umayaw sila sa pananampalataya at pagpapatotoo sa inihatid mo, walang kailangan sa iyo, O Sugo, kundi ang pagpapaabot ng ipinag-utos sa iyo na ipaabot ayon sa pagpapaabot na maliwanag at hindi kailangan sa iyo ang pagdala sa kanila sa kapatnubayan.
અરબી તફસીરો:
يَعۡرِفُونَ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ ثُمَّ يُنكِرُونَهَا وَأَكۡثَرُهُمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Nakakikilala ang mga tagapagtambal sa mga biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa kanila, na kabilang sa mga ito ang pagsusugo sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kanila. Pagkatapos nagkakaila sila sa mga biyaya Niya dahil sa kawalang ng pasasalamat sa mga ito at dahil sa pagpapasinungaling sa Sugo Niya. Ang higit na marami sa kanila ay ang mga tagapagkaila sa mga biyaya Niya – kaluwalhatian sa Kanya.
અરબી તફસીરો:
وَيَوۡمَ نَبۡعَثُ مِن كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدٗا ثُمَّ لَا يُؤۡذَنُ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ وَلَا هُمۡ يُسۡتَعۡتَبُونَ
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na bubuhay si Allāh mula sa bawat kalipunan ng sugo nitong isinugo rito na sasaksi sa pananampalataya ng mananampalataya kabilang sa kanila at sa kawalang-pananampalataya ng tagatangging sumampalataya. Pagkatapos matapos niyon ay hindi papayagan para sa mga tagatangging sumampalataya ang paghingi ng paumanhin sa dating taglay nila na kawalang-pananampalataya at hindi sila babalik sa Mundo upang gumawa ng magpapalugod sa Panginoon nila sapagkat ang Kabilang-buhay ay tahanan ng pagtutuos hindi tahanan ng paggawa.
અરબી તફસીરો:
وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ ٱلۡعَذَابَ فَلَا يُخَفَّفُ عَنۡهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ
Kapag napagmasdan ng mga tagalabag sa katarungan na mga tagapagtambal ang pagdurusa, hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa ni sila ay ipagpapaliban sa pamamagitan ng pag-aantala nito sa kanila, bagkus papasok sila roon bilang mga mananatili roon at mga pananatilihin.
અરબી તફસીરો:
وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ شُرَكَآءَهُمۡ قَالُواْ رَبَّنَا هَٰٓؤُلَآءِ شُرَكَآؤُنَا ٱلَّذِينَ كُنَّا نَدۡعُواْ مِن دُونِكَۖ فَأَلۡقَوۡاْ إِلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلَ إِنَّكُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Kapag napagmasdan ng mga tagapagtambal sa Kabilang-buhay ang mga sinamba nilang sila dati ay sumasamba sa mga iyon bukod pa kay Allāh ay magsasabi sila: "Panginoon namin, ang mga ito ay ang mga pantambal namin [sa Iyo] na kami dati ay sumasamba sa kanila bukod pa sa Iyo." Nagsabi sila niyon upang ipapasan nila sa mga ito ang mga pananagutan nila ngunit pabibigkasin ni Allāh ang mga sinamba nila kaya tutugon ang mga ito sa kanila: "Tunay na kayo, O mga tagapagtambal, ay talagang mga sinungaling sa pagsamba ninyo sa isang katambal kasama kay Allāh sapagkat walang kasama sa Kanya na isang katambal para sambahin."
અરબી તફસીરો:
وَأَلۡقَوۡاْ إِلَى ٱللَّهِ يَوۡمَئِذٍ ٱلسَّلَمَۖ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Susuko ang mga tagapagtambal at magpapaakay sila kay Allāh lamang. Mawawala sa kanila ang dati nilang nililikha-likha gaya ng pag-aangkin na ang mga anito nila ay namamagitan para sa kanila sa ganang kay Allāh.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• دلت الآيات على جواز الانتفاع بالأصواف والأوبار والأشعار على كل حال، ومنها استخدامها في البيوت والأثاث.
Nagpatunay ang mga talata ng Qur'ān sa pagpayag sa pakikinabang sa mga lana, mga balahibo, at mga buhok sa bawat kalagayan. Kabilang doon ang paggamit ng mga ito sa mga bahay at mga kasangkapan.

• كثرة النعم من الأسباب الجالبة من العباد مزيد الشكر، والثناء بها على الله تعالى.
Ang dami ng mga biyaya ay kabilang sa mga kadahilanang hayag mula sa mga tao ang karagdagan ng pagpapasalamat at pagbubunyi dahil sa mga ito kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الشهيد الذي يشهد على كل أمة هو أزكى الشهداء وأعدلهم، وهم الرسل الذين إذا شهدوا تمّ الحكم على أقوامهم.
Ang saksi na sasaksi sa bawat kalipunan ay ang pinakadalisay sa mga saksi at ang pinakamakatarungan sa kanila. Sila ay ang mga sugong kapag sumaksi ay matutupad ang kahatulan sa mga tao nila.

• في قوله تعالى: ﴿وَسَرَابِيلَ تَقِيكُم بِأْسَكُمْ﴾ دليل على اتخاذ العباد عدّة الجهاد؛ ليستعينوا بها على قتال الأعداء.
Sa sabi Niya – pagkataas-taas Siya: "mga kasuutang nagsasanggalang sa inyo sa karahasan sa inyo" ay may isang patunay sa paggawa ng mga tao ng kagamitan sa pakikibaka upang ipantulong nila sa pakikipaglaban sa mga kaaway.

ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ زِدۡنَٰهُمۡ عَذَابٗا فَوۡقَ ٱلۡعَذَابِ بِمَا كَانُواْ يُفۡسِدُونَ
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at naglihis sa iba pa sa kanila palayo sa landas ni Allāh ay magdaragdag sa kanila ng isang pagdurusa – dahilan sa kaguluhan nila, panggugulo nila, at pagliligaw nila sa iba pa sa kanila – sa pagdurusang naging karapat-dapat sila dahil sa kawalang-pananampalataya nila.
અરબી તફસીરો:
وَيَوۡمَ نَبۡعَثُ فِي كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدًا عَلَيۡهِم مِّنۡ أَنفُسِهِمۡۖ وَجِئۡنَا بِكَ شَهِيدًا عَلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِۚ وَنَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ تِبۡيَٰنٗا لِّكُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُسۡلِمِينَ
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na bubuhay Kami sa bawat kalipunan ng isang sugong sasaksi sa kanila hinggil sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya o pananampalataya. Ang sugong ito ay kabilang sa lahi nila at magsasalita sa wika nila. Naghatid Kami sa iyo, O Sugo, bilang saksi sa mga kalipunan sa kalahatan. Nagbaba Kami sa iyo ng Qur'ān upang maglinaw ka sa bawat nangangailangan ng paglilinaw gaya ng ipinahihintulot at ipinagbabawal, gantimpala at parusa, at iba pa roon. Nagbaba Kami nito bilang kapatnubayan para sa mga tao tungo sa katotohanan, bilang awa para sa sinumang sumampalataya rito at gumawa ayon sa nasaad dito, at bilang pagbabalita ng nakagagalak para sa mga mananampalataya kay Allāh hinggil sa hinihintay nila na kaginhawahang mananatili.
અરબી તફસીરો:
۞ إِنَّ ٱللَّهَ يَأۡمُرُ بِٱلۡعَدۡلِ وَٱلۡإِحۡسَٰنِ وَإِيتَآيِٕ ذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَيَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِ وَٱلۡبَغۡيِۚ يَعِظُكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ
Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa mga lingkod Niya ng katarungan sa pamamagitan ng pagganap ng tao sa mga karapatan ni Allāh at mga karapatan ng mga tao at hindi pagtangi sa isa higit sa isa pa sa paghahatol malibang ayon sa isang karapatang nag-oobliga ng pagtatanging iyon; nag-uutos ng paggawa ng maganda sa pamamagitan ng pagmamabuting-loob ng tao ng hindi kinakailangan sa kanya gaya ng paggugol sa iba nang kusang-loob at pagpapaumanhin sa tagalabag sa katarungan; at nag-uutos ng pagbibigay sa mga kamag-anakan ng kinakailangan nila; sumasaway sa bawat naging pangit sa pananalita gaya ng kahalayan ng pananalita at sa gawa gaya ng pangangalunya; sumasaway sa anumang minamasama ng Batas, na lahat ng mga pagsuway; at sumasaway sa kawalang-katarungan at pagpapakamalaki sa mga tao. Nangangaral sa inyo si Allāh ng ipinag-utos Niya sa inyo at sinaway Niya sa inyo sa talatang ito sa pag-asang magsaalang-alang kayo sa anumang ipinangaral Niya sa inyo.
અરબી તફસીરો:
وَأَوۡفُواْ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ إِذَا عَٰهَدتُّمۡ وَلَا تَنقُضُواْ ٱلۡأَيۡمَٰنَ بَعۡدَ تَوۡكِيدِهَا وَقَدۡ جَعَلۡتُمُ ٱللَّهَ عَلَيۡكُمۡ كَفِيلًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا تَفۡعَلُونَ
Magpatupad kayo sa bawat kasunduang nakipagkasunduan kayo kay Allāh o nakipagkasunduan kayo sa mga tao at huwag kayong kumalas sa mga sinumpaan matapos ng pagpapatibay sa mga ito sa pamamagitan ng panunumpa kay Allāh. Gumawa nga kayo kay Allāh bilang saksi sa inyo dahil sa pagtupad ninyo sa sinumpaan ninyo. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula rito. Gaganti Siya sa inyo rito.
અરબી તફસીરો:
وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّتِي نَقَضَتۡ غَزۡلَهَا مِنۢ بَعۡدِ قُوَّةٍ أَنكَٰثٗا تَتَّخِذُونَ أَيۡمَٰنَكُمۡ دَخَلَۢا بَيۡنَكُمۡ أَن تَكُونَ أُمَّةٌ هِيَ أَرۡبَىٰ مِنۡ أُمَّةٍۚ إِنَّمَا يَبۡلُوكُمُ ٱللَّهُ بِهِۦۚ وَلَيُبَيِّنَنَّ لَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ
Huwag kayong maging mga hunghang na mga mahina ang mga isip, dahil sa pagkalas sa mga kasunduan, tulad ng isang babaing hangal na nagpagod sa pagsisinulid ng lana niya o bulak niya. Nagpahigpit siya sa pagsisinulid nito, pagkatapos nagkalas siya nito at gumawa siya rito na nakakalag gaya ng dati nito bago ng pagkasinulid nito. Kaya nagpagod siya sa pagsisinulid nito at pagkakalas nito at hindi siya nagtamo ng isang hinihiling. Nagpapabago kayo sa mga sinumpaan ninyo na maging isang panlilinlang na nanlilinlang kayo sa isa't isa sa inyo sa pamamagitan nito upang ang kalipunan ninyo ay maging higit na marami at higit na malakas kaysa sa kalipunan ng mga kaaway ninyo. Nagsusulit lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan ng pagtupad sa mga kasunduan kung tutupad kaya kayo sa mga ito o kakalas kayo sa mga ito? Talagang magpapaliwanag nga si Allāh para sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati kayo ay nagkakaiba-iba hinggil doon sa Mundo kaya maglilinaw Siya sa tagapagtotoo sa tagapagpabula at sa tapat sa sinungaling.
અરબી તફસીરો:
وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَلَٰكِن يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَلَتُسۡـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa inyo bilang kalipunang nag-iisa, na mga nagkakasundo sa katotohanan. Subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng pagbigo rito sa katotohanan at sa pagtupad sa mga kasunduan ayon sa katarungan Niya, at nagtutuon para roon sa sinumang niloloob Niya ayon sa kagandahang-loob Niya. Talagang tatanungin nga kayo sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• للكفار الذين يصدون عن سبيل الله عذاب مضاعف بسبب إفسادهم في الدنيا بالكفر والمعصية.
Ukol sa mga tagatangging sumampalataya na sumasagabal sa landas ni Allāh ay isang pagdurusang pinag-iibayo dahilan sa panggugulo nila sa Mundo sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagsuway.

• لا تخلو الأرض من أهل الصلاح والعلم، وهم أئمة الهدى خلفاء الأنبياء، والعلماء حفظة شرائع الأنبياء.
Hindi nawawalan ang lupa ng mga alagad ng kaayusan at kaalaman. Sila ay ang mga pinuno ng patnubay na mga kahalili ng mga propeta at ang mga nakaaalam na mga tagapangalaga ng mga batas ng propeta.

• حدّدت هذه الآيات دعائم المجتمع المسلم في الحياة الخاصة والعامة للفرد والجماعة والدولة.
Tinakdaan ng mga talatang ito ng Qur'ān ang mga haligi ng lipunang Muslim sa buhay na pampribado at pampubliko para sa indibiduwal, pangkat, at estado.

• النهي عن الرشوة وأخذ الأموال على نقض العهد.
Ang pagsaway laban sa panunuhol at pagkuha ng mga salapi dahil sa pagkalas sa kasunduan.

وَلَا تَتَّخِذُوٓاْ أَيۡمَٰنَكُمۡ دَخَلَۢا بَيۡنَكُمۡ فَتَزِلَّ قَدَمُۢ بَعۡدَ ثُبُوتِهَا وَتَذُوقُواْ ٱلسُّوٓءَ بِمَا صَدَدتُّمۡ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَكُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Huwag kayong magpabago sa mga sinumpaan ninyo para maging isang panlilinlang na nanlilinlang kayo sa isa't isa sa inyo sa pamamagitan nito. Sumusunod kayo dahil dito sa mga pithaya ninyo kaya kumakalas kayo sa mga sinumpaan kapag niloob ninyo at tumutupad kayo sa mga ito kapag niloob ninyo. Kaya tunay na kayo, kung gumawa kayo niyon, ay matitisod ang mga paa ninyo palayo sa landasing tuwid matapos na ang mga ito dati ay mga matatag doon. Lalasap kayo ng pagdurusa dahilan sa pagkaligaw ninyo palayo sa landas ni Allāh at pagliligaw ninyo sa iba sa inyo palayo roon. Ukol sa inyo ay isang pagdurusang pinag-iibayo.
અરબી તફસીરો:
وَلَا تَشۡتَرُواْ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ ثَمَنٗا قَلِيلًاۚ إِنَّمَا عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Huwag ninyong ipagpalit ang kasunduan kay Allāh sa isang panumbas na kaunti dahil sa pagkalas ninyo sa kasunduan at pag-iwan ninyo sa pagtupad nito. Tunay na ang nasa ganang kay Allāh na pag-aadya at mga samsam sa digmaan sa Mundo, at ang nasa ganang Kanya na kaginhawahang mamamalagi sa Kabilang-buhay ay pinakamabuti para sa inyo kaysa sa anumang nakukuha ninyo na isang panumbas na kaunti dahil sa pagkalas ninyo sa kasunduan, kung kayo ay nakaaalam niyon.
અરબી તફસીરો:
مَا عِندَكُمۡ يَنفَدُ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ بَاقٖۗ وَلَنَجۡزِيَنَّ ٱلَّذِينَ صَبَرُوٓاْ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ang anumang nasa ganang inyo, O mga tao, gaya ng yaman, mga sarap, at kaginhawahan ay magwawakas kahit pa man ito ay marami, samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh na ganti ay mananatili kaya papaano kayong nagtatangi sa isang maglalaho higit sa isang mananatili? Ang mga nagtiis sa mga kasunduan sa kanila at hindi kumalas sa mga ito ay talagang gagantihan nga ni Allāh ng gantimpala nila katumbas sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa na mga pagtalima. Kaya naman gaganti Siya sa kanila sa magandang gawa ng katumbas sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit.
અરબી તફસીરો:
مَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَلَنُحۡيِيَنَّهُۥ حَيَوٰةٗ طَيِّبَةٗۖ وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ang sinumang gumawa ng isang gawang maayos na umaalinsunod sa Batas, maging isang lalaki man o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya kay Allāh, ay talagang magpapamuhay nga si Allāh sa kanya sa Mundo nang isang buhay na kaaya-aya dahil sa pagkalugod sa pagtatadhana ni Allāh, sa pagkakontento, at sa pagkakatuon sa mga pagtalima; at talagang gaganti nga si Allāh sa kanila ng gantimpala nila sa Kabilang-buhay ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa sa Mundo na mga gawang matuwid.
અરબી તફસીરો:
فَإِذَا قَرَأۡتَ ٱلۡقُرۡءَانَ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِ مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ ٱلرَّجِيمِ
Kaya kapag nagnais ka ng pagbigkas ng Qur’ān, O mananampalataya, ay humiling ka kay Allāh na kupkupin ka laban sa mga bulong ng demonyong itinaboy palayo sa awa ni Allāh.
અરબી તફસીરો:
إِنَّهُۥ لَيۡسَ لَهُۥ سُلۡطَٰنٌ عَلَى ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ
Tunay na ang demonyo ay walang pangingibabaw sa mga sumampalataya kay Allāh at sa Panginoon nila lamang sumasandal sa lahat ng mga nauukol sa kanila.
અરબી તફસીરો:
إِنَّمَا سُلۡطَٰنُهُۥ عَلَى ٱلَّذِينَ يَتَوَلَّوۡنَهُۥ وَٱلَّذِينَ هُم بِهِۦ مُشۡرِكُونَ
Tanging ang pangingibabaw niya ay sa pamamagitan ng mga bulong niya sa mga gumagawa sa kanya bilang katangkilik at tumatalima sa kanya sa panlilisya niya, at yaong sila dahilan sa panlilisya niya ay mga tagapagtambal kay Allāh, na sumasamba kasama kay Allāh sa iba pa kay Allāh.
અરબી તફસીરો:
وَإِذَا بَدَّلۡنَآ ءَايَةٗ مَّكَانَ ءَايَةٖ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يُنَزِّلُ قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مُفۡتَرِۭۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Kapag nagpawalang-bisa si Allāh sa kahatulan ng isang talata mula sa Qur'ān sa pamamagitan ng isa pang talata – at si Allāh ay higit na nakaaalam sa pinawawalang-bisa Niya mula sa Qur'ān dahil sa isang kasanhian at Maalam sa hindi Niya pinawalang-bisa mula rito – ay nagsasabi sila: "Ikaw, O Muḥammad, ay isang sinungaling na lumilikha-likha [ng kasinungalingan] lamang hinggil kay Allāh." Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam na ang pagpapawalang-bisa ay nangyayari lamang dahil sa isang kasanhiang pandiyos na malalim.
અરબી તફસીરો:
قُلۡ نَزَّلَهُۥ رُوحُ ٱلۡقُدُسِ مِن رَّبِّكَ بِٱلۡحَقِّ لِيُثَبِّتَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَهُدٗى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُسۡلِمِينَ
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagbaba sa Qur'ān na ito si Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula sa ganang kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – kalakip ng katotohanang walang mali rito ni pagpapalit ni paglilihis upang magpatatag siya sa mga sumampalataya kay Allāh sa pananampalataya nila sa tuwing may bumabang bago mula rito at may pinawalang-bisang ilan mula rito at upang ito ay maging isang kapatnubayan para sa kanila tungo sa katotohanan at isang balitang nakalulugod para sa mga Muslim hinggil sa tatamuhin nila na gantimpalang masagana.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• العمل الصالح المقرون بالإيمان يجعل الحياة طيبة.
Ang gawang maayos na nalalakipan ng pananampalataya ay gumagawa sa buhay na maging kaaya-aya.

• الطريق إلى السلامة من شر الشيطان هو الالتجاء إلى الله، والاستعاذة به من شره.
Ang daan tungo sa kaligtasan mula sa kasamaan ng demonyo ay ang pagdulog kay Allāh at ang pagpapakupkop sa Kanya laban sa kasamaan ng demonyo.

• على المؤمنين أن يجعلوا القرآن إمامهم، فيتربوا بعلومه، ويتخلقوا بأخلاقه، ويستضيئوا بنوره، فبذلك تستقيم أمورهم الدينية والدنيوية.
Kailangan sa mga mananampalataya na gawin nila ang Qur'ān bilang pinuno nila para lumago sila sa mga kaalaman dito, magsaasal sila ng mga kaasalan dito, at magpatanglaw sila sa liwanag nito sapagkat sa pamamagitan niyon tutuwid ang mga nauukol sa kanilang pangmundo at pangkabilang-buhay.

• نسخ الأحكام واقع في القرآن زمن الوحي لحكمة، وهي مراعاة المصالح والحوادث، وتبدل الأحوال البشرية.
Ang pagpapawalang-bisa sa mga patakaran ay nagaganap sa Qur'ān sa panahon ng pagkakasi dahil sa isang kasanhian. Ito ay ang pagsasaalang-alang sa mga kapakanan, mga pangyayari, at pagpapalit-palit ng mga kalagayang pantao.

وَلَقَدۡ نَعۡلَمُ أَنَّهُمۡ يَقُولُونَ إِنَّمَا يُعَلِّمُهُۥ بَشَرٞۗ لِّسَانُ ٱلَّذِي يُلۡحِدُونَ إِلَيۡهِ أَعۡجَمِيّٞ وَهَٰذَا لِسَانٌ عَرَبِيّٞ مُّبِينٌ
Kami ay nakaaalam na ang mga tagapagtambal ay nagsasabi: "Tunay na si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ay tinuturuan lamang ng Qur'ān ng isang tao." Sila ay mga sinungaling sa pahayag nila sapagkat ang wika ng inaakala nila na iyon ay nagtuturo sa kanya ay banyaga samantalang ang Qur'ān na ito ay ibinaba sa isang dilang Arabeng maliwanag na may retorikang mataas, kaya papaanong nag-aakala sila na siya ay nakatanggap nito mula sa isang banyaga?"
અરબી તફસીરો:
إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ لَا يَهۡدِيهِمُ ٱللَّهُ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh na ang mga ito ay mula sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi magtutuon sa kanila si Allāh sa kapatnubayan hanggat nanatili silang mga nagpupumilit doon. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa taglay nila na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga tanda Niya.
અરબી તફસીરો:
إِنَّمَا يَفۡتَرِي ٱلۡكَذِبَ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَٰذِبُونَ
Si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi sinungaling kaugnay sa inihatid niya mula sa Panginoon niya. Lumilikha-likha lamang ng kasinungalingan ang mga hindi nagpapatotoo sa mga tanda ni Allāh dahil sila ay hindi nangangamba sa isang pagdurusa at hindi umaasa sa isang gantimpala. Ang mga nailarawang iyon sa kawalang-pananampalataya ay ang mga sinungaling dahil ang pagsisinungaling ay kaugalian nilang nakaugalian nila.
અરબી તફસીરો:
مَن كَفَرَ بِٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ إِيمَٰنِهِۦٓ إِلَّا مَنۡ أُكۡرِهَ وَقَلۡبُهُۥ مُطۡمَئِنُّۢ بِٱلۡإِيمَٰنِ وَلَٰكِن مَّن شَرَحَ بِٱلۡكُفۡرِ صَدۡرٗا فَعَلَيۡهِمۡ غَضَبٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh noong matapos ng pagsampalataya niya – hindi ang sinumang pinilit habang ang puso naman niya ay napapanatag sa pananampalataya subalit ang sinumang nabuksan ang dibdib sa kawalang-pananampalataya saka pumili nito kaysa sa pananampalataya at nagsalita hinggil dito nang nagkukusang-loob kaya siya ay tumalikod na sa Islām – laban sa kanila ay isang galit mula kay Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan.
અરબી તફસીરો:
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمُ ٱسۡتَحَبُّواْ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا عَلَى ٱلۡأٓخِرَةِ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Ang pagtalikod na iyon sa Islām ay dahilan sa sila ay nagtangi sa natatamo nila na mga basura ng Mundo bilang pantumbas para sa kawalang-pananampalataya nila kapalit ng Kabilang-buhay at na si Allāh ay hindi nagtutuon sa pananampalataya sa mga taong tagatangging sumampalataya, bagkus bumibigo sa kanila.
અરબી તફસીરો:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَسَمۡعِهِمۡ وَأَبۡصَٰرِهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡغَٰفِلُونَ
Ang mga nailarawang iyon sa pagtalikod sa pananampalataya matapos ng pagsampalataya ay ang mga nagpinid si Allāh sa mga puso nila kaya hindi sila nakaiintindi ng mga pangaral, sa mga pandinig nila kaya hindi sila dumidinig sa mga ito ayon sa pagdinig na napakikinabangan, at sa mga paningin nila kaya hindi sila nakakikita sa mga tandang nagpapatunay sa pananampalataya. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat sa mga kadahilanan ng kaligayahan at kalumbayan at sa inihanda ni Allāh para sa kanila na pagdurusa.
અરબી તફસીરો:
لَا جَرَمَ أَنَّهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Totoong tunay na sila sa Araw ng Pagbangon ay ang mga lugi na nagpalugi sa mga sarili nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila matapos ng pagsampalataya nila, na kung sakaling kumapit sila doon ay talaga sanang papasok sila sa Paraiso.
અરબી તફસીરો:
ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ هَاجَرُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا فُتِنُواْ ثُمَّ جَٰهَدُواْ وَصَبَرُوٓاْ إِنَّ رَبَّكَ مِنۢ بَعۡدِهَا لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang Mapagpatawad, Maawain sa mga sinisiil kabilang sa mga mananampalataya na mga lumikas mula sa Makkah patungo sa Madīnah matapos pagdusahin sila ng mga tagapagtambal at usigin sila dahil sa relihiyon nila hanggang sa nakabigkas sila ng salita ng kawalang-pananampalataya samantalang ang mga puso nila ay napapanatag sa pananampalataya. Pagkatapos nakibaka sila ayon sa landas ni Allāh upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas at ang salita ng mga tumangging sumampalataya ay maging ang pinakamababa. Nagtiis sila sa mga hirap niyon. Tunay na ang Panginoon mo – noong matapos ng pagsubok na iyon na ipinansubok sa kanila at ng pagpaparusang pinagdusahan nila hanggang sa nakabigkas sila ng salita ng kawalang-pananampalataya – ay talagang Mapagpatawad sa kanila, Maawain sa kanila dahil sila ay hindi nakabigkas ng salita ng kawalang-pananampalataya malibang habang mga napipilitan.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• الترخيص للمُكرَه بالنطق بالكفر ظاهرًا مع اطمئنان القلب بالإيمان.
Ang pagpayag para sa napipilitan ng pagbigkas ng kawalang-pananampalataya sa panlabas kalakip ng pagkapanatag ng puso sa pananampalataya.

• المرتدون استوجبوا غضب الله وعذابه؛ لأنهم استحبوا الحياة الدنيا على الآخرة، وحرموا من هداية الله، وطبع الله على قلوبهم وسمعهم وأبصارهم، وجعلوا من الغافلين عما يراد بهم من العذاب الشديد يوم القيامة.
Ang mga tumalikod sa pananampalataya (murtadd) ay humiling ng pag-obliga ng galit ni Allāh at pagdurusang dulot Niya dahil sila ay napaibig sa buhay na pangmundo higit sa Kabilang-buhay at napagkaitan ng kapatnubayan ni Allāh. Nagsara si Allāh sa mga puso nila, pandinig nila, at mga paningin nila. Ginawa sila kabilang sa mga nalilingat sa ninanais sa kanila na pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon.

• كَتَبَ الله المغفرة والرحمة للذين آمنوا، وهاجروا من بعد ما فتنوا، وصبروا على الجهاد.
Nagtakda si Allāh ng kapatawaran at awa para sa mga sumampalataya, lumikas noong matapos na inusig sila, at nagtiis sa pakikibaka.

۞ يَوۡمَ تَأۡتِي كُلُّ نَفۡسٖ تُجَٰدِلُ عَن نَّفۡسِهَا وَتُوَفَّىٰ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na pupunta ang bawat tao na mangangatwiran para sa sarili nito nang hindi nangangatwiran para sa iba rito dahil sa bigat ng katayuan, at lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa ganti sa anumang ginawa nito na kabutihan at kasamaan. Sila ay hindi lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni sa pamamagitan ng pagdagdag sa masagwang gawa nila.
અરબી તફસીરો:
وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا قَرۡيَةٗ كَانَتۡ ءَامِنَةٗ مُّطۡمَئِنَّةٗ يَأۡتِيهَا رِزۡقُهَا رَغَدٗا مِّن كُلِّ مَكَانٖ فَكَفَرَتۡ بِأَنۡعُمِ ٱللَّهِ فَأَذَٰقَهَا ٱللَّهُ لِبَاسَ ٱلۡجُوعِ وَٱلۡخَوۡفِ بِمَا كَانُواْ يَصۡنَعُونَ
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad sa isang pamayanan, ang Makkah, na iyon dati ay matiwasay na hindi nangangamba ang mga naninirahan doon, na matatag samantalang ang mga tao sa paligid niyon ay dinudukot. Dumarating doon ang panustos niyon nang kaiga-igaya at madali mula sa bawat pook. Ngunit nagkaila ang mga naninirahan doon sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila na mga biyaya at hindi nagpasalamat kaya gumanti sa kanila si Allāh ng pagkagutom at pangambang matinding nakalitaw sa mga katawan nila bilang hilakbot at pangangayayat hanggang sa ang dalawang ito ay naging gaya ng damit [sa pagkapit] sa kanila dahilan sa dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling.
અરબી તફસીરો:
وَلَقَدۡ جَآءَهُمۡ رَسُولٞ مِّنۡهُمۡ فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَهُمۡ ظَٰلِمُونَ
Talaga ngang may dumating sa mga naninirahan sa Makkah na isang sugong kabilang sa kanila, na nakikilala nila siya sa pagkamapagkakatiwalaan at katapatan. Siya ay si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaugnay sa ibinaba sa kanya ng Panginoon niya kaya bumababa sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng pagkagutom at pangamba habang sila ay mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila, sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan, nang nagtambal sila kay Allāh at nagpasinungaling sila sa Sugo Niya.
અરબી તફસીરો:
فَكُلُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ حَلَٰلٗا طَيِّبٗا وَٱشۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ
Kaya kumain kayo, O mga lingkod, mula sa itinustos sa inyo ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na anumang naging ipinahihintulot kabilang sa uri ng itinuturing na kaaya-ayang kainin. Magpasalamat kayo sa biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa inyo sa pamamagitan ng pagkilala sa mga biyayang ito kay Allāh at pagbaling sa mga ito sa kaluguran Niya, kung nangyaring kayo ay sumasamba sa Kanya lamang at hindi nagtatambal sa Kanya.
અરબી તફસીરો:
إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحۡمَ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦۖ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Nagbawal si Allāh sa inyo mula sa mga nakakain ng anumang namatay nang walang pagkatay kabilang sa [mga hayop na] kinakatay, ng ibinubong dugo, ng baboy sa lahat ng mga bahagi nito, at ng anumang kinatay ng tagapagkatay nito bilang alay sa iba pa kay Allāh. Ang pagbabawal na ito ay tanging sa kalagayang makapipili. Ngunit ang sinumang pinilit ng kagipitan sa pagkain ng mga nabanggit kaya nakakain siya mula sa mga ito nang hindi nakaiibig sa ipinagbabawal mismo at hindi naman lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, walang kasalanan sa kanya sapagkat si Allāh ay Mapagpatawad na nagpapatawad sa kanya sa kinain niya, Maawain sa kanya nang pumayag para sa kanya niyon sa sandali ng kagipitan.
અરબી તફસીરો:
وَلَا تَقُولُواْ لِمَا تَصِفُ أَلۡسِنَتُكُمُ ٱلۡكَذِبَ هَٰذَا حَلَٰلٞ وَهَٰذَا حَرَامٞ لِّتَفۡتَرُواْ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ لَا يُفۡلِحُونَ
Huwag kayong magsabi, O mga tagapagtambal, ukol sa anumang naglalarawan ang mga dila ninyo ng kasinungalingan laban kay Allāh: "Ang bagay na ito ay ipinahihintulot at ang bagay na iyan ay ipinagbabawal," sa layunin na lumikha-likha kayo laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pagbabawal sa hindi Niya ipinagbawal at pagpapahintulot sa hindi Niya ipinahintulot. Tunay na ang mga lumilikha-likha laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatamo ng hinihiling at hindi maliligtas mula sa pinangingilabutan.
અરબી તફસીરો:
مَتَٰعٞ قَلِيلٞ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Ukol sa kanila ay isang natatamasang kaunting kalait-lait dahil sa pagsunod nila sa mga pithaya nila sa Mundo, at ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang pagdurusang nakasasakit.
અરબી તફસીરો:
وَعَلَى ٱلَّذِينَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا مَا قَصَصۡنَا عَلَيۡكَ مِن قَبۡلُۖ وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Sa mga Hudyo, lalo na, ay nagbawal Kami ng isinalaysay Namin sa iyo (gaya ng nasa Qur'ān 6:146). Hindi Kami lumabag sa kanila sa katarungan dahil sa pagbabawal niyon, subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan nang nakagawa sila ng mga kadahilanan ng parusa, kaya gumanti Kami sa kanila dahil sa pagsalansang nila at nagbawal Kami sa kanila niyon bilang kaparusahan para sa kanila.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• الجزاء من جنس العمل؛ فإن أهل القرية لما بطروا النعمة بُدِّلوا بنقيضها، وهو مَحْقُها وسَلْبُها ووقعوا في شدة الجوع بعد الشبع، وفي الخوف والهلع بعد الأمن والاطمئنان، وفي قلة موارد العيش بعد الكفاية.
Ang ganti ay kauri ng gawain sapagkat tunay na ang mga naninirahan sa pamayanan, noong nagpawalang-pakundangan sila sa biyaya, ay pinalitan sila ng kabaliktaran niyon, na pagpawi niyon at pag-agaw roon. Nasadlak sila sa katindihan ng gutom matapos ng kabusugan, sa pangamba at bagabag matapos ng katiwasayan at kapanatagan, at sa kasalatan ng mga mapagkukunan ng kabuhayan matapos ng kasapatan.

• وجوب الإيمان بالله وبالرسل، وعبادة الله وحده، وشكره على نعمه وآلائه الكثيرة، وأن العذاب الإلهي لاحقٌ بكل من كفر بالله وعصاه، وجحد نعمة الله عليه.
Ang pagkatungkulin ng pananampalataya kay Allāh at sa mga sugo, ng pagsamba kay Allāh lamang, at ng pagpapasalamat sa Kanya sa mga biyaya Niya at mga pagpapala Niyang marami. Ang pandiyos na pagdurusa ay bubuntot sa bawat sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh, sumuway sa Kanya, at nagkaila sa biyaya ni Allāh sa kanya.

• الله تعالى لم يحرم علينا إلا الخبائث تفضلًا منه، وصيانة عن كل مُسْتَقْذَر.
Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay hindi nagbawal sa atin maliban ng mga karima-rimarim bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya at bilang pangangalaga laban sa bawat minamarumi.

ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ عَمِلُواْ ٱلسُّوٓءَ بِجَهَٰلَةٖ ثُمَّ تَابُواْ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ وَأَصۡلَحُوٓاْ إِنَّ رَبَّكَ مِنۢ بَعۡدِهَا لَغَفُورٞ رَّحِيمٌ
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, para sa mga gumawa ng mga masagwa dala ng kamangmangan sa kahihinatnan ng mga iyon kahit pa man nangyaring sila ay mga nananadya, pagkatapos nagbalik-loob sila kay Allāh matapos na gumawa sila ng mga masagwa at nagsaayos ng mga gawain nila na may katiwalian, tunay na ang Panginoon mo noong matapos ng pagbabalik-loob ay talagang Mapagpatawad sa mga pagkakasala nila, Maawain sa kanila.
અરબી તફસીરો:
إِنَّ إِبۡرَٰهِيمَ كَانَ أُمَّةٗ قَانِتٗا لِّلَّهِ حَنِيفٗا وَلَمۡ يَكُ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Tunay na si Abraham noon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay isang tagapagbuklod ng mga katangian ng kabutihan, na nagpapamalagi sa pagtalima sa Panginoon niya, na nakakiling palayo sa mga relihiyon sa kabuuan ng mga ito patungo sa Islām. Hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga tagapagtambal kailanman.
અરબી તફસીરો:
شَاكِرٗا لِّأَنۡعُمِهِۚ ٱجۡتَبَىٰهُ وَهَدَىٰهُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Ito noon ay tagapagpasalamat sa mga biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya rito. Pumili rito si Allāh para sa pagkapropeta at nagpatnubay Siya rito tungo sa matuwid na relihiyon ng Islām.
અરબી તફસીરો:
وَءَاتَيۡنَٰهُ فِي ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗۖ وَإِنَّهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Nagbigay si Allāh sa kanya sa Mundo ng pagkapropeta, pagbubunying maganda, at anak na maayos. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos na naghanda si Allāh para sa kanila ng mga antas na pinakamataas sa Paraiso.
અરબી તફસીરો:
ثُمَّ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ أَنِ ٱتَّبِعۡ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Pagkatapos nagkasi si Allāh sa iyo, O Sugo, na sumunod ka sa kapaniwalaan ni Abraham sa Tawḥīd, sa pagpapawalang-kaugnayan sa mga tagapagtambal, sa pag-aanyaya tungo kay Allāh, at sa pagsasagawa sa Batas Niya bilang nakakiling palayo sa lahat ng mga relihiyon patungo sa relihiyong Islām. Hindi siya noon kabilang sa mga tagapagtambal kailanman gaya ng inaakala ng mga tagapagtambal, bagkus siya noon ay isang naniniwala sa kaisahan ni Allāh.
અરબી તફસીરો:
إِنَّمَا جُعِلَ ٱلسَّبۡتُ عَلَى ٱلَّذِينَ ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِۚ وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Itinalaga lamang ang pagdakila sa Sabath bilang tungkulin sa mga Hudyong nagkaiba-iba hinggil dito upang ipangilin nila para sa pagsamba palayo sa mga pinagkakaabalahan nila matapos na nalayo sila sa araw ng Biyernes na ipinag-utos sa kanila na ipangilin ito. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang maghahatol sa pagitan ng mga nagkakaiba-ibang ito sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba para gumanti Siya sa bawat isa dahil sa anumang nagiging karapat-dapat dito.
અરબી તફસીરો:
ٱدۡعُ إِلَىٰ سَبِيلِ رَبِّكَ بِٱلۡحِكۡمَةِ وَٱلۡمَوۡعِظَةِ ٱلۡحَسَنَةِۖ وَجَٰدِلۡهُم بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ
Mag-anyaya ka, O Sugo, tungo sa relihiyong Islām, ikaw at ang sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya ayon sa hinihiling ng kalagayan ng inaanyayahan, pagkaintindi nito, at pagpapaakay nito at sa pamamagitan ng payong sumasaklaw sa pagpapaibig at pagpapangilabot. Makipagtalo ka sa kanila ayon sa paraang siyang pinakamaganda sa salita, sa isip, at sa paghuhubog. Hindi kailangan sa iyo ang magpatnubay sa mga tao; kailangan lamang sa iyo ang pagpapaabot sa kanila. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa relihiyon ng Islām. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan patungo sa Kanya, kaya huwag masawi ang sarili mo dahil sa kanila sa panghihinayang.
અરબી તફસીરો:
وَإِنۡ عَاقَبۡتُمۡ فَعَاقِبُواْ بِمِثۡلِ مَا عُوقِبۡتُم بِهِۦۖ وَلَئِن صَبَرۡتُمۡ لَهُوَ خَيۡرٞ لِّلصَّٰبِرِينَ
Kung nagnais kayo ng pagpaparusa sa kaaway ninyo ay magparusa kayo ng tulad ng ginawa sa inyo nang walang karagdagan. Talagang kung nakapagpigil kayo sa pagpaparusa ninyo roon sa kaaway sa sandali ng kakayahan roon, tunay na iyon ay higit na mabuti para sa mga tagapagpigil kabilang sa inyo kaysa sa pagpapakamakatarungan sa pagpaparusa sa kanila.
અરબી તફસીરો:
وَٱصۡبِرۡ وَمَا صَبۡرُكَ إِلَّا بِٱللَّهِۚ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَلَا تَكُ فِي ضَيۡقٖ مِّمَّا يَمۡكُرُونَ
Magtiis ka, O Sugo, sa tumatama sa iyo na pananakit nila. Walang iba ang pagtutuon sa iyo sa pagtitiis malibang sa pamamagitan ng pagtutuon ni Allāh para sa iyo. Huwag kang malungkot dahil sa pag-ayaw sa iyo ng mga tagatangging sumampalataya. Huwag manikip ang dibdib mo dahilan sa isinasagawa nila na panlalansi at pakana.
અરબી તફસીરો:
إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَواْ وَّٱلَّذِينَ هُم مُّحۡسِنُونَ
Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nangilag magkasala sa pamamagitan ng pag-iwan sa mga pagsuway at ng mga gumagawa ng maganda sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagtalima at pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya sapagkat Siya ay kasama sa kanila sa pag-aadya at pagsuporta.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• اقتضت رحمة الله أن يقبل توبة عباده الذين يعملون السوء من الكفر والمعاصي، ثم يتوبون ويصلحون أعمالهم، فيغفر الله لهم.
Hiniling ng awa ni Allāh na tanggapin ang pagbabalik-loob ng mga lingkod Niyang nakagagawa ng mga kasagwaan gaya ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at pagkatapos nagbabalik-loob at nagsasaayos sa mga gawain nila kaya magpapatawad si Allāh sa kanila.

• يحسن بالمسلم أن يتخذ إبراهيم عليه السلام قدوة له.
Minamaganda para sa Muslim na gawin si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang huwaran para sa kanya.

• على الدعاة إلى دين الله اتباع هذه الطرق الثلاث: الحكمة، والموعظة الحسنة، والمجادلة بالتي هي أحسن.
Kailangan sa mga tagapag-anyaya sa relihiyon ni Allāh ang pagsunod sa tatlong paraang ito: ang karunungan, ang pangaral na maganda, at ang pakikipagtalo ayon sa siyang pinakamaganda.

• العقاب يكون بالمِثْل دون زيادة، فالمظلوم منهي عن الزيادة في عقوبة الظالم.
Ang parusa ay ayon sa pagtutulad nang walang pagdaragdag sapagkat ang nalabag sa katarungan ay sinasaway sa pagdaragdag sa kaparusahan ng nakalabag sa katarungan.

 
શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: અન્ નહલ
સૂરહ માટે અનુક્રમણિકા પેજ નંબર
 
કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

ફિલિપાઈન ભાષાત, સંક્ષિપ્ત કુરઆન મજીદની સમજુતી, તફસીર સેન્ટર દ્વારા જારી કરવામાં આવ્યું છે.

બંધ કરો