Check out the new design

કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં અલ્ મુખ્તસર ફી તફસીરિલ્ કુરઆનિલ્ કરીમ કિતાબનું અનુવાદ * - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા


શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: અલ્ અન્કબુત   આયત:
وَقَٰرُونَ وَفِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مُّوسَىٰ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا كَانُواْ سَٰبِقِينَ
Nagpahamak Kami kay Qārūn – noong nagpakapalalo siya laban sa mga kalipi ni Moises – sa pamamagitan ng pagpapalamon sa kanya at sa tahanan niya [sa lupa]. Nagpahamak Kami kay Paraon at sa katuwang niyang si Hāmān sa pamamagitan ng pagkalunod sa dagat. Talaga ngang naghatid sa kanila si Moises ng mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan niya, ngunit nagmalaki sila sa lupain ng Ehipto sa halip ng pagsampalataya sa kanya. Hindi sila naging ukol maligtas mula sa pagdurusang dulot Namin sa pamamagitan ng pagkaalpas nila sa Amin.
અરબી તફસીરો:
فَكُلًّا أَخَذۡنَا بِذَنۢبِهِۦۖ فَمِنۡهُم مَّنۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِ حَاصِبٗا وَمِنۡهُم مَّنۡ أَخَذَتۡهُ ٱلصَّيۡحَةُ وَمِنۡهُم مَّنۡ خَسَفۡنَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ وَمِنۡهُم مَّنۡ أَغۡرَقۡنَاۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيَظۡلِمَهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Kaya dumaklot Kami sa bawat isa sa mga nabanggit kanina sa pamamagitan ng tagapagpahamak na pagdurusang dulot Namin. Kabilang sa kanila ay ang mga kababayan ni Lot na pinadalhan Namin ng mga batong yari sa natuyong luwad na nagkapatung-patong. Kabilang sa kanila ay ang mga kalipi ni Ṣāliḥ at ang mga kalipi ni Shu`ayb na dinaklot ng hiyaw. Kabilang sa kanila ay si Qārūn na ipinalamon Namin siya at ang tahanan niya sa lupa. Kabilang sa kanila ay ang mga tao nina Noe, Paraon, at Hāmān na ipinahamak Namin sa pamamagitan ng pagkalunod. Hindi si Allāh naging ukol na lumabag sa katarungan sa kanila sa pamamagitan ng pagpapahamak sa kanila nang walang pagkakasala, subalit sila noon ay lumalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway kaya naman sila ay naging karapat-dapat sa pagdurusa.
અરબી તફસીરો:
مَثَلُ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡلِيَآءَ كَمَثَلِ ٱلۡعَنكَبُوتِ ٱتَّخَذَتۡ بَيۡتٗاۖ وَإِنَّ أَوۡهَنَ ٱلۡبُيُوتِ لَبَيۡتُ ٱلۡعَنكَبُوتِۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Ang paghahalintulad sa mga tagapagtambal na gumawa ng mga diyus-diyusang sinasamba nila bukod pa kay Allāh dala ng pag-asa sa pagpapakinabang ng mga ito o pamamagitan ng mga ito ay gaya ng paghahalintulad sa gagamba noong gumawa ito ng isang bahay na magsasanggalang dito laban sa pangangaway rito. Tunay na ang pinakamahina sa mga bahay ay talagang ang bahay ng gagamba sapagkat ito ay hindi nakapagtatanggol sa gagamba sa isang kaaway. Gayon din ang mga diyus-diyusan nila: hindi nakapagpapakinabang ang mga ito, hindi nakapipinsala ang mga ito, at hindi nakapamamagitan ang mga ito. Kung sakaling ang mga tagapagtambal ay naging nakaaalam niyon, talaga sanang hindi sila gumawa ng mga diyus-diyusan na sinasamba nila bukod pa kay Allāh.
અરબી તફસીરો:
إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nakaaalam sa sinasamba nila bukod pa sa Kanya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. Siya ay ang Makapangyarihan na hindi napapanaigan, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya.
અરબી તફસીરો:
وَتِلۡكَ ٱلۡأَمۡثَٰلُ نَضۡرِبُهَا لِلنَّاسِۖ وَمَا يَعۡقِلُهَآ إِلَّا ٱلۡعَٰلِمُونَ
Ang mga paghahalintulad na ito na inilalahad Namin para sa mga tao ay upang pumukaw ang mga ito sa kanila, magpakita ang mga ito sa kanila ng katotohanan, at magpatnubay ang mga ito sa kanila tungo roon. Walang nakatatalos sa mga ito ayon sa paraang hinihiling kundi ang mga nakaaalam sa Batas ni Allāh at sa mga kasanhian nito.
અરબી તફસીરો:
خَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Lumikha si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ng mga langit at lumikha Siya ng lupa ayon sa katotohanan. Hindi Siya lumikha ng mga ito ayon sa kabulaanan at hindi Siya lumikha ng mga ito sa paglalaro. Tunay na sa paglikhang iyon ay talagang may katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga mananampalataya dahil sila ay ang mga nagpapatunay sa tagalikha sa pamamagitan ng paglikha ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Tungkol naman sa mga tagatangging sumampalataya, tunay na sila ay napararaan sa mga tanda sa mga abot-tanaw at mga kaluluwa nang hindi natawag ang mga pansin nila sa kadakilaan ng Tagalikha at kakayahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya.
અરબી તફસીરો:
ٱتۡلُ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَۖ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ تَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِۗ وَلَذِكۡرُ ٱللَّهِ أَكۡبَرُۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تَصۡنَعُونَ
Bigkasin mo, O Sugo, sa mga tao ang ikinasi sa iyo ni Allāh mula sa Qur'ān. Magsagawa ka ng pagdarasal sa pinakalubos na paraan. Tunay na ang pagdarasal na isinagawa ayon sa katangian nitong lubos ay sumasaway sa tagapagsagawa nito palayo sa pagkakasadlak sa mga pagsuway at mga nakasasama dahil sa idinudulot nito na liwanag sa mga puso, na pumipigil sa paggawa ng mga pagsuway at gumagabay sa paggawa ng mga maayos. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki at higit na dakila kaysa sa bawat bagay. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga gawain ninyo, na [ang ganti] kung mabuti ay mabuti rin at kung masama ay masama rin.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• أهمية ضرب المثل: (مثل العنكبوت) .
Ang kahalagahan ng paglalahad ng paghahalintulad na "Paghahalintulad sa Gagamba."

• تعدد أنواع العذاب في الدنيا.
Ang pagkadami-dami ng mga uri ng pagdurusa sa Mundo.

• تَنَزُّه الله عن الظلم.
Ang pagwawalang-kaugnayan ni Allāh sa kawalang-katarungan.

• التعلق بغير الله تعلق بأضعف الأسباب.
Ang pagkakahumaling sa iba pa kay Allāh ay isang pagkahumaling sa pinakamahina sa mga kadahilanan.

• أهمية الصلاة في تقويم سلوك المؤمن.
Ang kahalagahan ng pagdarasal sa pagtutuwid sa pag-uugali ng mananampalataya.

 
શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: અલ્ અન્કબુત
સૂરહ માટે અનુક્રમણિકા પેજ નંબર
 
કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં અલ્ મુખ્તસર ફી તફસીરિલ્ કુરઆનિલ્ કરીમ કિતાબનું અનુવાદ - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

તફસીર લિદ્ દિરાસતીલ્ કુરઆનિયહ કેન્દ્ર દ્વારા પ્રકાશિત.

બંધ કરો