કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, * - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા


શબ્દોનું ભાષાંતર આયત: (12) સૂરહ: અસ્ સજદહ
وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلۡمُجۡرِمُونَ نَاكِسُواْ رُءُوسِهِمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ رَبَّنَآ أَبۡصَرۡنَا وَسَمِعۡنَا فَٱرۡجِعۡنَا نَعۡمَلۡ صَٰلِحًا إِنَّا مُوقِنُونَ
Lilitaw ang mga salarin sa Araw ng Pagbangon samantalang sila ay mga hamak, na nakayuko ang mga ulo nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa pagkabuhay na muli. Makararamdam sila ng kahihiyan at magsasabi sila: "Panginoon namin, nakakita kami sa dati naming pinasisinungalingan na pagkabuhay na muli at nakarinig kami sa pagkatotoo ng inihatid ng mga sugo mula sa ganang Iyo. Kaya magpabalik Ka sa amin sa buhay na pangmundo, gagawa kami ng gawang maayos na nagpapalugod sa Iyo sa amin. Tunay na kami ay mga nakatitiyak ngayon sa pagkabuhay na muli at sa katapatan ng inihatid ng mga sugo." Kung sakaling nakita mo ang mga salarin sa kalagayang iyon, makakikita ka ng isang bagay na sukdulan.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• إيمان الكفار يوم القيامة لا ينفعهم؛ لأنها دار جزاء لا دار عمل.
Ang pananampalataya ng mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon ay hindi magpapakinabang sa kanila dahil iyon ay tahanan ng pagganti, hindi tahanan ng paggawa.

• خطر الغفلة عن لقاء الله يوم القيامة.
Ang panganib ng pagwawalang-bahala sa pakikipagkita kay Allāh sa Araw ng Pagbangon.

• مِن هدي المؤمنين قيام الليل.
Kabilang sa patnubay sa mga pananampalataya ang pagsasagawa ng qiyāmullayl (kusang-loob na pagdarasal sa gabi matapos ng dasal na `ishā').

 
શબ્દોનું ભાષાંતર આયત: (12) સૂરહ: અસ્ સજદહ
સૂરહ માટે અનુક્રમણિકા પેજ નંબર
 
કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

ફિલિપાઈન ભાષાત, સંક્ષિપ્ત કુરઆન મજીદની સમજુતી, તફસીર સેન્ટર દ્વારા જારી કરવામાં આવ્યું છે.

બંધ કરો