કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, * - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા


શબ્દોનું ભાષાંતર આયત: (40) સૂરહ: અલ્ માઇદહ
أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ يُعَذِّبُ مَن يَشَآءُ وَيَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Talaga ngang nakaalam ka, O Sugo, na si Allāh ay may-ari ng paghahari sa mga langit at lupa: gumagawa Siya sa mga ito ng anumang niloloob Niya, at na Siya ay nagpaparusa sa sinumang loloobin Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatawad sa sinumang loloobin Niya ayon sa kabutihang-loob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• حكمة مشروعية حد السرقة: ردع السارق عن التعدي على أموال الناس، وتخويف من عداه من الوقوع في مثل ما وقع فيه.
Ang kasanhian ng pagkaisinasabatas ng takdang parusa sa pagnanakaw ay para sa pagsawata sa magnanakaw sa paglabag sa mga ari-arian ng mga tao at pagpapangamba sa sinumang nilabag niya laban sa pagkakasadlak sa tulad ng kinasadlakan niya.

• قَبول توبة السارق ما لم يبلغ السلطان وعليه إعادة ما سرق، فإذا بلغ السلطان وجب الحكم، ولا يسقط بالتوبة.
Ang pagtanggap sa pagbabalik-loob ng magnanakaw ay hanggat hindi umabot sa pamahalaan. Kailangan sa kanya ang pagsasauli sa anumang ninakaw niya, ngunit kung umabot na ito sa pamahalaan, maoobliga ang kahatulan at hindi ito maaalis dahil sa pagbabalik-loob.

• يحسن بالداعية إلى الله ألَّا يحمل همًّا وغمًّا بسبب ما يحصل من بعض الناس مِن كُفر ومكر وتآمر؛ لأن الله تعالى يبطل كيد هؤلاء.
Nakabubuti sa tagaanyaya tungo kay Allāh na hindi magpatangay sa pagkabahala at dalamhati dahilan sa nangyayari sa iba sa mga tao gaya ng kawalang-pananampalataya, panlalansi, at sabwatan dahil si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay magpapawalang-saysay sa pakana ng mga ito.

• حِرص المنافقين على إغاظة المؤمنين بإظهار أعمال الكفر مع ادعائهم الإسلام.
Ang sigasig ng mga mapagpaimbabaw sa pagpapangitngit sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng paglalantad ng kawalang-pananampalataya kasabay ng pag-aangkin nila ng pagyakap sa Islām.

 
શબ્દોનું ભાષાંતર આયત: (40) સૂરહ: અલ્ માઇદહ
સૂરહ માટે અનુક્રમણિકા પેજ નંબર
 
કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

ફિલિપાઈન ભાષાત, સંક્ષિપ્ત કુરઆન મજીદની સમજુતી, તફસીર સેન્ટર દ્વારા જારી કરવામાં આવ્યું છે.

બંધ કરો