કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, * - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા


શબ્દોનું ભાષાંતર આયત: (152) સૂરહ: અલ્ અઅરાફ
إِنَّ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ ٱلۡعِجۡلَ سَيَنَالُهُمۡ غَضَبٞ مِّن رَّبِّهِمۡ وَذِلَّةٞ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُفۡتَرِينَ
Tunay na ang mga gumawa sa guya bilang diyos na sinasamba nila ay may tatama sa kanila na isang matinding galit mula sa Panginoon nila at isang pagkahamak sa buhay na ito dahil sa pagpapagalit nila sa Panginoon nila at panghahamak nila sa Kanya. Sa pamamagitan ng tulad ng ganting ito gaganti si Allāh sa mga tagagawa-gawa ng kasinungalingan laban sa Kanya.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• في الآيات دليل على أن الخطأ في الاجتهاد مع وضوح الأدلة لا يعذر فيه صاحبه عند إجراء الأحكام عليه، وهو ما يسميه الفقهاء بالتأويل البعيد.
Sa mga talata [ng Qur'ān] ay may patunay na ang pagkakamali sa ijtihād (pagsisikap na alamin ang kahatulan) sa kabila ng kaliwanagan ng mga patunay ay hindi napauumanhinan dito ang nagsasagawa nito sa sandali ng pagpapatupad ng mga kahatulan sa kanya. Ito ang tinatawag ng mga faqīh (dalubhasa sa Batas ng Islām) na ta'wīl ba`īd (malayong pagpapakahulugan).

• من آداب الدعاء البدء بالنفس، حيث بدأ موسى عليه السلام دعاءه فطلب المغفرة لنفسه تأدُّبًا مع الله فيما ظهر عليه من الغضب، ثم طلب المغفرة لأخيه فيما عسى أن يكون قد ظهر منه من تفريط أو تساهل في رَدْع عَبَدة العجل عن ذلك.
Kabilang sa mga kaasalan ng panalangin ang pagsisimula sa sarili yayamang nagsimula si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa panalangin niya sa paghingi ng kapatawaran para sa sarili niya bilang pagpipitagan kay Allāh dahil sa lumitaw sa kanya na galit. Pagkatapos humingi siya ng kapatawaran para sa kapatid niya dahil sa marahil may lumitaw nga mula rito na pagpapabaya at pagwawalang-bahala sa pagpigil sa mga mananamba ng guya sa gayon.

• التحذير من الغضب وسلطته على عقل الشخص؛ ولذلك نسب الله للغضب فعل السكوت كأنه هو الآمر والناهي.
Ang pagbibigay-babala laban sa galit at paghahari nito sa isip ng tao at dahil doon nag-ugnay si Allāh sa galit ng paggawa ng pananahimik na para bang iyan ay ang tagautos at ang tagasaway.

• ضرورة التوقي من غضب الله، وخوف بطشه، فانظر إلى مقام موسى عليه السلام عند ربه، وانظر خشيته من غضب ربه.
Ang pangangailangan sa pangingilag sa galit ni Allāh at pangangamba sa daluhong Niya, kaya tumingin ka sa katayuan ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ganang Panginoon niya at tumingin ka sa pagkatakot niya sa galit ng Panginoon niya.

 
શબ્દોનું ભાષાંતર આયત: (152) સૂરહ: અલ્ અઅરાફ
સૂરહ માટે અનુક્રમણિકા પેજ નંબર
 
કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

ફિલિપાઈન ભાષાત, સંક્ષિપ્ત કુરઆન મજીદની સમજુતી, તફસીર સેન્ટર દ્વારા જારી કરવામાં આવ્યું છે.

બંધ કરો