Check out the new design

કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં - રવ્વાદ ભાષાંતર કેન્દ્ર * - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: અલ્ કહફ   આયત:
قَالَ هَٰذَا رَحۡمَةٞ مِّن رَّبِّيۖ فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ رَبِّي جَعَلَهُۥ دَكَّآءَۖ وَكَانَ وَعۡدُ رَبِّي حَقّٗا
Nagsabi [si Dhulqarnayn]: “[Ang sagabal na] ito ay isang awa mula sa Panginoon ko; ngunit kapag dumating ang pangako ng Panginoon ko, gagawin Niya itong durog. Laging ang pangako ng Panginoon ko ay totoo.”
અરબી તફસીરો:
۞ وَتَرَكۡنَا بَعۡضَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ يَمُوجُ فِي بَعۡضٖۖ وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَجَمَعۡنَٰهُمۡ جَمۡعٗا
Mag-iiwan Kami sa iba sa kanila sa araw na iyon na dumadaluyong sa iba pa. Iihip sa tambuli saka magtitipon Kami sa kanila sa isang pagkakatipon.
અરબી તફસીરો:
وَعَرَضۡنَا جَهَنَّمَ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡكَٰفِرِينَ عَرۡضًا
Maglalahad Kami ng Impiyerno sa araw na iyon para sa mga tagatangging sumampalataya sa isang paglalahad.
અરબી તફસીરો:
ٱلَّذِينَ كَانَتۡ أَعۡيُنُهُمۡ فِي غِطَآءٍ عَن ذِكۡرِي وَكَانُواْ لَا يَسۡتَطِيعُونَ سَمۡعًا
[Sila] ang mga [taong] dati ang mga mata nila ay nasa isang takip palayo sa pag-aalaala sa Akin at sila dati ay hindi nakakakaya ng isang pagdinig.
અરબી તફસીરો:
أَفَحَسِبَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَن يَتَّخِذُواْ عِبَادِي مِن دُونِيٓ أَوۡلِيَآءَۚ إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا جَهَنَّمَ لِلۡكَٰفِرِينَ نُزُلٗا
Kaya nag-akala ba ang mga tumangging sumampalataya [kay Allāh] na makagawa sila sa mga alipin Ko bukod pa sa Akin bilang mga katangkilik? Tunay na Kami ay naglaan sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang tuluyan.
અરબી તફસીરો:
قُلۡ هَلۡ نُنَبِّئُكُم بِٱلۡأَخۡسَرِينَ أَعۡمَٰلًا
Sabihin mo: “Magbabalita kaya kami sa inyo hinggil sa mga pinakalugi sa mga gawain,
અરબી તફસીરો:
ٱلَّذِينَ ضَلَّ سَعۡيُهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَهُمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّهُمۡ يُحۡسِنُونَ صُنۡعًا
na mga nawala ang pinagsumikapan nila sa buhay na pangmundo habang sila ay nag-aakala na sila ay nagpapaganda sa paggawa?
અરબી તફસીરો:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ وَلِقَآئِهِۦ فَحَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فَلَا نُقِيمُ لَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَزۡنٗا
Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila at pakikipagkita sa Kanya kaya nawalang-kabuluhan ang mga gawain nila saka hindi Kami mag-uukol para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ng isang timbang.
અરબી તફસીરો:
ذَٰلِكَ جَزَآؤُهُمۡ جَهَنَّمُ بِمَا كَفَرُواْ وَٱتَّخَذُوٓاْ ءَايَٰتِي وَرُسُلِي هُزُوًا
Iyon ay ang ganti sa kanila: Impiyerno, dahil tumanggi silang sumampalataya at gumawa sila sa mga tanda Ko at mga sugo Ko bilang pangungutya.
અરબી તફસીરો:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ كَانَتۡ لَهُمۡ جَنَّٰتُ ٱلۡفِرۡدَوۡسِ نُزُلًا
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magiging ukol sa kanila ang mga Hardin ng Firdaws bilang tuluyan,
અરબી તફસીરો:
خَٰلِدِينَ فِيهَا لَا يَبۡغُونَ عَنۡهَا حِوَلٗا
bilang mga mananatili sa mga iyon, na hindi sila maghahangad palayo sa mga iyon ng isang paglipat.
અરબી તફસીરો:
قُل لَّوۡ كَانَ ٱلۡبَحۡرُ مِدَادٗا لِّكَلِمَٰتِ رَبِّي لَنَفِدَ ٱلۡبَحۡرُ قَبۡلَ أَن تَنفَدَ كَلِمَٰتُ رَبِّي وَلَوۡ جِئۡنَا بِمِثۡلِهِۦ مَدَدٗا
Sabihin mo: “Kung sakaling ang dagat ay tinta para sa mga salita ng Panginoon ko, talaga sanang naubos ang dagat bago maubos [isulat] ang mga salita ng Panginoon ko, kahit pa naghatid kami ng tulad nito na tinta.”
અરબી તફસીરો:
قُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يُوحَىٰٓ إِلَيَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ فَمَن كَانَ يَرۡجُواْ لِقَآءَ رَبِّهِۦ فَلۡيَعۡمَلۡ عَمَلٗا صَٰلِحٗا وَلَا يُشۡرِكۡ بِعِبَادَةِ رَبِّهِۦٓ أَحَدَۢا
Sabihin mo: “Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.”
અરબી તફસીરો:
 
શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: અલ્ કહફ
સૂરહ માટે અનુક્રમણિકા પેજ નંબર
 
કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં - રવ્વાદ ભાષાંતર કેન્દ્ર - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

રુવાદ ભાષાંતર કેન્દ્રની ટીમ દ્વારા અને રબ્વાહ ઇસ્લામિક પ્રચાર કાર્યાલય અને વિવિધ ભાષાઓમાં ઇસ્લામની સામગ્રી પ્રસ્તુત કરતું સંગઠનના સહયોગથી

બંધ કરો