Check out the new design

કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં - રવ્વાદ ભાષાંતર કેન્દ્ર * - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: અલ્ અન્કબુત   આયત:
وَقَٰرُونَ وَفِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مُّوسَىٰ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا كَانُواْ سَٰبِقِينَ
[Nagpahamak Kami] kina Qārūn, Paraon, at Hāmān. Talaga ngang naghatid sa kanila si Moises ng mga patunay na malinaw ngunit nagmalaki sila sa lupain at hindi sila noon mga nakauuna.[11]
[11] sa pagtakas sa parusa ni Allāh
અરબી તફસીરો:
فَكُلًّا أَخَذۡنَا بِذَنۢبِهِۦۖ فَمِنۡهُم مَّنۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِ حَاصِبٗا وَمِنۡهُم مَّنۡ أَخَذَتۡهُ ٱلصَّيۡحَةُ وَمِنۡهُم مَّنۡ خَسَفۡنَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ وَمِنۡهُم مَّنۡ أَغۡرَقۡنَاۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيَظۡلِمَهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Kaya sa bawat isa ay dumaklot Kami dahil sa pagkakasala nito sapagkat kabilang sa kanila[12] ay pinadalhan Namin ng isang unos ng mga bato, kabilang sa kanila[13] ay kinuha ng hiyaw, kabilang sa kanila[14] ay ipinalamon Namin sa lupa, at kabilang sa kanila[15] ay nilunod Namin. Hindi si Allāh naging ukol na lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.
[12] na mga kakabayan ni Lot
[13] na liping Thamūd at mga kalipi ni Shu`ayb
[14] na si Qārūn
[15] na mga kababaya nina Noe at Paraon
અરબી તફસીરો:
مَثَلُ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡلِيَآءَ كَمَثَلِ ٱلۡعَنكَبُوتِ ٱتَّخَذَتۡ بَيۡتٗاۖ وَإِنَّ أَوۡهَنَ ٱلۡبُيُوتِ لَبَيۡتُ ٱلۡعَنكَبُوتِۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Ang paghahalintulad sa mga gumawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga katangkilik[16] ay gaya ng paghahalintulad sa gagamba noong gumawa ito ng isang bahay. Tunay na ang pinakamarupok sa mga bahay ay talagang ang bahay ng gagamba, kung sakaling sila ay naging nakaaalam.
[16] bilang tagapagtanggol, tagapag-alag, tagapagligtas
અરબી તફસીરો:
إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya na anuman. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
અરબી તફસીરો:
وَتِلۡكَ ٱلۡأَمۡثَٰلُ نَضۡرِبُهَا لِلنَّاسِۖ وَمَا يَعۡقِلُهَآ إِلَّا ٱلۡعَٰلِمُونَ
Ang mga paghahalintulad na iyon ay inilalahad Namin para sa mga tao. Walang nakapag-uunawa sa mga ito kundi ang mga nakaaalam.
અરબી તફસીરો:
خَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya.
અરબી તફસીરો:
ٱتۡلُ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَۖ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ تَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِۗ وَلَذِكۡرُ ٱللَّهِ أَكۡبَرُۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تَصۡنَعُونَ
Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki.[17] Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo.
[17] sa lahat ng mga anyo ng pagsamba at sa pagpigil sa bawat masamang gawa
અરબી તફસીરો:
 
શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: અલ્ અન્કબુત
સૂરહ માટે અનુક્રમણિકા પેજ નંબર
 
કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં - રવ્વાદ ભાષાંતર કેન્દ્ર - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

રુવાદ ભાષાંતર કેન્દ્રની ટીમ દ્વારા અને રબ્વાહ ઇસ્લામિક પ્રચાર કાર્યાલય અને વિવિધ ભાષાઓમાં ઇસ્લામની સામગ્રી પ્રસ્તુત કરતું સંગઠનના સહયોગથી

બંધ કરો