Check out the new design

કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં - રવ્વાદ ભાષાંતર કેન્દ્ર * - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: આલિ ઇમરાન   આયત:
إِذۡ هَمَّت طَّآئِفَتَانِ مِنكُمۡ أَن تَفۡشَلَا وَٱللَّهُ وَلِيُّهُمَاۗ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
[Banggitin] noong may napipintong dalawang pangkat[14] kabilang sa inyo na mapanghinaan ng loob samantalang si Allāh ay Katangkilik ng dalawang ito. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
[14] ang angkan ng Salimah at ang angkan ng Ḥārithah
અરબી તફસીરો:
وَلَقَدۡ نَصَرَكُمُ ٱللَّهُ بِبَدۡرٖ وَأَنتُمۡ أَذِلَّةٞۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh sa [labanan sa] Badr habang kayo ay mga kaaba-aba; kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
અરબી તફસીરો:
إِذۡ تَقُولُ لِلۡمُؤۡمِنِينَ أَلَن يَكۡفِيَكُمۡ أَن يُمِدَّكُمۡ رَبُّكُم بِثَلَٰثَةِ ءَالَٰفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ مُنزَلِينَ
[Banggitin] noong nagsasabi ka sa mga sumasampalataya: “Hindi ba sasapat sa inyo na umayuda sa inyo ang Panginoon ninyo ng tatlong libong anghel, na mga pinabababa?
અરબી તફસીરો:
بَلَىٰٓۚ إِن تَصۡبِرُواْ وَتَتَّقُواْ وَيَأۡتُوكُم مِّن فَوۡرِهِمۡ هَٰذَا يُمۡدِدۡكُمۡ رَبُّكُم بِخَمۡسَةِ ءَالَٰفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ مُسَوِّمِينَ
Oo; kung magtitiis kayo, mangingilag kayong magkasala, at darating sila sa inyo dahil sa pag-aagad-agad nilang ito ay aayuda sa inyo ang Panginoon ninyo ng limang libong anghel na mga tinatakan.
અરબી તફસીરો:
وَمَا جَعَلَهُ ٱللَّهُ إِلَّا بُشۡرَىٰ لَكُمۡ وَلِتَطۡمَئِنَّ قُلُوبُكُم بِهِۦۗ وَمَا ٱلنَّصۡرُ إِلَّا مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ
Hindi gumawa nito si Allāh maliban bilang balitang nakagagalak para sa inyo at upang mapanatag ang mga puso ninyo dahil dito. Wala ang pagwawagi malibang mula sa ganang kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong,
અરબી તફસીરો:
لِيَقۡطَعَ طَرَفٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَوۡ يَكۡبِتَهُمۡ فَيَنقَلِبُواْ خَآئِبِينَ
upang pumutol Siya ng isang panig mula sa mga tumangging sumampalataya o sumupil sa kanila para mauuwi sila bilang mga bigo.
અરબી તફસીરો:
لَيۡسَ لَكَ مِنَ ٱلۡأَمۡرِ شَيۡءٌ أَوۡ يَتُوبَ عَلَيۡهِمۡ أَوۡ يُعَذِّبَهُمۡ فَإِنَّهُمۡ ظَٰلِمُونَ
Walang ukol sa iyo mula sa pag-uutos na anuman: na tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila o magparusa Siya sa kanila sapagkat tunay na sila ay mga tagalabag sa katarungan.
અરબી તફસીરો:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ يَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nagpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
અરબી તફસીરો:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَأۡكُلُواْ ٱلرِّبَوٰٓاْ أَضۡعَٰفٗا مُّضَٰعَفَةٗۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
O mga sumampalataya, huwag kayong kumain ng patubo, na mga ibayong pinag-ibayo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
અરબી તફસીરો:
وَٱتَّقُواْ ٱلنَّارَ ٱلَّتِيٓ أُعِدَّتۡ لِلۡكَٰفِرِينَ
Mangilag kayo sa Apoy na inihanda para sa mga tagatangging sumasampalataya.
અરબી તફસીરો:
وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan.
અરબી તફસીરો:
 
શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: આલિ ઇમરાન
સૂરહ માટે અનુક્રમણિકા પેજ નંબર
 
કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં - રવ્વાદ ભાષાંતર કેન્દ્ર - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

રુવાદ ભાષાંતર કેન્દ્રની ટીમ દ્વારા અને રબ્વાહ ઇસ્લામિક પ્રચાર કાર્યાલય અને વિવિધ ભાષાઓમાં ઇસ્લામની સામગ્રી પ્રસ્તુત કરતું સંગઠનના સહયોગથી

બંધ કરો