Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Fassarar Ma'anoni Sura: Al'taubah   Aya:
يَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ لَكُمۡ لِيُرۡضُوكُمۡ وَٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥٓ أَحَقُّ أَن يُرۡضُوهُ إِن كَانُواْ مُؤۡمِنِينَ
Nanunumpa sila kay Allāh para sa inyo upang magpalugod sila sa inyo samantalang si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na karapat-dapat na palugurin nila kung sila ay mga mananampalataya [talaga].
Tafsiran larabci:
أَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّهُۥ مَن يُحَادِدِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَأَنَّ لَهُۥ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدٗا فِيهَاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡخِزۡيُ ٱلۡعَظِيمُ
Hindi ba sila nakaalam na ang sinumang sumasalangsang kay Allāh at sa Sugo Niya[8] ay ukol sa kanya ang Apoy ng Impiyerno bilang mananatili roon? Iyon ay ang kahihiyang sukdulan.
[8] at namatay nang gayon
Tafsiran larabci:
يَحۡذَرُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ أَن تُنَزَّلَ عَلَيۡهِمۡ سُورَةٞ تُنَبِّئُهُم بِمَا فِي قُلُوبِهِمۡۚ قُلِ ٱسۡتَهۡزِءُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ مُخۡرِجٞ مَّا تَحۡذَرُونَ
Nangingilag ang mga mapagpaimbabaw na may ibaba sa kanila na isang kabanata [ng Qur’ān] na magbabalita sa kanila hinggil sa nasa mga puso nila. Sabihin mo: “Mangutya kayo; tunay na si Allāh ay magpapalabas sa pinangingilagan ninyo.”
Tafsiran larabci:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُمۡ لَيَقُولُنَّ إِنَّمَا كُنَّا نَخُوضُ وَنَلۡعَبُۚ قُلۡ أَبِٱللَّهِ وَءَايَٰتِهِۦ وَرَسُولِهِۦ كُنتُمۡ تَسۡتَهۡزِءُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila ay talagang magsasabi nga sila: “Dati kaming tumatalakay [sa kabulaanan] at naglalaro lamang.” Sabihin mo: “Kay Allāh, sa mga tanda Niya, at sa Sugo Niya ba dati kayong nangungutya?
Tafsiran larabci:
لَا تَعۡتَذِرُواْ قَدۡ كَفَرۡتُم بَعۡدَ إِيمَٰنِكُمۡۚ إِن نَّعۡفُ عَن طَآئِفَةٖ مِّنكُمۡ نُعَذِّبۡ طَآئِفَةَۢ بِأَنَّهُمۡ كَانُواْ مُجۡرِمِينَ
Huwag kayong magdahi-dahilan; tumanggi na kayong sumampalataya matapos ng pananampalataya ninyo. Kung magpapaumanhin Kami sa isang pangkatin kabilang sa inyo, magpaparusa Kami sa isang pangkatin dahil sila dati ay mga salarin.”
Tafsiran larabci:
ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتُ بَعۡضُهُم مِّنۢ بَعۡضٖۚ يَأۡمُرُونَ بِٱلۡمُنكَرِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَقۡبِضُونَ أَيۡدِيَهُمۡۚ نَسُواْ ٱللَّهَ فَنَسِيَهُمۡۚ إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw ay bahagi sila ng isa’t-isa. Nag-uutos sila ng nakasasama, sumasaway sila sa nakabubuti, at nagkukuyom sila ng mga kamay nila.[9] Lumimot sila kay Allāh kaya lumimot Siya sa kanila.[10] Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay ang mga suwail.
[9] Ibig sabihin: hindi sila nagbibigay ng kawanggawa alang-alang kay Allāh.
[10] Ibig sabihin: tumigil sila sa pagtalima kay Allāh at tumigil si Allāh sa pagtuon sa kanila sa tama.
Tafsiran larabci:
وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتِ وَٱلۡكُفَّارَ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ هِيَ حَسۡبُهُمۡۚ وَلَعَنَهُمُ ٱللَّهُۖ وَلَهُمۡ عَذَابٞ مُّقِيمٞ
Nangako si Allāh sa mga lalaking mapagpaimbabaw, mga babaing mapagpaimbabaw, at mga tagatangging sumampalataya ng Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Ito ay kasapatan sa kanila. Isinumpa sila ni Allāh. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mananatili.
Tafsiran larabci:
 
Fassarar Ma'anoni Sura: Al'taubah
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Wani gungu na cibiyar fassara ta Ruwad ne suka fassarasu tare da haɗin gwiwar Ƙungiyar Da'awa ta Rabwah da Kungiyar hidimtawa abinda Musulunci ya kunsa da yaruka

Rufewa