Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar Ruwwad ta Fassara * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Fassarar Ma'anoni Sura: Al'taubah   Aya:
ٱلتَّٰٓئِبُونَ ٱلۡعَٰبِدُونَ ٱلۡحَٰمِدُونَ ٱلسَّٰٓئِحُونَ ٱلرَّٰكِعُونَ ٱلسَّٰجِدُونَ ٱلۡأٓمِرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَٱلنَّاهُونَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَٱلۡحَٰفِظُونَ لِحُدُودِ ٱللَّهِۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
[Sila] ang mga nagbabalik-loob, na mga sumasamba, na mga nagpupuri, na mga nag-aayuno, na mga yumuyukod, na mga nagpapatirapa, na mga nag-uutos sa nakabubuti, na mga sumasaway sa nakasasama, at mga nag-iingat sa mga hangganan ni Allāh. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.
Tafsiran larabci:
مَا كَانَ لِلنَّبِيِّ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن يَسۡتَغۡفِرُواْ لِلۡمُشۡرِكِينَ وَلَوۡ كَانُوٓاْ أُوْلِي قُرۡبَىٰ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمۡ أَنَّهُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ
Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal [na namatay sa kawalang-pananampalataya], kahit pa man ang mga ito ay mga mayroong pagkakamag-anak, matapos na luminaw para sa kanila na ang mga ito ay mga maninirahan sa Impiyerno.
Tafsiran larabci:
وَمَا كَانَ ٱسۡتِغۡفَارُ إِبۡرَٰهِيمَ لِأَبِيهِ إِلَّا عَن مَّوۡعِدَةٖ وَعَدَهَآ إِيَّاهُ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُۥٓ أَنَّهُۥ عَدُوّٞ لِّلَّهِ تَبَرَّأَ مِنۡهُۚ إِنَّ إِبۡرَٰهِيمَ لَأَوَّٰهٌ حَلِيمٞ
Walang iba ang paghingi ng tawad ni Abraham para sa ama niya kundi dala ng isang kapangakuang ipinangako niya roon;, ngunit noong luminaw para sa kanya na iyon ay isang kaaway kay Allāh, nagpawalang-kaugnayan siya roon. Tunay na si Abraham ay talagang palataghoy, matimpiin.
Tafsiran larabci:
وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُضِلَّ قَوۡمَۢا بَعۡدَ إِذۡ هَدَىٰهُمۡ حَتَّىٰ يُبَيِّنَ لَهُم مَّا يَتَّقُونَۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ
Hindi nangyaring si Allāh ay ukol na magligaw sa mga tao matapos noong nagpatnubay Siya sa kanila hanggang sa nagpalinaw siya sa kanila ng pangingilagan nilang magkasala. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
Tafsiran larabci:
إِنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۚ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ
Tunay na si Allāh ay nagtataglay ng paghahari sa mga langit at lupa. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya.
Tafsiran larabci:
لَّقَد تَّابَ ٱللَّهُ عَلَى ٱلنَّبِيِّ وَٱلۡمُهَٰجِرِينَ وَٱلۡأَنصَارِ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ فِي سَاعَةِ ٱلۡعُسۡرَةِ مِنۢ بَعۡدِ مَا كَادَ يَزِيغُ قُلُوبُ فَرِيقٖ مِّنۡهُمۡ ثُمَّ تَابَ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّهُۥ بِهِمۡ رَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Talaga ngang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa Propeta, mga tagalikas, at mga tagaadya na mga sumunod sa kanya sa oras ng kagipitan matapos na halos lumiko ang mga puso ng isang pangkat kabilang sa kanila. Pagkatapos tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila. Tunay na Siya sa kanila ay Mahabagin, Maawain.
Tafsiran larabci:
 
Fassarar Ma'anoni Sura: Al'taubah
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar Ruwwad ta Fassara - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Fassara ta wani gungu na cibiyar fassara ta Ruwwad tare da haɗin gwiwar Ƙungiyar Da'awa ta Rabwah da Ƙungiyar Hidimar Abun ciki na Musulunci a harsuna.

Rufewa