Check out the new design

Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) * - Daftar isi terjemahan


Terjemahan makna Ayah: (111) Surah: Yūsuf
لَقَدۡ كَانَ فِي قَصَصِهِمۡ عِبۡرَةٞ لِّأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِۗ مَا كَانَ حَدِيثٗا يُفۡتَرَىٰ وَلَٰكِن تَصۡدِيقَ ٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَتَفۡصِيلَ كُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Talaga ngang sa mga kasaysayan ng mga sugo, mga kasaysayan ng mga kalipunan nila, at sa kasaysayan ni Jose at ng mga kapatid niya ay may naging pangaral na napangangaralan sa pamamagitan nito ang mga may isip na malusog. Ang Qur'ān na naglalaman niyon ay hindi naging isang pananalitang nilikha-likhang ipinagsinungaling laban kay Allāh. Bagkus ito ay naging isang pagpapatotoo para sa mga kasulatang makalangit na ibinaba mula sa ganang kay Allāh, isang pagdedetalye para sa bawat nangangailangan ng pagdedetalye na mga patakaran at mga batas, isang paggagabay para sa bawat mabuti, at isang awa para sa mga taong sumasampalataya rito sapagkat sila ay nakikinabang sa anumang narito.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• أن الداعية لا يملك تصريف قلوب العباد وحملها على الطاعات، وأن أكثر الخلق ليسوا من أهل الهداية.
Ang tagapag-anyaya sa pananampalataya ay hindi nakakakaya sa pagpapabaling sa mga puso ng mga tao at pagdadala sa mga ito sa mga pagtalima, at na ang higit na marami sa nilikha ay hindi kabilang sa mga karapat-dapat sa kapatnubayan.

• ذم المعرضين عن آيات الله الكونية ودلائل توحيده المبثوثة في صفحات الكون.
Ang pagpupula sa mga tagaayaw sa mga tandang pangsansinukob ni Allāh at mga patunay ng paniniwala sa kaisahan Niya, na nakakalat sa mga pahina ng Sansinukob .

• شملت هذه الآية ﴿ قُل هَذِهِ سَبِيلِي...﴾ ذكر بعض أركان الدعوة، ومنها: أ- وجود منهج:﴿ أَدعُواْ إِلَى اللهِ ﴾. ب - ويقوم المنهج على العلم: ﴿ عَلَى بَصِيرَةٍ﴾. ج - وجود داعية: ﴿ أَدعُواْ ﴾ ﴿أَنَا﴾. د - وجود مَدْعُوِّين: ﴿ وَمَنِ اتَّبَعَنِي ﴾.
Sumaklaw ang talatang ito (Qur'ān 12:108): "Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo kay Allāh batay sa pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin." sa pagbanggit sa ilan sa mga saligan ng pag-aanyaya sa pananampalataya. Kabilang sa mga ito: A. Pagkakaroon ng isang metodolohiya: "nag-aanyaya ako tungo kay Allāh;" B. Nakasalig ang metodolohiya sa kaalaman: "ayon sa pagkatalos;" C. Pagkakaroon ng isang tagapag-anyaya: "nag-aanyaya ako;" D. Pagkakaroon ng mga inaanyayahan: "ang sinumang sumunod sa akin."

 
Terjemahan makna Ayah: (111) Surah: Yūsuf
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) - Daftar isi terjemahan

Diterbitkan oleh Markaz Tafsīr Li Ad-Dirasāt Al-Qur`āniyyah.

Tutup