Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) * - Daftar isi terjemahan


Terjemahan makna Ayah: (143) Surah: Surah Āli 'Imrān
وَلَقَدۡ كُنتُمۡ تَمَنَّوۡنَ ٱلۡمَوۡتَ مِن قَبۡلِ أَن تَلۡقَوۡهُ فَقَدۡ رَأَيۡتُمُوهُ وَأَنتُمۡ تَنظُرُونَ
Talaga ngang kayo noon, O mga mananampalataya, ay nagmimithi ng pakikipagkita sa mga tagatangging sumampalataya upang magtamo kayo ng pagkamartir sa landas ni Allāh gaya ng pagkatamo nito ng mga kapatid ninyo sa Araw ng Badr bago pa kayo nakipagharap sa mga kadahilanan ng kamatayan at katindihan nito. Heto, nakakita nga kayo sa Araw ng Uḥud ng minithi ninyo habang kayo ay nakatingin doon nang mata sa mata.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• الابتلاء سُنَّة إلهية يتميز بها المجاهدون الصادقون الصابرون من غيرهم.
Ang pagsubok ay isang kalakarang pandiyos na namumukod dito ang mga nakikibakang tapat na nagtitiis kaysa sa iba sa kanila.

• يجب ألا يرتبط الجهاد في سبيل الله والدعوة إليه بأحد من البشر مهما علا قدره ومقامه.
Kinakailangan na hindi maugnay ang pakikibaka sa landas ni Allāh at ang pag-aanyaya tungo sa Kanya sa isa man sa mga tao maging gaano man kataas ang pagpapahalaga sa kanya at ang katayuan niya.

• أعمار الناس وآجالهم ثابتة عند الله تعالى، لا يزيدها الحرص على الحياة، ولا ينقصها الإقدام والشجاعة.
Ang mga edad ng mga tao at ang mga taning nila ay permanente sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Hindi ito nadaragdagan ng sigasig sa buhay at hindi ito nababawasan ng paglalakas-loob at katapangan.

• تختلف مقاصد الناس ونياتهم، فمنهم من يريد ثواب الله، ومنهم من يريد الدنيا، وكلٌّ سيُجازَى على نيَّته وعمله.
Nagkakaiba-iba ang mga pakay ng mga tao at ang mga layunin nila sapagkat mayroon sa kanila na nagnanais ng gantimpala ni Allāh at mayroon sa kanila na nagnanais ng kamunduhan. Ang bawat isa ay gagantihan ayon sa layunin niya at gawa niya.

 
Terjemahan makna Ayah: (143) Surah: Surah Āli 'Imrān
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) - Daftar isi terjemahan

Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog). Diterbitkan oleh Markaz Tafsīr Li Ad-Dirasāt Al-Qur`āniyyah.

Tutup