Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) * - Daftar isi terjemahan


Terjemahan makna Surah: Surah Al-Aḥzāb   Ayah:

Al-Ahzāb

Tujuan Pokok Surah Ini:
بيان عناية الله بنبيه صلى الله عليه وسلم، وحماية جنابه وأهل بيته.
Ang paglilinaw sa pangangalaga ni Allāh sa Propeta Niya – basbasan Niya ito at batiin ng kapayapaan – at pag-iingat sa pagkatao nito at sambahayan nito.

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ ٱتَّقِ ٱللَّهَ وَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
O Propeta, magpakatatag ka at ang sinumang kasama sa iyo sa pangingilag sa pagkakasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Mangamba ka sa Kanya lamang. Huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw sa pinipithaya ng mga sarili nila. Tunay na si Allāh ay laging Maalam sa anumang ipinapakana ng mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.
Tafsir berbahasa Arab:
وَٱتَّبِعۡ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا
Sumunod ka sa ibinababa sa iyo ng Panginoon mo mula sa pagkasi. Tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakalulusot sa Kanya mula roon na anuman at gaganti sa inyo sa mga gawain ninyo.
Tafsir berbahasa Arab:
وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلٗا
Sumandal ka kay Allāh lamang sa mga nauukol sa iyo sa kabuuan ng mga ito. Nakasapat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – bilang Tagapangalaga para sa sinumang nanalig sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya.
Tafsir berbahasa Arab:
مَّا جَعَلَ ٱللَّهُ لِرَجُلٖ مِّن قَلۡبَيۡنِ فِي جَوۡفِهِۦۚ وَمَا جَعَلَ أَزۡوَٰجَكُمُ ٱلَّٰٓـِٔي تُظَٰهِرُونَ مِنۡهُنَّ أُمَّهَٰتِكُمۡۚ وَمَا جَعَلَ أَدۡعِيَآءَكُمۡ أَبۡنَآءَكُمۡۚ ذَٰلِكُمۡ قَوۡلُكُم بِأَفۡوَٰهِكُمۡۖ وَٱللَّهُ يَقُولُ ٱلۡحَقَّ وَهُوَ يَهۡدِي ٱلسَّبِيلَ
Hindi naglagay si Allāh ng dalawang puso sa dibdib ng iisang lalaki at gayon din hindi Siya naglagay sa mga maybahay sa antas ng mga ina sa pagbabawal. Hindi Siya gumawa, gayon din, sa mga anak sa pag-aampon sa antas ng mga anak sa laman. Kaya tunay na ang dhihār – ang pagbabawal ng lalaki sa maybahay niya sa sarili niya gaya ng ina niya at babaing kapatid niya – at gayon din ang pag-aampon ay kabilang sa mga kaugalian ng Panahon ng Kamangmangan na pinawalang-saysay ng Islām. Ang dhihār at ang pag-aampon na iyon ay isang sinasabing inuulit-ulit ninyo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo gayong walang reyalidad doon sapagkat ang maybahay ay hindi isang ina [ninyo] ni ang ampon ay isang anak para sa sinumang nag-angkin nito. Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagsasabi ng totoo upang gumawa ayon dito ang mga lingkod Niya at Siya ay gumagabay tungo sa daan ng katotohanan.
Tafsir berbahasa Arab:
ٱدۡعُوهُمۡ لِأٓبَآئِهِمۡ هُوَ أَقۡسَطُ عِندَ ٱللَّهِۚ فَإِن لَّمۡ تَعۡلَمُوٓاْ ءَابَآءَهُمۡ فَإِخۡوَٰنُكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَمَوَٰلِيكُمۡۚ وَلَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٞ فِيمَآ أَخۡطَأۡتُم بِهِۦ وَلَٰكِن مَّا تَعَمَّدَتۡ قُلُوبُكُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمًا
Mag-ugnay kayo sa mga inaangkin ninyo na sila ay mga anak ninyo sa mga ama nilang tunay sapagkat ang pag-uugnay sa kanila sa mga ito ay ang katarungan sa ganang kay Allāh. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam para sa kanila ng mga ama na maiuugnay ninyo sila sa mga ito, sila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga pinalaya ninyo mula sa pagkaalipin. Kaya tumawag kayo sa [bawat] isa sa kanila na "O kapatid" at "O pinsan." Walang kasalanan sa inyo kapag nagkamali ang isa sa inyo saka nag-ugnay siya sa isang inaangking anak sa nag-aangking ama nito, subalit nagkakasala kayo sa pagsasadya ng pagsambit niyon. Laging si Allāh ay Mapagpatawad para sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang hindi Siya nanisi sa kanila dahil sa kamalian.
Tafsir berbahasa Arab:
ٱلنَّبِيُّ أَوۡلَىٰ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ مِنۡ أَنفُسِهِمۡۖ وَأَزۡوَٰجُهُۥٓ أُمَّهَٰتُهُمۡۗ وَأُوْلُواْ ٱلۡأَرۡحَامِ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلَىٰ بِبَعۡضٖ فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُهَٰجِرِينَ إِلَّآ أَن تَفۡعَلُوٓاْ إِلَىٰٓ أَوۡلِيَآئِكُم مَّعۡرُوفٗاۚ كَانَ ذَٰلِكَ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَسۡطُورٗا
Si Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay higit na may karapatan sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila sa bawat ipinaanyaya niya sa kanila, kahit pa man ang mga sarili nila ay higit na kumikiling sa iba pa rito. Ang mga maybahay niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay nasa antas ng mga ina ng lahat ng mga mananampalataya kaya ipinagbabawal sa isang mananampalataya na mapangasawa ang isa sa kanila matapos ng pagkamatay niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang mga may pagkakamag-anak, ang iba sa kanila ay higit na may karapatan sa iba sa pagmamana ayon sa patakaran ni Allāh kaysa sa mga may pananampalataya at paglikas sa landas ni Allāh. Sila noon ay nagmamanahan sa pagitan nila sa simula ng Islām, pagkatapos pinawalang-saysay ang pagmamanahan nila matapos niyon, maliban na gumawa kayo, O mga mananampalataya, sa mga katangkilik ninyo kabilang sa hindi mga tagapagmana ng isang nakabubuti na paghahabilin para sa kanila at paggawa ng maganda sa kanila sapagkat ukol sa inyo iyon. Noon pa man ang kahatulang iyon ay nakatitik sa Tablerong Pinag-iingatan kaya kinakailangan ang paggawa ayon doon.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• لا أحد أكبر من أن يُؤْمر بالمعروف ويُنْهى عن المنكر.
Walang isang higit na dakila na hindi utusan ng nakabubuti at hindi sawayin sa nakasasama.

• رفع المؤاخذة بالخطأ عن هذه الأمة.
Ang pag-aalis ng paninisi dahil sa kamalian sa Kalipunang ito ng Islām.

• وجوب تقديم مراد النبي صلى الله عليه وسلم على مراد الأنفس.
Ang pagkatungkulin ng pagpapauna sa ninanais ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – higit sa ninanais ng mga tao.

• بيان علو مكانة أزواج النبي صلى الله عليه وسلم، وحرمة نكاحهنَّ من بعده؛ لأنهن أمهات للمؤمنين.
Ang paglilinaw sa kataasan ng katayuan ng mga maybahay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang pagkabawal ng pag-aasawa sa kanila matapos niya.

وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مِيثَٰقَهُمۡ وَمِنكَ وَمِن نُّوحٖ وَإِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَى ٱبۡنِ مَرۡيَمَۖ وَأَخَذۡنَا مِنۡهُم مِّيثَٰقًا غَلِيظٗا
Banggitin mo, O Sugo, noong tumanggap si Allāh mula sa mga propeta ng isang kasunduang binigyang-diin na sumamba sila kay Allāh lamang at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at na magpaabot sila ng pinababa Niya sa kanila mula sa kasi. Tumanggap Siya, lalo na, mula sa iyo, at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Jesus na anak ni Maria. Tumanggap si Allāh mula sa kanila ng isang kasunduang binigyang-diin sa pagtupad sa ipinagkatiwala sa kanila na pagpapaabot sa mga pasugo Niya.
Tafsir berbahasa Arab:
لِّيَسۡـَٔلَ ٱلصَّٰدِقِينَ عَن صِدۡقِهِمۡۚ وَأَعَدَّ لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابًا أَلِيمٗا
Tumanggap si Allāh sa kasunduang binigyang-diin na ito mula sa mga propeta upang magtanong Siya sa mga tapat kabilang sa mga sugo tungkol sa katapatan nila bilang paninisi para sa mga tagatangging sumampalataya. Naghanda si Allāh para sa mga tagatangging sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya sa Araw ng Pagbangon ng isang pagdurusang nakasasakit, ang apoy ng Impiyerno.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ جَآءَتۡكُمۡ جُنُودٞ فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا وَجُنُودٗا لَّمۡ تَرَوۡهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرًا
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo nang dumating sa Madīnah ang mga kawal ng mga tagatangging sumampalataya, na mga nagbuklud-buklod sa pakikipaglaban sa inyo. Sumuporta sa kanila ang mga mapagpaimbabaw at ang mga Hudyo kaya nagpadala sa kanila ng isang hangin, ang hangin ng silanganing hangin, na ipinang-adya sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Nagpadala Siya ng mga kawal kabilang sa mga anghel na hindi ninyo nakita kaya tumalikod ang mga tagatangging sumampalataya habang mga tumatakas na hindi nakakakaya sa anuman. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon at gaganti sa inyo sa mga gawa ninyo.
Tafsir berbahasa Arab:
إِذۡ جَآءُوكُم مِّن فَوۡقِكُمۡ وَمِنۡ أَسۡفَلَ مِنكُمۡ وَإِذۡ زَاغَتِ ٱلۡأَبۡصَٰرُ وَبَلَغَتِ ٱلۡقُلُوبُ ٱلۡحَنَاجِرَ وَتَظُنُّونَ بِٱللَّهِ ٱلظُّنُونَا۠
Iyon ay nang dumating sa inyo ang mga tagatangging sumampalataya mula sa pinakamataas ng lambak at mula sa pinakamababa niyon mula sa mga dako ng silangan at kanluran. Sa sandaling iyon ay kumiling ang mga paningin palayo sa bawat bagay maliban sa palayo sa pagtingin sa kaaway ng mga ito at umabot ang mga puso sa mga lalamunan dahil sa tindi ng pangamba. Nagpapalagay kayo kay Allāh ng mga palagay na nagkakaiba-iba, kaya minsan ay nagpapalagay kayo ng pag-aadya at minsan naman ay nagpapalagay kayo ng kawalang-pag-asa sa Kanya.
Tafsir berbahasa Arab:
هُنَالِكَ ٱبۡتُلِيَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَزُلۡزِلُواْ زِلۡزَالٗا شَدِيدٗا
Sa kinatitindigang iyon sa Labanan sa Bambang sinubok ang mga mananampalataya dahil sa dinanas nila na pagsagpang ng mga kaaway nila sa kanila. Naligalig sila nang matinding pagkaligalig dahil sa tindi ng pangamba. Napaglinawan sa pamamagitan ng pagsubok na ito ang mananampalataya at ang mapagpaimbabaw.
Tafsir berbahasa Arab:
وَإِذۡ يَقُولُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ مَّا وَعَدَنَا ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥٓ إِلَّا غُرُورٗا
Nang araw na iyon, nagsabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mahihina ang pananampalataya na sa mga puso nila ay may pagdududa: "Walang ipinangako sa amin si Allāh at ang Sugo Niya na pag-aadya laban sa kaaway namin at pagbibigay-kapangyarihan para sa amin sa lupa kundi isang kabulaanang walang batayan.
Tafsir berbahasa Arab:
وَإِذۡ قَالَت طَّآئِفَةٞ مِّنۡهُمۡ يَٰٓأَهۡلَ يَثۡرِبَ لَا مُقَامَ لَكُمۡ فَٱرۡجِعُواْۚ وَيَسۡتَـٔۡذِنُ فَرِيقٞ مِّنۡهُمُ ٱلنَّبِيَّ يَقُولُونَ إِنَّ بُيُوتَنَا عَوۡرَةٞ وَمَا هِيَ بِعَوۡرَةٍۖ إِن يُرِيدُونَ إِلَّا فِرَارٗا
Banggitin mo, O Sugo, nang may isang pangkat kabilang sa mga mapagpaimbabaw na nagsabi sa mga mamamayan sa Madīnah: "O mga mamamayan ng Yathrib (ang pangalan ng Madīnah bago ng Islām), walang pananatili para sa inyo sa tabi ng paanan ng burol ng Sal` malapit sa bambang kaya bumalik kayo sa mga tirahan ninyo." May humihiling na isang pangkatin kabilang sa kanila ng pahintulot mula sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na lumisan sila patungo sa mga bahay nila sa pagdadahilang ang mga bahay nila ay nakalantad sa kaaway samantalang ang mga iyon ay hindi nakalantad gaya ng pinagsasabi nila. Ninanais lamang nila sa pagdadahilang sinungaling na ito ang tumakas mula sa kaaway.
Tafsir berbahasa Arab:
وَلَوۡ دُخِلَتۡ عَلَيۡهِم مِّنۡ أَقۡطَارِهَا ثُمَّ سُئِلُواْ ٱلۡفِتۡنَةَ لَأٓتَوۡهَا وَمَا تَلَبَّثُواْ بِهَآ إِلَّا يَسِيرٗا
Kung sakaling nakapasok ang kaaway sa kanila sa Madīnah mula sa lahat ng mga dako at humiling sa kanila ng panunumbalik sa kawalang-pananampalataya at pagtatambal kay Allāh ay talaga sanang nagbigay sila niyon sa kaaway nila at hindi sila napigilan sa pagtalikod at sa pag-urong pabalik sa kawalang-pananampalataya kundi nang kaunti
Tafsir berbahasa Arab:
وَلَقَدۡ كَانُواْ عَٰهَدُواْ ٱللَّهَ مِن قَبۡلُ لَا يُوَلُّونَ ٱلۡأَدۡبَٰرَۚ وَكَانَ عَهۡدُ ٱللَّهِ مَسۡـُٔولٗا
Talaga ngang nangyaring ang mga mapagpaimbabaw na ito ay nakipagkasunduan kay Allāh matapos ng pagtakas nila sa Araw ng Uḥud mula sa pakikipaglaban. Talagang kung nagpasaksi sa kanila si Allāh ng iba pang pakikipaglaban ay talagang makikipaglaban nga sila sa kaaway nila at hindi sila tatakas dala ng pangamba sa mga iyon, subalit sila ay sumira. Laging ang tao ay pananagutin tungkol sa anumang pakikipagkasunduan niya kay Allāh at pananagutin siya roon.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• منزلة أولي العزم من الرسل.
Ang antas ng mga may pagpapasya kabilang sa mga sugo.

• تأييد الله لعباده المؤمنين عند نزول الشدائد.
Ang pag-alalay ni Allāh sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya sa sandali ng pagbaba ng mga kasawian.

• خذلان المنافقين للمؤمنين في المحن.
Ang pagtatatwa ng mga mapagpaimbabaw sa mga mananampalataya sa mga sigalot.

قُل لَّن يَنفَعَكُمُ ٱلۡفِرَارُ إِن فَرَرۡتُم مِّنَ ٱلۡمَوۡتِ أَوِ ٱلۡقَتۡلِ وَإِذٗا لَّا تُمَتَّعُونَ إِلَّا قَلِيلٗا
Sabihin mo, O Sugo, sa mga ito: "Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagtakas kung tumakas kayo sa pakikipaglaban dahil sa pangamba sa kamatayan o sa pagkapatay dahil ang mga taning [ng buhay] ay nakatakda. Kapag tumakas kayo at hindi pa dumating ang taning ninyo, tunay na kayo ay hindi magtatamasa sa buhay kundi sa kaunting panahon."
Tafsir berbahasa Arab:
قُلۡ مَن ذَا ٱلَّذِي يَعۡصِمُكُم مِّنَ ٱللَّهِ إِنۡ أَرَادَ بِكُمۡ سُوٓءًا أَوۡ أَرَادَ بِكُمۡ رَحۡمَةٗۚ وَلَا يَجِدُونَ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino itong magtatanggol sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng kinasusuklaman ninyo na kamatayan o pagkapatay, o nagnais Siya sa inyo ng inaasahan ninyo na pagkaligtas at kabutihan? Walang isang magtatanggol sa inyo laban doon." Hindi makatatagpo ang mga mapagpaimbabaw na ito para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang tagatangkilik na tatangkilik sa nauukol sa kanila ni ng isang mapag-adya na magtatanggol sa kanila laban sa parusa ni Allāh para sa kanila.
Tafsir berbahasa Arab:
۞ قَدۡ يَعۡلَمُ ٱللَّهُ ٱلۡمُعَوِّقِينَ مِنكُمۡ وَٱلۡقَآئِلِينَ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ هَلُمَّ إِلَيۡنَاۖ وَلَا يَأۡتُونَ ٱلۡبَأۡسَ إِلَّا قَلِيلًا
Nakaaalam si Allāh sa mga tagapagpatamlay kabilang sa inyo sa iba pa sa inyo sa pakikipaglaban kasama sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at mga tagasabi sa mga kapatid nila: "Halikayo sa amin at huwag tayong makipaglaban kasama sa kanya upang hindi kayo mapatay sapagkat tunay na kami ay nangangamba para sa inyo ng pagkapatay." Ang mga tagapagpahina ng loob na ito ay hindi pumupunta sa digmaan at hindi nakikilahok doon malibang madalang upang magtulak sila palayo sa mga sarili nila ng kahihiyan hindi upang mag-adya sila kay Allāh at sa Sugo Niya.
Tafsir berbahasa Arab:
أَشِحَّةً عَلَيۡكُمۡۖ فَإِذَا جَآءَ ٱلۡخَوۡفُ رَأَيۡتَهُمۡ يَنظُرُونَ إِلَيۡكَ تَدُورُ أَعۡيُنُهُمۡ كَٱلَّذِي يُغۡشَىٰ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡمَوۡتِۖ فَإِذَا ذَهَبَ ٱلۡخَوۡفُ سَلَقُوكُم بِأَلۡسِنَةٍ حِدَادٍ أَشِحَّةً عَلَى ٱلۡخَيۡرِۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَمۡ يُؤۡمِنُواْ فَأَحۡبَطَ ٱللَّهُ أَعۡمَٰلَهُمۡۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٗا
Habang mga maramot sa inyo, O kapulungan ng mga mananampalataya, ng mga yaman nila kaya hindi sila tumutulong sa inyo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga ito, mga maramot ng mga sarili nila kaya hindi sila nakikipaglaban kasama sa inyo, at mga maramot ng pagmamahal nila kaya hindi sila nagmamahal sa inyo. Ngunit kapag dumating ang pangamba sa sandali ng pakikipagharap sa kaaway, makakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo, O Sugo, na umiikot ang mga mata nila dahil sa karuwagan tulad ng pag-ikot ng mga mata ng nagdurusa sa mga hapdi ng paghihingalo; ngunit kapag umalis sa kanila ang pangamba at napanatag sila ay nananakit sila sa inyo sa pananalita sa pamamagitan ng mga dilang bastos. Mga sakim sa mga samsam sa digmaan, naghahanap sila ng mga ito. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay hindi sumampalataya nang totohanan kaya nagpawalang-saysay si Allāh sa gantimpala ng mga gawa nila. Laging ang pagwawalang-saysay na iyon ay madali kay Allāh.
Tafsir berbahasa Arab:
يَحۡسَبُونَ ٱلۡأَحۡزَابَ لَمۡ يَذۡهَبُواْۖ وَإِن يَأۡتِ ٱلۡأَحۡزَابُ يَوَدُّواْ لَوۡ أَنَّهُم بَادُونَ فِي ٱلۡأَعۡرَابِ يَسۡـَٔلُونَ عَنۡ أَنۢبَآئِكُمۡۖ وَلَوۡ كَانُواْ فِيكُم مَّا قَٰتَلُوٓاْ إِلَّا قَلِيلٗا
Nagpapalagay ang mga duwag na ito na ang mga lapiang nagpapangkat para sa pakikipaglaban sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at pakikipaglaban sa mga mananampalataya ay hindi aalis hanggang sa mapuksa nila ang mga mananampalataya. Kung naitakda na dumating ang mga lapian sa isa pang pagkakataon ay magmimithi ang mga mapagpaimbabaw na ito na sila ay mga nakalabas sa Madīnah kasama ng mga Arabeng disyerto, habang nagtatanong tungkol sa mga ulat sa inyo: kung ano ang nangyari sa inyo matapos ng pakikipaglaban ng kaaway ninyo sa inyo? Kung sakaling sila ay nasa inyo, O mga mananampalataya, hindi sila makikipaglaban kasama sa inyo kundi nang kaunti kaya huwag kayong pumansin sa kanila at huwag kayong magdalamhati para sa kanila.
Tafsir berbahasa Arab:
لَّقَدۡ كَانَ لَكُمۡ فِي رَسُولِ ٱللَّهِ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ لِّمَن كَانَ يَرۡجُواْ ٱللَّهَ وَٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَ وَذَكَرَ ٱللَّهَ كَثِيرٗا
Talaga ngang nagkaroon kayo sa sinabi ng Sugo ni Allāh, isinagawa niya, at ginawa niya ng isang ulirang maganda sapagkat nagpadalo nga siya ng sarili niyang marangal at nagsabalikat siya ng digmaan kaya papaano kayong magdaramot matapos niyon ng mga sarili ninyo sa sarili niya? Walang nagsasahuwaran sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kundi ang sinumang nag-aasam sa gantimpala ni Allāh at awa Niya, nag-aasam sa Huling Araw, gumagawa para roon, at umalaala kay Allāh nang madalas. Hinggil naman sa hindi nag-aasam sa Huling Araw at hindi nag-aalaala kay Allāh nang madalas, tunay na siya ay hindi nagsasahuwaran sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Tafsir berbahasa Arab:
وَلَمَّا رَءَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلۡأَحۡزَابَ قَالُواْ هَٰذَا مَا وَعَدَنَا ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَصَدَقَ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥۚ وَمَا زَادَهُمۡ إِلَّآ إِيمَٰنٗا وَتَسۡلِيمٗا
Noong napagmasdan ng mga mananampalataya ang mga lapiang nagtitipon para sa pakikipaglaban sa kanila ay nagsabi sila: "Ito ay ang ipinangako sa atin ni Allāh at ng Sugo Niya na pagsubok, mga ligalig, at pagwawagi. Nagpakatapat si Allāh at ang Sugo Niya hinggil dito sapagkat nagkatotoo ito." Walang naidagdag sa kanila ang pagkamasid nila sa mga lapian kundi pananampalataya kay Allāh at pagpapaakay sa Kanya.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• الآجال محددة؛ لا يُقَرِّبُها قتال، ولا يُبْعِدُها هروب منه.
Ang mga taning [ng buhay] ay tinakdaan: hindi napalalapit ang mga ito ng isang pakikipaglaban at hindi napalalayo ang mga ito ng isang pagtakas mula roon.

• التثبيط عن الجهاد في سبيل الله شأن المنافقين دائمًا.
Ang pagpapatamlay sa pakikibaka sa landas ni Allāh ay gawi ng mga mapagpaimbabaw palagi.

• الرسول صلى الله عليه وسلم قدوة المؤمنين في أقواله وأفعاله.
Ang Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay uliran ng mga mananampalataya sa mga sinasabi niya at mga ginagawa niya.

• الثقة بالله والانقياد له من صفات المؤمنين.
Ang pagtitiwala kay Allāh at ang pagpapaakay sa Kanya ay kabilang sa mga katangian ng mga mananampalataya.

مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ رِجَالٞ صَدَقُواْ مَا عَٰهَدُواْ ٱللَّهَ عَلَيۡهِۖ فَمِنۡهُم مَّن قَضَىٰ نَحۡبَهُۥ وَمِنۡهُم مَّن يَنتَظِرُۖ وَمَا بَدَّلُواْ تَبۡدِيلٗا
Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat kay Allāh kaya tumupad sila sa ipinangako nila sa Kanya na pagpapakatatag at pagtitiis sa pakikibaka sa landas Niya sapagkat mayroon sa kanila na namatay o napatay sa landas Niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa ng pagkamartir sa landas Niya. Hindi binago ng mga mananampalatayang ito ang ipinangako nila kay Allāh tulad ng ginawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga pangako ng mga iyon.
Tafsir berbahasa Arab:
لِّيَجۡزِيَ ٱللَّهُ ٱلصَّٰدِقِينَ بِصِدۡقِهِمۡ وَيُعَذِّبَ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ إِن شَآءَ أَوۡ يَتُوبَ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
[Ito ay] upang gantihan ni Allāh ang mga tapat na tumupad sa ipinangako nila kay Allāh dahil sa katapatan nila at pagtupad nila sa mga pangako nila, at pagdusahin Niya ang mga mapagpaimbabaw na sumisira sa mga pangako nila kung niloob Niya na magbigay-kamatayan sa kanila bago ng pagbabalik-loob mula sa kawalang-pananampalataya nila o tumanggap sa kanila ng pagbabalik-loob sa pamamagitan ng pagtutuon sa kanila sa pagbabalik-loob. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob mula sa mga pagkakasala nito, Maawain dito.
Tafsir berbahasa Arab:
وَرَدَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِغَيۡظِهِمۡ لَمۡ يَنَالُواْ خَيۡرٗاۚ وَكَفَى ٱللَّهُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱلۡقِتَالَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ قَوِيًّا عَزِيزٗا
Nagpaurong si Allāh sa [liping] Quraysh, [liping] Ghaṭafān, at mga kasama sa kanila habang nasa pagdadalamhati nila at pagkahapis nila dahil sa pagkaalpas sa kanila ng inasahan nila, na hindi nagkamit ng ninais nila na paglipol sa mga mananampalataya. Nakasapat si Allāh sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban kasama sa kanila dahil sa ipinadala Niya na hangin at pinababa Niya na mga anghel. Laging si Allāh ay Malakas, Makapangyarihang walang nakikipanaig sa Kanya na isa man malibang nadadaig Niya at itinatatwa Niya.
Tafsir berbahasa Arab:
وَأَنزَلَ ٱلَّذِينَ ظَٰهَرُوهُم مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ مِن صَيَاصِيهِمۡ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلرُّعۡبَ فَرِيقٗا تَقۡتُلُونَ وَتَأۡسِرُونَ فَرِيقٗا
Nagpababa si Allāh sa mga tumulong sa kanila kabilang sa mga Hudyo mula sa mga kuta ng mga iyon na pinagkukutahan nila laban sa kaaway ng mga iyon. Pumukol Siya ng pangamba sa mga sarili ng mga iyon kaya may isang pangkat na pinapatay ninyo, O mga mananampalataya, at may isang pangkat na binibihag ninyo.
Tafsir berbahasa Arab:
وَأَوۡرَثَكُمۡ أَرۡضَهُمۡ وَدِيَٰرَهُمۡ وَأَمۡوَٰلَهُمۡ وَأَرۡضٗا لَّمۡ تَطَـُٔوهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٗا
Pinagmay-ari kayo ni Allāh, matapos ng pagkapahamak nila, ng lupain nila kalakip ng nilalaman nito na mga pananim at mga punong datiles. Pinagmay-ari Niya kayo ng mga tirahan nila at mga iba pang ari-arian nila. Pinagmay-ari Niya kayo ng lupain sa Khaybar na hindi pa ninyo naapakan, subalit kayo ay aapak doon. Ito ay isang pangako at isang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ قُل لِّأَزۡوَٰجِكَ إِن كُنتُنَّ تُرِدۡنَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتَهَا فَتَعَالَيۡنَ أُمَتِّعۡكُنَّ وَأُسَرِّحۡكُنَّ سَرَاحٗا جَمِيلٗا
O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo kapag humiling sila sa iyo ng pagpapaluwag sa panggugol gayong hindi ka nagkaroon ng maipaluluwag sa kanila: "Kung kayo ay nagnanais ng buhay Mundo at ng anumang narito na gayak, halikayo sa akin, magpapatamasa ako sa inyo ng ipinatatamasa sa mga diborsiyada at magdidiborsiyo ako sa inyo nang isang diborsiyong walang pamiminsala at walang pananakit.
Tafsir berbahasa Arab:
وَإِن كُنتُنَّ تُرِدۡنَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَ فَإِنَّ ٱللَّهَ أَعَدَّ لِلۡمُحۡسِنَٰتِ مِنكُنَّ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Kung kayo ay nagnanais ng kaluguran ni Allāh at ng kaluguran ng Sugo Niya, at nagnanais kayo ng tahanang pangkabilang-buhay, magtiis kayo sa kalagayan ninyo sapagkat tunay na si Allāh ay naghanda para sa sinumang gumawa ng maganda kabilang sa inyo – dahil sa pagtitiis at kagandahan ng pakikisama – ng isang pabuyang sukdulan."
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰنِسَآءَ ٱلنَّبِيِّ مَن يَأۡتِ مِنكُنَّ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖ يُضَٰعَفۡ لَهَا ٱلۡعَذَابُ ضِعۡفَيۡنِۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٗا
O mga maybahay ng Propeta, ang sinumang gagawa kabilang sa inyo ng isang pagsuway na lantad ay pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon nang dalawang ulit dahil sa kalagayan niya at antas niya at dahil sa pangangalaga sa dangal ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Laging ang pag-iibayong iyon kay Allāh ay madali.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• تزكية الله لأصحاب رسول الله صلى الله عليه وسلم ، وهو شرف عظيم لهم.
Ang pagpapahayag ni Allāh ng katinuan ng mga Kasamahan ng Sugo Niya – pagpalain Niya ito at pangalagaan. Ito ay isang karangalang sukdulan para sa kanila.

• عون الله ونصره لعباده من حيث لا يحتسبون إذا اتقوا الله.
Ang tulong ni Allāh at ang pag-aadya Niya para sa mga lingkod Niya mula sa kung saan hindi nila inaasahan kapag nangilag silang magkasala sa Kanya.

• سوء عاقبة الغدر على اليهود الذين ساعدوا الأحزاب.
Ang kasagwaan ng kahihinatnan ng pagtataksil para sa mga Hudyo na umalalay sa mga lapian.

• اختيار أزواج النبي صلى الله عليه وسلم رضا الله ورسوله دليل على قوة إيمانهنّ.
Ang pagpili ng mga maybahay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kaluguran ni Allāh at kaluguran ng Sugo Niya ay isang patunay sa lakas ng pananampalataya nila.

۞ وَمَن يَقۡنُتۡ مِنكُنَّ لِلَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتَعۡمَلۡ صَٰلِحٗا نُّؤۡتِهَآ أَجۡرَهَا مَرَّتَيۡنِ وَأَعۡتَدۡنَا لَهَا رِزۡقٗا كَرِيمٗا
Ang sinumang mamamalagi sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya kabilang sa inyo at gagawa ng gawang maayos na kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay magbibigay sa kanya ng gantimpala na doble sa iba pa sa kanya sa lahat ng mga babae. Naghanda Kami para sa kanya sa Kabilang-buhay ng isang pabuyang masagana, ang Paraiso.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰنِسَآءَ ٱلنَّبِيِّ لَسۡتُنَّ كَأَحَدٖ مِّنَ ٱلنِّسَآءِ إِنِ ٱتَّقَيۡتُنَّۚ فَلَا تَخۡضَعۡنَ بِٱلۡقَوۡلِ فَيَطۡمَعَ ٱلَّذِي فِي قَلۡبِهِۦ مَرَضٞ وَقُلۡنَ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗا
O mga maybahay ni Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – hindi kayo tulad ng nalalabi sa mga babae sa kalamangan at karangalan, bagkus kayo, sa kalamangan at karangalan, ay nasa antas na hindi mararating ng iba pa sa inyo. Kung sumunod kayo sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiwas kayo sa mga sinasaway Niya ay huwag kayong magmalambot sa pagsasalita at huwag kayong magpakabanayad sa tinig kapag nakipag-usap kayo sa mga di-kaanu-ano na mga lalaki sapagkat baka magmithi dahilan doon ang sinumang sa puso niya ay may karamdaman ng pagpapaimbabaw at pagnanasa sa ipinagbabawal. Magsabi kayo ng isang pananalitang malayo sa pag-aalinlanganan sa pamamagitan ng pagiging seryosong hindi nagbibiro sa abot ng pangangailangan.
Tafsir berbahasa Arab:
وَقَرۡنَ فِي بُيُوتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجۡنَ تَبَرُّجَ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِ ٱلۡأُولَىٰۖ وَأَقِمۡنَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتِينَ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَطِعۡنَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓۚ إِنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيُذۡهِبَ عَنكُمُ ٱلرِّجۡسَ أَهۡلَ ٱلۡبَيۡتِ وَيُطَهِّرَكُمۡ تَطۡهِيرٗا
Mamalagi kayo sa mga bahay ninyo kaya huwag kayong lumabas mula sa mga ito nang walang pangangailangan. Huwag kayong maglantad ng mga ganda ninyo gaya ng gawain ng mga babae bago ng Islām yayamang sila noon ay nagpapakita niyon bilang pang-aakit sa mga lalaki. Magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na paraan, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Nagnanais lamang si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na mag-alis sa inyo ng nakasasakit at kasagwaan, O mga maybahay ng Sugo ni Allāh at mga tao ng bahay nito. Nagnanais Siya na magdalisay sa mga kaluluwa ninyo sa pamamagitan ng paggagayak sa mga ito ng mga mahusay sa mga kaasalan at paghuhubad sa mga ito ng mga mababa sa mga kaasalan bilang pagdadalisay na lubos, na walang matitira matapos niyon na isang karumihan.
Tafsir berbahasa Arab:
وَٱذۡكُرۡنَ مَا يُتۡلَىٰ فِي بُيُوتِكُنَّ مِنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ وَٱلۡحِكۡمَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ لَطِيفًا خَبِيرًا
Tandaan ninyo [mga maybahay ng Sugo] ang binibigkas sa mga bahay ninyo na mga talata ni Allāh na pinababa sa Sugo Niya at dinalisay na sunnah ng Sugo Niya. Tunay na si Allāh ay laging Mapagtalos sa inyo nang nagmabuting-loob Siya sa inyo dahil naglagay Siya sa inyo sa mga bahay ng Propeta Niya, Mapagbatid sa inyo nang humirang Siya sa inyo bilang mga maybahay para sa Sugo Niya at pumili Siya sa inyo bilang mga ina ng lahat ng mga mananampalataya kabilang sa kalipunan nito.
Tafsir berbahasa Arab:
إِنَّ ٱلۡمُسۡلِمِينَ وَٱلۡمُسۡلِمَٰتِ وَٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ وَٱلۡقَٰنِتِينَ وَٱلۡقَٰنِتَٰتِ وَٱلصَّٰدِقِينَ وَٱلصَّٰدِقَٰتِ وَٱلصَّٰبِرِينَ وَٱلصَّٰبِرَٰتِ وَٱلۡخَٰشِعِينَ وَٱلۡخَٰشِعَٰتِ وَٱلۡمُتَصَدِّقِينَ وَٱلۡمُتَصَدِّقَٰتِ وَٱلصَّٰٓئِمِينَ وَٱلصَّٰٓئِمَٰتِ وَٱلۡحَٰفِظِينَ فُرُوجَهُمۡ وَٱلۡحَٰفِظَٰتِ وَٱلذَّٰكِرِينَ ٱللَّهَ كَثِيرٗا وَٱلذَّٰكِرَٰتِ أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُم مَّغۡفِرَةٗ وَأَجۡرًا عَظِيمٗا
Tunay na ang mga lalaking nagpapakaaba kay Allāh sa pagtalima at ang mga babaing nagpapakaaba, ang mga lalaking tagapatotoo kay Allāh at ang mga babaing tagapatotoo, ang mga lalaking tagatalima at ang mga babaing tagatalima kay Allāh, ang mga lalaking tapat at ang mga babaing tapat sa pananampalataya nila at salita nila, ang mga lalaking nagtitiis at ang mga babaing nagtitiis sa mga pagtalima at sa paglayo sa mga pagsuway at sa pagsubok, ang mga lalaking nagkakawanggawa at ang mga babaing nagkakawanggawa ng mga yaman nila sa tungkulin at pagkukusa, ang mga lalaking nag-aayuno at ang mga babaing nag-aayuno para kay Allāh sa tungkulin at pagkukusa, ang mga lalaking nag-iingat at ang mga babaing nag-iingat sa mga ari nila sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga ito laban sa pagkakalantad sa harapan ng sinumang hindi ipinahihintulot ang pagtingin sa mga ito at sa pamamagitan ng paglayo sa kahalayan ng pangangalunya at mga paunang gawain nito, at ang mga lalaking nag-aalaala at ang mga babaing nag-aalaala kay Allāh sa mga puso nila at mga dila nang madalas nang palihim at lantaran ay naghanda si Allāh para sa kanila ng kapatawaran mula sa Kanya para sa mga pagkakasala nila at naghanda Siya para sa kanila ng gantimpalang sukdulan sa Araw ng Pagbangon, ang Paraiso.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• من توجيهات القرآن للمرأة المسلمة: النهي عن الخضوع بالقول، والأمر بالمكث في البيوت إلا لحاجة، والنهي عن التبرج.
Kabilang sa mga panuto ng Qur'ān para sa babaing Muslim ang pagsaway sa pagpapakalamyos sa pananalita, ang pag-uutos ng pananatili sa bahay maliban sa pangangailangan, at ang pagsaway sa pagtatanghal ng kagandahan.

• فضل أهل بيت رسول الله صلى الله عليه وسلم، وأزواجُه من أهل بيته.
Ang kalamangan ng mga tao ng bahay ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang mga maybahay niya ay kabilang sa mga tao ng bahay niya.

• مبدأ التساوي بين الرجال والنساء قائم في العمل والجزاء إلا ما استثناه الشرع لكل منهما.
Ang simulain ng pagkakapantayan sa pagitan ng mga lalaki at mga babae ay nakabatay sa gawa at ganti, maliban sa anumang itinangi ng Batas ng Islām para sa gawa at ganti.

وَمَا كَانَ لِمُؤۡمِنٖ وَلَا مُؤۡمِنَةٍ إِذَا قَضَى ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥٓ أَمۡرًا أَن يَكُونَ لَهُمُ ٱلۡخِيَرَةُ مِنۡ أَمۡرِهِمۡۗ وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلٗا مُّبِينٗا
Hindi natutumpak para sa isang lalaking mananampalataya ni sa isang babaing mananampalataya, kapag humatol si Allāh at ang Sugo Niya sa kanila ng isang bagay, na magkaroon sila ng pagpipilian sa pagtanggap dito at sa pagtanggi dito. Ang sinumang susuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay naligaw nga palayo sa landasing tuwid ayon nang isang pagkaligaw na malinaw.
Tafsir berbahasa Arab:
وَإِذۡ تَقُولُ لِلَّذِيٓ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ وَأَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِ أَمۡسِكۡ عَلَيۡكَ زَوۡجَكَ وَٱتَّقِ ٱللَّهَ وَتُخۡفِي فِي نَفۡسِكَ مَا ٱللَّهُ مُبۡدِيهِ وَتَخۡشَى ٱلنَّاسَ وَٱللَّهُ أَحَقُّ أَن تَخۡشَىٰهُۖ فَلَمَّا قَضَىٰ زَيۡدٞ مِّنۡهَا وَطَرٗا زَوَّجۡنَٰكَهَا لِكَيۡ لَا يَكُونَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ حَرَجٞ فِيٓ أَزۡوَٰجِ أَدۡعِيَآئِهِمۡ إِذَا قَضَوۡاْ مِنۡهُنَّ وَطَرٗاۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ مَفۡعُولٗا
[Banggitin] noong nagsasabi ka, O Sugo, sa biniyayaan ni Allāh ng biyaya ng Islām at biniyayaan mo mismo ng pagpapalaya – ang tinutukoy ay si Zayd bin Ḥārithah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa – nang dumating siya sa iyo na sumasangguni hinggil sa pumapatungkol pagdidiborsiyo sa maybahay niyang si Zaynab bint Jaḥsh. Nagsasabi ka sa kanya: "Panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo, huwag mo siyang diborsiyuhin, at mangilag kang magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya," samantalang naglilihim ka sa sarili mo ng ikinasi ni Allāh sa iyo na pagpapakasal kay Zaynab, dala ng takot sa mga tao. Si Allāh ay maglalantad sa pagdiborsiyo ni Zayd kay Zaynab, pagkatapos sa pagpapakasal mo sa kanya. Si Allāh ay higit na marapat na katakutan mo kaugnay sa bagay na ito. Kaya noong lumuwag ang loob ni Zayd, umayaw siya rito, at nagdiborsiyo siya rito, ipinakasal ito sa iyo ni Allāh upang hindi magkaroon para sa mga mananampalataya ng isang kasalanan sa pag-aasawa sa mga maybahay ng mga anak nila sa pag-aampon kapag nagdiborsiyo ang mga ito sa mga iyon at natapos ang `iddah ng mga iyon. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa: walang pipigil dito at walang hahadlang dito.
Tafsir berbahasa Arab:
مَّا كَانَ عَلَى ٱلنَّبِيِّ مِنۡ حَرَجٖ فِيمَا فَرَضَ ٱللَّهُ لَهُۥۖ سُنَّةَ ٱللَّهِ فِي ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلُۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ قَدَرٗا مَّقۡدُورًا
Hindi nangyaring kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay may anumang kasalanan o panggigipit kaugnay sa ipinahintulot ni Allāh na pagpapakasal sa [dating] maybahay ng anak niya sa pag-aampon. Siya, kaugnay roon, ay sumusunod sa kalakaran ng mga propeta bago pa niya sapagkat siya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi kauna-unahan sa mga sugo kaugnay roon. Laging ang itinatadhana ni Allāh – na pagsasagawa ng kasal na ito at pagpapawalang-saysay sa pag-aampon samantalang ang Propeta ay hindi nagkaroon dito ng opinyon o mapagpipilian – ay isang pagtatadhanang matutupad, na walang makahahadlang dito.
Tafsir berbahasa Arab:
ٱلَّذِينَ يُبَلِّغُونَ رِسَٰلَٰتِ ٱللَّهِ وَيَخۡشَوۡنَهُۥ وَلَا يَخۡشَوۡنَ أَحَدًا إِلَّا ٱللَّهَۗ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ حَسِيبٗا
Itong mga propeta ay ang nagpaabot ng mga pasugo ni Allāh na pinababa sa kanila sa mga kalipunan nila. Hindi sila nangangamba sa isa man maliban kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – kaya hindi sila pumapansin sa sinasabi ng iba pa sa kanila kapag ginagawa nila ang ipinahintulot ni Allāh para sa kanila. Nakasapat si Allāh bilang tagaingat sa mga gawain ng mga lingkod Niya upang tumuos sa kanila sa mga ito at gumanti sa kanila sa mga ito, na kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [din ang ganti].
Tafsir berbahasa Arab:
مَّا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَآ أَحَدٖ مِّن رِّجَالِكُمۡ وَلَٰكِن رَّسُولَ ٱللَّهِ وَخَاتَمَ ٱلنَّبِيِّـۧنَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا
Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo sapagkat hindi siya ama ni Zayd upang ipagbawal sa kanya ang pagpapakasal sa dating maybahay ni Zayd kapag diniborsiyo nito iyon, subalit siya ay ang Sugo ni Allāh sa mga tao at ang pangwakas sa mga propeta sapagkat walang propeta matapos niya. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kabilang sa nauukol sa mga lingkod Niya.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ ذِكۡرٗا كَثِيرٗا
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, alalahanin ninyo si Allāh sa pamamagitan ng mga puso ninyo, mga dila ninyo, at mga bahagi ng katawan ninyo nang pag-aalaalang madalas.
Tafsir berbahasa Arab:
وَسَبِّحُوهُ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلًا
Pakasakdalin ninyo Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pamamagitan ng pagluluwalhati at pagpapahayag ng kaisahan Niya sa simula ng maghapon at katapusan nito dahil sa kainaman ng dalawang oras na ito.
Tafsir berbahasa Arab:
هُوَ ٱلَّذِي يُصَلِّي عَلَيۡكُمۡ وَمَلَٰٓئِكَتُهُۥ لِيُخۡرِجَكُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَكَانَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ رَحِيمٗا
Siya ay ang naaawa sa inyo at nagbubunyi sa inyo. Dumadalangin para sa inyo ang mga anghel Niya para palabasin kayo mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya tungo sa liwanag ng pananampalataya. Laging Siya sa mga mananampalataya ay Maawain sapagkat hindi Siya nagpaparusa sa kanila kapag sila ay tumalima sa Kanya, sumunod sa ipinag-uutos Niya at umiwas sa sinasaway Niya.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• وجوب استسلام المؤمن لحكم الله والانقياد له.
Ang pagkatungkulin ng pagsuko ng mananampalataya sa kahatulan ni Allāh at ang pagpapaakay sa Kanya.

• اطلاع الله على ما في النفوس.
Ang pagkabatid ni Allāh sa anumang nasa mga kaluluwa.

• من مناقب أم المؤمنين زينب بنت جحش: أنْ زوّجها الله من فوق سبع سماوات.
Kabilang sa mga tampok na katangian ng ina ng mga mananampalataya na si Zaynab bint Jaḥsh ay na ipinakasal siya ni Allāh mula sa ibabaw ng pitong langit.

• فضل ذكر الله، خاصة وقت الصباح والمساء.
Ang kalamangan ng pag-alaala kay Allāh, lalo na sa oras ng umaga at gabi.

تَحِيَّتُهُمۡ يَوۡمَ يَلۡقَوۡنَهُۥ سَلَٰمٞۚ وَأَعَدَّ لَهُمۡ أَجۡرٗا كَرِيمٗا
Ang pagbati ng mga mananampalataya sa Araw na makikipagkita sila sa Panginoon nila ay kapayapaan at katiwasayan mula sa bawat kasamaan. Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pabuyang marangal, ang paraiso Niya, bilang ganti para sa kanila sa pagtalima nila sa Kanya at paglayo nila sa pagsuway sa Kanya.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ شَٰهِدٗا وَمُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا
O Propeta, tunay na Kami ay nagpadala sa iyo sa mga tao bilang tagasaksi sa kanila sa pamamagitan ng pagpapaabot mo sa kanila ng ipinasugo sa iyo sa kanila, bilang tagapagbalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya kabilang sa kanila hinggil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na paraiso, bilang tagapagpangamba ng mga tagatangging sumampalataya sa inihanda para sa kanila ng pagdurusang dulot Niya.
Tafsir berbahasa Arab:
وَدَاعِيًا إِلَى ٱللَّهِ بِإِذۡنِهِۦ وَسِرَاجٗا مُّنِيرٗا
Ipinadala ka bilang tagaanyaya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa utos Niya. Ipinadala ka bilang ilawang nagbibigay-liwanag na ipinanliliwanag ng bawat nagnanais ng kapatnubayan.
Tafsir berbahasa Arab:
وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ بِأَنَّ لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ فَضۡلٗا كَبِيرٗا
Magpabatid ka sa mga mananampalataya kay Allāh, na gumagawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, ng magpapagalak sa kanila na pagkakaroon nila mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isang kabutihang-loob na sukdulan na sumasaklaw sa pag-aadya sa kanila sa Mundo at pagtamo nila sa Kabilang-buhay ng pagpasok sa paraiso.
Tafsir berbahasa Arab:
وَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَدَعۡ أَذَىٰهُمۡ وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلٗا
Huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw sa ipinaaanyaya nila na pagbalakid sa relihiyon ni Allāh. Umayaw ka sa kanila sapagkat harinawang iyon ay maging higit na mag-anyaya na sumampalataya sila sa inihatid mo sa kanila. Sumandig ka kay Allāh sa lahat ng mga nauukol sa iyo. Kabilang sa mga ito ang pag-aadya laban sa mga kaaway mo. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan na sinasandigan ng mga tao sa lahat ng mga nauukol sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا نَكَحۡتُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ ثُمَّ طَلَّقۡتُمُوهُنَّ مِن قَبۡلِ أَن تَمَسُّوهُنَّ فَمَا لَكُمۡ عَلَيۡهِنَّ مِنۡ عِدَّةٖ تَعۡتَدُّونَهَاۖ فَمَتِّعُوهُنَّ وَسَرِّحُوهُنَّ سَرَاحٗا جَمِيلٗا
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kapag nakapagsagawa kayo sa mga babaing mananampalataya ng isang kasunduan ng kasal, pagkatapos nagdiborsiyo kayo sa kanila bago ng pakikipagtalik sa kanila, walang ukol sa inyo ng tungkulin sa kanila na isang `iddah (panahon ng paghihintay bago mag-asawang muli) maging ito man ay batay sa [bilang ng] mga pagreregla o mga buwan dahil sa pagkakaalam sa kawalang-laman ng mga sinapupunan nila dahil sa kawalan ng pakikipagtalik sa kanila. Magpatamasa kayo sa kanila ng mga salapi ninyo alinsunod sa kaluwagan ninyo bilang pampalubag-loob sa mga damdamin nilang nasaktan dahil sa diborsiyo. Hayaan ninyo sila sa landas nila ayon sa nakabubuti nang walang pananakit sa kanila.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِنَّآ أَحۡلَلۡنَا لَكَ أَزۡوَٰجَكَ ٱلَّٰتِيٓ ءَاتَيۡتَ أُجُورَهُنَّ وَمَا مَلَكَتۡ يَمِينُكَ مِمَّآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَيۡكَ وَبَنَاتِ عَمِّكَ وَبَنَاتِ عَمَّٰتِكَ وَبَنَاتِ خَالِكَ وَبَنَاتِ خَٰلَٰتِكَ ٱلَّٰتِي هَاجَرۡنَ مَعَكَ وَٱمۡرَأَةٗ مُّؤۡمِنَةً إِن وَهَبَتۡ نَفۡسَهَا لِلنَّبِيِّ إِنۡ أَرَادَ ٱلنَّبِيُّ أَن يَسۡتَنكِحَهَا خَالِصَةٗ لَّكَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۗ قَدۡ عَلِمۡنَا مَا فَرَضۡنَا عَلَيۡهِمۡ فِيٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ وَمَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ لِكَيۡلَا يَكُونَ عَلَيۡكَ حَرَجٞۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
O Propeta, tunay na Kami ay nagpahintulot para sa iyo sa mga maybahay mong nagbigay ka ng mga bigay-kaya sa kanila. Nagpahintulot Kami para sa iyo sa minay-ari ng kanang kamay mo na mga babaing alipin kabilang sa ipinagkaloob sa iyo na mga bihag [sa digmaan]. Nagpahintulot Kami para sa iyo ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ama, ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ama, ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ina, at ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ina, na lumikas kasama sa iyo mula sa Makkah patungo sa Madīnah. Nagpahintulot Kami sa iyo ng pag-aasawa sa isang babaing mananampalatayang nagkaloob ng sarili nito sa iyo nang walang bigay-kaya kung nagnais ka naman na mapangasawa ito. Ang pag-aasawa ng kaloob ay natatangi sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan; hindi ito ipinahihintulot sa iba pa sa kanya kabilang sa Kalipunang [Islām]. Nakaalam nga Kami ng inobliga Namin sa mga mananampalataya kaugnay sa pumapatungkol sa mga maybahay kung saan hindi ipinahihintulot para sa kanila na lumampas sila sa apat na maybahay. [Nakaalam Kami] ng isinabatas Namin para sa kanila kaugnay sa pumapatungkol sa mga babaing alipin nila kung saan tunay na ukol sa kanila na magpakaligaya sa sinumang niloob nila sa mga iyon nang walang paglilimita sa bilang. Nagpahintulot Kami para sa iyo ng ipinahintulot Namin mula sa nabanggit na hindi Namin ipinahintulot sa iba pa sa iyo upang hindi magkaroon sa iyo ng pagkailang at hirap. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• الصبر على الأذى من صفات الداعية الناجح.
Ang pagtitiis sa pananakit ay kabilang sa mga katangian ng matagumpay na tagapag-anyaya ng Islām.

• يُنْدَب للزوج أن يعطي مطلقته قبل الدخول بها بعض المال جبرًا لخاطرها.
Naiibigan para sa asawa na magbigay sa diniborsiyo niya bago ng pakikipagtalik dito ng salapi bilang pamapalubag-loob sa damdamin nito.

• خصوصية النبي صلى الله عليه وسلم بجواز نكاح الهبة، وإن لم يحدث منه.
Ang pagkanatatangi ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pagpayag sa pag-aasawa ng handog, kahit pa man hindi nangyari ito mula sa kanya.

۞ تُرۡجِي مَن تَشَآءُ مِنۡهُنَّ وَتُـٔۡوِيٓ إِلَيۡكَ مَن تَشَآءُۖ وَمَنِ ٱبۡتَغَيۡتَ مِمَّنۡ عَزَلۡتَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكَۚ ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَن تَقَرَّ أَعۡيُنُهُنَّ وَلَا يَحۡزَنَّ وَيَرۡضَيۡنَ بِمَآ ءَاتَيۡتَهُنَّ كُلُّهُنَّۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا فِي قُلُوبِكُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَلِيمٗا
Makapagpapahuli ka, O Sugo, ng sinumang niloloob mo ang pagpapahuli sa parte nito [sa gabi] para hindi ka magpamagdamag kasama nito at maisasama mo sa iyo ang sinumang niloloob mo mula sa kanila para magpamagdamag ka kasama nito. Ang sinumang hiniling mo na isama mula sa mga ipinagpahuli mo ay walang kasalanan sa iyo roon. Ang pagpili at ang pagpapaluwag na iyon para sa iyo ay higit na malapit na magalak dahil doon ang mga mata ng mga maybahay mo at na malugod sila sa ibinigay mo sa kanila sa kalahatan nila dahil sa pagkakaalam nila na ikaw ay hindi nag-iwan ng isang tungkulin at hindi nagmaramot ng isang karapatan. Si Allāh ay nakaaalam sa nasa mga puso ninyo, O mga lalaki, na pagkiling sa isa sa mga maybahay higit sa iba pa. Laging si Allāh ay Maalam sa mga gawain ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, Matimpiin: hindi nagmamadali sa kanila ng kaparusahan nang sa gayon sila ay magbabalik-loob sa Kanya.
Tafsir berbahasa Arab:
لَّا يَحِلُّ لَكَ ٱلنِّسَآءُ مِنۢ بَعۡدُ وَلَآ أَن تَبَدَّلَ بِهِنَّ مِنۡ أَزۡوَٰجٖ وَلَوۡ أَعۡجَبَكَ حُسۡنُهُنَّ إِلَّا مَا مَلَكَتۡ يَمِينُكَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ رَّقِيبٗا
Hindi pinapayagan para sa iyo, O Sugo, na mag-asawa ka pa ng mga babaing iba pa sa mga asawa mo na mga nasa pangangalaga mo. Hindi ipinahihintulot para sa iyo na diborsiyuhin mo sila o diborsiyuhin mo ang ilan sa kanila upang kumuha ka ng iba pa sa kanila bilang mga maybahay, kahit pa nagpahanga sa iyo ang kagandahan ng sinumang ninais mo na mapangasawa kabilang sa mga babaing ipa pa sa kanila. Subalit pinapayagan para sa iyo na makisama sa minay-ari ng kanang kamay mo na mga babaing alipin nang walang paglilimita sa isang itinakdang bilang. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Mapag-ingat. Ang kahatulang ito ay nagpapatunay sa kalamangan ng mga ina ng mga mananampalataya sapagkat ipinagbawal ang pagdiborsiyo sa kanila at ang pag-aasawa sa iba pa sa kanila.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَدۡخُلُواْ بُيُوتَ ٱلنَّبِيِّ إِلَّآ أَن يُؤۡذَنَ لَكُمۡ إِلَىٰ طَعَامٍ غَيۡرَ نَٰظِرِينَ إِنَىٰهُ وَلَٰكِنۡ إِذَا دُعِيتُمۡ فَٱدۡخُلُواْ فَإِذَا طَعِمۡتُمۡ فَٱنتَشِرُواْ وَلَا مُسۡتَـٔۡنِسِينَ لِحَدِيثٍۚ إِنَّ ذَٰلِكُمۡ كَانَ يُؤۡذِي ٱلنَّبِيَّ فَيَسۡتَحۡيِۦ مِنكُمۡۖ وَٱللَّهُ لَا يَسۡتَحۡيِۦ مِنَ ٱلۡحَقِّۚ وَإِذَا سَأَلۡتُمُوهُنَّ مَتَٰعٗا فَسۡـَٔلُوهُنَّ مِن وَرَآءِ حِجَابٖۚ ذَٰلِكُمۡ أَطۡهَرُ لِقُلُوبِكُمۡ وَقُلُوبِهِنَّۚ وَمَا كَانَ لَكُمۡ أَن تُؤۡذُواْ رَسُولَ ٱللَّهِ وَلَآ أَن تَنكِحُوٓاْ أَزۡوَٰجَهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦٓ أَبَدًاۚ إِنَّ ذَٰلِكُمۡ كَانَ عِندَ ٱللَّهِ عَظِيمًا
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag kayong pumasok sa mga bahay ng Propeta malibang matapos na magpahintulot siya sa inyo sa pagpasok sa mga iyon sa pamamagitan ng pag-anyaya sa inyo sa isang pagkain. Huwag kayong magpatagal ng pag-upo habang naghihintay sa pagkaluto ng pagkain, subalit kapag inanyayahan kayo sa isang pagkain ay pumasok kayo. Kapag nakakain na kayo ay lumisan kayo at huwag kayong mamalagi matapos niyon habang nakikipagpalagayang-loob ang iba sa inyo sa isang pakikipag-usap sa iba pa. Tunay na ang pamamalaging iyon ay nakasasakit sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ngunit nahihiya siya na hilingin sa inyo ang lumisan. Si Allāh ay hindi nahihiya na mag-utos ayon sa katotohanan, kaya nag-utos Siya sa inyo na lumisan upang hindi kayo makasakit sa kanya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – dahil sa pamamalagi. Kapag humiling kayo sa mga maybahay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng isang kinakailangan tulad ng kaldero at kauri nito ay humiling kayo ng kinakailangan ninyo mula sa likuran ng isang takip. Huwag kayong humiling niyon sa kanila nang harapan upang hindi makakita sa kanila ang mga mata ninyo bilang pangangalaga para sa kanila dahil sa kalagayan ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang paghiling na iyon mula sa likuran ng takip ay higit na dalisay para sa mga puso ninyo at higit na dalisay para sa mga puso nila upang hindi manuot ang demonyo sa mga puso ninyo at mga puso nila sa pamamagitan ng panunulsol at paggagayak sa nakasasama. Hindi nararapat para sa inyo, O mga mananampalataya, na makasakit kayo sa Sugo ni Allāh sa pamamagitan ng pamamalagi para sa pag-uusap ni na mag-asawa kayo ng mga maybahay niya matapos ng kamatayan niya sapagkat sila ay mga ina ng mga mananampalataya at hindi pinapayagan para sa isang [tao] na mag-asawa ng ina niya. Tunay na ang pananakit na iyon – na kabilang sa mga anyo nito ay ang pag-aasawa ninyo ng mga maybahay niya matapos ng kamatayan niya – ay bawal at itinuturing sa ganang kay Allāh na isang kasalanang sukdulan.
Tafsir berbahasa Arab:
إِن تُبۡدُواْ شَيۡـًٔا أَوۡ تُخۡفُوهُ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا
Kung maglalantad kayo ng anuman kabilang sa mga gawain ninyo o magtatakip kayo nito sa mga sarili ninyo ay walang makakukubli kay Allāh mula rito na anuman. Tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo ni mula sa iba pa sa mga ito. Gaganti Siya sa inyo sa mga gawain ninyo; kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [din ang ganti].
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• عظم مقام النبي صلى الله عليه وسلم عند ربه؛ ولذلك عاتب الصحابة رضي الله عنهم الذين مكثوا في بيته صلى الله عليه وسلم لِتَأَذِّيه من ذلك.
Ang kadakilaan ng katayuan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ganang Panginoon niya. Dahil doon pinagsabihan Niya ang mga Kasamahan – malugod Siya sa kanila – na nanatili sa bahay nito – basbasan Niya ito at batiin ng kapayapaan – dahil sa pagkagambala nito dahil doon.

• ثبوت صفتي العلم والحلم لله تعالى.
Ang katibayan ng dalawang katangian ng kaalaman at pagtitimpi para kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الحياء من أخلاق النبي صلى الله عليه وسلم.
Ang pagkahiya ay kabilang sa mga kaasalan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• صيانة مقام أمهات المؤمنين زوجات النبي صلى الله عليه وسلم.
Ang pangangalaga sa katayuan ng mga ina ng mga mananampalataya, na mga maybahay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

لَّا جُنَاحَ عَلَيۡهِنَّ فِيٓ ءَابَآئِهِنَّ وَلَآ أَبۡنَآئِهِنَّ وَلَآ إِخۡوَٰنِهِنَّ وَلَآ أَبۡنَآءِ إِخۡوَٰنِهِنَّ وَلَآ أَبۡنَآءِ أَخَوَٰتِهِنَّ وَلَا نِسَآئِهِنَّ وَلَا مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُنَّۗ وَٱتَّقِينَ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدًا
Walang kasalanan sa kanila na makakita sa kanila at kumausap sa kanila nang walang belo ang mga ama nila, ang mga lalaking anak nila, ang mga lalaking kapatid nila, ang mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, at ang mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila sa kaangkanan o pagpapasuso. Walang kasalanan sa kanila na kumausap sa kanila nang walang belo ang mga babaing mananampalataya at ang mga minay-ari ng mga kanang kamay nila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga babaing mananampalataya, kaugnay sa ipinag-utos Niya at sinaway Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat Siya ay nakasasaksi sa anumang lumilitaw mula sa inyo at namumutawi buhat sa inyo.
Tafsir berbahasa Arab:
إِنَّ ٱللَّهَ وَمَلَٰٓئِكَتَهُۥ يُصَلُّونَ عَلَى ٱلنَّبِيِّۚ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ صَلُّواْ عَلَيۡهِ وَسَلِّمُواْ تَسۡلِيمًا
Tunay na si Allāh ay nagbubunyi sa piling ng mga anghel Niya sa Sugong si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – at ang mga anghel Niya ay dumadalangin para sa Sugo. O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa mga lingkod Niya, dumalangin kayo ng pagbasbas sa Sugo at bumati kayo sa kanya ng isang pagbati ng kapayapaan.
Tafsir berbahasa Arab:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يُؤۡذُونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ لَعَنَهُمُ ٱللَّهُ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَأَعَدَّ لَهُمۡ عَذَابٗا مُّهِينٗا
Tunay na ang mga nananakit kay Allāh at sa Sugo Niya sa salita o gawa ay inilayo sila ni Allāh at itinaboy Niya sila mula sa bakuran ng awa Niya sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Naghanda Siya para sa kanila sa Kabilang-buhay ng isang pagdurusang mang-aaba bilang ganti para sa kanila sa ginawa nila na pananakit sa Sugo Niya.
Tafsir berbahasa Arab:
وَٱلَّذِينَ يُؤۡذُونَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ بِغَيۡرِ مَا ٱكۡتَسَبُواْ فَقَدِ ٱحۡتَمَلُواْ بُهۡتَٰنٗا وَإِثۡمٗا مُّبِينٗا
Ang mga nananakit ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa salita o gawa hindi dahil sa isang pagkakasalang nakamit ng mga ito na kabilang sa krimeng nag-oobliga ng pananakit na iyon ay pumasan nga ng isang kasinungalingan at isang kasalanang lantad.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ قُل لِّأَزۡوَٰجِكَ وَبَنَاتِكَ وَنِسَآءِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ يُدۡنِينَ عَلَيۡهِنَّ مِن جَلَٰبِيبِهِنَّۚ ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَن يُعۡرَفۡنَ فَلَا يُؤۡذَيۡنَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, sabihin mo sa mga babaing anak mo, at sabihin mo sa mga kababaihan ng mga mananampalataya na magbaba sila sa ibabaw nila ng bahagi ng mga balabal nila na isinusuot nila upang walang malantad mula sa kanila na `awrah (kahubaran) sa harap ng mga hindi kaanu-ano na mga lalaki. Iyon ay higit na malapit na makilala na sila ay mga malayang babae para walang gumambala sa kanila na isa man sa pamamagitan ng pananakit gaya ng gumagambala sa mga babaing alipin. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanya.
Tafsir berbahasa Arab:
۞ لَّئِن لَّمۡ يَنتَهِ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡمُرۡجِفُونَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ لَنُغۡرِيَنَّكَ بِهِمۡ ثُمَّ لَا يُجَاوِرُونَكَ فِيهَآ إِلَّا قَلِيلٗا
Talagang kung hindi tumigil ang mga mapagpaimbabaw sa pagpapaimbabaw nila sa pamamagitan ng pagkukubli nila ng kawalang-pananampalataya at paglalantad nila ng [pagsapi sa] Islām, ang mga sa mga puso nila ay may kasamaang-loob dahil sa pagkahumaling nila sa mga ninanasa nila, at ang mga nagdadala ng mga ulat na sinungaling sa Madīnah upang magpawatak-watak sa pagitan ng mga mananampalataya, talagang mag-uutos nga Kami sa iyo, O Sugo, ng pagpaparusa sa kanila at talagang magpapangibabaw nga Kami sa iyo laban sa kanila, pagkatapos hindi sila makikitira sa Madīnah maliban sa kaunting panahon dahil sa pagpapahamak sa kanila at pagtataboy sa kanila buhat doon dahilan sa panggugulo nila sa lupain.
Tafsir berbahasa Arab:
مَّلۡعُونِينَۖ أَيۡنَمَا ثُقِفُوٓاْ أُخِذُواْ وَقُتِّلُواْ تَقۡتِيلٗا
Mga itinaboy mula sa awa ni Allāh sa alinmang pook natagpuan sila, dadaklutin sila at pagpapatayin sila nang isang pagpapatay dahil sa pagpapaimbabaw nila at pagpapalaganap nila ng kaguluhan sa lupain.
Tafsir berbahasa Arab:
سُنَّةَ ٱللَّهِ فِي ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلُۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّةِ ٱللَّهِ تَبۡدِيلٗا
Ito ay kalakaran ni Allāh na natutupad sa mga mapagpaimbabaw kapag naglantad sila ng pagpapaimbabaw. Ang kalakaran ni Allāh ay matatag; hindi ka makatatagpo rito ng isang pagpapabago magpakailanman.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• علوّ منزلة النبي صلى الله عليه وسلم عند الله وملائكته.
Ang kataasan ng kalagayan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ganang kay Allāh at mga anghel Niya.

• حرمة إيذاء المؤمنين دون سبب.
Ang pagkabawal ng pananakit sa mga mananampalataya nang walang kadahilanan.

• النفاق سبب لنزول العذاب بصاحبه.
Ang pagpapaimbabaw ay isang kadahilanan ng pagbaba ng pagdurusa sa nagtataglay nito.

يَسۡـَٔلُكَ ٱلنَّاسُ عَنِ ٱلسَّاعَةِۖ قُلۡ إِنَّمَا عِلۡمُهَا عِندَ ٱللَّهِۚ وَمَا يُدۡرِيكَ لَعَلَّ ٱلسَّاعَةَ تَكُونُ قَرِيبًا
Nagtatanong sa iyo ang mga tagapagtambal, O Sugo, ng isang tanong ng pagmamasama at pagpapasinungaling at nagtatanong sa iyo ang mga Hudyo rin tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang oras niyon. Sabihin mo sa mga ito: "Ang kaalaman sa Huling Sandali ay nasa kay Allāh; walang nasa akin na anuman mula roon. Ano ang nagpaparamdam sa iyo, O Sugo, na ang Huling Sandali ay nagiging malapit na?
Tafsir berbahasa Arab:
إِنَّ ٱللَّهَ لَعَنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَأَعَدَّ لَهُمۡ سَعِيرًا
Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagtaboy sa mga tagatangging sumampalataya mula sa awa Niya at naghanda para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ng isang apoy na maglalagablab, na maghihintay sa kanila.
Tafsir berbahasa Arab:
خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ لَّا يَجِدُونَ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا
Bilang mga mamamalagi sa pagdurusa sa Apoy na iyon na inihanda para sa kanila magpakailanman, hindi sila makatatagpo roon ng isang katangkilik na magpapakinabang sa kanila, ni isang mapag-adyang magtutulak palayo sa kanila ng pagdurusa roon.
Tafsir berbahasa Arab:
يَوۡمَ تُقَلَّبُ وُجُوهُهُمۡ فِي ٱلنَّارِ يَقُولُونَ يَٰلَيۡتَنَآ أَطَعۡنَا ٱللَّهَ وَأَطَعۡنَا ٱلرَّسُولَا۠
Sa Araw ng Pagbangon, itataob ang mga mukha nila sa Apoy ng Impiyerno habang nagsasabi dahil sa tindi ng panghihinayang at pagsisisi: "O kung sana kami, sa buhay namin sa Mundo, ay nangyaring tumalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya sa amin at umiwas sa sinaway Niya sa amin at tumalima sa Sugo kaugnay sa inihatid nito mula sa Panginoon nito."
Tafsir berbahasa Arab:
وَقَالُواْ رَبَّنَآ إِنَّآ أَطَعۡنَا سَادَتَنَا وَكُبَرَآءَنَا فَأَضَلُّونَا ٱلسَّبِيلَا۠
Maghahatid ang mga ito ng isang katwirang mahina at bulaan sapagkat magsasabi sila: "Panginoon namin, tunay na kami ay tumalima sa mga pinuno namin at mga malaking tao sa mga tao namin ngunit nagligaw sila sa amin palayo sa landasing tuwid.
Tafsir berbahasa Arab:
رَبَّنَآ ءَاتِهِمۡ ضِعۡفَيۡنِ مِنَ ٱلۡعَذَابِ وَٱلۡعَنۡهُمۡ لَعۡنٗا كَبِيرٗا
O Panginoon namin, gawin Mo para sa mga pinuno at mga malaking tao na ito na nagligaw sa amin palayo sa landasing tuwid ang dalawang ibayo ng gagawin Mo para sa amin na pagdurusa dahil sa pagliligaw nila sa amin, at itaboy Mo sila mula sa awa Mo nang isang pagtataboy na sukdulan."
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ ءَاذَوۡاْ مُوسَىٰ فَبَرَّأَهُ ٱللَّهُ مِمَّا قَالُواْۚ وَكَانَ عِندَ ٱللَّهِ وَجِيهٗا
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag kayong manakit sa Sugo ninyo para maging tulad ng mga nanakit kay Moises gaya ng pamimintas nila sa kanya sa katawan niya ngunit nagpawalang-kapintasan sa kanya si Allāh laban sa sinabi nila, kaya luminaw para sa kanila ang kawalang-kaugnayan niya sa sinabi nila hinggil sa kanya. Si Moises noon sa ganang kay Allāh ay pinarangalan: hindi itinutulak ang hiling niya at hindi binibigo ang pagsisikap niya.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَقُولُواْ قَوۡلٗا سَدِيدٗا
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga ipinagbabawal Niya, at magsabi kayo ng isang sinasabing tama at tapat,
Tafsir berbahasa Arab:
يُصۡلِحۡ لَكُمۡ أَعۡمَٰلَكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡۗ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَقَدۡ فَازَ فَوۡزًا عَظِيمًا
Tunay na kayo, kung nangilag kayong magkasala kay Allāh at nagsabi kayo ng sinasabing tama, ay magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo, tatanggap Siya ng mga ito mula sa inyo, at bubura Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo kaya hindi Siya maninisi sa inyo dahil sa mga ito. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo ay nagtamo nga ng isang pagtamong sukdulan, na walang nakapapantay rito na alinmang pagtamo, ang pagtamo ng kaluguran ni Allāh at ang pagpasok sa Paraiso.
Tafsir berbahasa Arab:
إِنَّا عَرَضۡنَا ٱلۡأَمَانَةَ عَلَى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱلۡجِبَالِ فَأَبَيۡنَ أَن يَحۡمِلۡنَهَا وَأَشۡفَقۡنَ مِنۡهَا وَحَمَلَهَا ٱلۡإِنسَٰنُۖ إِنَّهُۥ كَانَ ظَلُومٗا جَهُولٗا
Tunay na Kami ay nag-alok ng [pagtitiwala sa] mga tungkuling pambatas at anumang nangangalaga sa mga yaman at mga lihim, sa mga langit, sa lupa, at sa mga bundok, ngunit tumanggi ang mga ito na pumasan niyon at nangamba ang mga ito sa kahihinatnan niyan. Pumasan naman niyon ang tao; tunay na siya ay naging napakamapaglabag sa katarungan sa sarili niya, napakamangmang sa kahihinatnan ng pagpasan niyon.
Tafsir berbahasa Arab:
لِّيُعَذِّبَ ٱللَّهُ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ وَٱلۡمُشۡرِكَٰتِ وَيَتُوبَ ٱللَّهُ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمَۢا
Pumasan niyon ang tao ayon sa pagtatakda mula kay Allāh upang pagdusahin ni Allāh ang mga mapagpaimbabaw na mga lalaki at ang mga mapagpaimbabaw na mga babae, at ang mga tagapagtambal na mga lalaki at ang mga tagapagtambal na mga babae dahil sa pagpapaimbabaw nila at pagtatambal nila kay Allāh, at upang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na gumawa ng maganda sa pagpasan ng pagtitiwala sa mga tungkulin. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• اختصاص الله بعلم الساعة.
Ang pamumukod ni Allāh sa kaalaman sa Huling Sandali.

• تحميل الأتباع كُبَرَاءَهُم مسؤوليةَ إضلالهم لا يعفيهم هم من المسؤولية.
Ang pagpapapasan ng mga tagasunod sa mga pinuno nila ng pananagutan sa pagliligaw sa kanila ay hindi magpapaumanhin sa kanila mismo sa pananagutan.

• شدة التحريم لإيذاء الأنبياء بالقول أو الفعل.
Ang tindi ng pagbabawal sa pananakit sa mga propeta sa salita o gawa.

• عظم الأمانة التي تحمّلها الإنسان.
Ang kasukdulan ng pagtitiwalang ipinapasan sa tao.

 
Terjemahan makna Surah: Surah Al-Aḥzāb
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) - Daftar isi terjemahan

Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog). Diterbitkan oleh Markaz Tafsīr Li Ad-Dirasāt Al-Qur`āniyyah.

Tutup