Check out the new design

Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) * - Daftar isi terjemahan


Terjemahan makna Surah: Az-Zumar   Ayah:
۞ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن كَذَبَ عَلَى ٱللَّهِ وَكَذَّبَ بِٱلصِّدۡقِ إِذۡ جَآءَهُۥٓۚ أَلَيۡسَ فِي جَهَنَّمَ مَثۡوٗى لِّلۡكَٰفِرِينَ
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nag-ugnay kay Allāh ng hindi nababagay sa Kanya gaya ng katambal, asawa, at anak; at walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagpasinungaling sa kasi na inihatid ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Hindi ba sa Apoy ay may kanlungan at tirahan para sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa inihatid ng Sugo Niya? Oo; tunay na ukol sa kanila ay talagang kanlungan at tirahan doon.
Tafsir berbahasa Arab:
وَٱلَّذِي جَآءَ بِٱلصِّدۡقِ وَصَدَّقَ بِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُتَّقُونَ
Ang naghatid ng katapatan sa mga sabi niya at mga gawa niya kabilang sa mga propeta at mga iba pa sa kanila, at nagpatotoo rito bilang mananampalataya at gumawa sa hinihiling nito, ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala, nang totohanan, na mga sumusunod sa ipinag-uutos ng Panginoon nila at umiiwas sa sinasaway Niya.
Tafsir berbahasa Arab:
لَهُم مَّا يَشَآءُونَ عِندَ رَبِّهِمۡۚ ذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila na mga minamasarap na mamamalagi. Iyon ay ang ganti sa mga tagapagpaganda ng mga gawa nila sa Tagalikha nila at sa mga lingkod Niya,
Tafsir berbahasa Arab:
لِيُكَفِّرَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ أَسۡوَأَ ٱلَّذِي عَمِلُواْ وَيَجۡزِيَهُمۡ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ ٱلَّذِي كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
upang bumura si Allāh para sa kanila sa pinakamasagwa sa dati nilang ginagawa na mga pagsuway sa Mundo dahil sa pagbabalik-loob nila mula sa mga ito at pagbabalik nila sa Panginoon nila, at upang gumanti Siya sa kanila ng gantimpala nila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa na mga gawang maayos.
Tafsir berbahasa Arab:
أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِكَافٍ عَبۡدَهُۥۖ وَيُخَوِّفُونَكَ بِٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٖ
Hindi ba si Allāh ay nakasasapat sa lingkod Niya na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa nauukol sa relihiyon nito at Mundo nito, at tagatulak sa kaaway nito palayo rito? Oo; tunay na Siya ay talagang nakasasapat dito. Nagpapangamba sila sa iyo, O Sugo, dala ng kamangmangan nila at kahunghangan nila dahil sa mga anito na sinasamba nila bukod pa kay Allāh, na magtamo ka ng isang kasagwaan. Ang sinumang itinatwa ni Allāh at hindi itinuon sa kapatnubayan ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay na papatnubay rito at magtutuon dito.
Tafsir berbahasa Arab:
وَمَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن مُّضِلٍّۗ أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِعَزِيزٖ ذِي ٱنتِقَامٖ
Ang sinumang itinutuon ni Allāh sa kapatnubayan ay walang tagapagligaw na nakakakaya sa pagliligaw rito. Hindi ba si Allāh ay Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, May paghihiganti sa sinumang tumatangging sumampalataya sa Kanya at sumusuway sa Kanya? Oo; tunay na Siya ay talagang Makapangyarihan, May paghihiganti.
Tafsir berbahasa Arab:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلۡ أَفَرَءَيۡتُم مَّا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ إِنۡ أَرَادَنِيَ ٱللَّهُ بِضُرٍّ هَلۡ هُنَّ كَٰشِفَٰتُ ضُرِّهِۦٓ أَوۡ أَرَادَنِي بِرَحۡمَةٍ هَلۡ هُنَّ مُمۡسِكَٰتُ رَحۡمَتِهِۦۚ قُلۡ حَسۡبِيَ ٱللَّهُۖ عَلَيۡهِ يَتَوَكَّلُ ٱلۡمُتَوَكِّلُونَ
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga silang lumikha sa mga ito si Allāh. Sabihin mo bilang paglalantad sa kawalang-kakayahan ng mga diyos nila: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa mga anitong ito na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh? Kung nagnais si Allāh na magpatama sa akin ng isang pinsala, makapagsasagawa kaya sila ng pag-aalis ng pinsala Niya sa akin? O kung nagnais sa ang Panginoon ko na gumawad sa akin ng isang awa mula sa Kanya, makakakaya ka kaya ng pagkakait ng awa Niya sa akin?" Sabihin mo sa kanila: "Kasapatan sa akin si Allāh lamang. Sa Kanya ako umaasa sa mga nauukol sa akin sa kabuuan ng mga ito at sa Kanya lamang umaasa ang mga nananalig."
Tafsir berbahasa Arab:
قُلۡ يَٰقَوۡمِ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنِّي عَٰمِلٞۖ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa lagay ninyo na kinalugdan ninyo gaya ng pagtatambal kay Allāh. Tunay na ako ay gumagawa ayon sa ipinag-utos sa akin ng Panginoon ko gaya ng pag-aanyaya sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagpapakawagas ng pagsamba para sa Kanya; kaya makaaalam kayo sa kahihinatnan ng bawat tinatahakan.
Tafsir berbahasa Arab:
مَن يَأۡتِيهِ عَذَابٞ يُخۡزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيۡهِ عَذَابٞ مُّقِيمٌ
Makaaalam kayo sa kung kanino pupunta ang isang pagdurusa sa Mundo na mang-aaba at manghahamak, at bababa sa Kabilang-buhay ang isang pagdurusang mananatiling hindi napuputol at hindi naaalis."
Tafsir berbahasa Arab:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• عظم خطورة الافتراء على الله ونسبة ما لا يليق به أو بشرعه له سبحانه.
Ang bigat ng panganib ng paninirang-puri laban kay Allāh at pag-uugnay sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ng hindi nababagay sa Kanya o sa batas Niya.

• ثبوت حفظ الله للرسول صلى الله عليه وسلم أن يصيبه أعداؤه بسوء.
Ang pagpapatibay sa pangangalaga ni Allāh sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na magpatama sa kanya ng isang kasagwaan ang mga kaaway niya.

• الإقرار بتوحيد الربوبية فقط بغير توحيد الألوهية، لا ينجي صاحبه من عذاب النار.
Ang pagkilala sa paniniwala sa kaisahan sa pagkapanginoon lamang nang walang paniniwala sa kaisahan ng pagkadiyos ay hindi magliligtas sa tao mula sa pagdurusa sa Apoy.

 
Terjemahan makna Surah: Az-Zumar
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog) - Daftar isi terjemahan

Diterbitkan oleh Markaz Tafsīr Li Ad-Dirasāt Al-Qur`āniyyah.

Tutup